top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

ni Maeng Santos @News | August 10, 2026



4 wanted sa carnapping - PNP Northern Police District

Photo: PNP Northern Police District



Dalawang wanted sa carnapping, kabilang ang 29-anyos na bebot ang naaresto sa manhunt operation sa Malabon City.


Ikinasa ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili ang operasyon laban sa dalawang akusado na kapwa residente ng Brgy. 18, Caloocan City.


Nasukol ng mga operatiba ng District Anti-Carnapping Unit ang lalaking edad 32, welder sa Brgy. Longos, habang sa Brgy. Tañong, nakorner ang babaeng.


Hindi na nakapalag ang dalawa nang arestuhin ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 36, Manila para sa kasong New Anti-Carnapping Act of 2016 (RA 10883) na parehong may inirekomendang piyansa na tig-P300K.

 
 

ni Maeng Santos @News | August 9, 2026



Oplan Galugad - File Presinto SIngko Valenzuela

Photo: File / Oplan Galugad - Presinto SIngko Valenzuela



Timbog ang dalawang lalaki kabilang ang 31-anyos na security guard, nang maaktuhang nagsusugal sa Valenzuela City.


Alas-2 ng madaling-araw, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ni Valenzuela Police Sub-Station 5 Commander P/Capt. Doddie Aguirre nang maaktuhan ang dalawang kelot na nagka-cara y cruz sa M. H Del Polar corner Sta. Cruz St., Brgy. Palasan.


Nilapitan nila ang mga ito sabay nagpakilala bilang mga pulis bago inaresto at nakumpiska sa dalawa ang bet money at pangara. Nakuha pa umano sa security guard na si alyas Pedro ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.


Ani P/MSgt. Carlito Nerit Jr., nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-illegal Gambling Law) at R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). 



 
 

ni Maeng Santos @News | August 8, 2026



Trike driver, huli sa shabu

Photo: File



Limang kelot kabilang ang dalawang drug suspects ang arestado nang maaktuhang nagsusugal sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.


Alas-9:35 ng umaga, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 8 nang mahuli nila sa akto ang tatlong nagka-cara y cruz sa isang bakanteng lote sa A-2 Tatlong St., Brgy. Ugong.


Nakuha sa kanila ang bet money, pangara at isang plastic sachet ng suspected shabu na nasamsam umano sa tricycle driver na si alyas Leo, 46.


Nauna rito, ala-1:48 ng hapon nang maaresto naman ng mga tauhan ng Police Sub-Station 9 ang dalawang lalaki na nagla-lucky 9 sa Karuhatan Public Cemetery, Brgy. Karuhatan.


Nasamsam sa kanila ang bet money, baraha at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha umano kay “Apolinar,” 46.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page