top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | October 6, 2023




Binalaan ng isang watchdog group ang publiko lalo na ang mga bata sa mga produktong pang-Halloween na ibinebenta na ngayon sa merkado.


Inihalimbawa ni Thony Dizon, campaigner ng Ban Toxics, ang ilang produkto gaya ng mga nakakatakot na maskara, face paint at make-up, mga horror blood at pangil, baskets, mga laruan at imitation weapons, bungo at buto, at iba pang Halloween items.


Karamihan aniya sa mga ito ay walang tamang label, kaya hindi dapat ibinebenta o gamitin ng mga tao.


Paalala ni Dizon, importante na mayroong Certificate of Product Notification mula sa Food and Drug Administration ang mga produkto, alinsunod sa Republic Act 10620 o Toy and Game Safety Labeling Act.


Babala ni Dizon, ang mga laruan at produkto na hindi dumaan sa tamang proseso at hindi rehistrado ay puwedeng magdulot ng kapahamakan at epekto sa kalusagan lalo na ng mga bata, dahil sa ilang taglay na toxic na kemikal gaya ng lead.


Bukod dito, ang mga item na pang-Halloween ay may iba pang potential hazards sa mga bata tulad ng choking, sunog at pagkasugat at iba pang pinsala.


Hinikayat din ng grupo ang mga gumagawa at nagbebenta ng mga laruan na sumunod sa umiiral na health at safety regulations ng bansa.



 
 

ni Madel Moratillo @News | October 3, 2023




Muling binuhay ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers ang panawagan sa pagbabalik ng death penalty sa bansa.


Kasunod ito ng pagkakadiskubre sa bilyun-bilyong pisong halaga ng shabu na nasabat sa Subic, Zambales. Ang shipment ay mayroon umanong Thai markings na may mga kasamang chicharon at dog food.


Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Barbers na isinusulong niya ang pagbuhay sa death penalty sa drug cases mula pa noong 11th Congress. Pero aminado ang mambabatas na

isang paraan lang ang death penalty dahil ang dapat ay magkaroon aniya ng reporma sa law enforcers unit.


Ang death penalty ay una nang na-abolish noong 2006



 
 

ni Madel Moratillo @News | October 3, 2023




May P900 milyong pondo ang nakapaloob sa 2023 General Appropriations Law para sa World Teachers’ Day Incentive Benefit ng mga guro ngayong taon.


Ayon kay Quezon City 4th District Rep. Marvin Rillo, dapat tumanggap ng P1,000 insentibo ang may 900K public school teachers.


Ayon kay Rillo, para sa 2024 may P912 milyon namang inilaan ang gobyerno.


Ang World Teachers’ Day ay isang international day na idineklara ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) at ipinagdiriwang ito tuwing Oktubre 5.


Ito ay pagkilala sa mga guro at kanilang mahalagang papel sa development ng mga bata.


Kasabay nito, isinulong ni Rillo ang pagpasa ng panukala na layong itaas ng 36 percent ang starting pay ng public school teachers.


Sa ilalim nito ay tataas sa P36,619 (Salary Grade 15) ang entry-level monthly pay ng public school teachers mula sa kasalukuyang P27,000 (Salary Grade 11).


Nakasaad din sa panukala ang gawing fix sa P16,000 ang minimum monthly pay ng lahat ng non-teaching personnel ng DepEd.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page