top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | Feb. 10, 2025



Si dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at VP Sara Duterte - PIO Palawan, FB Inday Sara Duterte

Photo File: Si dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at VP Sara Duterte - PIO Palawan, FB Inday Sara Duterte



Kinuwestyon ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio kung bakit nabigo ang House Quad Committee na sundan ang mga tanong patungkol sa iregularidad umano sa paggamit ng P125 milyong confidential funds ng Office of the Vice-President. 


Nagtataka si Carpio kung bakit hindi nila tinanong ang mahalagang tanong kung paano napunta sa dalawang military aide. 


“I really cannot understand. The House did not ask the most important question. They should have asked the 2 military aides: ‘Anong ginawa n'yo sa P125 million na ended up in your possession?’” giit ni Carpio. 


Pwede kasi aniyang ang pera ay napunta kay Duterte, Mary Grace Piattos o sa kanilang bulsa mismo. 


Seryoso aniyang akusasyon ang mga ito at depende sa mga prosecutor kung may ebidensya sila.

 
 

ni Madel Moratillo @News | Jan. 24, 2025



Comelec - Ballot Printing

File Photo: Comelec


Muling ipinagpaliban ang nakatakda sanang muling pag-imprenta ng opisyal na mga balota na gagamitin sa eleksyon sa Mayo.


Sa abiso ng Commission on Elections (Comelec), ang dapat sanang pagpapatuloy ng ballot printing ngayong araw, Enero 24, ay muling inilipat sa Enero 27, Lunes, na gagawin sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.


Ito ay kasunod ng pag-atras ng senatorial candidate na si Francis Leo Marcos nitong Huwebes.


Ayon sa Comelec, si Marcos ay isa sa mga nabigyan ng temporary restraining order ng Korte Suprema na pumipigil sa desisyon ng komisyon na ideklara itong nuisance candidate ng Commission en banc.


Panawagan ni Comelec Chairman George Garcia sa mga may plano pang umatras na maghain na bago pa sila magsimulang mag-imprenta.

 
 

ni Madel Moratillo @News | March 28, 2024



ree

Isinusulong sa Kamara ang panukalang batas para payagan ang pet owners na maisakay ang kanilang mga alaga sa pampublikong sasakyan at establisimyento.


Sa ilalim ng House Bill 6786 o ang "Pet Transport Act" ni Parañaque Rep. Edwin Olivarez, nais na mapayagan ang mga alagang hayop na maibiyahe sakay ng public utility vehicles (PUV).


Pero may ilang kondisyon, dapat nasa loob sila ng carrier o cage kung may ibang pasahero sa loob ng PUV.


Hindi sila dapat na i-confine habang ibinabiyahe. Pero dapat tiyakin din ng pet owners na walang mabahong amoy at malinis ang kanilang alaga.


Dapat ding tiyakin na hindi makakasira ang alaga o magkokompromiso sa kaligtasan ng ibang pasahero.


Ang pet owner din ang mananagot kapag may nasira sa PUV.


Sa House Bill 9570 o "Pets in Food Establishments Act” naman ni Kusug Tausug Partylist Rep. Shernee Tan Tambut, isinusulong na payagan ang pet dogs at cats sa food establishments.


Ang mga service animal o aso na nasa ilalim ng kontrol ng uniformed law enforcement officers o uniformed employees ng private agencies na deputized ng gobyerno at ginagamit for security functions ay hanggang sa labas lang ng restaurant. Ang pagkain at tubig para sa mga alagang hayop ay dapat na sa single-use disposable containers.


Bawal naman makisalamuha nang direkta ang empleyado ng food facility sa mga hayop habang naka-duty.


Sa ilalim ng panukala, nakasaad na ang lalabag sa mga probisyon ay puwedeng makulong ng 2 buwan hanggang 1 taon at magmulta ng 10 libong piso.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page