top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | July 20, 2023




Puwede na ngayong makakuha ng libreng review classes para sa kanilang licensure exam ang mga nursing student.


Ito ay matapos na lumagda sa isang joint agreement order ang Department of Health (DOH), Commission on Higher Education (CHED) at Private Sector Advisory Council.


Layon nitong maresolba ang kakulangan ng mga nurse sa bansa.


Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, maraming nursing students at graduates ang hindi nakakakuha ng review classes dahil sa mataas na presyo na umaabot sa P20K hanggang P25K.


Ayon naman kay CHED Chairperson Prospero de Vera III, nais nitong makapag-produce ng mas maraming nurse sa bansa.


 
 

ni Madel Moratillo @News | July 19, 2023




Tuloy ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ng Duterte administration.


Ito ay matapos ibasura ng Appeals Chamber ng ICC ang apela ng gobyerno ng Pilipinas na kumukontra sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa drug war ng nakaraang administrasyon.


Mayorya ng mahistrado ang pabor na imbestigahan ang war on drugs, dalawa naman ang tutol, kasama ang presiding judge ng ICC Appeals Chamber na si Marc Perrin De Brimchambaut.


Hindi tinanggap ng chamber ang argumento ng Pilipinas na nagkamali ang ICC dahil wala nang hurisdiksyon dito ang International Court mula nang kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute.


Nagkamali rin umano ang Pilipinas nang hindi nito inilatag nang maayos at natalakay nang sapat ang isyu sa Pre-Trial Chamber. Kasama rin sa ibinasura ng chamber ang argumento ng Pilipinas na nagkaroon din ito ng mga imbestigasyon at prosekusyon sa Pilipinas laban sa mga sangkot sa war on drugs.


 
 
  • BULGAR
  • Jul 17, 2023

ni Madel Moratillo @News | July 17, 2023




Bumaba pa sa 5.6% ang nationwide COVID-19 positivity rate ng bansa.


Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, mas mababa ito ng bahagya kumpara sa dating 5.8% na positivity rate noong Hulyo 14.


Sa datos aniya ng Department of Health, may 283 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa noong Hulyo 15.


Dahil dito, pumalo na sa 4,169,644 ang kabuuang kaso ng COVID-19 cases sa bansa. Sa naturang bilang, 5,879 ang aktibong kaso.


May 2 namang bagong nasawi dahil sa virus kaya pumalo na sa 66,510 ang kabuuang nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.


May 431 namang bagong naitalang gumaling mula sa sakit, kaya umabot na ngayon sa 4,097,255 ang kabuuang gumaling sa Pilipinas.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page