top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | July 31, 2023




Ilang simbahan ang pinasok na rin ng tubig-baha sa Pampanga dahil sa Bagyong Falcon.


Sa bayan ng Macabebe, binaha na rin ang Lord Parish pero tuloy pa rin ang kanilang pagsisimba.


Sa bayan ng Masantol, lubog din sa baha ang mga simbahan.


Sa datos ng Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa 196 na barangay mula sa 16 na bayan sa lalawigan ang lubog sa baha.



 
 

ni Madel Moratillo @News | July 31, 2023




Kinalampag ni Davao City Cong. Paolo Duterte ang mga kapwa mambabatas na maaksyunan na ang inihaing panukala na gawing libre ang licensure examinations sa bansa.


Ang House Bill 4927 o Free Professional Examinations Act ay noong Setyembre 2022 pa inihain nina Duterte at Benguet Rep. Eric Yap pero nakabinbin pa rin hanggang ngayon.


Layon aniya ng mga pagsusulit na makita ang kaalaman ng mga ito at hindi ang kanilang pinansyal na kalagayan.


Sakaling maging ganap na batas, sakop nito ang mga pagsusulit na ibinibigay ng Professional Regulation Commission (PRC), Civil Service Commission (CSC), at maging ang Bar Examinations.


Kung maging batas, ang mga indigent na estudyante ay kailangan lang ng certification mula sa Department of Social Welfare and Development.



 
 

ni Madel Moratillo / Mai Ancheta @News | July 31, 2023




Walo hanggang 11 bagyo pa ang tinatayang papasok sa Pilipinas hanggang sa katapusan ng taon.


Ayon kay PAGASA Deputy Administrator Dr. Nathaniel Servando, aasahan ang mas malalakas na bagyo sa pagitan ng Setyembre at Oktubre.


Samantala, umabot na sa 16 ang naitalang nasawi dahil sa Super Typhoon Egay at sa Habagat. Sa report ng NDRRMC, may 52 naitalang sugatan habang 20 ang nawawala.


Pumalo naman na sa P5.9 bilyon ang naitalang pinsala sa imprastraktura at agrikultura.


Nasa 22 libong bahay naman ang nasira na tinatayang aabot sa P344K ang halaga. May mahigit 1 milyong residente naman ang naapektuhan ng Bagyong Egay sa 13 rehiyon ng bansa.


May 40 na lugar ang nagdeklara ng state of calamity dahil kay 'Egay' at Habagat.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page