top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | August 5, 2023




Bawal ding sumilong sa flyover ang mga vendor kapag umuulan.


Paliwanag ni Metropolitan Manila Development Authority Director for Traffic Enforcement Group Victor Nuñez, bawal naman talagang magtinda ang mga street vendor kung wala silang permit.


Kaya nga aniya hinuhuli ang mga illegal vendor dahil bawal ang illegal vending sa kahit saang pampublikong lugar.


Matatandaang una nang sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na bawal sumilong sa ilalim ng flyover ang mga motorsiklo dahil sa panganib nito hindi lang sa rider kundi maging sa iba pang motorista. Lalo na aniya kapag nag-zero visibility dahil sa lakas ng

ulan.


Pinapayagan lang aniya ang mga ito na tumigil saglit para magsuot ng kapote pero dapat umalis din agad.


Ayon sa MMDA, ang mga lalabag dito ay pagmumultahin ng P1,000.



 
 

ni Madel Moratillo @News | August 4, 2023




Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na sa Agosto 29 magsisimula ang School Year 2023-2024 para sa lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya.


Ito ay sa gitna ng panawagan ng iba't ibang grupo maging ng mga mambabatas na maibalik ang pagbubukas ng klase sa dating school calendar bago ang COVID-19 pandemic.


Kasunod ito ng reklamo na sobrang init sa mga classroom dahil summer season ang klase.


Bago ang pandemya, karaniwang unang linggo ng Hunyo nagbubukas ang klase habang Abril at Mayo ang bakasyon.


Para naman sa mga nasa pribadong paaralan, batay sa Republic Act No. 11480, puwedeng magdesisyon kung kailan magbubukas ng klase pero ito ay mula unang Lunes ng Hunyo at hindi lalagpas sa huling araw ng Agosto.



 
 

ni Madel Moratillo @News | August 3, 2023




Umabot na sa mahigit 7 bilyong piso ang naitalang pinsala ng Super Typhoon Egay at Habagat sa mga imprastraktura sa Cordillera Administrative Region, Ilocos region, Cagayan Valley, at Central Luzon.


Sa report ng Department of Public Works and Highways, sa flood-control structures naitala ang pinakamalaking pinsala na umabot sa P5.6B, P1.2B sa mga kalsada at P162.6M naman sa mga tulay.


Sa Cordillera Administrative Region, 9 pa ang nananatiling hindi passable sa mga motorista kabilang sa mga apektado ay sa Abra, Apayao, Mt. Province, Kalinga at Ifugao.


Sa Region 1 ay apektado pa sa Ilocos Sur, at Pangasinan.


Sa Region 3 naman ay sa Pampanga.


May 11 kalsada naman sa CAR, Regions 1, 3 at 6 ang may limited access sa mga motorista dahil pa rin sa nag-collapse na lupa, road slip, rockslide, landslide at baha.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page