top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | August 27, 2023




Sa gitna ng problema sa matinding trapiko sa bansa, iminungkahi ng isang grupo ng mga negosyante ang pagkakaroon ng pre-booking system sa pagsakay sa bus.


Paliwanag ni Philippine Chamber of Commerce and Industry President George Barcelon, napapanahon nang i-modernize ang sistema ng transportasyon sa bansa.


Halos lahat naman aniya ay mayroong mobile phone kaya puwede nang magpatupad ng pre-booking system sa pagsakay ng bus.


Puwede aniyang gawing modelo ang sistema na ginagamit sa ibang bansa na may numbering system.


Sa mobile phone, makikita umanoa ang oras ng dating ng mga bus kaya hindi na maiipon ang mga pasahero at maiiwasan ang siksikan sa bus stop.



 
 

ni Madel Moratillo @News | August 25, 2023




Inirekomenda na ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban sa ilang opisyal ng gobyerno at pribadong indibidwal na isinasangkot sa Pharmally Pharmaceutical Corporation controversy.


Sa isang resolusyon, inirekomenda na ng special panel of investigators ng Ombudsman ang pagsasampa ng 3 bilang ng kasong graft laban kina dating Usec. Lloyd Christopher Lao, dating Procurement Service-Department ng Budget and Management, Warren Rex Liong, dating procurement director at kasalukuyang overall deputy Ombudsman, Paul Jasper de Guzman, procurement management officer, mga opisyal ng Pharmally sa pangunguna ng magkapatid na Twinkle at Mohit Dargani, Linconn Ong, Justine Garado at Huang Tzu Yen at iba pa.


May kaugnayan ang kaso sa iregularidad sa pagbili ng RT-PCR test kits na nagkakahalaga ng P4.16 billion. Sinasabing bukod sa overpriced ay substandard din umano ang mga na-purchase na supplies.


Naging kontrobersyal ang Pharmally dahil ang capital nito ay P625,000 lamang pero nakakuha ito ng malaking kontrata sa gobyerno noong kasagsagan ng pandemya.



 
 

ni Madel Moratillo @News | August 24, 2023




Paparusahan ng pamunuan ng Pambansang Pulisya ang mga pulis na masasangkot sa iregularidad.


Ayon kay Lt. Gen. Rhodel Sermonia, Deputy Chief for Administration ng Philippine National Police, iipitin ang sahod ng mga pulis na masasangkot sa iregularidad, katiwalian o pang-aabuso.


Ang pahayag ay ginawa ni Sermonia sa gitna ng pagdinig ng Senado sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar kung saan sangkot ang 6 na Navotas police.


Ito ay para hindi na aniya pamarisan pa ang mga ito ng ibang pulis.


Rerepasuhin din umano ang kaso ng mga pulis na na-dismiss at muling nakabalik sa puwesto.


Aalamin aniya kung sino ang dapat na managot dito.


Nakakahiya aniya na kahit lumaki na ang sahod ng mga pulis ay mayroon pa ring nasasangkot sa iregularidad.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page