top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | September 2, 2023




Hindi ipagbabawal ng Department of Education ang Christmas decorations sa mga pampublikong paaralan.


Basta ayon kay DepEd Spokesperson Usec. Michael Poa ay hindi permanente ang mga dekorasyon na ito.


Dapat simple lang din aniya ang dekorasyon.


Nagpaalala naman si Poa na bawal ang magpa-contests para sa best Christmas decorations sa mga classrooms.


Ayaw lang aniya nilang maabala at gumastos pa ang mga guro para rito.


Una rito, ipinag-utos ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pag-alis ng “unnecessary” na dekorasyon gaya ng visual aids sa pader ng mga klasrum.



 
 

ni Madel Moratillo @News | August 31, 2023




Kinumpirma ng Korte Suprema na naging empleyado si Wilfredo Gonzales, ang dating pulis na nasa video na nanutok ng baril sa isang siklista.


Gayunman, ayon sa SC, agad sinibak at tinerminate ang employment ni Gonzales noong Agosto 27 matapos malaman ang insidente.


Si Gonzales ay coterminous employee umano sa tanggapan ni Associate Justice Ricardo Rosario. Binigyang-diin ng SC na hindi kukunsintihin ni Justice Rosario ang anumang uri ng karahasan o pang-aabuso.


Si Gonzales ay dati nang na-dismiss sa Philippine National Police noong June 2018 dahil sa grave misconduct.



 
 

ni Madel Moratillo @News | August 30, 2023




Hindi na palalawigin ng Commission on Elections (Comelec) ang petsa ng paghahain ng certificate of candidacy para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Kasabay nito, umapela si Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, na huwag sa huling araw o sa September 2 dumagsa.


Sa ikalawang araw ng paghahain ng kandidatura, napansin ng Comelec na kakaunti na ang bilang ng mga naghahain ng COC sa iba’t ibang venue.


Sa initial na datos ng Comelec, nitong Lunes, Agosto 28, unang araw ng paghahain ng COC ay umabot sa higit 273 libo ang nag-file ng kandidatura.


Katumbas ito ng 35.23% ng 672 libong bakanteng puwesto na pupunuan para sa BSKE.


Samantala, iniulat din ng Comelec na may 4 na election related violence ang naitala kasabay ng pagsisimula ng election period para sa BSKE.


Ang 2 rito ay sa bayan ng Libon sa Albay, kung saan ang sangkot ay isang naghain sa pagka-kapitan at isa naman ay kagawad, bukod pa sa nangyari sa Maguindanao at Rizal.


Tiniyak ng Comelec ang mahigpit na monitoring sa mga lugar na posibleng magkaroon ng karahasan lalo at inaasahan aniyang mas mataas ang tensyon sa barangay level.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page