top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | September 7, 2023




Papayagan nang makapaglayag ang ilang passenger at cargo vessel kahit may bagyo o signal number 1.


Ito ay matapos na amyendahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang polisiya sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat. Ayon kay Capt. Jomark Angue, Deputy Chief ng Coast Guard Staff for Maritime Safety Services, dumaan ito sa masusing pag-aaral.


Kabilang umano sa kanilang ikinunsidera ay ang pang-ekonomiya lalo at apektado ang biyahe ng supply dahil kapag may signal number 1 lahat ng sasakyang pandagat, bawal bumiyahe.


Gayunman, nilinaw naman niya na ang papayagan lang ay depende sa barko.


Papayagan lang din aniya ito para sa mga dadaan sa main supply routes at short distance voyage.


Tiniyak naman ng PCG ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa PAGASA.





 
 

ni Madel Moratillo @News | September 6, 2023




Tiniyak ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na hindi bibigyan ng anumang volunteer work sa panahon ng kanilang 30-day break pagkatapos ng School Year 2023-2024.


Pagtiyak ng Bise Presidente, kasama na ito sa kanilang End of School Year (EOSY) rights sa official school calendar.


Ang EOSY ang kasalukuyang academic year na itinakda mula Hunyo 17 hanggang Agosto 25 ng 2024.


“We made sure that this year’s school calendar, teachers will have 30 straight days of rest during the break without any DepEd activity that requires volunteer work,” pahayag ni Duterte.


Lahat aniya ng aktibidad na may voluntary participation ay itinakda pagkatapos ng nasabing 30-day break.


Nakatakda aniyang maglabas ang DepEd ng memorandum kung saan pagpapaliwanagin ang mga school head at regional directors kung may mga gurong magrereklamo sa panahon ng 30-day break.




 
 

ni Madel Moratillo @News | September 3, 2023




Pumalo na sa 233 ang bilang ng nasawi dahil sa leptospirosis sa Pilipinas sa unang 7 buwan ng taon.


Sa datos ng Department of Health, ito ay mula sa 2,168 kaso ng leptospirosis na naitala sa bansa.


Ang bilang na ito ay mas mataas ng 52% sa 1,423 kasong naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.


Noong nakaraang taon, nasa 201 naman ang nasawi dahil sa leptospirosis.


Pinakamataas na kaso ng sakit ay naitala sa Region 9, sinundan ng MIMAROPA, at Cordillera Administrative Region. Ayon sa DOH, inaasahang mas tataas pa ang mga kaso ng sakit dahil sa epekto ng mga Bagyong Egay, Falcon, Goring at Habagat.


Paalala ng DOH, kung lumusong sa baha, hugasan ito gamit ang malinis na tubig at sabon. Pinapayuhan ding magpunta sa health center lalo kung matagal na lumusong sa baha at may sugat para mabigyan ng prophylaxis.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page