top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | September 23, 2023




Pumanaw na ang dating mambabatas at dating alkalde ng Marikina City na si Bayani Fernando, sa edad na 77. Kinumpirma ito ng kanyang misis na si Maria Lourdes.


Si Fernando ay nagsilbi ring hepe ng MMDA mula 2002 hanggang 2009. Siya ang nasa likod ng rapid bus lanes at 'Metro Gwapo' campaign.


Nagsilbi rin siyang kalihim ng Department of Public Works and Highways noong panahon ng Arroyo administration.


Ayon naman sa post ng kanyang dating chief of staff na si Aaron Garcia, nag-aayos ng bubong ng kanilang bahay si Fernando nang madulas ito at mahulog na sanhi ng kanyang pagkamatay.



 
 

ni Madel Moratillo @News | September 22, 2023




Dismayado ang Public Attorney’s Office (PAO) na nalagay sa alanganin ang kanilang abogado na tumulong sa paggawa ng affidavit ng dalawang environmental activist.


Binigyang diin ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta na bukod sa sulat-kamay na salaysay nina Jonila Castro at Jhed Tamano, personal din silang kinausap ng kanilang PAO lawyer sa Bulacan na si Atty. Joefer Baggay.


Naka-video rin aniya ang panayam ni Baggay sa dalawa bilang patunay na naging maayos ang proseso bago ginawa ang sinumpaang salaysay.


Wala rin umanong pilitan na nangyari at lahat ay ginawa ng dalawa nang kusang-loob.


Ang pahayag ni Acosta ay kasunod ng pagbaliktad nina Castro at Tamano at iginiit sa isang press conference na dinukot diumano sila ng militar at hindi sila kusang-loob na sumuko.


Kasunod nito, may lumabas na artikulo naman na sabi umano ng National Union of People's Lawyers na puwedeng madawit din sa dapat kasuhan ang public defender na tumulong sa paghanda sa affidavit ng dalawa.


Giit ng PAO, ang mga ganitong pahayag ay iresponsable. Ang PAO aniya ay miyembro ng Task Force Balik Loob ng pamahalaan na itinatag para muling bigyan ng pag-asa ang mga rebel surrenderees na muling makisalamuha sa pamayanan.



 
 

ni Madel Moratillo @News | September 21, 2023




Magpapatupad ng malaking pagbabago ang Commission on Elections (Comelec) sa 2025 midterm polls.


Sa plenary debate para sa budget ng Comelec sa 2024, sinabi ni Surigao del Norte Rep. Francisco Jose Bingo Matugas II, na nag-sponsor ng 2024 budget, hindi na gagamit ang Comelec ng transparency server sa 2025.


Ito ay para mawala aniya ang isyu sa IP address, sa halip ay didirekta na ito mula sa mga presinto deretso na sa main server.


Ito ay para mawala na rin aniya ang mga kwestyon sa transmission logs.


Pero papayagan naman ng Comelec ang "virtual counting" ng mga boto sa precinct level.


“Magkakaroon po ng opportunity ang mga watchers na tingnan 'yung ballots na na-feed doon sa machine for this coming 2025 election. Mapi-picture-an nila 'yung mga balota and then they can count it manually doon mismo sa presinto bago i-print 'yung election return so that they can compare," pahayag ni Matugas.


Gagamit din aniya ang Comelec ng blockchain technology para maging secure ang transmission ng election result.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page