top of page
Search

ni Lolet Abania @News | January 29, 2023


Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Sarangani ngayong Linggo ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Alas-12:23 ng hapon, naitala ang tectonic na lindol na ang epicenter ay matatagpuan sa layong 05.65°N, 125.29°E - 021 km S 28° E ng munisipalidad ng Glan.


Habang may lalim itong 27 km. Naramdaman ang Intensity III sa Jose Abad Santos, at Sarangani, Davao Occidental; Glan, Sarangani; General Santos City. Intensity II ang naitala sa Don Marcelino, at Malita, Davao Occidental; Alabel, Kiamba, ar Malapatan, Sarangani; Polomolok, South Cotabato.


Ayon pa sa ahensiya, wala namang inaasahang pinsala matapos ang pagyanig subalit posibleng magkaroon ng mga aftershocks. Unang nai-report ng PHIVOLCS ang lindol na magnitude 4.7, subalit in-update rin ng ahensiya ang kanilang bulletin na naitalang magnitude 5.


 
 
  • BULGAR
  • Jan 28, 2023

ni Lolet Abania | January 28, 2023




Dalawa ang nasugatan matapos sumiklab ang sunog sa residential area sa kahabaan ng Gumamela Street sa Barangay Roxas, Quezon City, ngayong Sabado ng hapon.


Alas-3:06 ng hapon itinaas sa unang alarma ang sunog at umabot sa ikalawang alarma makaraan ang 6 na minute.


Batay sa command post ng Bureau of Fire Protection (BFP), isang 63-anyos na lolo at isang 15-anyos na babae ang nai-report na nasugatan dahil sa sunog. Naapula naman ng mga bumbero ang apoy ng alas-4:33 ng hapon.


Ayon sa local disaster response monitoring team, tinatayang 100 pamilya o 300 indibidwal ang apektado sa insidente. Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang naging dahilan ng sunog.


 
 

ni Lolet Abania | January 27, 2023




Nakapagtala ng 44 bagong kaso ng Omicron COVID-19 subvariants ang Department of Health na na-detect sa bansa. Base sa latest biosurveillance report ng ahensiya, may 19 na na-classify bilang BA.2.3.20, isang kaso bilang BN.1, 4 na BA.5 kabilang ang isang kaso ng BQ.1, 8 bilang XBB at may 12 iba pang Omicron subvariants.


Ayon sa DOH, ang mga samples ay pinroseso ng University of the Philippines-Philippine Genome Center noong Enero 18. Batay pa sa report, lahat ng karagdagang kaso ng BA.2.3.20 ay mga local cases mula sa Regions 1, 3, at 4A, habang lahat ng XBB cases naman ay mula sa Regions 1, 3, 9, at National Capital Region.


Sinabi rin ng ahensiya na ang bagong na-detect na kaso ng BN.1 ay isang returning overseas Filipino (ROF). Sa apat na BA.5 cases naman na na-detect, 3 rito ay mga local cases mula sa Region 3 at Cordillera Administrative Region (CAR), at ang natitirang kaso ay isang ROF, anang ahensiya.


Ayon pa sa report, ang BA.5 ay nananatiling dominant strain sa Pilipinas na may 12,663 cases. Kasunod ang BA.2.3.20 na may 3,920 cases, XBB na 969 cases, XBC na may 611 cases, at BA.4 na nasa 325 cases. Naka-detect din ang DOH ng 40 BA.2.75 cases, 20 kaso ng BQ.1, 7 BF.7 cases at 5 kaso ng BN.1.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page