top of page
Search

ni Lolet Abania | Enero 31, 2023



Handa na ngayon si Department of Health (DOH) officer-in-charge Dra. Maria Rosario Vergeire, kung at kailan siya itatalaga bilang susunod na kalihim ng kagawaran.


“Based from this 6 months or more, I am ready,” pahayag ni Vergeire sa isang interview ngayong Martes. “The hesitancies are there but sa tingin ko, baka kailangan ako ng Pilipino,” saad niya.


Nang maupo noong Hunyo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay wala pa itong in-appoint na full-time DOH chief, na isang mahalagang posisyon sa kanyang gabinete.


Itinalaga ng Pangulo si Vergeire bilang officer-in-charge ng DOH noong Hulyo.


Ayon kay Vergeire, tatalakayin niya ang usapin kay Pangulong Marcos.


“It will go a process where I can discuss this with the President that I am now ready to be appointed if and when that would be his decision,” aniya sa press briefing ngayong hapon.


“For the past 6 months, I've experienced going to the ground... I’ve seen a lot of opportunity that I can change and lead reforms with,” saad ni Vergeire.


Sinabi ni Vergeire na ang kanyang tenure sa ahensiya ang isa sa mga rason ng una niyang pag-aalangan na tanggapin ang posisyon. At habang aniya, kaya niyang manungkulan sa anumang administrasyon bilang isang career official, maaari lamang siyang manatili ng 5 taon bilang health secretary at kailangang ma-secure ang kumpirmasyon ng Commission on Appointments (CA).


“The hesitancies will always be. There are a lot of issues, there are a lot of considerations, but syempre mananaig pa rin kung ano talaga ‘yung gusto mong gawin. Sa tingin ko, I’ve reached that point na ito na ‘yung time para makatulong talaga ako para sa ating bansa,” sabi ng opisyal.


“With all of these things happening at sa lahat ng trabaho na kailangan gawin for us to really improve on our healthcare system, sa tingin ko, this is the appropriate time for me to help the country,” wika pa ni Vergeire.

 
 

ni Lolet Abania | Enero 30, 2022



Magsasagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng pilot test kaugnay ng mall voting sa limang establisimyento sa Metro Manila para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Sa isang interview ng mga reporters ngayong Lunes, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, plano nilang gawin ang pilot testing sa SM Manila, Robinsons Manila, Robinsons Magnolia at dalawa pang malls sa National Capital Region (NCR).


“Plano po ng inyong Commission on Elections na magkaroon ng pilot test sa limang malls sa Metro Manila,” ani Garcia.


“Kaya po natin susubukan ‘yan dahil maganda rin nating maitanong, bakit ba laging sa eskwelahan tayo nagpapaboto samantalang binibigay po nang libre ng mga malls at malalaking espasyo ang binibigay sa atin para makapagparehistro ang ating mga kababayan. So, kung kaya nating magparehistro sa mga mall, bakit hindi natin kayang magpaboto sa mga malls?” pahayag ng opisyal.


Ayon kay Garcia, maraming magiging pakinabang sakaling isagawa ang mall voting para sa BSKE tulad ng tiyak na seguridad, pag-iwas sa pamamahagi ng mga sample ballots, at mape-preserve ang mga school equipment gaya ng mga upuan ng mga estudyante.


“So napaka-convenient po sa’ting mga kababayan subalit... may obligasyon ang Comelec na kung matutuloy po ang mall voting, dapat po massive information drive, information dissemination,” sabi ni Garcia.


“Dapat po lahat ng mga kababayan nating rehistradong botante doon sa mga presintong maapektuhan, dapat alam nilang lahat na ang pagboto nila ay hindi na sa eskwelahan kung saan sila dating bumoboto. Obligasyon namin na ipaalam sa kanila na dito na kayo boboto sa mga mall na ito,” dagdag pa niya.


Samantala, batay sa datos ng Comelec, umabot na sa mahigit 2 milyong botante ang nakarehistro para sa 2023 BSKE nitong Enero 28, 2023.


Sa latest figures na inilabas ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco, nakapagtala ng 2,076,491 na naproseso ang kanilang registration sa regular process, habang nasa 8,651 ang nakarehistro na sa pamamagitan ng Registration Anywhere Project (RAP).


Umabot na ang kabuuang bilang ng mga registrants sa 2,085,142 para sa 2023 BSKE. Sa naturang bilang nasa 1,243,822 ang bagong registrants.

 
 

ni Lolet Abania | Enero 30, 2022



Dalawang pasahero ang nasugatan matapos na magliyab ang isang bus sa EDSA Carousel Busway sa Makati City nitong Linggo ng gabi. Sa report ng GMA News, pasado alas-9:00 ng gabi naganap ang insidente sa corner ng EDSA at Ayala Avenue, Makati.


Ayon sa driver ng bus na si Roel Salarsa, una siyang nakakita ng usok kasunod nito ay nag-apoy na. Agad naman niyang inihinto ang bus at binuksan ang pinto nito. Dali-dali ang mga pasahero at naggitgitan na makalabas ng bus na nagresulta sa pagkakasugat ng dalawang komyuter. Sinabi ng isang representative ng BovJen Bus Company, dinala na ang mga pasahero sa ospital habang sasagutin ng kumpanya ang medikal na gastusin ng mga ito. Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection-Makati City para tukuyin ang naging dahilan ng sunog.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page