top of page
Search

ni Lolet Abania | Pebrero 4, 2023




Patuloy na makakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa Luzon, ayon sa PAGASA ngayong Sabado.


Base sa 4PM weather forecast ng PAGASA, makararanas ang Visayas, Mindanao, at Palawan ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-uulan o thunderstorms dahil ito sa localized thunderstorms.


Pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat sa posibleng flash floods o landslides dahil sa severe thunderstorms.


Habang ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang mga pag-uulan.


Ayon sa PAGASA, “the wind speed forecast for Luzon and Visayas will be moderate to strong, while coastal water conditions will be moderate to rough.


” Makararanas naman ang Mindanao ng mahina hanggang sa katamtamang bugso ng hangin na may bahagya hanggang katamtamang kondisyon ng coastal water, batay pa sa weather bureau.

 
 

ni Lolet Abania | Pebrero 4, 2023




Isang babae ang natagpuang patay matapos na isang sinkhole ang nabuo malapit sa kanyang tirahan sa Danao City, Cebu, nitong Biyernes ng gabi.


Sa report ng GMA News ngayong Sabado, isang 46-anyos na babae ang natagpuang nakabaon sa lupa sa Purok 3, Barangay Sabang, Danao City, Cebu. Narekober ng mga awtoridad ang katawan ng biktima pasado ng alas-9:00 ng gabi nitong Biyernes.


Ayon sa City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ng Danao City, nagsasagawa na sila ng assessment at pagsusuri para matiyak na ligtas na ang lugar.


Pinag-iisipan na rin ng CDRRMO, kung kinakailangang magpatupad ng preemptive evacuation ngayon sa pinangyarihan matapos ang insidente.


Sinabi pa ng mga awtoridad, ginagamit ang lugar kung saan nabuo ang sinkhole para sa quarrying at posibleng nag-collapse ito dahil sa mga pag-ulan.

 
 

ni Lolet Abania | Pebrero 3, 2023



Tatlong indibidwal ang nai-report na nasugatan matapos ang pagsabog sa isang grocery store sa Candelaria, Quezon ngayong Biyernes.


Batay sa ulat ng GMA News, naganap ang explosion bandang alas-3:30 ng hapon.


Agad na rumesponde ang mga awtoridad sa pinangyarihang lugar na kalaunan anila, maaaring dahil ito sa gas leak.


Ayon pa sa report, napinsala ang loob at harapan ng establisimyento sanhi ng pagsabog.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page