top of page
Search

ni Lolet Abania | Pebrero 7, 2023




Inanunsiyo ng Malacañang ngayong Martes ang pinakabagong appointments sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.



Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), napili si Vicente Homer Revil bilang acting administrator at member ng Board of Trustees ng Local Water Utilities Administration (LWUA). Ang petsa ng kanyang appointment ay nitong Pebrero 6, 2023.



Itinalaga naman si Jovy Bernabe bilang acting member ng Board of Trustees ng LWUA.


Gayundin, ang petsa ng appointment ni Bernabe ay nitong Pebrero 6, 2023.


Si Mary Lyn Charisse Lagamon ay na-appoint din bilang Presidential Assistant I ng Office of the Appointments sa ilalim ng Office of the President (OP).


Sinabi ng PCO, ibinaba ang appointment date ni Lagamon noong Enero 18, 2023.

 
 

ni Lolet Abania | Pebrero 6, 2023




Arestado ang isang University of the Philippines (UP) professor ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa umano non-remittance nito ng Social Security System (SSS) contributions.


Batay sa inisyal na report ng QCPD-Criminal Investigation Detection Unit, si Professor Melania Flores, dating presidente ng All U.P. Academic Employees Union (AUAEU) at residente ng UP Campus, Diliman, Quezon City, ay inaresto bandang alas-11:00 ng umaga ngayong Lunes.


Nabatid na si Flores ay subject sa isang warrant of arrest dahil sa umano paglabag nito sa Section 22 (a) in relation to Section 22 (d) at Section 28 (e) sa ilalim ng Republic Act 8282. Dinala na si Flores sa Camp Karingal para sa imbestigasyon.



Sa isang Facebook post, ayon sa human rights group na Karapatan National Capital Region, dalawang babae at dalawang lalaking police officers na nakasuot ng sibilyan, ang nagpunta sa bahay ni Flores at nagpakilalang mga empleyado ng Department of Social Work and Development (DSWD).


Ipinakita ng mga police officers ang warrant of arrest nang buksan na ni Flores ang gate ng kanyang bahay.


Agad namang nanawagan ang iba’t ibang organisasyon gaya ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), AUAEU, UP Diliman University Student Council, at UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas para palayain si Flores.


Ayon sa mga nasabing grupo, ang pag-aresto kay Flores ay paglabag sa naging kasunduan ng UP-Department of the Interior and Local Government (UP-DILG) Accord of 1992, kung saan ang pulisya ay pumasok sa nasabing campus na walang anumang koordinasyon sa UP Diliman administration.

 
 

ni Lolet Abania | Pebrero 5, 2023




Pumalo na sa halos triple ang presyo ng mga bulaklak, mahigit isang linggo pa bago ang Valentine’s Day sa flower market sa Maynila.


Ayon sa mga tindera sa Dangwa Flower Market sa Sampaloc, Manila, papasok pa lang ng Pebrero tumaas na ang presyo ng kanilang mga bulaklak dahil kulang anila, ang supply ng mga ito bunsod ng malamig na klima.


Kung noon ay mabibili ang isang dosenang rosas ng P500, sa ngayon nasa P1,200 na ang presyo nito. Gayundin, ang dating 10 tangkay ng carnation na P180, halagang P300 na ito sa ngayon, at ang 10 tangkay ng Gerbera na dating P180, sa ngayon P300 na ito.


Umabot naman sa P1,500 ang presyo ng isang bundle ng imported roses mula sa dating P1,000. Tumaas din ang presyo ng sunflower, na ngayon ay P800 kada bundle mula sa datingP500.


Ayon din kay Margie Sebastian, Flower Vendor Association of Legazpi City Secretary, dahil Valentines season at malamig na panahon sa Baguio City, kaya asahan na umano ang pagtaas ng presyo ng mga rosas.


“Malamig ang klima sa Baguio kaya ang mga rosas ay hindi masyadong namulaklak kaya kulang din ang supply. Dahil diyan, asahan ang pagtaas ng presyo,” paliwanag ni Sebastian. Gayunman, mas naging madali na sa mga tindera ang pagbebenta at delivery iba’t ibang klase ng mga bulaklak sa tulong ng social media at ng mga online shop.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page