top of page
Search

ni Lolet Abania | Pebrero 9, 2023




Ipinahayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na mahigit sa 80 Japanese employers ang nagnanais na mag-hire ng mga Filipino skilled workers.


“The general sentiment among Japanese employers was that Filipino workers brightened up their workplaces and were highly reliable and trainable,” ani DMW Secretary Susan Ople sa isang new release ngayong Huwebes na aniya pa, mas gusto ng mga employers ang maraming Pinoy workers sa kanilang kumpanya.


Ginawa ni Ople ang statement matapos ang ginanap na consultation meeting sa mga Japanese employers na inorganisa ng Migrant Workers Office in Osaka.


Bahagi ang kalihim ng delegasyon ng Pilipinas sa Japan para sa working visit doon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Ayon pa sa DMW chief, isang Japan desk ang bubuuin sa Office of the Secretary para agad na masubaybayan ang pangangailangan ng mga Japanese employers at Filipino trainees.


“We want to build stronger relations with Japanese employers and the Japanese government so that the Philippines can be the number one source of skilled workers in Japan,” saad ni Ople.


 
 

ni Lolet Abania | Pebrero 9, 2023




Isang sunog ang sumiklab sa Araneta City Bus Terminal sa Quezon City ngayong Huwebes ng hapon.


Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang alas-4:46 ng hapon na itinaas sa Task Force Bravo. Ang apektado ring lugar ay food at amusement park.


Sa mga lumabas na larawan, kitang-kita ang makapal na usok na nanggagaling sa sunog kahit na nasa malayo.


Ayon sa manager, mabilis na nakalikas ang mga tenants ng bus station. Agad namang rumesponde ang mga awtoridad subalit, nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa napakaraming tao sa nasabing lugar. Patuloy pang inaapula ang sunog.


 
 
  • BULGAR
  • Feb 8, 2023

ni Lolet Abania | Pebrero 8, 2023





Sinimulan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang 5-day official visit sa Japan ngayong Miyerkules, ang unang biyahe nito sa East Asian country simula ng maupo sa puwesto noong Hunyo 2022.


Dumating si P-BBM at kanyang delegasyon sa Japan ng alas-5:35 ng hapon local time, sakay ng flight PR 001.


Nakaiskedyul na makipagkita si Marcos kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida at makaharap si Emperor Naruhito. Nasa tinatayang pitong key agreements ang inaasahang malalagdaan sa kanyang pagbisita sa naturang bansa.


Nakapaloob sa mga kasunduan ang tungkol sa humanitarian assistance at disaster relief, infrastructure, agriculture, at digital cooperation. Magkakaroon din ang Pangulo ng mga meetings sa mga Japanese business leaders upang i-promote ang mga trade at investment opportunities sa Pilipinas.


“This administration is keen on working closely with Japan to forge stability and dynamism in our bilateral relations,” ani Marcos sa kanyang pre-departure speech.


Samantala, sa bisperas ng pagbisita ni P-BBM sa naturang bansa, ang Maynila ay nagpa-deport ng dalawa sa apat na Japanese nationals na sina Toshiya Fujita at Kiyoto Imamura, na nai-report na sangkot sa organized robberies sa buong Japan.


Habang ang dalawang iba pa, ang mastermind umano na si Yuki Watanabe at si Kojima Tomonobu, ay nakatakdang pabalikin sa gabi ng Miyerkules.


Pinuri naman ng Japanese Embassy in Manila ang gobyerno ng Pilipinas dahil sa tinatawag na “constructive” response at kooperasyon nito kaugnay sa deportation ng kanilang mga mamamayan.


Ayon naman sa Department of Foreign Affairs (DFA), “The “Luffy” controversy would not affect the President’s trip to Japan, which will conclude on February 12.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page