top of page
Search

ni Eli San Miguel @Entertainment News | June 4, 2024



File photo


Ikinuwento ni Niño Muhlach sa isang episode ng "Fast Talk With Boy Abunda" kung bakit niya ibinenta ang isa sa kanyang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) trophies sa halagang kalahating milyong piso.


Ipinagbili ng dating child star kay Boss Toyo ng Pinoy Pawnstar ang nasabing award. Ayon pa sa kanya, si Boss Toyo ang unang nagpakita ng interes sa tropeyo.


“Tinawagan ako ni Boss Toyo. He was telling me nga na mayroong nag-offer sa kanya ng FAMAS Award ng child star pero hindi raw niya binili because para sa kanya, ang child star talaga sa isipan niya was Niño Muhlach,” paliwanag ng aktor.


“Eh, I have five awards, nakatambak lang sa bahay. Hindi ko naalagaan,” dagdag niya. Ibinahagi rin ni Niño na nagkaroon sila ng kasunduan ni Boss Toyo na bawal ipagbili sa iba ang kanyang FAMAS trophy dahil nakalaan itong ilagay sa gagawin niyang museum.


“Ang usapan namin ni Boss Toyo, sige, I'll send it to you but may deal. Kailangang i-restore mo na magmumukhang bago and idi-display mo sa museum at hindi mo puwedeng ibenta. Idi-display niya doon sa museum niya na forever makikita ng mga tao," kuwento ni Niño.


Matatandaang binansagan noon na "Child Wonder" si Niño Muhlach na naging pinakasikat na child actor sa Pilipinas noong dekada '70.

 
 

ni Jenny Rose Albason @Lifestyle | June 4, 2024



File photo

 

Minsan ba ay naiisip mo nang mag-travel mag-isa? 


Maraming benefits ang pagta-travel, tulad ng makakapag-explore ka sa new places nang hindi kinakailangan maghintay o humabol sa mga kasama mo. Hindi mo rin kailangan mag-adjust sa mga schedule ng iba. Plus, magkakaroon ka rin ng time para sa iyong sarili. 


Normal lang naman na makaramdam ka ng kaba at discomfort sa tuwing maiisip mong bumiyahe mag-isa. 


Kaya naman, narito ang ilang paraan para maging safe habang nagta-travel:


  1. I-SHARE ANG TRAVEL PLANS SA PAMILYA AT KAIBIGAN. I-send mo ang iyong travel itinerary, hotel reservation information at mga detalye sa iyong pamilya o mga kaibigan. 


Gayundin, ipaalam mo rin sa staff ng hotel, kung saan ka pupunta at kung kailan ka babalik. Para naman manatiling konektado sa mga kaibigan at pamilya, i-check mo ang iyong smartphone provider upang matukoy kung ano ang mga kakailanganin mo sa iyong travel destination.


  1. GUMAWA NG EMERGENCY PLAN. Ideally, hindi ka naman mahaharap sa anumang medical issue, aksidente o robbery habang nagta-travel. Gayunman, mas mabuti nang handa kung may mangyaring hindi maganda. 


Siguraduhing may malapit na ospital, police station at iba pang emergency facilities bago bumiyahe. Kung plano mo namang mag-travel internationally, magandang ideya na mag-aral ng emergency phrases sa mga local language para madali kang makahingi ng tulong kung kinakailangan.


Bumisita ka rin sa iyong doktor o travel clinic bago ka umalis upang makatiyak na mabibigyan ka ng mga tamang gamot. 


Kapag nag-iimpake, magdala ng supply ng anumang prescription drugs na kailangan mo, tulad ng face mask, hand sanitizer at mga bagay upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa mga lamok at iba pang mga peste na maaaring magdala ng sakit. 


  1. I-SECURE ANG MAHAHALAGANG GAMIT. Dalhin lang ang mahahalagang bagay kapag magta-travel – katulad ng cellphone, credit cards, cash, ID at kopya ng iyong passport. Itago ito sa isang secure na bag na makikita mo anumang oras. 

  2. MAG-RESEARCH AND CHOOSE WISELY. Alamin ang pinakaligtas na lugar sa iyong pupuntahan at kung mayroong anumang mga lugar na dapat mong iwasan. Alamin rin ang mga pinakaligtas na rutang dadaanan. 


Kapag nakapag-check in ka, panatilihin mong naka-lock ang iyong pinto, at huwag mong bubuksan ang pinto kung wala kang inaasahang hotel staff o visitors.


  1. KUMUHA NG TRAVEL INSURANCE. Protektahan ang iyong sarili, at ang investment na ginawa mo sa iyong trip, mula sa mga hindi inaasahang pangyayari. 


Ang trip cancellation at interruption insurance ay maaaring makatulong sa pagbabayad sa iyo para sa mga covered losses tulad ng lagay ng panahon, natural disasters, sakit at iba pang isyu. 


Ang iba pang travel insurance policies ay maaaring makatulong na protektahan ka mula sa hindi inaasahang medical at evacuation expenses, pati na rin ang pagkaantala sa bagahe, pagnanakaw at iba pa. 

Ilan lamang ‘yan sa mga paraan upang maging ligtas ang ating out-of-town adventures.



Ngayon naman, aking ibabahagi ang dos and don’ts na ‘di dapat natin kalimutan.

  • Iwasang magpakalasing at iwasang sumama sa mga hindi mo kakilala.

  • Maging alerto sa iyong paligid kahit na ikaw ay naglalakad o nagmamaneho.

  • Kung may kahina-hinala kang napapansin, pumunta sa isang restaurant o pumunta sa lugar na maraming tao.

  • Kapag may nagtanong kung ikaw ba ay mag-isa lang, sabihin mo na makikipagkita ka sa iyong asawa, kamag-anak o kaibigan.


Kaya mga Ka-BULGAR, huwag mong hayaan na manaig ang iyong takot ‘pag magta-travel mag-isa. Oki? 


Yes, ang pag-travel mag-isa ay maaaring makatulong sa iyo upang makaalis ka sa comfort zone. Pero, lagi nating tatandaan na magplano muna bago lumarga para maging masaya ang travel experience. Gets mo?

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | June 3, 2024


Showbiz news
File Photo: Nadine Lustre at si Christophe Bariou

May bagong business na ini-launch si Nadine Lustre. Partner sila ng kanyang boyfriend na si Christophe Bariou sa plant-based milk brand na Dehusk.


Nakapanayam ng ANC’s HeadStart si Nadine at ishinare niya kung papaano sila na-encourage na mag-open ng plant-based product.


Esplika niya, “For us really, the first reason why we switched to more plant-based is really for the animals. We realized that these animals are actually individuals who are like us who deserve love and compassion and who deserve to exist in this world as well. And so knowing that we kind of realize that, you know me, I love eating meat, I love all of my cheese and all of that but then you know, understanding how animal agriculture really works, that's really a key component for us, switching.”


Pag-amin pa ng aktres, “Very challenging just because I entered a world that I’ve never explored before. So there’s so many things that I'm learning but it’s been an amazing thing so far also because the products that I’ve been involved with, they are all tied up to my values and my advocacies as well. So it's all purpose-driven.” 


Patuloy pa niya, “I mean disrupting the dairy industry for Dehusk, that's one of the things that we really want to champion. To change people's mind when it comes to dairy and for people to try out new things as well and I guess to push forward a more plant-based lifestyle.”


In-attest pa niya how consuming plant-based food has brought positive impacts on her health.


“Honestly it’s been the best, a lot of people ask me what being plant-based is like and I love it.


We get to explore new ingredients, new food. There’s so many veggies and fruits out there that are available and it's really interesting because when we cook now we get to explore, we get to experiment and create new dishes. And for energy as well, I have so much energy.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page