top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 4, 2024



Photo: Matteo Guidicelli - IG


Ibinida ni Matteo Guidicelli sa kanyang socmed account ang pag-aaral niya sa Harvard Business School (HBS). Ifinlex niya ang mga larawan while he's attending classes sa prestigious institution.


Aniya, “Here at Harvard Business School, diving deep into learning with some of the best professors—truly inspiring stuff!”


Hindi naman niya binanggit kung ano ang kursong pinag-aaralan.

Dagdag pa ng mister ni Sarah Geronimo, “Spent hours behind the desk with my books and pen, connecting with classmates from all over the world and across so many industries.”



Ibinahagi rin niya kung paano ang pakikipag-mingle niya sa mga international students doon.


Aniya, “Built amazing relationships and took away experiences I’ll always remember. Definitely one for the books! #changingthegame @harvardhbs.”

May mga celebrities na nagkomento sa bagong journey ni Matteo as an academic adventure. 


“Nice one Matt!!!!” ani Anne Curtis. 

“Great experience for you, Matteo!” mula naman kay Sen. Pia Cayetano. 

“Love this man!!! You look very happy. So happy for you man,” pakli ng aktor na si Kyle Echarri.


“Good job, Matteo,” sey ng journalist and radio host na si Susan Enriquez. 

Sey naman ng mga netizens:


“Learning and personal development provides you with a feeling of accomplishment: it allows you to feel prepared to take on new challenges and explore different business ventures. Continuing to learn helps to build confidence, it forces you out of your comfort zone and has a positive impact on your self esteem. I admire you for that, Matt. Keep on learning, okay?” 


“Congrats Matteo. I’m sure the wifey is so proud of you!!!”



ISANG netizen ang nag-assume na magkasama pa rin sa iisang bahay sina John Estrada at Priscilla Meirelles.

May ishinare kasi na lovely pictures sa kanyang Instagram Stories ang former Miss Earth at nilagyan ng simpleng caption at may isang netizen ang nag-comment, “Same pa rin po sila ng bahay and ‘di pa hiwalay.”

Agad na sumagot ang estranged wifey ng actor, “The problem with making assumptions.”

Oh, ayan, malinaw na. Ang tanong lang ay kung inaayos na nga ba ang annulment ng mag-asawa?


Bagay na bagay daw, Enrique…

VIDEO NI LIZA KASAMA ANG THAI SINGER, VIRAL



Kasama si Liza Soberano sa bagong music video ng Thai singer na si Bright Vachirawit.

Sa teaser ng kanyang music video (MV) na Long Showers ay naroroon ang aktres at nakatayo beside the car. 


Sa comment section ng Instagram (IG) ng Thai singer, marami ang nagsasabing may chemistry ang dalawa.


Shirtless si Bright while he holds Liza’s face with one hand na para bang hahalikan niya ito. Si Liza naman, wearing a delicate spaghetti-strapped top, gazes at him, making the shot intimate and dramatic.


But sad to say, ang nasabing last part ng video ay hindi na isinama ni Bright sa ipinost na teaser kundi mapapanood na lang daw ito sa kabuuan ng kanyang music video sa November 8. 


Reklamo nga ng mga fans ni Bright, nabitin umano sila sa teaser.


 
 

ni Jenny Rose Albason @Life & Style | Nov. 3, 2024



Iskul Scoop

Bakit nga ba mas pinipili natin ang panonood ng TikTok, Netflix, o pag-stalk sa social media kesa simulan agad ang assignment o project? Ilang estudyante ang napapaisip sa katanungan ito.  


Sa dami ng gawain at distractions, madalas tayong nauubusan ng oras at napapasabi ng, “Hays, mamaya na nga lang ito!” Pero, bawal ‘yan, Iskulmate!



Kaya, para sa mga estudyanteng nauubusan ng oras at laging naka-rush mode, narito ang ilang tips para maiwasan ang procrastination—dahil sa totoo lang, walang forever sa pagde-delay!


1. SIMULAN AGAD KAHIT SIMPLENG PART LANG. Isang paragraph lang muna sa essay o kahit isang problem lang sa Math. Ang mahalaga ay may masimulan! ‘Pag naramdaman mong kaya mo, tuluy-tuloy na 'yan. ‘Ika nga nila, “The first step is the hardest,” kaya kung kaya mong simulan, aba siyempre keri mo rin iyang tapusin.

2. GUMAWA NG TO-DO LIST. Isipin mo na lang na ang bawat task ay parang mission sa isang adventure game. Maglagay ng maliit na “quests” sa listahan—“Research 3 Sources,” “Write 1 Paragraph,” “Review for 10 Minutes”—at i-check ang bawat natatapos. Nakakatulong ito kasi imbes na isang malaking gawain, inuutay-utay mo na ito sa maliliit na steps, at bawat tapos ay parang mini victory. Oh ‘di ba?

3. GUMAMIT NG POMODORO TECHNIQUE. Ang Pomodoro Technique ay simple lang, magpokus focus ka nang 25 minutes sa task, 5-minute break, then repeat! 

Hindi mo kailangang i-pressure ang sarili mo, basta may pahinga, mas tumataas ang chance na matapos ang trabaho nang hindi ka nai-stress. Oki?

4. ALISIN ANG DISTRACTIONS. Kung mahilig kang mag-scroll sa TikTok o Facebook, mas makabubuti kung itatago mo muna ang phone mo, o i-off muna ang notification para wa’ sagabal. 

Sa loob ng isang oras, mag-concentrate lang sa pag-aaral. Maraming app para dito tulad ng Forest na tinutulungan kang i-manage ang screen time. Para mas productive, piliin ang lugar na tahimik o mas konti ang distraction. 

5. IWASAN ANG PERFECT MINDSET. Minsan ang dahilan ng procrastination ay dahil sa takot na hindi maging perfect ang gawa natin. Pero tandaan, mas importante ang progress. 

Simulan mo lang at gawin mo ang iyong best, kahit hindi perfect agad. Puwede mo namang i-edit o pagandahin kapag natapos mo na ang draft.

6. BIGYAN NG REWARD ANG SARILI. Huwag kalimutang bigyan ng reward ang sarili sa tuwing may natatapos kang task. Kahit simpleng treat, tulad ng coffee o ilang minutes na TikTok break, malaking bagay na rin iyon para mas ma-motivate ka. 

Kaya naman Iskulmate, natanong mo na ba sa sarili mo kung gaano kasarap ang feeling kapag tapos mo na lahat ng kailangan gawin? ‘Yun bang walang inaalalang deadline, walang guilt dahil hindi ka nag-cram, at may oras kang gawin ang mga bagay na gustung-gusto mo? Ayan ang reward ng hindi pagpo-procrastinate—isang tahimik na isip at masayang puso.


Kaya, sige lang, simulan mo nang tanggalin ang “mamaya na” at yakapin ang “ngayon na.” Sa bawat natapos na gawain, future you will thank you—mas relax, mas confident, at higit sa lahat, mas accomplished. Oki??

Oh, nag-enjoy ba kayo Iskulmates? Ang Iskul Scoop ay ang pinakabagong column namin dito sa Bulgar na naghahatid ng mga balita at kuwento tungkol sa mga kaganapan sa iba't ibang paaralan. Layunin nitong magbahagi ng mga makabuluhang impormasyon at tips na makakatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa eskuwelahan. 


So, kung gusto n'yong maging bahagi rin ng Iskul Scoop at meron kayong mga kuwento, inspiring stories o events na gusto n'yong i-share sa mga ganap sa inyong campus, mag-email lang sa iskulscoop@gmail.com para mailathala sa aming pahayagan.


So, kung gusto n'yong maging bahagi rin ng Iskul Scoop at meron kayong mga kuwento, inspiring stories o events na gusto n'yong i-share sa mga ganap sa inyong campus, mag-email lang sa iskulscoop@gmail.com para mailathala sa aming pahayagan.





 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 1, 2024



Photo: Ang Labubu dolls nina Nadine Samonte at Marian Rivera / Instagram


Bina-bash ngayon ang Kapuso actress na si Nadine Samonte at inaakusahang nanggagaya kay Marian Rivera na nangongolekta na rin ng nauusong Labubu dolls. Hindi alam ni Nadine na may collection din ng Labubu dolls si Marian. 


Matagal na siyang may mga Labubu dolls, kaya unfair na siya ay laitin at i-bash ng ilang mga fans ni Marian at pagbintangang gaya-gaya lang. Tiyak na hindi rin gusto ni Marian ang ginagawa ng kanyang mga fans kay Nadine. 


Nabanggit naman ni Nadine Samonte na si Marian mismo ang nagsabi sa kanya kung sino ang mga suppliers niya ng mga rare at hard-to-find Labubu dolls. 


Aminado si Nadine na nasasaktan siya sa mga comments ng ilang bashers sa kanya. May isang basher kasi na pati 'yung insidente sa GMA Grand Ball ay binanggit pa, sabay sabing, “Kaya ka pala nawalan ng seat sa GMA Gala.” 


Ang tanong, ano'ng connect nito sa kanyang pagko-collect ng Labubu dolls? 

Well, bakit nga kaya si Nadine lang ang isini-single out at inaaway ng mga fans ni Marian Rivera dahil lang sa Labubu dolls? Marami naman sila, tulad nina Heart Evangelista, Vice Ganda, Anne Curtis at Jinkee Pacquiao na Labubu dolls collectors din. 


Si Heart, hindi bumibili dahil pinadadalhan siya ng mga suppliers ng orihinal na Labubu dolls. 


'Kakalokah ang mga bashers ngayon, umaastang mga "Monster Dolls" na rin!



TIYAK na maraming mga fans ni Julie Anne San Jose ang nagulat nang tanggapin niya ang offer upang maging Calendar Girl ng Ginebra. Hindi naman kasi siya sexy star na tulad ng ibang naunang Calendar Girls. 


Nag-umpisa siya bilang wholesome na singer, hanggang naging artista. Bihasa na rin si Julie Anne sa pagho-host ng talent search show tulad ng The Clash (TC), at mentor naman siya sa The Voice Kids (TVK). 


Binansagan din si Julie Anne bilang Limitless Star dahil sa tagumpay ng kanyang mga concerts. 


Well, career move ba para kay Julie Anne San Jose ang kanyang pagtanggap na maging Calendar Girl? At okey naman kaya sa nobyo niyang si Rayver Cruz ang pagbabagong-imahe niya.


Sey naman ng mga netizens, hindi na teenager si Julie Anne. Kailangan na rin na mag-grow at mag-level-up siya bilang artist. Besides, ang mga sexy pictorial naman niya bilang Calendar Girl ay hindi vulgar kundi konting pasilip lang sa kanyang kaseksihan at nasa tamang edad na rin naman siya.



MARAMING fans ni Sen. Lito Lapid ang nagtatanong kung ano na raw ang mangyayari sa kanyang karakter bilang si Primo sa Batang Quiapo (BQ), kapag ipinatupad na ang pagpapa-ban na lumabas sa telebisyon ang sinumang artista na kakandidato sa midterm elections 2025. Pagpapahingahin ba ang kanyang role o tuluyan nang papatayin sa istorya ng BQ


Tiyak na marami ang maghahanap at magpoprotestang mga viewers kung hindi na mapapanood si Sen. Lito Lapid sa BQ. Importante pa naman ang kanyang partisipasyon sa serye ni Coco Martin dahil siya ang nagsu-supervise ng mga stunts na ginagawa at kinokonsulta rin siya ni Coco kung ano pa ang puwedeng gawin upang mapaganda pa ang serye.


Nami-miss ni Sen. Lito ang pag-arte kaya nalilibang siya sa kanyang role sa BQ.

Samantala, isa si Sen. Lito Lapid sa mga nagpadala ng ayuda sa mga binahang lalawigan nang manalasa ang Bagyong Kristine. Naging aktibo sa pagtulong ang kanyang staff upang mapabilis ang pagpapadala ng tulong sa mga binaha sa Bicol Region. 

Sa Boracay, nagpadala siya ng team upang tulungan ang mga stranded na transport drivers at mga pasyente ng hospital. Namigay din siya ng mga medical kits. 



ANG ‘power couple’ na sina Ariel Rivera at Gelli de Belen ang special guests sa birthday episode ng King of Talk na si Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), kaya hindi napigilang maging emosyonal nina Ariel at Boy nang sila ay magkaharap. 


Matagal nang mina-manage ni Boy ang career ni Ariel, at malalim ang kanilang pinagsamahan. Hindi man sila madalas na magkita at magkausap, hindi nawawala ang respeto nila sa isa’t isa. 


Sey nga ni Ariel Rivera, malaki ang nagawa ni Tito Boy upang mabago ang kanyang buhay at magkaroon ng singing career. Siya raw ang nagsilbing mentor/adviser niya at marami itong naituro sa kanya. 


Napupuri naman ni Boy Abunda ang tahimik at simpleng pamumuhay ng pamilya nina Gelli at Ariel Rivera. Hindi materialistic ang couple, sa kabila ng kanilang celebrity status. 


Isa pa sa mga napuri ni Tito Boy kay Gelli ay hindi ito naniwala sa kumalat na intriga noon na ayaw sa kanya ni Tito Boy para kay Ariel Rivera. Ngayon ay nakikita naman ng lahat na in good terms sila ni Gelli at masaya ang married life nila at may grown-up kids na!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page