top of page
Search

by Info @Brand Zone | Nov. 21, 2024



By: Leila Valencia/Jerwin Nohay/Edwin Lovino/


The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) delivered aid to thousands of residents in the Bicol region who were severely affected by Typhoon Kristine.


From November 7 to 9, 2024 the PCSO Board of Directors composed of members Janet De Leon Mercado, Jennifer Liongson-Guevara, and former Vice Governor of Camarines Sur Imelda Papin, worked alongside PCSO employees and local government officials to ensure that immediate relief reached those who were most affected by the typhoon.


The distribution efforts targeted various areas in Camarines Sur, including the municipalities of Libmanan, Pamplona, Bula, Nabua, Buhi, San Jose, Tinambac, Lagonoy, and Magarao. The PCSO also extended its assistance to the communities of Tiwi and Rapu-Rapu in Albay.


Beyond providing immediate food relief, the PCSO demonstrated its commitment to long-term support by providing 50 educational assistance grants to students in Libmanan and Pamplona, Camarines Sur. This initiative aims to help students continue their education while reeling from the aftermath of the typhoon.


These actions are in line with the PCSO's core mandate to help Filipino citizens and the agency's dedication to its Corporate Social Responsibility program. 


The PCSO remains committed to supporting communities in times of need, ensuring that Filipinos receive the assistance they require to recover and rebuild.



PCSO, Hindi Umuurong sa Pagtulong!



 
 

ni Jenny Rose Albason @Life & Style | Nov. 14, 2024



Iskul Scoop

Gahol ka na rin ba sa mga nag-uumapaw na assignment at hindi mo na alam kung paano ka magsisimula? 


Saan nga ba talaga tayo puwedeng kumuha ng tamang impormasyon na hindi magpapagulo sa ating utak?



Sa dami ng puwede nating mapagkukunang impormasyon ngayon, mula sa classic na mga libro hanggang sa nakakawindang na social media feeds, medyo nakakalito na kung alin ang reliable. 


Kaya ngayon, alamin natin ang iba’t ibang source na makakatulong sa atin. Let’s go, Iskulmates!  

  1. GOOGLE. Kapag may tanong at confuse ka sa isang bagay, for sure na dumederetso ka agad kay Google, hindi ba? Pero paano nga ba dapat ito gamitin?

Tip: Huwag agad i-click ang unang link na makikita, bagkus maghanap muna ng mga website na mapagkakatiwalaan, tulad ng mga .edu at .gov.

Reminder, “Google knows a lot, but it doesn't always know what's right!”

  1. LIBRARY. Hindi luma ang library; marami itong lihim na kayamanang impormasyon.

Bukod sa libro, may mga journal at archive rito na hindi mo basta-basta makikita online.

Tip: Magtanong sa librarian, dahil siya ang tunay na “search engine” ng library. Mas mainam na magtanong kesa na masayang pa ang inyong oras sa paghahanap. Oki?

Reminder,“Kapag libro ang ginamit mo, parang nakatanggap ka na rin ng 100 bonus points sa reliability ng info mo!”

  1. YOUTUBE AT EDUCATION VLOGS. Yes, pati YouTube ay puwede na ring pagkuhanan ng learning materials.

May mga channels na sobrang informative, educational, at madaling intindihin. Pero ‘di lahat ng makikita rito ay tama, kaya mag-ingat sa pinipili, Iskulmates!

Tip: Hanapin ang mga channel na may professional background sa topic. Oki?

Reminder, “If they say it with confidence, it doesn’t always mean it’s accurate!”

  1. ONLINE ACADEMIC DATABASES. Kung hirap ka na mag-research, agad na tumakbo sa mga database tulad ng Google Scholar, JSTOR, o ScienceDirect. Marami kang makikitang research papers at mga pagsusuring gawa ng mga professional.

Tip: Mag-log in sa library account mo para maka-access ka nang libre. Minsan kasi, kailangan pa ng subscription para sa mga ganitong sources.

Reminder, “Kung gusto mo ng legit na reference, hindi ka matutulungan ni Mr. Wikipedia. Kaya tumakbo ka na sa JSTOR o Scholar!” Oki?

  1. DICTIONARY AT ENCYCLOPEDIA. Old-school man pakinggan, pero classic talaga sila sa pagbibigay ng foundation ng knowledge sa mga topic.

Tip: Huwag matakot magtanong kay “Oxford” o kay “Britannica.” Dahil sila ang tunay na MVP pagdating sa mga accurate definition at background.Reminder, “Hindi porke luma ay out-of-date na, minsan ang classic ang key para sa tamang impormasyon.”

  1. SOCIAL MEDIA AT ONLINE FORUMS. Maraming current events at real-life perspectives ang makikita mo sa Facebook, Reddit, o Twitter, lalo na kung opinion o recent trends ang topic mo. Pero delikado rin dahil minsan masyadong opinionated at hindi based on facts.

Tip: I-double check ang sources ng mga impormasyon at maghanap ka na rin fact-check article.

Reminder, “Trust but verify! Baka fake news na pala ‘yun.”

  1. SURVEY AT INTERVIEW. Bakit hindi mo subukan gumawa ng sarili mong survey o interview? 


Kapag ikaw mismo ang nagtanong sa mga tao, nakasisiguro ka sa source ng info mo.

Tip: Maghanda ng maayos na questionnaire para malinaw ang makukuha mong data. Pumili rin ng mga tao na may alam sa iyong topic.

Reminder, “Ang pinaka-accurate ay ang impormasyong ikaw mismo ang nakakuha!”


At iyan ang ilan sa power sources na puwedeng pagkuhanan ng impormasyon para sa iyong assignment! Remember Iskulmate, sa paghahanap ng tamang impormasyon, kailangan ng tiyaga, konting creativity, at siyempre, tamang pagsala ng source. 


Huwag matakot magtanong, at higit sa lahat, huwag magmadali. 


Anuman ang gamitin mong source, ‘wag kalimutang i-cite! Bawat impormasyon ay kailangan mong i-acknowledge kung kanino galing, para walang plagiarism drama. Gets??


Oh, nag-enjoy ba kayo Iskulmates? Ang Iskul Scoop ay ang pinakabagong column namin dito sa Bulgar na maghahatid ng mga balita at kuwento tungkol sa mga kaganapan sa iba't ibang paaralan. Layunin nitong magbahagi ng mga makabuluhang impormasyon at tips na makakatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa eskuwelahan. 


So, kung gusto n'yong maging bahagi rin ng Iskul Scoop at meron kayong mga kuwento, inspiring stories o events na gusto n'yong i-share sa mga ganap sa inyong campus, mag-email lang sa iskulscoop@gmail.com para mailathala sa aming pahayagan.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 13, 2024



Photo: Maris Racal at Dra. Vicki Belo's channel / YT


Nakatanggap ng bongga at mamahaling regalo si Maris Racal mula kay Dra. Vicki Belo.


Sa uploaded video ng celebrity doctor kung saan iniinterbyu niya ang aktres habang nagpo-photoshoot sila sa kanyang beauty clinic ng produktong ineendorso ng young singer/aktres, sa bandang ending ay makikitang inaabutan ni Dra. Vicki ng expensive bag ang aktres mula sa isang Italian luxury fashion house, ang Bottega Veneta, na siyempre ay ikinasiya ni Maris.


Ayon kay Maris, matagal na niyang gusto na magkaroon ng ganoong bag kaya laking-pasasalamat niya kay Dra. Belo.


Sa website ng Bottega Veneta, the ‘Large Parachute’ bag costs $5,900 which is equivalent to P346,285.



May heartfelt anniversary message si Erwan Heussaff para sa misis na si Anne Curtis sa kanilang 14th anniversary as a couple.


Nag-post siya ng series of photos nu’ng sila ay nag-uumpisa pa lang as a couple hanggang sa present relationship nila as husband and wife with their kid, Dahlia.


Aniya sa caption, “A few more wrinkles, fuller faces, tired hands, shades of lipstick, sunburns, questionable fashion choices, thousands of pictures, a few of them posted, most of them simply cherished and countless meals later. 


“Throwback to when we officially became ‘us’. 14 years, 7 of them married and 4 as a unit of 3 today.”


Nakakatuwa ang mga komento ng mga netizens tulad ng isa na nagsabing “More years to come, Anne Curtis at asawa ni Anne Curtis.”


Pinangatawanan talaga ang pagtawag kay Erwan na ang ‘asawa ni Anne Curtis’.

Sina Anne at Erwan ay ikinasal nu'ng November 2017 sa New Zealand. May isa silang anak, si Dahlia Amélie Heussaff, who is 4 years old already.



NASA Season 2 na ang Lavender Fields (LF) nina Jodi Santamaria, Albert Martinez, Janine Gutierrez at Jericho Rosales.


Lalong nae-excite ang mga avid followers dahil unti-unti nang nalaladlad ang tunay na katauhan ng mga karakter nila sa story. Samu’t saring komento ang mga posts ng mga netizens.


May mga nagsasabing dapat daw ay sina Tyrone (Echo) at Iris (Janine) ang magkatuluyan sa bandang huli. Sina Jasmine (Jodi) at Agent Fernandez (Albert) naman ang gusto ng ibang mga fans.


May nagsasabing ‘sakim’ sa pagmamahal si Iris at siya raw umano ang nagpapatay kay Ivy (Roxanne Guinoo), ang asawa ni Agent Fernandez at sa kanilang anak. Maging ang anak ni Maricel Soriano na si Marigold na nawawala ay si Iris din umano ang may gawa.

May konek daw kasi ang apo ni Maricel sa Benavidez family (pamilya ni Iris).

Conclusion kasi ng mga netizens ay kapatid ni Iris ang apo ni Maricel dahil anak umano ito ni Edu Manzano, ang ama ni Iris.


Ayaw na ayaw daw kasi ni Iris na may kahati sa pagmamahal ng mga taong mahal niya.

Sey ng mga netizens:


“Grabe, nakaka-excite, happy ending for TyRis, please?”


“Nakaka-excite, ‘wag n’yo kaming bitinin. Dapat in the end, magkatuluyan sina Agent at Lav.”


“The Season 2 is giving. This is what we’ve been waiting for. Papunta na tayo sa exciting part.”


“Kapatid ni Iris ang anak ni Marigold, parang may relasyon sila ng dad ni Iris.”


“Sana, TyRis pa rin ang ending, bilang sila naman ang mag-asawa.”


“So sad. We don't have this on Malaysia’s Netflix.”


Wala pa ngang ending ang teleserye, pero ang mga avid viewers ay ang dami nang conclusion.


Hay, pinangungunahan ninyo ang LF, 'noh? Be quiet na lang and wait for the ending.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page