top of page
Search

ni Lester Bautista (OJT) @Life & Style | Mar. 7, 2025



Graphic: Si Alice Galang Eduardo, ang founder, president at chief executive officer (CEO) ng Sta. Elena Construction and Development Corporation, builder ng mga malalaking gusali.


Minsan ka na bang namangha sa mga magagandang gusali sa Metro Manila? ‘Yung mga naglalakihan at matatayog na istruktura gaya ng Mall of Asia, City of Dreams, Solaire Resort, Okada Manila at Resorts World Hotel and Casino.


Ikagugulat mo kaya kung malalaman mong babae pala ang nasa likod ng mga matataas na gusaling ito? And how did she crack a man’s world? Siya ang babaeng walang hindi kayang gawin…


Kilala sa mundo ng konstruksyon si Alice Galang Eduardo, ang founder, president at chief executive officer (CEO) ng Sta. Elena Construction and Development Corporation, builder ng mga malalaking gusali sa ating bansa.


Hindi agad naging matayog tulad ng isang gusali ang kuwento ng buhay ni Alice. Nagdaan siya sa maraming pagsubok at sakripisyo bago nakilala at tinaguriang “Woman of Steel”.


Bata pa lamang, malinaw na para kay Alice kung ano ang kanyang gusto at ito ay maging isang engineer. Subalit, may ibang pangarap ang kanyang ina para sa kanya — nais nitong mag-aral siya ng nursing o kaya ay medisina.


Sa kabila ng hindi nila pagkakasundong mag-ina, hindi sumuko si Alice. Sa halip din na maghinanakit, nag-aral na lamang siya ng kursong Management at sabay na tinutulungan ang pamilya sa kanilang negosyo — rice milling, trading at clothing export.


Dalawampu’t walong taon nang magsimula si Alice sa industriya ng konstruksyon. Isang simpleng pangarap at kuryosidad lang niya ito na magtagumpay sa mundo na pinaniniwalaang dominado ng mga kalalakihan. Siguro, ito ay dahil ang kanyang mantra sa buhay, “walang hindi kayang gawin.”


Tadhana na marahil, nakatagpo siya isang araw ng kliyente at nag-alok sa kanya kung interesado siyang maging supplier ng steel splice. Sa halip na mag-atubili, positibong tinugon ito ni Alice ng, “Lahat puwedeng gawin,” kahit na hindi pa siya sigurado at wala pang higit na kaalaman tungkol dito.


Ang kanyang kasagutan na may kasamang tapang at determinasyon ay naging susi sa pagpasok niya sa industriya ng konstruksyon. At ang kanyang puhunan? Sinseridad, passion at aggressiveness o pagiging agresibo.


Para kay Alice, mahalaga na maipakita sa lahat na may lakas at tapang na taglay upang magtagumpay. Dahil kapag nabatid nilang ikaw ay determinado, magtitiwala ang marami sa iyo. Sa bawat pagkakataon, pinatutunayan ni Alice na kaya niyang makipagsabayan at maging mahusay sa isang larangan na karaniwang para lamang sa mga kalalakihan.


Bukod sa katangiang ito, si Alice ay maituturing ding isang bilyonaryo. Alam n’yo bang kahit noong bata pa siya ay nakahiligan na niyang mag-ipon? Natutunan niyang magtanim at maghintay upang umani ng mga benepisyo sa pamamagitan ng sipag at tiyaga. Kung susuriin ang kanyang kuwento, isang teknik ito ng tagumpay na hindi lang batay sa suwerte kundi binubuo ng determinasyon at matalinong pagpaplano.


Ngunit, ang istorya ng buhay ni Alice ay higit pa sa pagiging isang matagumpay na negosyante. Isa rin siyang ina na pinili ang magpatuloy at magpursige sa kabila ng mga pagsubok at personal na hamon sa kanyang buhay.


Si Alice ay isang single mother sa tatlong anak — sina Jacqueline, Jameson at Jessica. Isang bahagi rin ng kanyang kuwento ay nang magdesisyon siyang wakasan ang kanyang kasal. Mas naging hamon pa para kay Alice nang ma-diagnose ang bunsong anak na mayroong autism. Subalit sa kabila ng lahat, natutunan pa rin niyang yakapin ang karunungan ng Diyos sa sitwasyon ng kanyang anak. Para kay Alice, “Siya pala ang magiging kasama ko every day, every night, sa lahat ng struggles ko siya. Siya ang mag-i-inspire din talaga sa akin.”


Totoong pinatunayan ni Alice na hindi lang siya isang “Woman of Steel” sa larangan ng konstruksyon, kundi isang tunay na superman ng ‘Pinas — isang ina na may pusong matatag gaya ng bakal at tapang na hindi matitinag.


Sa kabila ng lahat ng mga narating ni Alice, isang mensahe ang nais niyang ibahagi sa mga kababaihan: Ang pagiging babae ay hindi hadlang sa tagumpay.


Tulad ng kantang “It’s A Man’s Man’s Man’s World,” ay may isang babae na nagpapatunay na ang galing, tapang at kakayahan ay hindi nakasalalay sa kasarian. At ang istorya ng buhay ni Alice ay isang halimbawa ng babae na nagagawang makipagsabayan sa larangang pinaniniwalaang panlalaki lamang, kung saan nagsasabing hindi kailanman “babae lang” ang mga babae.


Ngayong Women’s Month, ating bigyang pagpapahalaga ang mensahe ng kanyang buhay — na walang limitasyon ang mga babae sa pag-abot ng kanyang mga pangarap. Ang tagumpay ni Alice Eduardo ay patunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang bahagi ng isang kuwento, kundi sila mismo ang sumusulat at bumubuo nito.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Mar. 4, 2025



Photo: Troy Montero - IG


Ini-reveal ni Troy Montero ang kondisyon ng nag-iisang anak nilang babae ni Aubrey Miles na si Rocket Miller na 6 years old na ngayon.


Sa Instagram (IG) account ng aktor, inamin niyang Rocket was diagnosed with Autism Spectrum Disorder when she was 3 years old. Ibinahagi rin niya ang mga behavior ng kanyang anak.


“This little girl, my one and only daughter, was born on December 14, 2018. She is an absolute sweetheart and a Daddy’s girl. She loves singing, doing puzzles, coloring books, and riding her scooter.


“When she was younger, she was non-verbal, made no eye contact, flapped her hands, walked on her tiptoes, lined up her toys, and occasionally had tantrums on the floor. At three years old, she was diagnosed with Autism Spectrum Disorder. A month later, we started her in Speech and Occupational Therapy,” pagbabahagi ni Troy.


Proud na ikinuwento ng aktor ang improvement sa kanyang anak matapos ang first session ng therapy nito. Mas nagsasalita na raw ito ngayon at may eye contact na.


“She has since undergone Stem Cell Therapy at EW Villa Medica in Pasay, Philippines, with her third treatment just last week. After her first session, we noticed a big change; she began making eye contact and speaking more,” aniya.


Laking-tuwa rin niya nang marinig si Rocket na nagsalita ng “I love you.”


“Today, I wouldn’t consider her non-verbal, though her casual conversations are mostly two- to three-word sentences. The best sound? Hearing her say, ‘I love you,’” kuwento ng aktor.


“Another beautiful change is her growing self-awareness. She now expresses emotions more clearly, has a sense of humor, and even a mischievous side. She looks at her reflection in the mirror, something she never did before,” patuloy niya.


“Rocket is now six years old and attends school with five to six classmates at Little Sparks Therapy Center in Quezon City. Her teacher recently shared that she has become a class leader, helping her classmates with their activities.


“She always reminds us to wear our seatbelts in the car, loves going to school, and enjoys watching Peppa Pig. Her favorite snacks are grapes, bananas, and apples but if given the chance, she’d trade them all for cookies! 


“As the youngest in our family of five, she is undoubtedly the star of our home. We love her endlessly and will always be here to support her,” pagmamalaki pa ni Troy sa bunsong anak.



IBINALITA ni Niño Muhlach (a.k.a. Onin) na malaki na ang improvement sa anak niyang si Sandro Muhlach matapos ang traumatic experience last year sa dalawang GMA independent contractors.


Dumalo si Onin sa lunch mediacon ni Sen. Bong Revilla na ginanap kamakailan at dito ay nagbigay siya ng update sa panganay niyang anak.


“Once a month na lang ang kanyang therapy. Dati kasi, three times a week, eh,” aniya.

Nakakalabas na rin daw si Sandro ngayon unlike before na laging nakakulong sa kuwarto. In fact, nagbalik na raw ito sa pag-arte at nagte-taping na ng bagong show niya sa GMA-7.


Bagama’t hindi pa raw masasabing completely healed ang binata, ayon kay Onin, in time ay mangyayari rin ito.


Tuluy-tuloy pa rin daw ang kasong isinampa nila laban sa 2 GMA independent contractors at hanggang sa dulo raw ay talagang ilalaban nila ito.


Samantala, dumalo si Onin sa mediacon ni Sen. Bong para suportahan ang kandidatura nito bilang senatorial re-electionist.


“Ito na ang pinakamabait na artista na nakilala ko,” ang paglalarawan ni Onin kay Sen. Bong.


Aniya pa, si Sen. Bong ang unang-una niyang sinabihan ng nangyari kay Sandro at hiningan niya ng tulong.


“Ganu’n kalaki ang tiwala ko sa kanya. Hindi naman ako nagkamali. I love you, Sen.,” sey pa ni Onin.


Matatandaang isa si Sen. Bong sa mga kaagad na tumulong kay Niño sa nangyari kay Sandro nang magsagawa ang Senado ng imbestigasyon tungkol dito.

 
 

by Info @Brand Zone | Mar. 4, 2025



City Vibes: Donni The Downtown Bestie


"Meet Donni, the new downtown bestie at SM CDO Downtown! This larger-than-life giraffe stands proudly in the event center of the mall, embodying the perfect blend of tranquility and vibrancy amidst the bustling city.


A symbol of both calm and excitement, Donni invites you to pause, relax, and enjoy the dynamic energy of urban life.


Whether you're shopping, hanging out with friends, or simply soaking in the atmosphere, Donni reminds us that peace and excitement can truly coexist.


Come visit your ‘downtown’ bestie at SM CDO Downtown today! #DonniTheDowntownBestie #UrbanOasis #CityVibes"



 
 
RECOMMENDED
bottom of page