top of page
Search

ni Mabel Vieron @Life, Love and Relationship | June 8, 2024



Kuwento ng Buhay at Pag-Ibig

Minsan, may mga taong dumarating sa buhay natin para mahalin, pero hindi para makasama habambuhay. Ouch, ‘di ba? Pero aminin mo, relate ka ‘no?


Nakilala mo siya sa pinaka-unexpected na panahon. Isang simpleng chat, isang random na comment sa post mo, o ‘di kaya’y isang tinginan sa gitna ng crowd na parang sinadya ng langit. Subalit bakit parang laging may hadlang?


Bakit parang lahat na lang ng signs, nagsasabing hindi kayo sa dulo?


Ang sakit, besh. Kasi kahit ano’ng pilit mong isalba, may mga relasyong sadyang hindi itinadhana—kahit pa pinagdikit na kayo ng pagkakataon.‘Ika nga nila, “Pinagtagpo pero hindi itinadhana” ang isa sa pinakamasakit na love story. Yung akala mo siya na, pero hindi pala. ‘Yung binuhos mo lahat ng oras, effort, pagmamahal, pero sa huli, wala ka ring napala kundi luha at tanong na, “Bakit hindi naging kami?”


Pero don’t worry, besh. Hindi ka nag-iisa. At para mas maintindihan mo pa ang mga “bakit” ng puso mo, narito ang 5 dahilan kung bakit may mga taong kahit gaano mo pa kamahal, ay hindi mo rin makakatuluyan.


  1. TUTOL ANG PAMILYA. Ipagpalagay nating mayaman ang pamilya nila, samantalang simpleng pamumuhay lamang ang meron kayo. Kadalasan, estado sa buhay ang pinakamalaking hadlang kaya hindi nagkakatuluyan ang dalawang nagmamahalan. 

‘Yung tipong, mamatain ka ng buong angkan niya to the point na sila pa mismo ang magpe-pressure sa iyo. So, beshie, what if, offer-an ka ng mga magulang niya ng P1M para lamang lubayan ang anak nila, tatanggapin mo ba?

  1. HINDI PA READY MAG-COMMIT. ‘Yung tipong same vibes kayo at aminado kayong pareho n’yong gusto ang isa’t isa, subalit hindi puwedeng maging kayo, sapagkat hindi pa siya handang pumasok sa panibagong relasyon. Aniya, self-love raw muna. Kunsabagay, paano niya mamahalin ang iba, kung mismong sarili niya ay hindi niya alam kung paano mahalin? Ipagpalagay nating sumugal nga siya sa relasyong hindi pa siya handa, ang ending ay magsusumbatan at mag-aaway lamang kayo hanggang mauwi sa hiwalayan.

  2. HINDI PA NAKAKA-MOVE ON SA EX. Kahit pa sabihing ex na ‘yun, ano’ng laban mo kung mas matagal ang pinagsamahan nila? Hindi ka naman siguro masokista para pumayag maging panakip-butas, ‘di ba? Siguro nga, may taong pinagtagpo lamang para i-comfort ang isa’t isa. 

  3. MAY DYOWA O ASAWA NA SIYA. ‘Yung akala mo, single kaya agad mo siyang pinatulan, pero kalaunan ay nalaman mong may sabit pala siya at muntik ka pang maging kabet. Naku, beshie, ‘wag mong i-romanticize ang salitang, “You and I against the world,” sapagkat hindi mo deserve maging third party. Siguro, may mga taong pinagtagpo para magkaroon ng thrill ang boring nilang love life, pero hindi para makuntento sa kung ano lamang ang puwede nitong ibigay sa ‘yo

  4. MAY IBANG NABUNTIS. Kapag alam mong may batang involve, sumuko ka na. Huwag kang magpamanipula sa sasabihin niyang, “Paninindigan ko lang ‘yung bata, pero ikaw pa rin ang mahal ko.” Sapagkat kung talagang mahal ka niya ay hindi siya mambubuntis ng iba. Isipin mo na lamang na kung ipagpapatuloy n’yo ang inyong relasyon ay may isa na namang inosenteng sanggol ang madadagdag sa listahan ng mga broken family. Sabihin n’yo mang, “True love conquers all,” ngunit may mga tao talagang pinagtagpo lang, pero hindi itinadhana. Huwag mong ipilit kung hindi puwede lalo’t may batang involve.


Ngayong alam mo na ang ilang struggles na pinagdaraanan ng bawat nagmamahal— ang tanong, gugustuhin mo pa rin kayang ma-in love?Kaya bes, kung nasaktan ka man, okey lang ‘yan! Hindi ka nag-iisa. Minsan, hindi sapat ang pagmamahal lang. Minsan, kahit gaano mo pa siya kamahal, may mga puwersang mas malakas pa sa “kayo.


”At kung dumating man ang panahong mapagtanto mong hindi talaga kayo itinadhana, huwag mong ikahiya o ikalungkot. Isipin mo na lang, baka may mas magandang plot twist pa sa’yo si Lord. ‘Yung tipo ng pag-ibig na hindi mo kailangang ipaglaban araw-araw, dahil kusa kayong ipaglalaban ng tadhana para sa isa’t isa.Love smart, bes.


Huwag lang puso, gamitin din ang utak. ‘Wag mong hayaang masayang ang luha mo sa taong hindi naman kayang pahalagahan ang lahat ng ibinuhos mong pagmamahal.Sa huli, tandaan n’yo na may mga taong dadaan lang para turuan tayong magmahal ng tama, pero hindi ibig sabihin nu’n ay sila na ang para sa atin. 


At huwag kayong mag-alala, dahil tiyak na may darating pa na mas deserving, ‘yung hindi mo na kailangang habulin, kasi siya mismo ang mananatili. Oki?

 
 

ni Lucille Galon @Special Article | June 7, 2025



Photo: KZ Tandingan at TJ - IG


Inamin ng singer na si KZ Tandingan na hindi pa sila handa ng mister niyang singer din na si TJ Monterde na magkaroon ng anak sa ngayon. 


Sa guesting ng mag-asawa sa podcast ng SB19 na Time First (TF) na mapapakinggan at mapapanood sa Spotify, ibinahagi ni KZ ang kanyang rason kung bakit career muna ang focus niya.


“Actually, mas ako ‘yung ayaw pa,” diretsahang pahayag ni KZ. 

Pahabol niya, “Hindi naman sa never, pero for now, parang hindi pa talaga.”


Ayon sa singer, nasa ‘season of waiting’ pa raw siya pagdating sa kanyang career. 

“Happy naman ako where I am now, pero s’yempre, I’m still hoping na may mangyari pa — more songs, more opportunities,” dagdag pa niya.


Hindi raw niya gustong dumating ang panahon na pagsisisihan niya na hindi niya naipaglaban ang kanyang career.


“Ayokong ipagkait sa magiging anak ko ‘yung oras na deserve n’ya, just because gusto ko pa mag-work. At the same time, ayoko rin na may regrets ako sa career ko,” emosyonal na pahayag niya.


Nag-open up din si KZ tungkol sa pressure na nararamdaman ng mga babae pagdating sa pagiging ina.


“I’m trying to take my time. Ayokong madaliin ‘yung pagiging nanay nang dahil lang sa pressure,” sey niya.


“Kasi ‘pag lalaki, kahit nabuntis ‘yung asawa, tuloy pa rin ang gigs, ang career. Pero tayong mga babae, 9 months na limited ang galaw, lalo na ako na kailangan tumambling-tambling at mag-rap-rap,” ani KZ.


Pero paglilinaw ng singer, hindi naman totally sarado ang pinto nila sa posibilidad ng pagkakaroon ng anak.


“We’re not closing the doors. Kahit sabihin naming ‘ayaw pa namin,’ kung ibigay ng Diyos, ibig sabihin, it’s meant to happen,” aniya.


Samantala, mukhang very chill naman si TJ Monterde sa usapin.


“Sa ‘kin, a couple is already a family. Kung walang baby, okey lang. Pero kung ibigay, thank you, Lord,” pagbabahagi ni TJ.


Dagdag pa niya, hindi naman daw kailangang magkaroon ng anak para masabing kumpleto ang pamilya.


“Lagi kasing sinasabi na, ‘Mag-anak na kayo, kulang pa kayo.’ Pero masaya naman kami,” pagtatapos ni TJ.


Well, career goals muna bago diaper goals, ‘di ba? Kasi nga naman, hindi minamadali ang pagkakaroon ng anak lalo na kung marami pa kayong plano para sa future.


LOVE is in the air this June para sa aktres na si Ina Raymundo at sa kanyang Canadian husband na si Brian Poturnak dahil kahit February ang sinasabing month of love, mas espesyal daw ang buwan ng Hunyo para sa longtime couple.


Sa isang Instagram (IG) post, ibinahagi ng aktres kung bakit mahalaga ang buwan ng June sa love story nila.


“June is an important month for my husband and me. We started dating in June 2000. That’s 25 years ago, more than half of my life,” kuwento niya.


Dagdag pa niya, “Who would have thought that two commitment phobes who ended up with five kids would make it this far?”


Ibinahagi rin ng aktres ang ilang throwback photo nila ni Brian, kabilang na ang larawan noong maikli pa ang kanyang buhok, at ilang sweet photos and videos ng kanilang bonding moments.


“And lastly, he had me at his muscles,” dagdag pa niya sa caption na talaga namang kinilig ang mga netizens.


Maraming celebrities ang nagpaabot ng pagbati sa mag-asawa sa comment section.

“25 years and counting. God’s grace indeed,” mensahe ng singer-actress na si Vina Morales.


Nagkomento rin si Patricia Javier, “Couple goals. So sweet.”

Maging ang actress na si Ana Abad Santos, napansin ang hairstyle ni Ina noon, “Love the pixie cut. So gorge (gorgeous), Ina.”


Matatandaang ikinasal sina Ina at Brian noong 2002 at ngayon ay proud parents na sila sa kanilang 5 anak na sina Erika, Jakob, Mikaela, Anika, at Minka.


Sa isa pang bahagi ng kanyang post, muling binalikan ni Ina ang kanilang love story.

“Twenty-two years ago, I married my Prince Charming—the man of my (day) dreams. We were destined to have a big, loving family,” pahayag ni Ina Raymundo.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | June 2, 2025



Photo: Krishnah - IG


Congratulations kay Krishnah Gravidez dahil sa katatapos na Miss World 2025 contest ay nabigyan siya ng titulo bilang Miss World Asia and Oceania.


Bunsod nga ito ng kanyang pagpasok sa Top 8 (mula sa Top 40, naging Top 20 at Top 8 nga), kung saan nakatapat niya ang eventual Miss World winner from Thailand bilang sila ang taga-Asia.


Sa format kasi ng kontes, mula Top 40 ay kumuha ng Top 10 candidates from each continent namely: Americas and Caribbean, Africa, Europe and Asia & Oceania. Then sa Top 20 ay na-reduce ang bawat continental delegates sa Top 5, hanggang sa piliin na lang ang Top 2 pagdating sa Final 8.


Bongga ang pinagdaanan ni Krishnah dahil magaganda, magagaling at mahuhusay ang mga kinabog nila ni Miss Thailand sa grupo nila gaya nina Misses India, Australia at Lebanon. 


Nu’ng sila na nga ni Thailand ang nagkudaan sa Q&A sa Top 2 ng kanilang kontinente, mapapa-wow ka na lang talaga sa tikas ni Krishnah. In fact, mas bet namin ‘yung sagot niya na napangiti pa nga si Julia Morley, ang owner at president ng Miss World organization.


Base sa aming pagkakaalam, ‘yung runner-up ni Miss Thailand na si Opal Suchata Chuangsri, ay 'matic continental winner na.


First runner-up si Miss Ethiopia Hasset Dereje Admassu (for Africa); 2nd runner-up si Miss Poland Maja Kladja (for Europe) at 3rd runner-up Miss si Martinique Aurelie Joachim (for Americas and Caribbean).


Kaya naman bongga at tunay na nakaka-proud si Krishnah dahil may sarili siyang title. 

Tama ba, mga Ka-Bulgar?

Congratulations!



Grabe, pero ang SB19 na marahil ang mayroong record na sa loob ng 2 gabi ay solid na solid ang concert performance.


Sa mga nag-trending at nag-viral na mga video snippets na kuha sa kanilang kick-off show para sa kanilang Simula at Wakas (SAW) world tour, hindi maitatangging ang SB19 na nga ang pinakamatagumpay at pinakasikat na boy group sa bansa and yes, still making huge name sa global scene.


“Walang tapon, lahat sila magagaling. Sing and dance, hosting, nagpapatawa, nagpapaiyak, lahat nakaka-relate sa mga kuwentong buhay nila, mataas ang fashion sense, bongga ang production, lahat ng kinanta at sinayaw nila ay hindi ninyo panghihinayangang bayaran nang mahal. Grabe, as in grabe,” ang nagkakaisang sigaw ng mga Ka-A’TIN at mga Ka-MahaLima sa socmed (social media).


Lahat nga raw ay nagkaroon ng moment sa stage. Walang sapawan kahit pa nga nakalalamang sa kasikatan sina Pablo at Stell. Iba ang hatak ni Ken, iba ang aura ni Josh, at may something kay Justin na mamahalin mo. 


Bawat isa ay nag-complement sa success ng concert na first time ngang nangyari sa Philippine Arena na halos umabot ng lampas 55K (thousand) ang mga tao bawat gabi.


No wonder, nataranta ang NLEX management pati ang MMDA dahil sa traffic ng mga sasakyan at mga tao na papunta at palabas ng Phil. Arena sa naturang area sa Bulacan.


At ‘yan ang totoo, walang padding sa ticket sales, walang exaggeration sa husay ng performances at walang nagreklamong palpak ang production dahil tunay namang pang-world-class at kering-keri na ihilera sa mga pinakamagagaling sa buong mundo.

No one can really argue with success. HUGE success!



MAY naiintriga sa Facebook (FB) post ni Javi Benitez hinggil sa recent development ng iskandalo sa pamilya nila.


Although wala namang binanggit na kung ano ang dating aktor sa demanda ng ina laban sa kanyang tatay na si Cong. Albee Benitez, nagpahayag ng pagkalungkot ang binata.


Sabi raw ng kapatid niyang si Bettina, umaasa pa rin sila na may mabuting kahahantungan ang mga pangyayari.


Nagpapasalamat nga sila sa mga simpleng pahayag ng suporta ng mga ‘tunay na nakakaalam ng istorya’ dahil hindi na raw kailangan pang i-post o makisawsaw pa.


Hinimok din niyang mag-move on na ang lahat at pagtuunan ng pansin ang mga mas malalalang problema ng bayan.


Sa huli ay sinabi pa sa post ni Javi na sana raw ay makahanap sila ng kapatid niya ng ‘tamang pag-ibig, ‘yung hindi nasusukat sa status, sa pera, o panlabas na imahe.... kundi sa respeto, lambing at tunay na partnership sa buhay.’


Hirit pa nito sa post na sa huli ay hindi raw views, likes o pera ang sukatan ng tao kundi ang puso.


Samantala, tahimik pa rin ang kampo ni Ivana Alawi na hindi kinumpirma ng aming source kung nasa USA pa rin ba o nakabalik na?


Wala ring nagsasalita sa mga nadawit na sina Daisy Reyes at Andrea del Rosario na diumano’y parehong may anak courtesy of Cong. Albee.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page