top of page
Search

by Info @Brand Zone | Oct. 31, 2024



The human claw machine at the SuperKids Day.


Thousands of SuperKids had a thrilling weekend as they experienced a day dedicated to all things K-Pop at the 8th SuperKids Day – the Happy SuperKids Day, which introduced the SuperKids K-Pop Group Dance Contest and the Monsterrific Halloween Costume Contest held at SM City North EDSA.



SuperKids with CeeCee Bear, the Ceelin Gummies mascot on stage.


SuperKids lived out their K-Pop dreams as they got to try various activities such as a K-Pop Makeover Studio, Korean Photobooth by The Film, K-Pop Dance Workshop, and a Fashion Show where they flaunted their K-Style OOTDS and the best dressed SuperKids won exciting prizes.



FIT CHECK! SuperKids in their stunning K-Style OOTDS.


SuperMoms who joined the Facebook pre-event promo (SuperMom & SuperKid Twinning on the SuperMoms Facebook Community) also took home prizes.



TWINNING! SuperMoms and SuperKids in their cute OOTDs.


As a special treat, superkids and mallgoers were treated with electrifying performances from Cloud 7, a P-Pop group under Sparkle GMA Artist Center, and a dynamic K-Pop dance number from the NU Dance Company.



Cloud 7 wowed the crowd at SM City North EDSA.



The NU Dance Company


This year’s SM Little Stars Finalists also showcased their awesome dance skills, dancing to hit K-Pop songs.



L-R: SM Little Star 2024 2nd runner up Jan Ellaine Seares, SM Little Star Finalist Arkhin Gray Patingga, and SM Little Star Girl Top 8 Jene Colleen Golo showing off their dance moves.

 

Interactive games also wowed superkids as they experienced getting on a human claw machine filled with amazing gifts and played Nintendo Switch Games from Cyberzone and PC Express.

 

For more information on SM Supermalls and to stay updated, visit www.smsupermalls.com or follow SM Supermalls on Facebook.

 
 

ni Jenny Rose Albason @Life & Style | Oct. 29, 2024



Iskul Scoop

Hi, ka-Iskulmate! Ikaw ba ay isang college student na gustong mag-unwind sa gitna ng nakaka-stress na college life? Kung oo ang iyong sagot, sure akong may mga listahan ka na ng mga destinasyong gusto mong puntahan, mula sa mga breathtaking na beach hanggang sa mga sikat na tourist spots. Hindi ba?


Pero ang tanong, paano kung tight ang budget? Don’t worry, Iskulmate! May mga paraan pa rin naman para makapag-explore at makapag-enjoy kahit na saks lang ang money. Gets mo?



Pero ang tanong, paano kung tight ang budget? Don’t worry, Iskulmate! May mga paraan pa rin naman para makapag-explore at makapag-enjoy kahit na saks lang ang money. Gets mo?


Sa article na ito, ibabahagi namin ang mga budget-friendly travel tips na hindi lang makakatulong sa iyo sa pag-save ng pera kundi siguradong magdadala rin sa iyo sa mga unforgettable adventures. 


Kaya naman, handa ka na bang i-pack ang iyong mga gamit at simulan ang journey nang hindi nalulugmok sa utang? 


Tara na’t tuklasin ang mga paraan upang mag-travel ng masaya at abot-kaya! Let's go!


  1. RESEARCH BEFORE YOU PACK. Mag-research muna ng off-peak na panahon para sa napili mong destination. Minsan, sa off-season may mababang rates sa accommodation at transportation.

Maghanap ng student discounts – marami nito, lalo sa mga museums, at parks. Basta huwag lamang kalilimutan ang school ID at ‘wag mahiyang magtanong! Oki?


  1. D.I.Y. TRAVEL PLANNER. Planuhin ang itinerary pero iwasang gumamit ng masyadong mahal na tour packages. 

Mas makakatipid ka kung ikaw mismo ang magbu-book ng bus o anumang rides na gusto mo. Subukan mo rin mag-research sa Google Maps at mga travel blogs para sa libre at hidden gems. 

Pero wait lang, dahil may mga pre-order na rin ng tickets online, may bonus pa dahil may chance ka pang makakuha ng discounts! Oh ‘di ba? Malaki na rin ang matitipid mo ru’n ha?


  1. GROUP TRAVEL. Ang bawat barkada ay puwedeng mag-share ng expenses sa food, transpo, at accommodation. 

Isipin n’yo na lang na para lang iyang group project, pero mas masaya at walang recitation. Mga Iskulmates, tandaan na sharing is saving! Oki?

Subukan ang mga hostels o Airbnb na may mga options for shared rooms. Oh, ha! Makaka-less na kayo, sama-sama pa kayo sa iisang kuwarto. Hindi ba mas masaya iyon? 


  1. PACK LIGHT, TRAVEL RIGHT. Pack light lang, Iskulmate! Ang mahal ng bayad para sa extra luggage, lalo na kung balak n’yo mag-airplane. 


Saka, mas convenient mag-travel kung saks lang ang mga bitbitin n’yong gamit.

Pro-tip: Kung may mga free samples o maliit na packaging ng toiletries, iyan na ang dalhin mo.


  1. STREET FOOD + GROCERY FINDS = SULIT MEALS. Ang street food ay hindi lang masarap, budget-friendly pa! Huwag kayong mahiyang sumubok ng mga local street food, dahil kadalasan dito n’yo matitikman ang mga pagkaing hinahanap-hanap ng inyong kalamnan.

Kung medyo sensitive ang tiyan, grocery finds ang best choice. Mag-prepare din kayo ng baon from home para mas makatipid pa lalo!


  1. "DO IT FOR THE GRAM" – PERO LOW-COST LANG. Kung photos at memories ang hanap mo, hindi mo na kailangan pa ng mamahaling lugar. Piliin ang mga scenic spots na walang entrance fee o yung mga parks at mga art installations.


Tipid-hack: gamitin ang phone camera nang maayos! Hanapin ang natural lighting para sa mga Instagram-worthy na pictures.


  1. MAX OUT PUBLIC TRANSPORT AND FREE RIDES. Saan man mapadpad, gamitin ang local public transport, tulad ng tricycle, jeep, o bus. Hindi lang ito mas mura, mas mai-experience mo pa ang local vibe ng lugar.


Kung may free shuttle o kahit “pa-hitch” sa mga friendly locals, i-grab ang opportunity (pero siyempre, maging safe pa rin!).

At ayun na nga! Sa kabila ng lahat ng gastos at hassle ng pagiging college student, maaari pa rin tayong makapag-travel nang abot-kaya. 


Ang mga adventure at experiences ay hindi laging nakadepende sa laki ng budget; minsan, ang tunay na halaga ng paglalakbay ay nasa mga kuwentong baon natin pabalik. 


Always remember, hindi mo kailangang maging mayaman para maging isang explorer. 

Mag-plan, mag-share ng expenses, at cherish the moments—dahil ang pinakamagandang alaala ay madalas nangyayari sa mga simpleng sitwasyon.


Ngayon, isara ang laptop, iwanan muna ang stress sa school, at simulan ang iyong travel journey. 


Ibahagi n’yo rin ang inyong mga budget-friendly adventures at ipakita sa mundo na ang saya ng buhay college ay hindi lang nakatuon sa pag-aaral kundi pati na rin sa pag-i-explore! 


Kaya, ano pang hinihintay mo? Grab your bags, summon your travel buddies, at tara na—ang mundo ay naghihintay! Safe travels at happy exploring, Iskulmates! 


Oh, nag-enjoy ba kayo Iskulmates? Ang Iskul Scoop ay ang pinakabagong column namin dito sa Bulgar na naghahatid ng mga balita at kuwento tungkol sa mga kaganapan sa iba't ibang paaralan. Layunin nitong magbahagi ng mga makabuluhang impormasyon at tips na makakatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa eskuwelahan.

So, kung gusto n'yong maging bahagi rin ng Iskul Scoop at meron kayong mga kuwento, inspiring stories o events na gusto n'yong i-share sa mga ganap sa inyong campus, mag-email lang sa iskulscoop@gmail.com para mailathala sa aming pahayagan.





 
 

ni Jenny Rose Albason @Life & Style | Oct. 24, 2024



Iskul Scoop

Hi, Iskulmate! Ramdam din ba sa lugar ang n’yo ang hagupit ng Bagyong Kristine? 

Knows namin na maraming klase ang na-suspend dahil sa pananalasa ng bagyong ito. At kapag narinig na ang balitang “Walang Pasok!”, automatic na ang celebration mode ng mga students like you. 



Parang may magic ang salitang ‘suspension’—bigla kang nagkakaroon ng extra tulog, extra oras para mag-Netflix, at siyempre, extra time para sa mga bagay na hindi mo nagagawa kapag regular ang pasok. 


Pero wait lang, mga ka-Iskulmate! Ang suspension ay hindi license para kalimutan na ang school responsibilities at mag-full-time vacation. Kung may bagyong parating, may iba’t ibang eksenang dapat paghandaan—mula sa pagkawala ng kuryente hanggang sa online class na hindi mo inaasahan! 


Kaya, bago ka mag-relax at mag-enjoy, may mga ilang paalala na dapat tandaan para hindi ka rin mag-flood sa stress pagbalik ng regular classes. 

Tara, samahan mo ako sa mga practical na survival guide ngayong suspended ang klase.


1. GAWIN ANG DAPAT GAWIN. Oo, wala kang pasok, pero ‘wag kalimutan na may mga assignments pa ring dapat tapusin. Kung nagbabadyang bumaha sa labas, baka bumaha rin ng projects, quizzes, at modules. Kaya take this time para mas maagang tapusin ang mga gawain—at hindi puro last-minute cram. Oki?


2. CHARGE, CHARGE, CHARGE! Kapag bumuhos na ang ulan, madalas kasunod nito ay brownout. Huwag magulat na baka biglang mag-bye ang kuryente. Bago pa man magbagsakan ang ulan at kidlat, i-charge na ang iyong gadgets. At hindi lang ‘yan, pati na rin ang power banks. Hindi mo naman gustong ma-stranded na walang kuryente at walang panlaban sa boredom, ‘di ba?


3. FLOOD-PROOF ANG REVIEW MATERIALS. Kapag nag-suspend ng klase, hindi ibig sabihin na tanggal na rin ang exams. Kaya kung maulan, siguraduhing hindi mababasa ang mga reviewers mo. I-save sila sa cloud storage o sa mga app tulad ng Google Drive. Hindi na uso ang “Binaha po ‘yung notes ko, kaya hindi ako nakapag-aral” excuse.


4. UNEXPECTED ONLINE CLASSES. ‘Wag magulat kung biglang mag-decide si teacher na ituloy ang lesson online. Yes, hindi mo sila matatakasan! Kaya kahit stormy weather, ready dapat ang Zoom app mo. 

Pro tip: i-check kung okay ang connection. At kung bumaha ng assignments sa group chat, “seen” ka na agad para ‘di ka mapag-iwanan.


5. “NETFLIX AND CHILL” RESPONSIBLY. Madalas itong motto ng mga estudyante kapag walang pasok. Pero alalahanin, walang masama sa pagre-relax. Minsan, kailangan din ng brain mo ng pahinga. Just remember, ang rest day ay hindi all-day marathon ng Korean dramas o movies. Balance lang—review muna ng konti, binge-watch pagkatapos.


6. KONTING HOUSEWORK, KONTING SIPAG. Siyempre, hindi naman araw-araw suspendido ang klase. Kung natapos mo na ang assignments at modules, tulungan si nanay at tatay sa gawaing bahay. Ang pagtulong sa paghugas ng pinggan o paglilinis ng bahay ay malaking bagay. Plus points ka pa sa kanila!


7. STAY SAFE AND UPDATED. Seryoso man ang survival list na ito, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang iyong kaligtasan. Laging i-monitor ang balita tungkol sa lagay ng panahon. Huwag nang lumabas kung ‘di naman kailangan. Kung nasa mababang lugar, siguraduhing handa ang mga bagay na kailangan sakaling kailanganing lumikas.


8. MENTAL HEALTH BREAK. Bagyo man o hindi, mahalaga ang mental health. Kung ang stress sa school ay halos bumaha na rin, gamitin ang pagkakataong ito para mag-unwind. Mag-meditate, magbasa ng libro, o simpleng pumikit at huminga. Kailangan mo rin ito para maging handa ulit sa susunod na pasok.


9. POST-WEATHER REFLECTIONS: HUWAG SAYANGIN ANG LIBRENG ARAW. Kapag natapos na ang bagyo, tanungin ang sarili: "Ano ang nagawa ko ngayong walang pasok?" Kung ang sagot ay puro tulog at nood, walang masama, pero sana naisingit mo rin ang pagiging productive. Gawing fruitful ang bawat suspension day para sa sarili mong growth!


At the end of the day, ang bagyo at suspended classes ay hindi laging tungkol sa pahinga lang. Isang magandang pagkakataon din ito para sa time management, productivity, at tamang balance sa buhay. 


Sure, masarap magpahinga, mag-movie marathon, o maglaro ng games, pero sa bawat ulan at baha, nariyan din ang mga gawain at deadlines na hindi dapat kalimutan.


Gawing productive ang araw, planuhin ang susunod na hakbang, at kung natapos mo

na ang lahat, go ahead—enjoy the break! Tandaan, hindi lahat ng suspension ay dapat sayangin, puwede rin itong maging perfect balance ng work at play. 


Enjoy the rain, but don’t let it wash away your responsibilities. Stay safe and dry, Iskulmate!


Oh, nag-enjoy ba kayo Iskulmates? Ang Iskul Scoop ay ang pinakabagong column namin dito sa Bulgar na naghahatid ng mga balita at kuwento tungkol sa mga kaganapan sa iba't ibang paaralan. Layunin nitong magbahagi ng mga makabuluhang impormasyon at tips na makakatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa

eskuwelahan. 

So, kung gusto n'yong maging bahagi rin ng Iskul Scoop at meron kayong mga kuwento, inspiring stories o events na gusto n'yong i-share sa mga ganap sa inyong campus, mag-email lang sa iskulscoop@gmail.com para mailathala sa aming pahayagan.





 
 
RECOMMENDED
bottom of page