top of page
Search

ni Twincle Esquierdo | July 27, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Nag-post ang SM cinema sa kanilang facebook account na isang video tungkol safety protocol na dapat sundin ng mga customer at staff kapag binuksan na nila ang ilang sinehan.


Ayon pa sa kanila magbibigay sila ng update kung kailan sila magbubukas.


Naunang sinabi ng DOH nitong Linggo na 2,110 ang bagong kaso ng COVID-19 na umabot na sa kabuuang bilang na 80,448. 1,345 sa NCR, 304-Cebu, 109-Laguna, 66-Negros Occidental at 40 sa Rizal.


Sa ngayon patuloy pa ring nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Cebu City hanggang Hulyo 31, 2020.

 
 

ni Thea Janica Teh | July 24, 2020


ree


Nami-miss niyo na bang ilabas si misis/mister, bf/gf o ang buong pamilya para manood ng bagong palabas? Puwes ito na ang chance nating lahat para muling ma-experience ang cinema nang hindi nag-aalala sa kaligtasan ng ating kalusugan!


Matatagpuan sa Pampanga City ang drive-in cinema kung saan hindi na natin kailangan pang bumaba ng sasakyan at makihalubilo sa ibang tao para makanood ng sine. Makakapag-relax na tayo kahit nasa loob lang ng sasakyan.


Ang drive-in cinema sa SM Pampanga Amphitheater ay magbubukas simula July 31, 2020.


Ito ang first-ever drive-in cinema sa ‘Pinas. Kaya ihanda na ang popcorn at sabay-sabay tayo muling manood ng inaabangan nating palabas kasama ang mahal natin sa buhay.

 
 

ni Twincle Esquierdo | July 22, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Matapos ang limang taon ay ititigil na ang operasyon ng KidZania dahil sa pandemya.


Ayon sa Play Innovations Inc. ang KidZania na pagmamay-ari ng ABS-CBN ay permanente nang magsasara sa Agosto 31, 2020.


"With the COVID-19 pandemic and ensuing community quarantine, we have complied and suspended operations to prevent the further spread of the virus, which resulted to a massive impact on our revenues. Even if we are allowed to operate in the future, the 'new normal' will prohibit mass gathering and require children to remain at home. These conditions have left us with no choice but to close the play city's doors permanently,"


"Our hearts go out to our employees. We are doing everything we can to aid them at this time of uncertainty," aniya Inilunsad ang KidZania noong 2015 sa Taguig at nagbibigay paalala sa mga bata na merong iba’t ibang tungkulin sa buhay ang dapat nilang matutuna.


Nagsimula ang pagsara nito nu’ng Marso 11 dahil sa COVID-19 pandemic.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page