top of page
Search

ni Lolet Abania | September 23, 2020


ree

Super happy ang couple na sina Megan Young at Mikael Daez na nag-swimming kasama ang kanilang pamilya sa isang resort noong weekend.


Kahit pa bumuhos na ang malakas na ulan, todo-langoy ang mag-sweetheart sa pool, sabay talunan na rin ang buong family nila.


Kinunan ni Mikael ang lahat ng sweet moments ng pamilya na ngayon na lang ulit nangyari dahil sa pandemya at nag-share sa IG account.


“Our family vibes whether it rains or shines. The whole fam bam took a trip together in our own little nook at the edge of the country,” post ni Mikael. “We swam in the rain, talked in the rain and even Soba was enjoying our water-filled weekend. This was a very clear high point during a challenging year.”


Sa isang clip, medyo hesitant pa si Megan na magtampisaw sa ulan, pero napilit din siya ni Mikael na mag-swimming habang nagpapaulan, “It’s okay, you’re in a swimsuit!” “It reminded us of those times that we we go out and dance or play in the rain when we were kids. Did you guys used to play in the rain too when you were kids?” sabi ni Megan sa kanyang IG post.


Samantala, nagpakasal sina Megan and Mikael noong January ng taong ito. Waiting pa rin ang dalawa ng paglaki ng kanilang family. Matagal nang kasama ng couple ang mga kapatid ni Mikael bago pa isailalim ang Metro Manila sa enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

 
 
  • BULGAR
  • Sep 21, 2020

ni Lolet Abania | September 21, 2020


ree

Nagbukas na ang ilan sa kilalang tourist destination sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) sa Subic, Zambales.


Ayon kay Subic Bay Metropolitan Authority Administrator Wilma Eisma, magpapatupad pa rin sa mga turista ng kailangang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.


May mga beach resort naman na hinihingi sa kanilang guests na isulat ang personal na impormasyon sa contact tracing at health forms bago sila pumasok sa lugar.


Gayunman, may ibang resorts na nagbawas ng kapasidad ng maaaring magbakasyon sa kanila, kung saan mula sa dating 800 guests, naging 130 na lamang para maiwasan ang sobrang dami ng tao.


Sa MGCQ, mas relaxed ang quarantine classification dahil binawasan ang higpit sa bawat galaw ng tao, transportasyon at panuntunan sa mga establisimyento, gayundin, kaunti lamang ang uniformed personnel sa paligid.


Samantala, plano ng Palasyo na ipatupad ang “new normal” classification sa mga lugar na zero Coronavirus transmission noong nakaraang buwan.


“We’re still data-driven and guided by science. What I can say though is it will not be the same. Kasi ako mismo, nagmungkahi at nag-agree naman ang IATF na there will be areas na may zero transmission in the past month na pupuwedeng ideklara under the regime of new normal,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa televised press briefing kanina.


“So, in that sense, magkakaroon tayo ng bagong classification. Magkakaroon tayo ng new normal bukod sa MGCQ.”


Gayunman, sa Metro Manila, inamin ni Roque na malayo pang mangyari na maging “new normal” ang nasabing lugar dahil sa naging epicenter ito ng COVID-19 outbreak.


“We are now 13 to 14 days so medyo malayo pa ‘yung tatahakin natin para magkaroon ng further classification ang Metro Manila,” sabi ni Roque.

 
 

ni Twincle Esquierdo | September 20, 2020


ree


Sa pagbubukas ng Tagaytay City, inaasahan na unti-unti nang makakabangon ang ekonomiya matapos humina ang mga negosyo sa nasabing lugar dahil sa Covid-19.


Maraming motorcycle riders at turista na ang nagpupunta sa Tagaytay ngunit kakaunti pa lamang ito kumpara noong walang pandemya. Ayon kay Tagaytay Mayor Agnes Tolentino, kahit papaano ay makakabangon ang kanilang lugar kahit kaunti lamang ang pumupunta rito ngayon.


Magandang pahiwatig naman ito para sa mga maliliit na negosyante sa Tagaytay.

"Medyo naka-recover nang kaunti kasi tuluy-tuloy na ang pasok ng tao," sabi ni JC Lorenzo, may-ari ng bulalohan.


"Bumabalik na ang kita. Kumikita na kami at nakakaahon na," sabi naman ni Teodoro Rodi na tindero ng bulaklak.


"Malaking bagay po na naibalik na, nabuksan na uli ang Tagaytay. Magkakaroon na po uli kami ng magandang pag-asa na makabangon uli," sabi ni Maricel Ferrer, tindera ng prutas.


Nagpaalala naman si Joint Task Force COVID Shield Commander Guillermo Eleazar na dapat ay may travel authority ang mga turistang pupunta sa Tagaytay.


Magsasagawa rin sila ng ramdom checkpoint sa iba't ibang kalsada sa papasok at palabas ng Tagaytay upang matiyak kung awtorisadong turista lamang ang mga nakakapunta roon at pinaigting din ang police visibility upang masunod ang physical distancing, pagsusuot ng facemask at faceshield.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page