top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 16, 2021



ree

Bubuksan nang muli sa publiko ang Fort Santiago, Casa Manila Museum, at Baluarte de San Diego sa Intramuros simula bukas, February 17.


Ayon sa Facebook post ng Intramuros Administration, magkakaroon ng special opening day na magsisimula nang alas-2 nang hapon.


Ngunit ang regular operating hours ay magsisimula sa February 18, 12 PM hanggang 8 PM araw-araw sa Fort Santiago, 8 AM hanggang 5 PM naman sa Casa Manila Museum simula Martes hanggang Linggo at 8 AM to 5 PM naman tuwing Sabado at Linggo sa Baluarte de San Diego.


Nagpaalala rin ang Intramuros Administration na ang mga edad 15 hanggang 65 lamang ang maaaring makapasok sa mga nabanggit na lugar.


Bukod sa mahigpit na pagpapatupad ng mga health guidelines katulad ng pagsunod sa physical distancing, pagsusuot ng face masks at face shields, limitado rin ang bilang ng mga maaaring pumasok sa bawat lugar.


100 people at a time lamang ang maaaring makapasok sa Fort Santiago at Baluarte de San Diego at 15 katao naman sa Casa Manila Museum.


 
 

ni Lolet Abania | November 29, 2020


ree


Itinanghal bilang World’s Leading Dive Destination ang Pilipinas ng 2020 World Travel Awards.


Ayon sa Department of Tourism (DOT), ito ang ikalawang pagkakataon na nagwagi ang bansa bilang World’s Leading Dive Destination matapos na unang kinilala noong 2019.


Muling kinilala sa buong mundo ang ‘Pinas na tahanan ng maraming dive sites tulad ng Tubbataha Reefs Natural Park sa Palawan, Apo Reef Natural Park sa Mindoro, at Apo Island sa Dumaguete, matapos na talunin ang walong magagandang dive destinations kabilang na ang Bora Bora, French Polynesia, Cayman Islands, Fiji, Galapagos Islands, Great Barrier Reef, Australia, Maldives, at Mexico.


Una nang pinarangalan ang ‘Pinas bilang Asia’s leading beach kasunod nito ang pangunguna ng bansa sa dive destination sa World Travel Awards 2020.


Bukod pa rito, ang Intramuros, Manila ay kinilala rin bilang World's Leading Tourist Attraction.


Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakamit ng Manila ang ganitong parangal dahil sa ipinagmamalaking Walled City ng Intramuros laban sa 15 tourist spots kabilang ang Acropolis ng Greece, Burj Khalifa ng Dubai, ang Grand Canyon National Park ng USA, Mount Kilimanjaro ng Tanzania, at Taj Mahal ng India, at marami pang iba.


Samantala, itinatag ang World Travel Awards noong 1993 na kumikilala sa mga katangian at organisasyon sa buong mundo mula sa travel, tourism, at hospitality industries sa pamamagitan ng kanilang annual Grand Tour, mga serye ng anim na regional gala ceremonies na idinaraos sa bawat kontinente, kung saan kada taon ay nagsasagawa ng Grand Final Gala.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 29, 2020


ree


Itinanghal na World’s Leading Dive Destination ang Pilipinas at World’s Leading Tourist Attraction naman ang Intramuros, Manila ngayong taon ng 27th World Travel Awards, ayon sa Department of Tourism (DOT).


Tinalo ng Pilipinas ang Great Barrier Reef sa Australia, Maldives, Fiji at Mexico para sa "World’s Leading Dive Destination" award.


Tinalo naman ng Intramuros ang 15 na global attractions katulad ng Acropolis sa Athens, Greece, Burj Khalifa sa Dubai, Macchu Pichu sa Peru, Great Wall of China at Taj Mahal ng India sa "World's Leading Tourist Attraction 2020.”


Bukod sa mga naturang awards, nasungkit din ng City of Dreams Manila ang World's Leading Casino Resort 2020; Amanpulo bilang World's Leading Dive Resort 2020; at ang World's Leading Luxury Themed Resort 2020 award naman ang nakuha ng El Nido, Pangulasian Island.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page