top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 2, 2021


ree

Papayagan nang makapasok sa Puerto Galera ang mga turistang fully vaccinated kahit wala nang ipakitang negative swab test.


Ang mga hindi pa fully vaccinated ay puwede naman sa antigen tests na libre.


“Kapag fully vaccinated na po ang aming mga turista hindi na po kailangan ng RT-PCR,” ayon kay Carmela Datinguinoo, municipal administrator ng Puerto Galera sa ginanap na Laging Handa public briefing.


Sa Batangas City Grand Terminal isasagawa ang libreng antigen tests sa mga hindi pa bakunadong turista.


Kasama rin sa mga makikinabang sa free antigen tests ang mga residente ng Puerto Galera.


Ayon pa kay Datinguinoo, 100% ng economic frontliners sa kanilang lugar, kabilang ang mga tourism worker ay fully vaccinated na.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 1, 2021


ree

May ilang pagbabago sa guidelines hinggil sa travel requirements para sa mga gustong pumunta sa Bohol.


Pinirmahan ni Bohol Governor Arthur Yap ang isang executive order na nagsasabing hindi na hihingin ang RT-PCR test result at hindi na rin muna requirement ang vaccine certification mula sa vaxcertph para makapasok sa probinsiya.


“Ang problema sa vaxcert, ang tagal ng uploading kaya ang daming naantala. So today, I signed a new executive order na temporary suspended ang vaxcert. Ang hinihingi na lang namin ay vaccination card from LGU, or any DOH o BOQ certified na vaccine certification. Tatanggapin namin iyon," ani Yap.


Ayon pa kay Yap, bumuti ang turismo sa Bohol magmula nang tanggalin ang swab test requirement dalawang linggo na ang nakararaan.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 6, 2021


ree

Dumagsa ang mahigit 700 turista mula sa NCR Plus sa Boracay noong Sabado matapos luwagan ng pamahalaan ang quarantine restrictions sa Metro Manila at kalapit na probinsiya.


Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, 718 ang mga turista mula sa NCR Plus.


Siniguro naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang mahigpit na pagpapatupad ng mga safety and health protocols sa mga paliparan.


Kamakailan ay inaprubahan ng pamahalaan ang mga leisure activities sa NCR Plus papunta sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ simula noong June 1 hanggang 15. Inalis na rin ng pamahalaan ang age restrictions ngunit kailangan ding sundin ang mga health protocols at ang mga ipinatutupad na guidelines ng local government units (LGUs).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page