top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 9, 2024



Photo: Atty. Mark Tolentino

    

Nagpupuyos sa galit ang mga netizens sa pagputok ng balitang nag-file ng Certificate of Candidacy (COC) for senator si Apollo C. Quiboloy kahapon.  


Ang legal counsel ni Quiboloy na si Atty. Mark Tolentino ang nag-file ng COC ng leader ng KOJC (Kingdom of Jesus Christ) group on his behalf last Tuesday, October 8.  

Ang rason daw ni Quiboloy sa pagtakbo, according to SMNI's X (dating Twitter) account,


“With the vision of bringing faith and service to the forefront of governance, Pastor Apollo stands with his powerful message: ‘Para sa Diyos at sa Pilipinas Kong Mahal’”  

Inulan ng batikos si Quiboloy sa kanyang tangka na tumakbong senador sa 2025 elections.  


Sey ng mga netizens:


“Only in the Philippines. Whahaha! Wanted na nga, tatakbo pa. ‘Pag heto, nanalo talaga, ewan ko lang. Hahaha!”  

“Ibang klase talaga. Only in the Philippines!!!”  

“Kapal talaga ng mukha mo (angry emoji).”  

“Ginagawang joke na talaga ang election dito sa Pilipinas.”  

Iba naman ang reaksiyon ng ilang netizens sa pag-file ng COC ni Quiboloy.  

“Appointed Son of God ka na nga, magse-senador ka pa? (clown emoji).”  

“Ayaw mo n’yan? Anak ng Diyos, Senador ng bayan? (laughing emoji).”  

Dismayado naman ang mga netizens sa Comelec sa pagtanggap sa COC ni Quiboloy.  


“What is this, an out for those accused of crime? If COMELEC doesn’t do anything about all of these gross manipulations of our system of government, then Congress must enact a law that will forbid, once and for all, those accused of crime from seeking the safety net of elective posts.”  


“I do not like Quiboloy, but Comelec cannot do anything at this point. Unless the person is convicted, they’re allowed to run for office.”  


“Kapag ito nanalo, ewan ko na lang. Hay, nako!”  


“Let him run para mabawasan yaman n’ya. Even if he wins, he can’t take his seat because senators don’t have immunity. He can still be extradited to the US. Tingnan natin kung gaano karaming Pilipino ang maloloko pa n’ya.”  


Pero may nagsasabi rin na mga netizens na hindi pa naman daw sentensiyado si Quiboloy, kaya may karapatan pa ring tumakbo sa halalan.  

At malay natin, kahit dagsa ang mga bashers ni Quiboloy, tinatawanan lang niya ang mga ito.  

As of now, hindi pa makumpirma kung kasama si Quiboloy sa partido ni ex-President Duterte sa listahan ng mga senador na tatakbo next year.


PARAMI na nang parami ang mga followers ng multi-awarded actress na si Hilda Koronel sa Instagram. 


Ibig sabihin nito, ang dami pa rin talagang fans ni Hilda kahit matagal nang ‘di gumagawa ng pelikula. And now, kilala na rin siya ng batang henerasyon.


Nakakaaliw ang mga naka-post sa Instagram ni Hilda. Karamihan dito ay video clips ng mga classic films niya at pati old and recent photos niya.


Ayon sa Instagram bio ni Hilda, “Hi everybody! I’m here on Instagram, happy to hear from friends and fans all over the world.”


May mga pa-trivia caption din si Hilda sa mga ipino-post niya na pictures at film clips gaya ng iconic scenes niya with another great actress na si Monalisa sa Insiang.

Comment-post ni Hilda, “Our hard plantsa scene, tuhog, in the slums, while a band was playing in the next street lol it was a hard scene but we did it.. I love Mona Lisa.. so beautiful and such a great actress..”


Pati sa ending ng Insiang ay may revelation si Hilda, “It was not the original ending for the movie. We were asked to change it.. it worked though..” 


Ang nakakatuwa pa kay Hilda sa IG, sinasagot ang comment ng kanyang mga fans/followers.


Mahigit 20K na ang mga followers ni Hilda sa IG in a very short time na nag-start siyang mag-join dito.


At may 71 people na pina-follow si Hilda sa IG gaya ng leading man niya na si Christopher de Leon, at sina Bea Alonzo na nakasama niya sa huling pelikula na ginawa niya na The Mistress bago pumunta ng Amerika, Gina Alajar,  Maricel Soriano, Dawn Zulueta at marami pang iba.


And speaking of Dawn, ang tagal na rin niyang tumigil sa pag-arte. It would be nice siguro na magkasama sa isang project sina Hilda at Dawn.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 8, 2024



Showbiz News

    

Nagpakita ng suporta si King of Talk Boy Abunda para sa kanyang nag-iisang kapatid na si Congresswoman Maria Fe Abunda sa lone district ng Eastern Samar sa ginanap na get-together ng mga kababayan nila sa nabanggit na probinsiya.


Tatakbong muli for her second term ang kanyang “Mana Fe” bilang representative ng Eastern Samar sa darating na halalan.


Ikinuwento ni Kuya Boy ang naging journey niya sa buhay - sa hirap at tagumpay pagpunta niya ng Maynila mula Borongan, Samar.


Naikuwento ni Kuya Boy ang naging hagdan niya sa tagumpay sa kanyang mga kababayan upang ma-inspired at maging kabilang sila sa pangarap nila for a better Eastern Samar.


Part ng speech ni Kuya Boy ang panahon na hirap ang mga gaya niya na member ng LGBTQ community na pumronta sa harap ng kamera sa telebisyon. At kahit nakalusot na raw siya, mariing sinabi ni Kuya Boy na ‘di pa rin daw tanggap nang buo ang mga members ng LGBTQIA+.


“Hindi pa, malayo pa. We are being patronised but we don’t have equal rights na ‘yan ang isinisigaw namin,” pahayag ni Kuya Boy. 


May mga institusyon pa rin daw na nagdi-discriminate sa mga gays.

“But let's move forward. Let's continue the struggle because you and I know that time will come. Pero we have to move,” pang-eengganyo ni Kuya Boy.


Hanggang sa naalaala niya nu’ng nagkasagutan sila ni Manny Pacquiao.


“Naalaala n’yo nu’ng inaway ko si Manny Pacquiao? Magkaibigan na kami ngayon. Pero ‘yun.

“I mean, bakit ko sinagot si Manny Pacquiao?


“Eh, tawagin ba naman tayong mas masahol pa tayo sa hayop. I mean, that was one of the moments in my life, ‘wag naman, ‘wag naman.


“But of course, Manny and I have spoken to each other. We have resolved all the issues and I hope that we have become better people,” paliwanag pa ni Kuya Boy.


Binanggit din ni Kuya Boy ang paulit-ulit na itinatanong sa kanya - ang pagpasok sa pulitika, pero sadyang wala raw ito sa bituka niya. Kahit na halos lahat sa pamilya niya ay pinasok ang pulitika.


He even mentioned na kinausap siya ni dating Senador (now President) Bongbong Marcos na tumakbong senador noong 2022. 


“May mga kaibigan akong senador, nakausap ko  kahapon, ‘Boy, run in 2028. ‘Wag ka lang daldal nang daldal,’” pagri-reveal pa ni Kuya Boy. 


Sa true lang, di hamak na malaki ang “K” ni Kuya Boy Abunda to be in the public office kesa sa iba d’yan, ‘no!


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 7, 2024



Showbiz News

    

Madamdamin ang post ni Elijah Canlas sa kanyang Instagram (IG) Story kahapon. Inalala niya ang kanyang yumaong kapatid na si JM na fan pala ng American-Filipino singer na si Olivia Rodrigo.


Isa si Elijah sa libu-libo nating kababayan na nanood ng concert ni Olivia sa Philippine Arena sa Bulacan noong Sabado.


Ishinare ni Elijah sa kanyang IG Story ang picture kung saan hawak-hawak niya ang ID picture ni JM habang nasa backdrop nito ang Philippine Arena.


Mensahe ni Elijah sa kanyang IG, “He literally had his own corner of Olivia merch at home, he even made me watch the Disney shows she starred in. That’s also why I know most of her songs. He would sing and play them a lot in the car.”


Ipinangako rin daw ni Elijah na manonood sila ni JM ng concert ni Olivia balang-araw, na hindi na nga niya naibigay sa pumanaw na utol.


Sinabi rin ni Elijah na nami-miss pa rin niya si JM.


“Kahit mag-isa lang ako kanina at may konting buhos ng luha, ramdam kitang sumasabay sa bawat kanta, nakangiting tumatalon, at tunay na maligaya,” mensahe ni Elijah kay JM.

Dagdag pa ni Elijah, “Hope you had fun!”


Seventeen lang si JM nang siya ay mawala noong Agosto, 2023.


Samantala, ang iba pang nanood na celebrities sa concert ni Olivia ay sina Marian Rivera, Dingdong Dantes kasama ang anak na si Zia, Andrea Brillantes at Sharlene San Pedro.



MATAGUMPAY na ipinalabas ang latest masterpiece ni Cannes Best Director Brillante Mendoza na Motherland sa ongoing Busan International Film Festival (BIFF) sa South Korea na nagsimula noong Oktubre 4 hanggang 11.


Ayon sa isang film reviewer, epektibo ang ginawa ni Direk Brillante sa Motherland sa pagko-combine ng action at drama.


“Nakatuon si Brillante Mendoza sa kuwento ng kaligtasan ng isa sa mga miyembro ng pangkat ng pag-atake, si Dao-ayen, at sa pamamagitan n’ya, mahigpit n’yang sinusundan ang operasyon, mula sa simula nito sa punong tanggapan ng SAF hanggang sa lugar ng operasyon.


“Ang misyon sa una ay isang tagumpay, ngunit sa lalong madaling panahon, ang mga puwersa ng pulisya ay natagpuan ang kanilang sarili na napapalibutan at nasa isang desperadong pakikipaglaban para sa kanilang buhay.


“Sa kanyang trademark, parang dokumentaryo na istilo, ipinakita ni Mendoza ang isang pelikulang puno ng tensiyon at paghihirap, kasama ang pakikipaglaban at ang desperasyon na inihahatid nito sa karamihan ng tagal nito.


“Ang pagtatapos, sa kabilang banda, ay ibinabalik ang buong bagay sa kalidad, na may banayad na komento tungkol sa pamumuno, at kung paano ang mga desisyon ng mga nakatataas ay maaaring paminsan-minsan ay magkaroon ng mapangwasak na epekto sa mga tumatanggap nito,” lahad ng film reviewer.


Namumukod-tangi raw ang pagganap ng bida sa Motherland na si Rocco Nacino.

Dinig din namin sa ibang mga nakapanood na during private screening sa bahay ni Direk Brillante na napakahusay daw talaga ni Rocco sa Motherland.


Kaya ngayon pa lang, atat na rin kaming mapanood ang Motherland ni Direk Brillante.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page