top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 17, 2024



Photo: SB19 performance - Billboard PH Instagram @billboardphofficial


Dismayado ang tinaguriang P-Pop Kings na SB19 sa event ng Billboard first anniversary.

Paano kasi, may mga palpak daw na ginawa ang mga organizers ng event.      


Unahin na natin ang kapalpakan ng bandang kinuha to accompany SB19 for their performance. May mabagal, may bumibilis ang tempo ng tugtog habang kumakanta ang SB19.


Todo-rehearse naman ang grupo with the band, ano’ng nangyari sa actual performance that night?


Kuwento ng mga nasa VIP section na nag-post sa X (dating Twitter), kitang-kita nila ang pagkadismaya ng grupo.


Unang nag-react si Pablo na nabasa thru lip-reading ng audience ang dialogue nito na parang ang sinasabi ay “What is happening?” sabay tingin sa likod.

Sumunod si Ken Suson na napasigaw ng, “Stop!” na ibig sabihin daw ay gustong pahintuin ang banda.


Third, si Josh ay napa-“What the…?” 


At agad-agad na pumunta sa likod ng stage sina Ken at Josh na tingin ng mga nakakita ay bad trip na bad trip.


Hala… walkout ba ito?


And then, si Stell na nararamdaman din ang nangyayari at reaksiyon ng kanyang kagrupo ay tinapik si Ken habang inaalo para pahupain ang emosyon nito.


Twice na nagkaroon ng technical difficulties sabi ng mga netizens/fans. Pero nagpaka-professional pa rin ang SB19 at pinangatawanan ang kasabihang “The show must go on.”

Comment ng mga netizens:


“One thing I’ve learned in time sa SB19, bigyan n’yo sila ng tech issues and they will give you one hell of a show.”


“Tech issues ka lang, SB19 ‘yan, pero sana naman next time, ayusin para sa mga taong ilang oras naghintay lalo na sa artist na ginagawa ang best nila to give an explosive performance.”

“‘Yung gigil n’yo kagabi lalo na ikaw, Stell, you make me proud. Grabe, talagang vocals and power on stage.”

‘Yun, oh!



INILUNSAD na ng sikat na beauty and skin products company ni Ms. Rhea Anicoche-Tan, ang Beautederm, ang latest offering nila na Belle Dolls.


Ang Belle Dolls ay may iba't ibang klase - ang Premium Glutathione and Premium Vitamin C, Stem Cell Juice Drink, Caramel Macchiato, Dark Chocolate and Collagen Juice Drink.


Siyempre, may set of endorsers ang bago at ipinagmamalaki nila na Belle Dolls, at sila ang mga Kapuso stars na sina Shaira Diaz, Isabelle Ortega, Sofia Pablo and Miguel Tanfelix.


Ginanap ang launch ng Beautederm’s Belle Dolls sa Novotel, Cubao kahapon.

Dumating at nagbigay ng suporta rin sa launch ng Belle Dolls ang iba pang celebrity endorsers sa pangunguna ng dalawang premyadong aktres at “mamitas” na rin na sina  Lorna Tolentino at Sylvia Sanchez.


Ang iba pang celebrity endorsers na dumating ay sina Kitkat, Jaycee Parker, Rochelle Barrameda, Maricel Morales, Sunshine Garcia, Gillian Vicencio, Edgar Allan Guzman, Thou Reyes at marami pang iba.


Unparalleled na talaga ang success ng Beautederm ni Ms. Rhea, kaya naman lagi naming tatandaan ang sinabi niya sa grand launch ng Belle Dolls.


“I might have done something good kaya nag-i-stay ang mga endorsers ko,” pahayag ni Ms. Rhea.


Again, our congratulations to Ms. Rhea, Beautederm and to the celebrities of Belle Dolls!


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 16, 2024



Photo: BINI PH


Pagkatapos ma-sold out ang ticket para sa concert ng all-female P-Pop group na BINI, ang merchandise naman nila ang mabilis na mauubos.


In-announce na ng BINI members kung kailan ang official date ng pag-release ng kanilang merchandise.


Sa isang video ng BINI na ipinost ng kanilang fan ay sinabi ng girl group na sa October 28, puwede nang mag-avail ng kanilang merchandise. 


Caption ng BINI fan sa video, “Mauuna ang exclusive members to pre-order Tour Merch starting October 28 and General Public starting November 4.”

Sa same X account ng BINI fan ay ipinost niya ang presyo ng mga merchandise ng P-Pop group.


Lightstick pa lang ay nagkakahalaga na ng P2,999, t-shirt- P1,099, hoodie-P1,699, pillow-P999, photocards-P399, socks-P599 at Beanie-P1,799.

May mga namahalan sa presyo ng merchandise ng BINI, pero may nagsasabi rin na reasonable ang price.


Sey ng mga fans:


“Not bad na sa prices. Buti bumukas tenga, hays. That BINI nga pala, all proceeds mapupunta sa chosen charity nila & kung ‘di ako nagkakamali, special edition s’ya and not limited edition, ‘di ba? Correct me if I’m wrong sa pagkakaunawa ko (laughing emoji).”

“Thank you naman at reasonable lahat ng prices.”

“Psychology price strategy.”


Afraid naman ang ibang BINI fans na agad magkaubusan at pagkatapos ibebenta sa mas mataas na presyo.      


Gaya na lang sa ticket para sa concert ng BINI na umabot na raw sa P20K ang presyo ng bentahan ng mga nang-hoard pagka-release na pagka-release pa lang nito sa public.


Reaksiyon ng netizen, “Pagkakakitaan na naman ng iba ‘yan, bibilhin ng ganyan price, tapos papatungan ng x10 (crying emoji).” 

Grabe! 


Magso-showbiz na rin? MADIR NI YULO, SINAMAHANG MAG-LIVE SELLING NI AI AI


Aiai Dela Alas at Angelica Yulo - AiAi Delas Alas FB

SINORPRESA ng ina ni Olympic Gold Medalist Carlos Yulo na si Angelica Yulo, o Mommy Angge, ang kanyang mga viewers sa ginawa niyang online live selling kahapon.


No less than the Comedy Queen Ai Ai delas Alas ang special guest ni Mommy Angge sa kanyang live selling na ginanap sa function room ng isang karaoke bar/studio.


Very vocal si Ai Ai sa pagsuporta sa ina ni Carlos simula nu’ng pumutok ang kontrobersiya sa mag-ina.


For sure, may nagparating kay Mommy Angge ng pagsuporta sa kanya ni Ai Ai. Kaya hayun, nagkaroon ng kakaibang pagkikita in person ang dalawang ina.

Mukhang “arranged meeting” ang pagtatagpo nina Ai Ai at Mommy Angge.


Sa Facebook (FB) page ni Ai Ai ay naka-upload ang video kung saan naunang dumating ang komedyana sa function room at may mga kasamang kumakain.


Habang hinihintay ni Ai Ai ang pagdating ni Mommy Angge ay panay na ang tsika niya sa kanyang followers ng pagiging special guest niya sa live selling nito.


Si Ai Ai ang unang nag-mine sa items na ibinebenta ni Mommy Angge.

Vibes na vibes naman ang dalawang ina sa ginagawa nila na ikinatuwa ng mga followers nila pareho sa socmed.


Ewan lang kung pinanood muli ni Carlos Yulo ang kanyang ina kasama si Ai Ai na nagla-live selling. 


Baka after ng live selling nina Ai Ai delas Alas at Mommy Angge ay magkaroon sila ng

proyekto together.


At gulatin na lang ang publiko na pinasok na rin ni Mommy Angge ang showbiz.

Abangan…


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 15, 2024



Photo: Diwata Pares Overload - Fairy Pares Overload Fans


Left and right ang public appearance ng famous online celebrity na si Diwata. 

Of course, knows na ng marami na may kinalaman sa pagtakbo niya next election ang madalas na pagpapakita niya ngayon sa mga tao.


Recently, isang video ang ipinost ni Diwata sa socmed tungkol sa pag-join niya sa isang event na may Zumba session.


Mapapanood sa video na todo-bigay ang participation na ginawa ni Diwata sa Zumba session. Masayang nakibahagi at nakisama ang online sensation sa mga taong nandoon.


But as usual, iba-iba ang naging reaksiyon ng mga netizens sa ipinakitang video ni Diwata sa socmed, lalo na ang kanyang mga bashers. In fact, may isang netizen ang walang takot na nag-express ng kanyang reaksiyon sa video ni Diwata sa comment section.


“‘Wag mo na ipagpatuloy ang mga plano mo, ‘di ka mananalo (laughing emoji). Kung umpisa pa lang, maayos ka nakisama sa tao, ngayon magpapakitang-tao ka,” matapang na komento ng netizen.


Hindi naman pinalampas ng Diwata Pares Over fan page ang komento ng netizen.  

“Tuloy ang laban (laughing emoji),” simpleng tugon ng fan page.


Maaaring hindi inaasahan ng kritiko ni Diwata ang naging tugon ng online fan page. Imbes na magtaray, nagpa-‘sweet’ at positibo na lang ang reaksiyon nito.


What will he gain kung tatarayan niya ang kanyang basher? Minus one vote rin ‘yan. 

Knows ni Diwata na ‘di kailangang magbawas, bagkus, dapat ay magdagdag ng mga boboto sa kanya.

Later na lang ulit makipagbardagulan after the election, ‘di ba?



IBA talagang mag-isip si Direk Nijel de Mesa. 


Last Sunday ay naimbitahan kami sa another exclusive party ni Direk Nijel and his wife na si Ms. Christine Jan Reyes at tinawag niya itong “Change Name Party.”


For the first time ay naka-attend kami sa inorganisang “Change Name Party” ng NDM Studios na pag-aari ni Direk Nijel.


Ang layunin ng party ay i-announce ang pagbabago at pagpalit ng pangalan ng NDM artists as they embark on their new journey with Direk Nijel’s production.


As you can see, unang-una nang nagkaroon ng change sa pangalan ni Direl Nijel. May nadagdag na letter “I” sa dating Njel na pangalan ng award-winning director.


Star-studded din ang ginanap na “Change Name Party” ni Direk Nijel. Dumating sina

Sanya Lopez, Meg Imperial, Daiana Menezes, ang magkapatid na sina Rannie and Lance Raymundo, Giselle Sanchez, Edward Benosa, ang partylist leader ng Ang Bumbero, ang producer ng Malditas In Maldives (MIM), ang nagbabalik-executive sa TAPE company na si Malou Choa-Fagar, at si Sen. Bong Go. 


Bumati at nagbigay ng mensahe si Sen. Bong Go sa mga dumalo sa “Change Name Party.” And in fairness, doon lang namin nalaman na maganda ang sense of humor ni Sen. Bong Go.


Then after his speech, nakausap namin si Sen. Go nang sandali and asked him kung naisip ba niyang kunin si Rufa Mae Quinto na ikampanya siya.


Si Rufa kasi ang nagpauso ng "Go, go, go!" na akmang-akma for Sen. Bong Go’s campaign on his bid for another term sa Senado.


Samantala, isa sa pinakamaagang dumating at umalis sa venue si Tita Malou. May commitment pa raw siya ng 7:15 PM. Pero during her speech, nagkakabiruan na sila ni Direk Nijel na pareho raw silang pinag-resign sa MTRCB.


Also, in-announce rin ni Direk Nijel na malapit nang mapanood sa mga sinehan ang

super-gandang MIM next month. Lahat ng 'yan ay magkakaroon ng formal announcement, ayon kay Direk Nijel. 


Pero ang ulat sa NDM artist na may bagong name ay ire-reveal namin on our next column.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page