top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 3, 2024



Photo: Kathryn Bernardo at Dominic Roque - Instagram


Mukhang waley talagang pag-asa si Alden Richards kay Kathryn Bernardo dahil ultimo sa nakaraang Halloween celebration ay iba ang kasama ni Kathryn sa piktyur na nag-viral sa socmed (social media).


Instead of Alden na leading man ni Kathryn sa movie nila under Direk Cathy Garcia-Sampana ang kasama niya sa piktyur, ang ex-boyfriend ni Bea Alonzo na si Dominic Roque ang ka-party ng ex-GF naman ni Daniel Padilla.


Naka-motorcycle driver jacket si Dominic sa piktyur. Si Kathryn naman ay naka-color green na wig. Nakapatong ang isang braso ni Kathryn sa balikat ni Dominic habang may hawak na babasaging baso na may laman na either tubig o ‘di kaya ay white wine.

Caption sa picture nina Kathryn at Dominic na lumabas sa X (dating Twitter), “Happy Halloween with Kathryn Bernardo and Dominic Roque #halloween2024.”


Mixed ang naging reaction ng mga netizens sa piktyur nina Kathryn at Dominic:

“Nako, paps @aldenrichards02!”

“BAL_W! Anong paki ni Alden sa landian n’yang dalawang ‘yan (vomiting emoji).”


May pabor naman kay Dominic for Kathryn.

“For me, wala namang malisya. They are good friends since then pa talaga. And if ever, if ever, ha! Wala namang masama.”


“Bagay sila, sobrang tander (matanda) nga lang ni Dominic.”

“Grabe sa sobrang tander. He's only 34 tapos 28 naman si Mikay.”


Naniniwala naman ang ibang mga netizens na sina Kathryn at Dominic na. 


Si Dominic na nga kaya ang dahilan kaya happy na si Kathryn gaya ng sinabi niya kay Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda?


Sey pa ng ibang mga fans:

“I think parang feeling ko, sila ang tunay na nagde-date kasi laging magkasama ‘pag walang work at parehong single. Well, kung si Dom ang pipiliin ni Kath, eh, wala na tayong magagawang mga KathDens (Kathryn at Alden fans).”


“OMG! confirmed.”


Sabeeee



MAY hawig kay Heart Evangelista ang baguhang artista ng AQ Prime na si Bianca Tan. 

Nakausap namin si Bianca during an intimate tsikahan recently.


Pahayag ni Bianca, “Mayroon naman pong nakapagsabi pero nakakahiya po, mas maganda po si Ms. Heart.”


Naha-happy naman daw siya kapag sinasabihan siya na hawig kay Heart.

Idolo rin kasi ni Bianca si Heart, kaya wish niya na umalagwa rin ang kanyang career sa showbiz like Heart at pati na sa fashion industry na sobrang in-demand din ng misis ni Sen. Chiz Escudero. 


Keri naman ni Bianca na maging next Heart Evangelista. Bukod sa may hawig siya kay Heart, may kaya rin ang pamilya ni Bianca. Naging modelo rin si Bianca bago pasukin ang showbiz, nakapag-ramp modeling and product shoot na raw siya. 


But unlike Heart na ‘di nakapagtapos sa kolehiyo, Bianca is a graduate from Enderun Colleges with degree in business major Operational Management. Pumasok siya sa showbiz when she heard na may audition ang AQ Prime para sa pelikula nila na Believe It Or Not (BION). Pumasa siya sa audition at napasama sa pelikula. And now, pumirma na siya ng kontrata sa AQ Prime to be their exclusive artist for two years. Isang “queen bully” ang role ni Bianca. 


In real life kaya ay isang bully din si Bianca?


“Sa totoong buhay po, ‘di ko naman po masasabing nakapag-bully na ako, pero I’m also human, so meron din po akong mga downside, like ‘pag minsan, like mataray, mga ganu’n po,” tugon niya.


Pangarap ni Bianca na maka-partner on screen ang favorite male star na sina Paulo Avelino at Dingdong Dantes. 


Samantala, sa ngayon ay walang love life si Bianca. Focused daw muna siya sa kanyang career sa showbiz. 


Actually, three years ago na nu’ng nakipaghiwalay siya sa kanyang last boyfriend.


Anyway, kasalukuyang nag-iikot at ipinapalabas ang BION sa mga eskuwelahan nationwide. Mula sa direksiyon ni Errol Ropero at sa producer na si Atty. Aldwin Alegre ng AFA Entertainment at A and Q Film Productions, Inc., tampok din sa pelikula sina Potchi Angeles, Jhassy Busran, Shira Tweg, Dwayne Garcia, Daffne Louise, Niño Vergara, Jared Miguel, Duna Duncan, Niño Vergara, Christian Villanueva, Christa Jocson, Artan Akthar at marami pang iba.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 2, 2024



Photo: Julie Anne San Jose - Rayver Cruz / IG


Never na-imagine ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose na magiging endorser siya ng world’s best-selling gin (liquor) maker na Ginebra San Miguel at magiging Calendar Girl 2025.


Si Julie Anne ang 34th Calendar Girl sa ika-190 anibersaryo ng Ginebra San Miguel.

Pahayag ni Julie Anne, “Uh, parang ‘di ko siya lubos-maisip or ma-imagine. I mean, like before. 


“But, you know, I’m really happy. I’m speechless right now. Nao-overwhelmed ako today. You know, it’s a big day for me. 


“It’s a big day for everybody and siguro it’s a surprise para po sa inyong lahat. Actually, para sa sarili ko rin. Uh, yeah. Sobrang surreal ng moment na ‘to.”


Naganap ang grand reveal for Julie Anne as GSM’s new Calendar Girl with Obra Maestra as the theme for the 2025 calendars sa Manila Diamond Hotel last Wednesday, October 30.



Ayon sa GSMI Marketing Manager na si Ron Molina, napili nila si Julie Anne dahil sa dedication sa kanyang craft and resilience in the industry na katulad din ng GSM 190-year legacy of excellence.


Nagkaroon naman kami ng chance na makausap si Julie Anne pagkatapos ng bonggang pa-grand reveal sa kanya as GSM’s new Calendar Girl. We asked Julie Anne kung ano ang reaksiyon ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz sa pagiging GSM Calendar Girl niya. 


“Uh, sinabi ko po muna sa kanya na magiging Calendar Girl ako ng Ginebra. Sobrang na-excite po s’ya para po sa ‘kin.


“Sobrang proud na proud po s’ya and palagi po n’yang sinasabi sa ‘kin, ‘Kaya mo ‘yan because it’s something new. Para makita ng ibang tao na, wow, may different side pala si Julie.’


“So, sobrang happy po s’ya para sa ‘kin. Wala po s’ya ngayon dito pero talagang, you know, abut-abot dito ‘yung support n’ya,” sey ni Julie Anne.


Hindi pa raw nakikita ni Rayver ang kabuuan ng different sexy layouts ng calendar ni Julie Anne. 


“Actually, ‘pag nagpapakita po ako ng behind-the-scenes sa kanya, ‘Wow! Grabe! Nakaka-excite ‘yung magiging outcome ng layout.’


“Hindi ko po alam kung nakita na n’ya. (But) For sure, nakita na po n’ya online. ‘Di ko pa po kasi siya nakakausap.


“Humingi po s’ya ng ano, kasi gusto raw po n’ya ipaskil ‘yung malalaking poster po. Ipapa-frame po n’ya, humingi po s’ya ng mga kopya,” pagre-reveal ni Julie Anne. 


For sure, tatanungin ni Julie Anne si Rayver kung alin sa anim na iba’t ibang layouts ng calendar niya ang pinakanagustuhan ng boyfriend niya.


Anyway, some of the past GSM Calendar Girls na nainterbyu namin ay nagkuwento kung paano sila naghanda bago sila sumabak sa pictorial ng GSM calendar.

Ani naman ni Julie Anne, “Well, ako po, as much as I can po talaga, I really do cardio. 


“I do cardio when I can. Pero siguro rin po, sa tulong ng busy schedule. Siguro, nakatulong din po ‘yun para ma-maintain ‘yung weight ko. Kasi hindi po ako tumataba.” 

Nabawasan naman daw ang timbang ni Julie Anne.


Sey niya, “Kasi, usually po, ‘pag may production numbers po kasi kami na ginagawa sa All Out Sundays, like I always dance, I always do different stuffs, most of the time, kaya siguro nakatulong na rin ‘yung load ng trabaho para ma-maintain ‘yung figure.


“Uhm, as much as possible po, itina-try ko na matulog nang maaga. Optional ‘yang eight hours sleep. And then, I drink lots of water. I eat a lot of vegetables and fruits.”


Many are wondering kung ang pag-pose niya nang sexy sa GSM calendar ang hudyat ng pag-join niya sa bandwagon ng mga celebrities na may sexy image.


“Para po kasi sa ‘kin, ‘yung pagiging seksi, ‘di lang nakikita sa katawan or sa physical aspect. 


“Ang pagiging sexy ay nakikita sa karakter ng isang tao. Uhm, kung paano dalhin ang kanyang sarili, kung paano n’ya i-voice-out ang opinion n’ya, kung paano s’ya nakapagbigay-inspirasyon sa ibang tao sa pamamagitan ng craft, sa pamamagitan ng, uhm, sa kung ano ang kaya niyang gawin,” mariing sabi ni Julie Anne.


Since it’s inception in 1988, may beauty queens, models, TV and movie actresses na ang GSM Calendar Girl.


Ilan sa kanila ay sina former Miss Universe Pia Wurtzbach (2019), Anne Curtis (2011), Yassi Pressman (2023) at Marian Rivera (2009 and 2014).

Last year’s GSM Calendar Girl ay si Heaven Peralejo. 

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 1, 2024



Photo: John Wayne Sace arestado - Circulated


Napakabigat para sa anak ng alleged victim ng dating Star Magic artist na si John Wayne Sace ang pagkamatay ng kanyang ama na si Lynell Eugenio.


Determinado si Cristel Eugenio, anak ng napaslang na si Lynell, na bigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang ama. But at the same time, humingi ng tawad si Cristel sa kanyang ama.


Naglabas ng kanyang saloobin si Cristel sa Facebook (FB). 

Mensahe ni Cristel sa FB post niya, “Papa, patawarin mo ako. Walang silbi ang pagiging medic ko at ang mga inaral ko sa medical. Hindi kita natulungan.”


Magkababata at matalik na magkaibigan pala si John Wayne at ang ama ni Cristel, kaya laking-gulat daw nila ang pagbaril ni John Wayne kay Lynell.


Bago maganap ang krimen, nakita raw sa CCTV na minamatyagan na ni John Wayne ang alleged victim. At pagkatapos daw ng pamamaril, kaswal na naglakad diumano si John Wayne at sumakay ng taxi.


Sa isang motel natunton ng mga pulis si John Wayne. Napag-alaman ang motel na tinutuluyan ng dating aktor dahil sa FB post nito na piktyur niya sa isang lugar. Sakto at may palatandaan sa motel na ‘yun ang nakapag-report sa pulis kung ano at saan ang location ng lugar na pinuktyuran ni John Wayne. 


Bukod pala kay Cristel ay may 14 years old pa siyang kapatid.


Salaysay pa ni Cristel sa interbyu, “Magbi-birthday pa naman ‘yung kapatid ko. Sobrang saya ni Papa kasi nakahanap s’ya ng trabaho kasi magbi-birthday ‘yung kapatid ko, para sana may panghanda. Tapos ganu'n ang mangyayari.”


Naging popular bilang dancer sa A.S.A.P. at nakasama ni Rayver Cruz sa grupong Animè si John Wayne Sace.



DAGUL, AFTER LAIT-LAITIN SI COCO, HUMINGI NG AYUDA





BALIK-TELEBISYON ang komedyanteng si Dagul via ABS-CBN hit action-drama series FPJ's Batang Quiapo (BQ) ni Coco Martin.


Sa ika-444 episode ng serye umapir si Dagul bilang si Pido.


Isa ang karakter ni Dagul sa hit-action series sa mga kritiko ni Coco bilang si Tanggol na nagbalik sa Quiapo para magbigay ng ayuda sa kanilang mga kapitbahay.


Pagkatapos magsabi ng kung anu-anong masasamang salita kay Tanggol habang nakaupo sa wheelchair, inutusan niya ang kanyang anak na si Pipay (Jkhriez Pastrana) para kumuha ng ayuda mula kay Tanggol.


Si Jkhriez ay real-life daughter ni Dagul na ang tunay na pangalan ay Romy Pastrana.


Sa isang  panayam kay Dagul, inamin niya na nahihirapan siyang tustusan ang kanyang pamilya sa pananalapi bukod pa sa ‘di maayos ang kanyang paglalakad.


Panoorin ang BQ sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC and TFC.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page