top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 11, 2024



Photo: Sue at Javi Benitez - Instagram

 

Sunud-sunod ang post ni Sue Ramirez sa kanyang Instagram pagkatapos lumabas ang official announcement ng actor-politician na si Javi Benitez sa pagtatapos ng kanilang five-year relationship.


Unang na-link sina Sue at Javi nu’ng magtambal sila sa action movie titled Kid Alpha One noong 2020.


Naging opisyal ang kanilang relasyon noong September, 2020, pero nag-break sila four months ago this year. 


Few months ago ay may usap-usapan na sa breakup nina Sue at Javi. Pero wala sa kanila ang nagkumpirma or nag-deny nito. 


Hours after ng post ni Javi sa socmed (social media) ng announcement niya ng breakup nila ni Sue, agad na nag-post ang Kapamilya actress sa kanyang Instagram ng piktyur niya habang nagbabakasyon sa Siragao Island.


Sa unang IG post ni Sue, ganito ang caption niya: “I love life.”


Sey ng fan, “We love you, Sue (heart emoji), be happy and healthy always.”

Marami rin ang naghahanap ng piktyur ni Sue kasama ang rumored boyfriend niya na si Dominic Roque.


Sey nila, “Love mo na rin ba si Dominic, Madam?”


“Isa ako sa magiging masaya ‘pag totoo ‘yung tsismis!”


Sumunod na IG post ni Sue ay nasa dagat suot ang napakaseksing two-piece bikini.


Say ni Sue sa IG post niya, “If life isn’t a bit chaotic, you’re not living rock and roll.”

Comment ng mga netizens… 


“Ang sinayang ni Mayor (Javi).”


“Natikman na n’ya for sure, kaya ‘di s’ya nasayangan.”


“Just give yourself time. Enjoy and have fun ka. If you and Javi are meant to be, he will come back to you.”


“I think Javi only used her to launch his political career.”


Sa pangatlong IG post ni Sue kahapon, tila meron siyang gustong sabihin sa madlang pipol that caused her terrible pain, “Sago’t gulaman para kay Madam..ing dinadala.”


Napansin ng isang netizen na nag-like si Javi sa IG post na ‘to ni Sue at ngayon lang daw ulit ito nag-like sa post ng ex-GF.


Naging maayos naman daw kasi ang hiwalayan nina Sue Ramirez at Javi Benitez, kaya they can move on at magkani-kanyang bagong partner sa buhay.


Nagreklamo na ‘di nakakanta last time… 

BOOTS, NAPAKANTA AT SAYAW NI ICE SA CONCERT



FINALLY, napakanta na ni Ice Seguerra ang isa sa mga inirerespetong artista sa industriya na si Ms. Boots Anson-Rodrigo sa very successful night ng Ice Seguerra, Videoke Hits: OPM Edition Isa Pa sa Music Museum last Friday.


That night is not the first time na nanood si Ms. Boots ng Videoke Hits concert ni Ice. 

Nu’ng first night na manood ng concert ni Ice si Ms. Boots ay nahihiya ang singer na lapitan ito sa audience at pakantahin. Nag-alangan si Ice na baka ‘di feel ni Ms. Boots ang kumanta.


Pero laking-gulat ni Ice nu’ng makausap niya si Ms. Boots after the concert ay “sinita” ng beteranang aktres ang singer kung bakit ‘di siya nilapitan at pinakanta.


Kaya naman nu’ng nakita ni Ice si Ms. Boots ay nakakanta na ang well-respected actress. At, ‘di lang siya kumanta, ha, sumayaw pa siya kasama ang partner ni Ice at dating FDCP chairperson na si Liza Diño on stage.


May pasabog na dance number si Liza sa kantang Pantropiko ng BINI towards the end of the show. 


Grabe ang ganda ng show, siksik and very entertaining. Nanood at naki-sing-along din kay Ice ang mga celebrity friends at mahuhusay na singers na sina Sitti, Bayang Barrios at Frenchie Dy.


Isa sa mga favorite numbers namin sa concert ay ang jamming ni Ice with Ebe Dancel sa awiting Sirena.


Spotted din sa harap ng stage ang award-winning director na si Brillante Mendoza, ang ina ni Ice na si Mommy Caring, ang negosyanteng si Ms. Cecille Bravo ng Intele Builders and Development Corporation at marami pang iba.


For sure, magkakaroon ulit ng Videoke Hits: Third Edition dahil sa big success ng show last November 8. 


Again, our congratulations kay Ice, Liza and the rest of the Ice & Fire production team!

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 9, 2024



Photo: Gerald at AiAi Delas Alas - IG

 

Another hiwalayan sa showbiz ang pinag-uusapan ngayon — ‘yan ang mag-asawang sina Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan. 


Bagama’t wala pang opisyal na kumpirmasyon mula mismo kay Ai Ai, may mga nagko-confirm na hiwalay na raw talaga ang Comedy Queen sa kanyang mister.


Nasaksihan namin ang matamis na simula ng relasyon nina Ai Ai at Gerald sa tuwing maiimbita kami sa dating bahay ni Comedy Queen sa Ayala Heights Subdivision sa Kyusi.


Batambata si Gerald noon at marami na agad ang humusga na ‘di sila magtatagal. But in fairness, tumagal din sila ng sampung taon.


Nakakabilib din ang sakripisyong ginawa ni Ai Ai para mapanatili ang kanyang marriage, to the point na nag-decide siya na mag-settle na rin sa US kasama si Gerald na nauna nang nag-decide na i-pursue ang career sa sports na badminton.


Nagtrabaho pa si Ai Ai bilang activity director sa isang elderly facility in San Francisco at doon na sa US planong mag-retire.


Recently, naging aktibong muli sa showbiz si Ai Ai and most of the time ay nandito na siya sa Pilipinas. Posible raw na may problema na ang relasyon nina Ai Ai at Gerald kaya ganu'n.


May tsikang may third party at pisikalang pananakit ang dahilan ng pakikipaghiwalay ni Ai Ai kay Gerald.


Sa Lunes, November 11 ay kaarawan mismo ni Ai Ai at bali-balitang may pa-grand reveal siya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 8, 2024



Photo: Angie Mead King - IG

 

Nasunog ang red Acura NSX sports car ng famous motorsports racing driver na si Angie Mead King sa SLEX (South Luzon Expressway) kahapon. Buti na lang at nakaligtas si Angie sa aksidente.


Nag-viral ang video ng umuusok na naabong mamahaling sasakyang pangkarera ni Angie.


Sa kanyang Instagram (IG) ay ishinare pala ni Angie ang video ng nangyaring aksidente sa kanya. Halos maabo ang buong sasakyan dahil sa apoy nang makita ng emergency team ng SLEX. Makikita sa video na masusing inaalam ang nangyari sa sasakyan at palakad-lakad ang mga awtoridad ng SLEX, habang maririnig sa video ang boses ni Angie na may kausap sa telepono.


Ayon sa audio ng video, pabalik na ng Manila galing South si Angie. At nasa bandang Southwoods sa Biñan, Laguna siya nu’ng mangyari ang aksidente.


Ini-report din ni Angie sa mga awtoridad na nagsimulang sumiklab ang apoy sa bandang gitna ng kanyang sasakyan.


From Southwoods ay didiretso raw si Angie sa pinakamalapit na presinto sa Susana Heights sa bandang South para mag-file ng formal report.


Posibleng nanggaling si Angie sa kanyang farm, ang King Tower Farm sa Cavinti, Laguna that day.


Ayon sa Google, ang 2022 Acura NSX ay nagkakahalaga ng $169,500 o mahigit P9 M.

Nag-post ulit ng video si Angie sa kanyang IG after the incident happened. Sabi niya habang nasa loob ng sasakyan kasama ang sumundo sa kanya na friend niya na si Jet, “Thanks for checking. I’m alive. We’re gonna take care of towing the car. Uh, the car is dead, literally gone. I caught on fire after the exit (SLEX).

“And yeah, it’s gone. No words.”


May mga modifications siya na ginawa sa kotse na maaaring naging dahilan ng pinagmulan ng apoy.


Sumakit din daw ang lungs ni Angie dahil sa apoy pero kailangang makalabas ng sasakyan bago tuluyang masunog.


Nag-post ng comment ang partner ni Angie at dating Channel V host na si Joey Mead.

Say ni Joey, “Freak out much, ay nak, Honey. Glad you pulled over when you did (crying emoji).”


Nagpasalamat naman si Angie sa lahat ng mga nagpadala ng mensahe for checking her and she's now safe.



BALIK-TAPING na ang aktres na si Charo Santos-Concio sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) pagkatapos mabalita ang pagkawala ng kanyang boses.


Ipinost ni Charo sa kanyang Instagram (IG) ang piktyur nila ng ka-tandem niya sa BQ na si Lou Veloso bilang si Noy during the taping ng Kapamilya action serye.


Caption ni Charo: “My voice is back, kaya balik na rin tayo sa set! Grabe, halos isang buwan na pala mula nu’ng huling taping ko. Sobrang na-miss ko ang Quiapo, pati na rin ang buong cast, staff at crew!”


Charo plays the role of Tindeng na isang mapagmahal na lola kay Tanggol played by Coco Martin.


Samantala, marami ang natuwa at nag-post ng comment sa IG post ni Charo:

“Lola Tindeng & Noy are finally back.”

“Welcome back po, Lola Tindeng.”


“Kaya po pala nawala ang eksena n’yo ni Noy sa hopia-an. Hope you’re feeling better po! More power to Batang Quiapo.”


Huwag palampasin ang FPJ’s Batang Quiapo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC and TFC.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page