top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 24, 2024



Photo: Julia Montes at Coco Martin - IG


Star-studded ang ginanap na red carpet special screening ng bagong Kapamilya drama series titled Saving Grace (SG).


Bida rito si Julia Montes, ang next child superstar na si Zia Grace, si Janice de Belen at ang Megastar na si Sharon Cuneta. 


Absent si Mega dahil kasalukuyang nagtu-tour pa sa US ng concert nila ni Gabby Concepcion. Pero sinuportahan naman si Julia ng mga naglalakihang Kapamilya stars sa pangunguna ng bida ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) na si Coco Martin at nina Cherry Pie Picache, Angel Aquino, Sylvia Sanchez, PBB’s first Big Winner na si Commander Nene

Tamayo kasama ang former housemate niya sa Bahay ni Kuya na si Chx Alcala.


After the screening ay tigalgal ang mga nakapanood ng first episodes ng SG dahil sa sobrang bigat ng mga eksena ng batang si Zia who played the role of Grace on ABS-CBN’s new drama series.


Ang SG ay halaw sa hit Japanese series na Mother. Dasal ng pangunahing bida sa serye na si Julia na makapagdala ng kagalingan ang mensahe ng kanilang version ng script sa mga manonood.


Ayon sa interbyu kay Julia ng ABS-CBN News, “It is close to home. I am praying this will help children, battered wives, physically or emotionally through whoever— sana may mag-speak up and magkaroon ng strength lalo na kung nabubugbog ka ng salita o pisikal. ‘Di mo na alam minsan kung tama pa bang lumaban nang tama.


“Sana po, mas maraming ma-resolve sa bawat isa. I am not saying sa abused lang ito, sana may ma-heal para sila rin, maging healing ng ibang tao. Sana, mas maraming ma-inspire. Sana, may ma-save kayo and nag-save sa inyo.” 


Sa red carpet pa lang, binalaan na kami ng headwriter ng SG na si Joel Mercado na sobrang nakakaiyak ang bagong proyekto na ito ni Julia.


And then, naispatan din kami ni Direk FM Reyes na mag-ready daw kami dahil tiyak na iiyak kami.


Hindi naman sinabi sa amin ni Direk FM na hindi lang kami basta iiyak kundi bubuhos and with matching hikbi sa pagluha ang mangyayari sa amin sa panonood ng SG.


Ang sinabi lang ni Direk FM, bilang paghahanda para sa Pinoy adaptation ng Mother, pinanood daw niya ang iba pang ginawang adaptation nito sa iba’t ibang bansa.


Malapit nang masaksihan ang inaabangang serye comeback ni Julia Montes bilang si Anna, isang guro na hahamakin ang lahat mabigyan lang ng pangangalaga at pagmamahal ang isang bata na inaabuso ng sarili niyang ina.


Desperado na mabigyan siya ng tamang pag-aaruga, si Anna mismo ang kukupkop sa kanyang estudyante na si Grace, na gagampanan ng promising child star na si Zia Grace.

Tampok din sa serye sina Sam Milby, Jennica Garcia, Christian Bables, Elisse Joson, Eric Fructuoso, Andrea Del Rosario, Adrian Lindayag, Aya Fernandez, Sophia Reola, Ramon Christopher, Mary Joy Apostol, PJ Endrinal, Emilio Daez, Karl Gabriel, Jong Cuenco, Daisy Cariño, Lotlot Bustamante, Alma Concepcion, Fe De Los Reyes, pati ang mga premyadong aktres na sina Janice de Belen at Sharon Cuneta.


Bago mapanood ang Kapamilya adaptation nito sa Prime Video, hinirang muna na most exported title sa Asya ang Mother nang magkaroon ng sari-sariling bersiyon nito sa iba’t ibang bansa gaya ng Turkey, South Korea, Ukraine, Thailand, China, France, Spain, Saudi Arabia, at Mongolia. 


Sa direksiyon nina FM Reyes at Dolly Dulu, unang mapapanood ang Saving Grace sa Prime Video, with two new episodes tuwing Huwebes, simula Nobyembre 28.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 23, 2024



Photo: Luis Manzano at Jessy Mendiola - IG


Aware si Jessy Mendiola sa mga batikos ng publiko dahil sa isyu ng political dynasty sa kanilang pamilya.


Of course, we’re referring to her hubby Luis Manzano and his family sa pangunguna ng Star for All Seasons Vilma Santos and his only brother Ryan Christian Recto na pare-parehong tatakbo for different positions sa lalawigan ng Batangas next election.


Depensa ni Jessy, “Sa ‘kin, I think, I see it, uh, siyempre, opinyon ng ibang tao ‘yun. I see their point. 


“But you know, on the other side of it also, kailangan mo ring isipin na kung ano ‘yung nasimulan ng mga magulang, sabihin natin, or ng kapatid o ng mas naunang pulitiko na part ng pamilya, itutuloy din nu’ng nasa pamilya rin.


“Kasi minsan, ‘di ba, kunwari ako, tumakbo ako, nanalo ako. Marami na rin akong nagawang projects na magaganda. Tapos, iba ‘yung nanalo  after ko, hindi itutuloy. So, parang for me, I think, there’s also a good side to it. 


“Kumbaga, same values, same projects, you know. Same heart, same purpose. So, I think there’s also a positive side to it. Hati talaga, eh, you know. Wala namang perfect talaga, eh. 


“‘Yung mga bashers, feeling ko, ‘yun lang din ang maba-bash nila, eh. Kasi maganda rin naman talaga ang nagawa nina Momskie at Tito Ralph (Recto) sa Batangas, ‘di ba?”

Aminado si Jessy na matagal din niyang pinag-isipan bago umayon sa desisyon ni Luis na pasukin na rin ang pulitika.


“I’m gonna answer that with so much emotion, oo,” diin ni Jessy.

Sa tanong kung gaano katagal?


Sey niya, “I think, months talaga. Kasi parang it wasn’t official yet. And then finally, we had a family meeting, and it was official. After that, I really cried. Kasi sabi ko, ‘Are we ready?’ You know, si Rosie.” 


At the same time, dahil na rin sa nakita ni Jessy kung gaano kalaki ang puso ni Luis sa pagtulong sa kapwa.


Aniya, “But you know, talagang I think, ‘pag nakikita mo ‘yung heart ni Lu (pet name kay Luis) na kaya n’ya and talagang gusto n’yang gawin? You really have to support him. Kasi otherwise, sayang din naman, ‘di ba?


“Kawawa rin naman ‘yung partner mo kung s’ya lang. And for me, natanggap ko rin, eh. Kasi, ‘yun nga, gaya ng sinabi ko kanina, who am I to stop him. It’s who he is. It’s part of his life. 


“‘Di ba, pamilya rin n’ya ‘yung nagturo sa kanya? So, bakit ko s’ya pipigilan, ‘di ba?”

Well, Luis is also supportive rin daw sa showbiz comeback ni Jessy.


“Yes, ganu’n naman talaga, ‘di ba?


“It works both ways. It takes two to tango, ‘di ba, sabi nila? So, for me, I’m grateful that he’s also very supportive sa ‘kin,” ngiti ni Jessy.


Very ideal ang relasyon nina Luis at Jessy. Siyempre, curious ang marami kung ano ang rason why their marriage works.


“Uh, paano ba? I don’t know. We really grew. Talagang dati, ang immature pa naming dalawa. Pero now, si Rosie. Si Rosie ‘yung naging start. Of course, ‘yung marriage. You know, ‘pag meron ka na talagang anak, natututo kang maging responsible,” pahayag ni Jessy Mendiola.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 22, 2024



Photo: Nadine Lustre sa Uninvited Mediacon


Bonggacious ang mediacon ng Uninvited movie nina Star for All Seasons Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre na ginanap sa ballroom ng Solaire North.


Almost everyone who attended the mala-billionaire’s party-themed mediacon ay first time nakapasok sa grand ballroom ng bagong Solaire North ng business tycoon na si Enrique Razon. And that includes Robi Domingo na siyang host sa grand mediacon with Kaladkaren. 


Pero bago pumasok ang mga "invited at uninvited" sa grand ballroom ng Solaire, naka-hold muna ang mga guests sa isang function room na katabi nito, kung saan may pa-cocktail habang ine-entertain ng tatlong singers with a live band. 


Maya-maya pa’y lumabas si Robi sa function room mula sa entrance ng ballroom at winelcome ang mga guests papasok sa venue ng party.


Isa-isang pumasok sa venue ang mga artistang kasama sa Uninvited na ang producer ng movie ay si Bryan Diamante, ang CEO ng Mentorque Productions.


During the mediacon, ini-release ang official poster and trailer ng Uninvited.


Naganap ang question and answer portion at habang nangyayari ito ay dumating ang mister at anak ni Ate Vi na sina Finance Secretary Ralph Recto at Ryan Christian Recto.

After the Q&A, pinangunahan ni Ate Vi ang grand toast of the night. Nagpasabog din ng P1 thousand bill (mukha ng cast ang nandu'n) sa gitna ng ballroom.


Ang Uninvited ay ang ikatlong pelikula na pinagsamahan nina Vilma at Aga. Ang dalawang nauna ay ang Sinungaling Mong Puso (1992) at ang Nag-iisang Bituin (1994).


Habang first time nakatrabaho ni Aga ang bagong “Horror Queen” na si Nadine Lustre.

Nagkataon na sunud-sunod ang mga pelikula ni Nadine na may pagka-gray ang kanyang mga characters na ginampanan. 


This is a “huge thing” daw para kay Nadine, na gumanap sa character niya bilang anak ni Aga sa Uninvited, from all the roles na ginawa niya noon.


Pahayag ni Nadine, “Because everyone knows me (doing) parang rom-coms, drama, mga roles na wholesome. And my role would always be like mabait na anak. Ganoon talaga ang role ko, laging mabait. 


“And this time, I’m happy because I was able to explore and try-out a different style of acting as well.


“And I wanted them to see na parang kung ano pa 'yung kaya kong gawin. Kasi this time around, as in sobrang extreme talaga ang pagkakaiba n’ya from my previous characters.

“And to be honest, this is something I really wanted to do from my previous characters. ‘Coz I wanted to see nga kung ano pa talaga ‘yung kaya kong gawin and what kind of other genres or other roles I can do in the future.


“And knowing me, I love exploring and I'd like to try different things. So, hopefully from here on, sana nga, mas maging dark pa 'yung characters ko or ano, I don’t know. Let’s see.

“Pero it seems to me that I’ve always had the darker, darker side of acting. Let’s see.” 


Ang official synopsis ng Uninvited, “Eva Candelaria (Vilma Santos) has been waiting for this day for the last ten years, the birthday party of Guilly Vega (Aga Muhlach), the billionaire who brutally murdered her only daughter a decade ago and escaped justice.


“Disguised as a socialite, Eva attends the opulent event with a single goal: revenge. As the night unfolds, she carefully stalks each person involved in her daughter's murder, inching closer to her ultimate target.


“But who is the true villain of her story? Is it Guilly or his daughter Nicole? Unarmed and without a concrete plan, Eva must make life-or-death choices as her options dwindle.

“Will she fulfill her mission, or will the night claim her life instead?”


Maliban kina Vilma, Aga at Nadine, nasa cast ng Uninvited sina RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles, Nonie Buencamino, at Tirso Cruz III.


This is Direk Dan Villegas “comeback” after six years sa paggawa ng pelikula.

Ang Uninvited ay isa sa mga official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa December 25. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page