top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 2, 2024



Photo: Karla Estrada - IG


Inamin ni Karla Estrada na masayang-masaya ang puso niya ngayon.

Hindi lingid sa marami ang kinahinatnan ng relasyon niya sa ex-boyfriend na si Jam Ignacio na engaged na sa kanyang non-showbiz girlfriend ngayon.


“I’m okay,” nakangiting sabi ni Karla. 


Aniya, “Sobrang saya ko. Kasi, I’m a lola now. Si Carlito, my second son, nagsilang na ang kanyang wife. Lalaki, his name is Claudio. November 12 s’ya ipinanganak. So, magti-three weeks, wala pang isang buwan.”


Ano'ng feeling ng isang lola now? 


Sagot niya, “Hindi ko pa maramdaman ‘no dahil alam mo naman, na-rock and roll tayo.


Pero siyempre, parang bunsong kapatid ‘yung feeling.


“Kasi ang aga ko, eh, ang aga kong nagka-anak kay Carlito, I was only 20. So, expected natin ‘yan ‘pag maagang nagkaanak, maagang magiging lola.”


Abala si Karla sa pangangampanya ngayon at mas magiging abala pa next year. 


Siya kasi ang endorser ng Tingog Partylist at ito ang dahilan kaya raw siya nagpaalam sa programa niya sa TV5.


“Bawal kasing mag-appear sa kahit saang show ‘pag magka-campaign ka. Eh, as an endorser of Tingog Partylist, so, kailangan nating mag-focus. Dahil sa partylist, as we all know, national kasi,” esplika ni Karla.


Isasama ba niya si Daniel sa campaign?


“‘Yan ang ‘di ko pa masasagot,” sambit ni Karla.

After election daw ay babalik din siya sa pagho-host sa television. And this time, babalik daw siya sa ABS-CBN.


Sey niya, “Tawid-tawid lang, tutal ganu’n naman. Pero, ngayon sa gagawin ko, for public service, baka mag-focus na lang talaga muna ako. Hahayaan ko na lang ‘yung mga anak ko rito sa industriyang inumpisahan natin.”

But for now, sa public service raw muna siya magko-concentrate.

Pahayag niya, “Oo, public service tayo para marami ang matutulungan. Matagal ko nang gusto talaga ang public service, ‘di ba? Alam n’yo naman ‘yun. 

“Pero eto kasi, nabigyan ako ng pagkakataon, mas marami talaga ang natutulungan. At uh, I’m really, really very happy kung nasaan ako ngayon, with my Tingog Partylist, they are all from Leyte, they’re all from Tacloban City. Mga kaibigan ko talaga sila, especially Martin Romualdez.”

Lastly, we asked Karla Estrada kung bakit 'di siya ang kinuhang nominee ng Tingog Partylist?

“Uhm, marami kaming… may dynamics kasi, maraming planning ‘yan. Ang importante, magkakasama kami, magkakaibigan,” sagot niya.



IKAKASAL na ang first apo ng comedian-TV host na si Joey de Leon na si Javi de Leon ngayong December 2 sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Wilma Diaz.


Anak si Javi ng eldest daughter nina Joey de Leon at Daria Ramirez na si Cheenee de Leon. 


Si Javi rin ang unang apo ni Joey na ikakasal. So, expect na ang malaking wedding na magaganap kina Javi at Wilma na gaganapin sa St. John Paul II Parish sa Eastwood City, Quezon City ngayong Lunes, 3 PM.


Pero wala raw principal sponsors na taga-showbiz. Sadyang intimate raw and more on family members ang invited. 


Gaya na lang sa mga sponsors, sina Ariel Villasanta, Jako de Leon at Keempee de Leon ang nasa line-up na mga kamag-anak din ni Javi.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 1, 2024



Photo: Karla Estrada, KathDen - IG


Nagpahayag ng kanyang reaksiyon si Karla Estrada sa huge success ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Again (HLA).


Pahayag nito, “Of course, lahat tayo masaya. Lagi naman nating sinasabi ‘yan, ‘di ba? ‘Pag magkakasama tayo sa industriya, dapat naghihilahan tayo pataas.


“Congratulations! I’m very happy. I’m very proud of Kathryn and Alden.” Pero hindi pa raw nako-congratulate ni Karla si Kathryn personally dahil hindi pa sila nagkikita uli ni Kathryn.


Nakausap namin si Karla sa red carpet ng grand mediacon ng inaabangan na action-drama series na Incognito. Bida ang anak niyang si Daniel Padilla sa bagong action series ng ABS-CBN’s  Star Creatives kasama nina Richard Gutierrez at Ian Veneracion sa direksiyon ni Lester Ong Pimentel.


Um-attend si Karla sa grand mediacon para suportahan si Daniel, pati na ang iba pang kasama ng kanyang anak sa bagong action series na mauunang mapanood sa Netflix on January 17 (Friday) at sa iWantTFC on January 18 (Saturday). And on January 20 (Monday), mapapanood ang Incognito sa Kapamilya Channel, TV5 and A2Z.


“Nandito ako for the entire cast of Incognito. Support siyempre natin sa bagong palabas, especially sa anak ko, kay Daniel,” ani Karla.


Posible raw magkaroon ng special guest appearance sa Incognito ang younger sister at anak ni Karla kay Mike Planas na si Carmela. 

“Oo, abangan natin,” nakangiting sabi ni Karla. 


Bilang ina, happy siyempre si Karla sa pagbabalik-serye ng kanyang anak na si Daniel. 


“Yes, actually, hindi lang ako ‘yung natuwa, lalo na si Daniel. Kasi, naging handa s’ya at ang tagal na nating pinaghahandaan ang isang aksiyon na palabas. Kasi ‘yan talaga actually ang halos hindi pa n’ya nagagawa. Nakagawa na s’ya ng drama, comedy and all.


“Eto kasi, all-out action. Happy s’ya with (his) Tito Ian, Richard Gutierrez and Baron Geisler. Kasi nakakahugot talaga s’ya, marami s’yang natutunan, ha, sa aksiyon.”


Wala rin daw silang problema sa billing ni Daniel with the other actors na kasama ng kanyang anak sa Incognito.


“Basta ang importante, ano ba’ng kaya mo’ng ibigay at ipakita. Okey na ‘yan, ‘di ba?”

Marami ang curious kung ano ang mga pinagkaabalahan ni Daniel after ng hiwalayan nila ni Kathryn, bukod sa pag-shoot ng Incognito sa Italy at sa El Nido, Palawan.


“Well, alam mo ‘yan, hindi naman mapakali sa buhay n’ya. Ang dami n’yang negosyong binuksan, ‘di ba, and workshop. Para ‘pag dumating ‘yung mga ganitong pagkakataon, ready ka. So, ready s’ya,” diin ni Karla.


After ng hiwalayan kay Kathryn… 

KARLA, KINUMPIRMANG WALA PANG GF SI

DANIEL 



May pa-reveal pa si Karla sa amin na abangan si Daniel sa malaking pelikula nito next year, isang action film daw ito.


Nag-share rin si Karla ng kanyang naramdaman para sa anak na si Daniel nu’ng inisplitan ni Kathryn. 


Sey niya, “Alam mo, ang nanay ang unang nalulungkot ‘pag malungkot ang mga anak. ‘Pag may pinagdaraanan ang mga anak, mas gusto mong kunin na lang ang mga pinagdaraanan nila. 


“Pero, tuturuan din natin ang mga anak natin na bumangon mag-isa because it’s not gonna be forever na kasama natin sila, ‘di ba? Paano ‘pag mamaya, mawala na tayo? 


“So, tuturuan natin ang mga anak natin na tumibay ang mga buto nila.”

Namumuhay na raw independently si Daniel. 


“Lalaki ‘yan,” sabi ni Karla. 


“Actually, kahit ‘yung mga girls ko na anak, they’re very independent,” dagdag niya.


Paalis na si Karla sa red carpet pero naihabol namin ang tanong kung true ang balitang may bagong girlfriend na si Daniel Padilla.


“Hindi. Ikaw talaga,” say ni Karla Estrada sa amin.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 30, 2024



Photo: Seth at Francine Diaz - IG Seth Fedelin


Nangangamoy blockbuster sa takilya ang first movie team-up nina Francine Diaz at Seth Fedelin na My Future You (MFY) sa direksiyon ni Crisanto Aquino at ipapalabas on December 25.


Since Facebook (FB) friends kami ni Direk Crisanto or Cris, nag-PM (private message) kami sa kanya ng ilang mga katanungan tungkol sa kanya at sa movie niya na MFY. And of course, tungkol sa tambalang FranSeth.


“Malakas ang FranSeth fans, grabe,” sey sa amin ni Direk Cris when we asked him kung ano ang chance ng MFY sa takilya. 


“Lumalaban talaga sila and sobra akong thankful sa kanila. Laging trending ang FranSeth at My Future You tuwing may ganap kami. 


“Napakasisipag nila at sobrang mahal na mahal nila ang FranSeth and I know, after nilang mapanood ito, lalo nilang mamahalin ang FranSeth dahil these young actors are our next biggest stars,” papuri ni Direk Cris sa FranSeth.


Matindi rin ang makakasabay sa takilya ng MFY sa Kapaskuhan. Karamihan sa mga bida ng iba pang entries sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ay mga box-office stars.

“Honestly, kami yata ang may pinaka-young leads sa lahat ng entry, ng FRANSETH mga Gen Z ‘to at 1st film nila as love team. I think it’s a compliment kung mako-consider kami na dark horse kasi meaning, may laban kami either sa awards or box office,” confident na sabi ni Direk Cris.


Dugtong pa niya, “Pero at the end of the day, this is the most celebrated film festival in the Philippines, kaya masama lang dito ay sobrang blessing na. More than the competition I see this as a celebration of the film industry.”


Ang MFY ay ang ikalawang pelikula ni Direk Cris sa MMFF. Una siyang nakasali sa MMFF noong 2019 via the movie Write About Love (WAL).


“Masaya ang MMFF experience ko noon kaya sobra akong happy and blessed na nakapasok kami and me returning to MMFF, kasi ibang experience talaga s’ya at hindi lahat ng filmmakers ay nabibigyan ng chance dito, kaya sobrang thankful ako,” lahad pa niya. 

Ibinuking naman ni Direk Cris sa amin na sobrang sweet sa set sina Francine at Seth. 


“Sobrang sweet nila and what I see is beyond friendship at nakakakilig ‘yung makita sa kanila ‘pag magkasama sila. Kung ano man meron sila or status nila ngayon,  I think it’s something very very SPECIAL,” diin ni Direk Cris.


Ang MFY ay kuwento tungkol kina Karen (Francine Diaz) and Lex (Seth Fedelin) na nagkakilala sa isang online dating app pero nabubuhay sa dalawang magkaibang timeline na may agwat na 15 years. 


May isang comet ang makakatulong sa kanila para magpang-abot ang kanilang “panahon.” At mare-realize nila ang kakaiba nilang sitwasyon. 


Magkasama sila para baguhin ang kanilang nakaraan at ang kinabukasan.


“Actually, isinulat ko ‘yung script noong 2020. It was initially for TBA Studios but we had the pandemic. They decided to cancel the project. Then I presented the material to Ms. Roselle (Monteverde), who instantly fell in love with it. There were other stars considered for this project, but Ms. Roselle ultimately chose FranSeth. And now, I must state that this project is truly for the two,” sey pa ni Direk Cris.



Nag-number one ang bagong drama series ni Julia Montes na Saving Grace (SG) sa Prime Video Philippines.


Kinumpirma ito ng Dreamscape Entertainment, ang producer ng SG sa kanilang socmed (social media) post nu’ng Thursday night.


Ito ang post ng Dreamscape, “#1 SERIES IN PRIME VIDEO PHILIPPINES!!! Maraming salamat sa suporta mga Kapamilya! #SavingGrace now available for streaming in over 240 countries and territories. Download Prime Video and subscribe to watch #SavingGrace! New episodes drop every Thursday!”


Ang SG ay Philippine adaptation ng Japanese hit drama series na Mother.

Bukod kay Julia, kasama rin sa main cast sina Megastar Sharon Cuneta at ang newest child star na si Zia Grace. Ang iba pang nasa cast ay sina Jennica Garcia, Sam Milby, Christian Bables, AQ, Elisse Joson, Andrez Del Rosario, Sophia Reola, Adrian Lindayag, Aya Fernandez, Mary Joy Apostol, Eric Fructuoso, and Fe De Los Reyes.


Presented by ABS-CBN Studios and Japanese entertainment powerhouse Nippon TV, Saving Grace debuted last November 28. It exclusively streams on Prime Video.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page