top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 5, 2024



Photo: Rufa Mae - Instagram


Nagpasalamat si Rufa Mae Quinto sa mga nagpakita ng suporta sa kanya sa kinakaharap niyang kaso.


Nagpahayag kasi si Rufa sa kanyang socmed na “biktima” lang siya at maging ang komedyana ay nagsi-seek din daw ng justice.


Itinanggi ni Rufa na may kinalaman siya sa ‘fraudulent activity’ ng kumpanyang sinamahan niya. Rest assured daw na lilinisin ni Rufa Mae ang kanyang pangalan at reputasyon.


Narito ang post sa Facebook (FB) page ni Rufa Mae kahapon (as is), “Love is patient and kind! Be nice! Love yall! Have a good week ahead of yall! Mahal ko kayo! Thanks also for the love and support you’ve all shown me.”


May nagtsika rin sa amin from a reliable source na nakaalis na raw ng bansa si Rufa Mae. Hindi pa nga lang malaman kung saang bansa nagpunta. 


Sa pagkakaalam namin, green card holder sa US si Rufa Mae. 



MATINDING aksiyon ang hatid ng bagong series ng aktor na si Ian Veneracion, ang Incognito sa direksiyon ni Lester Pimentel Ong.


Ayon kay Ian, “I played the role of Greg Paterno and uh, he has a long history of military service and has worked overseas. He’s a tactician. He’s a planner and s’ya ‘yung nakikipag-negotiate for the whole team. At s’ya rin ‘yung nagbi-brief kung ano ‘yung situation du’n.


“In terms sa sarili n’ya, marami rin s’yang nakaraan na unresolved issues, personal issues na hindi ko pa dapat i-disclose. 


“Pero along the way, makikita rin kasi ‘yung individual journey kada character. That’s I think what really makes it interesting. Hindi lang s’ya aksiyon na maging ganu’n, ‘no? 


“It’s seven different characters and different phases on their journey. Tapos, nagkatagpu-tagpo sila. So, minsan, swak ‘yung dynamics. Minsan, may tension with the lead character. It’s really interesting.”


Lahat daw ng skills ni Ian, especially ang pagpapalipad niya ng eroplano, ay naipamalas niya sa Incognito. Kasama ni Ian sa serye sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Kaila Estrada, Anthony Jennings, Maris Racal at 39th Star Awards for Movies Best Actor na si Baron Geisler. 


Magsisimulang ipalabas ang Incognito sa Netflix on January 17, Friday at sa iWantTFC the next day.


Sa January 20 naman ito magsisimulang mapanood sa A2Z, TV5 at Kapamilya Channel. 

We heard tapos nang i-shoot ang kabuuan ng Incognito. And obviously, napakalaki ng production cost ng bagong serye ng Star Creatives. Pero napag-alaman din namin na bawing-bawi na raw ang nagastos sa produksiyon dahil sa ibinayad ng Netflix sa Star Creatives, na from a source, ‘di raw bababa sa P100 million.


Mga ABS-CBN productions series lang daw ang binabayaran ng Netflix ng ganito kalaki, ha!

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 4, 2024



Photo: Rufa Mae - Instagram


Nakahandang sumuko si Rufa Mae Quinto sa kapulisan pagkatapos makatanggap ng warrant of arrest ang kanyang abogadong si Mary Louise Reyes.


May nakaambang arrest warrant kay Rufa Mae dahil sa pagkakasangkot niya sa kumpanyang Dermacare. Ang kumpanya ring ito ang dahilan kaya may estafa case na kinakaharap ang dating SCQ (Star Circle Quest) finalist and now entrepreneur na si Neri Naig. 


Dinampot ng pulis si Neri sa gitna ng convention na dinaluhan niya sa Pasay City. Nahaharap si Neri sa kasong estafa and violation of the Securities Regulation Code pagkatapos diumanong mangumbinse ng mga investors sa Dermacare.


Pero nilinaw ni Atty. Reyes na hindi kasinglaki ng kaso ni Neri ang rason ng nilalaman ng arrest warrant kay Rufa Mae.


Fourteen counts of violation of Section 8 of the Securities Regulation Code lang daw ang kay Rufa Mae.


Ayon sa Section 8 of the Securities Regulation Code, “Section 8 states that securities can only be sold or offered for sale with a SEC-approved registration statement:


“Requirement of Registration of Securities. – 8.1. Securities shall not be sold or offered for sale or distribution within the Philippines, without a registration statement duly filed with and approved by the Commission. Prior to such sale, information on the securities, in such form and with such substance as the Commission may prescribe, shall be made available to each prospective purchaser.”


Kahapon ay nakita namin ang pahayag ni Atty. Reyes sa latest post ni Rufa Mae sa kanyang socmed (social media) accounts.


Pahayag ng abogado ni Rufa Mae, “She will face those charges, mag-voluntary surrender s’ya, and magpo-post po kami ng bail for that. She’s worried kasi hindi naman totoo ‘yung allegations kasi my client po is just a brand ambassador, a model endorser. Ni hindi nakapagbayad sa kanya ng downpayment, tapos ‘yung mga tseke po, puro tumalbog. Lahat po ‘yan, hawak naman po namin ‘yung ebidensiya. Ipe-present po namin sa court.”


Actually, ‘yung post ni Rufa Mae ay ini-repost lang niya from the post ng isang netizen na may nakalagay na: “Truth will prevail!!!”


So true.



IMPRESSIVE ang personal life ng baguhang si Megan Marie. Nu’ng una ay ‘di agad kami naniwala na keri niyang mapagsabay ang dalawang kurso sa kolehiyo. Kasi nga, parehong bigating kurso ang tine-take niya from different well-known universities sa Manila.


She’s taking-up Veterinary Medicine at ipinagpatuloy naman niya ang Law sa San Beda dahil ang tinapos niyang course ay Political Science sa University of Santo Tomas (UST).  


Passion ni Megan ang mag-alaga ng mga hayop. In fact, napakarami raw niyang alagang hayop sa bahay nila sa Greenwood at sa farm niya sa isang probinsiya.


Dahil din dito kaya siya nagtayo ng sariling vet clinic. At para matutunan talaga ang tamang pag-aalaga at panggamot sa hayop, kaya siya kumuha ng kursong veterinary medicine. 


Pero desidido rin siyang tapusin ang kurso sa Law dahil gusto niyang maging abogado. Plus, isa rin siyang fashion designer. May sarili raw siyang fashion design company.


Si “Doktora” Megan ang gumagawa ng mga outfits ng sexy-male group na Magic Voyz, na mina-manage ni Lito de Guzman. 


At dahil super talented ni Megan, kinuha na rin siya ni Lito as one of his talents. Keri rin kasi ni Megan ang kumanta at sumayaw na ipinakita niya sa concert ng Magic Voyz last Friday. And hopefully, mabigyan din siya ng chance na makaarte sa pelikula. 


Say ni Megan, “Mas love ko po ang singing and dancing. Before po, ipinapasok ako sa acting. Pero kung saan po mapapaganda, if I’m needed there, okay lang naman po.” 


Sa dami ng mga gusto niyang gawin sa buhay, wala na talaga siyang time para isingit pa sa schedule niya ang love life. So, it’s a big no for her ang mag-entertain ng suitor at pumili ng boyfriend as of the moment.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 3, 2024



Photo: Janine Guetierrez at Jericho Rosales - IG


"Action speaks louder than words" ang galawan nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez. 

Magkasama ang dalawa sa mga bida ng Lavender Fields (LF) na nagpunta sa Japan recently. Mapapanood ang naganap sa trip sa Japan nina Jericho at Janine sa YouTube (YT) channel ng eldest child nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon.


Pinamagatan ni Janine ang kanyang vlog na, “What We Ate In Japan,” kasama si Echo.


Sa caption ay ito ang inilagay ni Janine, “I’m baaaaack! And (by popular demand) I have a special guest. Hehehe! Here’s a short and sweet vlog about what we ate during my last trip to Japan for the Tokyo International Film Festival (TIFF). Hope you enjoy more candid and chill videos like this!”


Ishinare ni Janine ang mga kinain nila ni Echo sa Tokyo, Japan.


Sa video ay mapapansin ang pagiging komportable at sobrang ka-sweet-an ng dalawa. And take note, tinawag ni Echo ng “Bubba” si Janine sa video, ha?


‘Di ba ang “Bubba” ay term of endearment ng mga magdyowa?


So, magdyowa na talaga sina Janine at Echo.


‘Yan din ang reaksiyon ng mga netizens sa tawag ni Echo kay Janine na “Bubba”.

Sey ng mga netizens:


“Confirmed na talaga sila, dasal namin na sana, magtagal ang relasyon ninyo at mauwi sa kasalan.”


“Bubba (with red heart emoji).”


“‘Yan si Echo, loud and proud ‘pag mahal ang girl, ‘di ide-DENY.”


‘Yun na!



Gunulantang ng Magic Voyz ang audience sa kanilang latest show sa Viva Café last Friday.


Opening number pa lang ay may pasilip na sila ng kanilang white underwear, but it was done naman in good taste. 


And then, nagpamalas ng kanilang angas sa pagkanta at pagsasayaw ang Magic Voyz with a live band. Habang sila’y nagpe-perform, isa-isa namang ipinapakita sa big screen ang kanilang mga mukha at pangalan. 


Meron ding short video ang mga members kung saan ikinukuwento nila ang kanilang background, kaya mas nakilala sila nang personal ng audience. 


Ayon pa sa grupo, pinag-iisipan daw nila ang bawat segment ng kanilang show. Pero concept din daw ng kanilang manager na si Lito de Guzman ang pagkakaroon ng banda para live silang kakanta sa show.


“Every concert po, pa-upgrade nang pa-upgrade kami,” say ni Johan Shane.

Like now, may dalawa na agad silang kanta, ang 'Wag Mo Akong Titigan at Bintana.


Nakatakda ring ilunsad ang pangatlo nilang kanta titled Tampo.

Wish din daw nilang makapag-perform sa malaking venue tulad ng Araneta Coliseum.

Tsika ni Jace Ramos, “Balita ko, next na ang Araneta. Nangangarap lang po. Libre naman po ang mangarap.”


Ibinida naman nila na naghahanda na sila sa pagsabak sa mas malaking entablado sa Music Museum sa susunod na taon.


Mas matindi rin daw ang magiging pasabog nila sa nasabing show kung sakali.


“Siguro, mas hot and intense,” proud na sabi ni Jhon Mark Marcia.


May nagsasabi na ang Magic Voyz na ang bagong Masculados na isang all-male group na nakilala nu’ng dekada ‘90.


“Idol po namin ang Masculados pero gusto po naming makilala sa sarili naming identity,” banggit ni Mhack Morales.


Open din daw silang mag-perform sa provincial tours at maging sa political sorties.

Sa Magic Voyz: The Repeat, tampok din ang mga naggagagandahang sex sirens na sina

Marianne Saint, Krista Miller, Yda Manzano, Megan Marie at Ram Castillo. Kasama ring nag-perform ang Jo and D Holy Notes.


Ang Magic Voyz ay binubuo nina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones , Asher Diaz at Johan Shane.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page