top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 12, 2024



Photo: Kim Chiu - Instagram


Binisto ni Vice Ganda na may dyowa na si Kim Chiu habang nasa stage ang group ng It’s Showtime (IS) hosts sa ginanap na ABS-CBN Christmas Special 2024.


Walang nagawa si Kim nu’ng binukelya siya ni Vice nu’ng dumalaw sa dressing room ni Chinita Princess ang bago niyang dyowa, na nagtangka pa raw mag-disguise para hindi makilala. 


Pambubuking ni Vice kay Kim, “Suspek! Suspek! Ayaw pang ilabas ang dyowa n’ya kasi ipapa-feng shui muna.”


Pagkatapos ay naghabulan on stage sina Kim at Vice. But after maghabulan ay nagdagdag pa ng another information si Vice tungkol sa dyowa raw ni Kim. 


“Pagkatapos, may dumalaw sa dressing room. Naka-cap, nakatakip ang mukha. Akala mo, hindi makikilala, eh, taga-ABS din naman,” hirit pa ni Vice.


Sagad na clue nito, “Nagtago ka pero sa ABS ka nagpunta, eh, taga-ABS ka rin?!”

For sure, your guess is as good as mine kung sino ang sinasabi ni Vice na dyowa ni Kim.

Malamang si Paulo Avelino ang tinutukoy ni Vice, ‘di ba? 


Anyway, mapapanood ang pambibisto ni Vice Ganda kay Kim Chiu sa two-part ABS-CBN Christmas Special 2024 on December 14 and 15, 8:30 PM on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at sa  A2Z. 


Kung ang ibang endorsements, nag-alisan na…

DRA. BELO, NEVER BIBITAWAN SI MARIS





Humanga ang mga netizens kay Dra. Vicki Belo sa suportang ibinigay niya kay Maris Racal. 


Despite the controversy na kinasangkutan ni Maris, buo pa rin ang tiwala at pagmamahal ni Dra. Vicki sa Kapamilya star bilang isa sa kanyang Belo endorsers.


Unlike Maris' other endorsements na tinanggal na siya bilang endorser, nananatili pa rin ang aktres bilang Belo baby. Katunayan, nakatayo pa rin ang malalaking billboards ng Belo Q Facial kung saan ang mukha ni Maris ang nakalagay.


Binati rin namin si Dra. Vicki na hindi iniwan sa ere si Maris bilang one of her endorsers and how kind-hearted she is. 


Kung iba lang 'yan, malamang laglag na rin si Maris Racal as endorser sa napakalaking brand gaya ng Belo Medical Group. Pero gaya nga ng sabi ni Dra. Vicki sa amin, Belo Medical Clinic is not just a brand, they’re family.


Sabi ni Dra. Vicki, “People are so mean to her. As Jesus said, 'Let the person with no sin cast the first stone.'”

Oo nga naman.



NAGPUNTA nga ba si Mercedes Cabral sa Switzerland pagkatapos mamatay ang karakter niya bilang si Lena sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ)?


Sa latest post ni Mercedes sa kanyang IG six days ago ay may video at nakalagay under her account name ang place kung saan naroroon siya which is Verbier, Switzerland.


Anyway, isang video ng pasasalamat at pamamaalam ni Mercedes ang nasilip namin na naka-post sa Instagram ng CCM Film Production ni Coco Martin recently.


Say ni Mercedes sa video, “Nagpapasalamat lang ako sa lahat. Lahat kayo, may parte kung bakit ko nabuo si Lena. Kaya maraming-maraming salamat sa inyong  lahat.”


May madamdaming mensahe naman para kay Mercedes na ipinost ang production team ni Coco. 


Sa caption ng IG post na video ng aktres, nakasaad na: “Nakatatak na ang pangalang Lena sa FPJ’s Batang Quiapo! At ito ay dahil sa iyong napakahusay na pagganap, Mercedes Cabral!


“Tiyak na mami-miss ka ng ating mga Ka-Batang Quiapo at ng buong CCM Film Productions! Hanggang sa muli! Good luck!”


Huwag palampasin ang maaaksiyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. 

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 11, 2024



Photo: Bea Alonzo - Instagram


Before the year ends, may bago na namang product endorsement ang aktres na si Bea Alonzo. And this time, Bea is now the endorser ng My Diamond, na isang kilalang jewelry store na makikita sa malalaking malls nationwide. 


Last Thursday, isang malaking welcome event and launch ang ibinigay ng My Diamond kay Bea sa kanilang store sa SM Aura.


After that, nabigyan kami ng chance ng mga may-ari ng My Diamond na makausap si Bea.


“Unforgettable jewelry that I have? I remember my first diamond earrings ko na medyo na malaki na binili ng Mama ko nu’ng I think after ng One More Chance (movie niya with John Lloyd Cruz),” bungad ni Bea.


Gusto raw siyang bigyan ng mama niya ng gift na puwede nitong balikan ang alaalang dala nito. And then, we asked Bea na kung meron ba siyang dream wedding ring.


Tugon niya, “Hindi ko alam, depende siguro. Parang ayoko nang pag-usapan ‘yung mga ganyan. Hahaha!”


We told Bea na pasasaan ba’t ikakasal din siya dahil hindi na siya bumabata.

“Well, hindi naman marriage ‘yung laging end game ng lahat. We have different paths, different destinies and fate. 


“Of course, it would be nice. But hindi ‘yun ang end goal (ko). If it happens I would be happy. But, it doesn’t mean that I would give myself up if it doesn’t  happen or I would feel like a failure if it doesn’t happen ‘coz I feel like on my own, I’m happy,” sey ni Bea.


So, romance is out of the question now?


“Hindi naman,” diin ni Bea. 


Aniya, “Hindi ko naman sinasabi na close talk na ako, ‘yung kino-close ko ‘yung doors ko. But right now honestly, I’m enjoying being single. 


“I mean, ang dami kong nakikilalang bagong tao. So, but yeah, I’m still enjoying my own company.”


May pumutok na news kamakailan regarding a photo of Bea kasama ang isang guy na napagkamalang new dyowa niya. 


Sagot niya, “Oo nga. But he’s a good friend of mine. But we’re not dating.”

But she’s dating naman some suitors? 


“Uh, may mga nagpaparamdam. Siyempre, I’m single. But yeah, I’m not dating anybody exclusively,” pahayag ni Bea Alonzo.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 10, 2024



Photo: Rico Blanco at Maris Racal - Instagram


Nananatiling quiet ang singer na si Rico Blanco sa controversy na kinasasangkutan ng ex-girlfriend niyang si Maris Racal. 


Para sa mga netizens, tama ang ginawa ni Rico na hindi mag-react anything about Maris.

Pero may mga naririnig kaming tsika na umaayon sa desisyon ni Maris sa pakikipaghiwalay kay Rico, hindi raw kasi maganda ang ugali ng dating member ng Rivermaya.


May pagka-istrikto at walang konsiderasyon daw sa feeling ng iba itong si Rico. Baka na-turn-off na rin daw si Maris, kaya nakuha ni Anthony Jennings ang atensiyon ng aktres.


Tsika ng aming source, “Alam mo ‘yang si Rico, nakasama ko s’ya dati. There was a time may nagpapapiktyur na fan sa kanya. Nagkataon na nandu’n ako at nahilingan na ako ang kumuha ng piktyur. Kung anu-anong anggulo ang gusto n’ya at hinihila pa ang mga braso ko. After that, deadma na siya at kahit thank you, walang sinabi sa ‘kin.”

Ganern?



Ang punumpuno ng aksiyon na thriller na Topakk na ginawa ng Nathan Studios, Fusee at Strawdogs ay patuloy na gumagawa ng mga alon sa internasyonal at lokal. 


Mula sa Cannes hanggang sa world premiere nito sa Locarno Film Festival, opisyal na ngayong entry ang pelikula sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa December 25.


Sa direksiyon ni Richard V. Somes, ang Topakk ay nakasentro sa isang dating special forces operative na nakikipaglaban sa PTSD (post-traumatic stress disorder) na ang landas ay nagsalubong sa magkapatid na lalaki at babae na parehong tumatakas mula sa mga puwersang kriminal. 


Ang Topakk ay magiging career-defining turn para sa mga bida ng pelikula na sina Arjo Atayde and Julia Montes. Ang pagganap ni Arjo ay nakabihag ng mga mahilig sa pelikula sa Cannes, Locarno, at Austin sa Texas kung saan siya personal na humarap sa mga screening para kumatawan sa pelikula.


Si Julia ay humakbang sa isang magaspang, punumpuno ng aksiyon na papel na hindi katulad ng anumang nagawa niya noon, na nakakuha ng pagkilala sa kanyang versatility at emosyonal na lalim.


We heard as early as September ay nag-immerse na si Julia bilang paghahanda  sa kanyang karakter sa Topakk.


Ang pang-internasyonal na pamagat ng pelikula ay Triggered na tumulong sa pagpapalawak ng apela nito sa isang pandaigdigang madla, kung saan nakatanggap ito ng papuri para sa natatanging diskarte nito sa aksiyon at sikolohikal na drama.


Naging matindi ang reaksiyon ng mga manonood sa mga international screening, marami rin ang pumupuri sa hilaw na intensity at malalakas na performance ng pelikula.


Ang cinematographer na si Louie Quirino ay naghahatid ng mga kapansin-pansing visual na nagpapataas sa tensiyon at drama ng pelikula, na kinumpleto ng evocative score ni Jose Antonio Buencamino.


Ang Topakk ay idinirek ni Richard Somes at ipinrodyus ng Nathan Studios along with Fusee, Strawdogs Studio Production and Toronto-based post sound house Theo & Atlas Productions. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page