top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 16, 2024



Photo: Bea Alonzo - IG


For a change, sa ibang bansa magse-celebrate ang aktres na si Bea Alonzo kasama ang kanyang pamilya ngayong Pasko at Bagong Taon. 


“Very different,” ani Bea tungkol sa gagawin niyang celebration ngayong Pasko.

Pagri-reveal pa niya, “I’m going to Spain with my family. So, madadala ko na rin ‘yung mga pamangkin ko. First time nilang pupunta sa Spain, my brother and my sister-in-law. 


“But with my mom, kasi nu’ng housewarming pa lang, nandu’n s’ya. But we’re also spending Christmas in Andorra. So, white Christmas. Excited!


“And then, I’ll be going to London with my best friend. Pero iwan ko na ang family ko du’n. It will be different because ‘yun nga, first time naming  magpa-Pasko sa ibang bansa ng pamilya ko.


“Normally, dito (sa ‘Pinas nagpa-Pasko), tapos aalis kami pagkatapos ng Pasko. So, Noche Buena lagi rito. But, uh, first time ‘yung Noche Buena sa ibang bansa. Tapos snow pa, malamig.” 


Nakausap namin si Bea sa launch niya as the new endorser ng sikat na jewelry store na My Diamond sa SM Aura. Tanda pa ni Bea ang first diamond rings niya na malalaki ang bato.


“Medyo malaki na binili ng mama ko (na diamond ring). Binili n’ya nu’ng I think, after ng One More Chance (movie niya with John Lloyd Cruz).


“Kasi it came a big hit and my mom wanted to give me something na talagang very special na ‘pag binalikan ko ‘yung memory noon, ‘pag nakita ko ‘yung jewelry na ‘yun, may memory na bumabalik sa utak. 


“Also recently, I went to uhm, I went to Spain to get my residency card. And then, pagbalik ko, kumuha ako ng necklace na may naka-engrave na ‘primero yo.’”


Ang ibig daw sabihin ng ‘primero yo’ ay ‘Myself first’.


“Lagi akong may ganoon sa jewelry. Kasi ‘yung jewelry, timeless s’ya. So, paulit-ulit mo s’yang naisusuot. And uh, investment pieces talaga,” sabi ni Bea.


Dagdag pa niya, “So, I love fashion. I love collecting bags, collecting shoes and phones. But ‘pag ako tinanong, laging nauuna ‘yung jewelry. If I were to invest in like, special pieces I would always pick to invest in jewelry.”


Siyempre, very happy si Bea bilang bagong endorser ng My Diamond.


“And I am, actually, happy to be representing a brand that promotes sustainability. Because I’m always about sustainability and ‘yun nga,  responsible and ethical sourcing. 


“And, right now, parang nag-dinner ako with the owners and I have seen them as very good people. And masarap magtrabaho sa mga tao behind the brand na alam mong mabubuting tao,” diin ni Bea.


Bago si Bea ay naging endorsers din ng My Diamond sina Anne Curtis at Jinkee Pacquiao.


“Nakita ko nga big names,” bulalas ni Bea. 

Aniya pa, “I’m just really happy that they considered me to be the new endorser. Para ihilera sa list of endorsers na ‘yun, it feels good.”


Hindi naman itinago ni Bea ang kanyang dream jewelry.

Sey niya, “‘Yung isinuot ko doon sa shoot (para sa My Diamond),” sabay tawa. “Ang laki nu’ng ring. I think, parang 5 karats. Dream, so, kailangan ko pang mag-work.”


Anyway,  hindi pa man tapos ang 2024 ay nakalatag na ang mga gagawin ni Bea for next year. Pero bago umalis si Bea ay tatapusin muna niya ang taping para sa Widows’ War (WW) na ipapalabas sa GMA-7 next year.


“But uh, I’m very excited about that. And uh, meron din akong projects next year. So, I have one movie and one series for streaming (HBO).


“Yeah, it will be a busy year. Siyempre, another teleserye with GMA-7 next year. But sabi ko nga, busy is always good,” nakangiting sabi ni Bea.

Marami pa raw aabangan sa WW.


“Malapit na ‘yung mga revelations, kung sino ang pumatay since it’s a mystery-drama. Malapit nang ma-unravel kung sino ‘yung may kagagawan ng lahat ng patayan. So, exciting. Exciting episodes,” tsika pa ni Bea Alonzo.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 15, 2024



Photo: Rufa Mae Quinto - Instagram


Ibinulgar na ng husband ng komedyanang si Rufa Mae Quinto ang tunay na estado ng relasyon nila sa publiko.


Idinaan ng mister ni Rufa Mae na si Trevor Magallanes via social media na nasa proseso ng divorce ang kanilang marriage.


Post ni Trevor, “Hi guys, I felt like I needed to explain myself based on social media and all that.


“I want to make myself clear that Rufa Mae and I are in the process of a divorce.


“You may be aware divorce can be very devastating to the children and also the parents. That being said, my marriage has been a sh*t show and I am sorry for that. 


“All that matters to me at this time is getting through the divorce as best as I can and

spending time with Athena. 


“Happy holidays!”

Ganern!



FOR the first time ay nakapasok kami sa loob ng FPJ Studios sa may Fernando Poe, Jr. St. sa Kyusi kahapon kasama ang mga members ng Phil. Movie Press Club (PMPC) carolers at winelcome kami ng pamangkin ni Susan Roces na si Jeffrey Sonora.


Nandu’n din ang kapatid ng yumaong Action King na si Jenny at ang writer na si Eric Ramos. Si Eric ang sumulat ng libro ng buhay ni Fernando Poe, Jr.. 


Incidentally, 20th year ng kamatayan ni FPJ kahapon and supposed to be, ilalabas ang libro ni Da King, pero nagkaroon ng aberya, kaya imu-move nila sa birthday ni FPJ sa

August, 2025 ang pagre-release ng libro.


Tinanong din namin si Sir Jeffrey kung nagkaroon ba ng paggunita sa kamatayan ni FPJ kahapon.


Aniya, “Always naman intimate ‘yung celebration and anniversary. Kaninang umaga, meron kaming mass sa sementeryo. Nandu’n si Sen. Grace (Poe).”


What about si Lovi Poe? 


“Uhm, wala siya sa sementeryo. But I think, nandu’n sila ngayon sa inauguration in Pangasinan. Parang may bubuksan silang park ni FPJ doon,” tugon ni Jeffrey.

So, there.



BAGO kami pumunta sa FPJ Studios ni King of Action Fernando Poe, Jr. ay um-attend muna kami sa grand mediacon ng action-packed comedy series ni Titanic Action Star Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na magsisimula na sa GMA-7 sa December 22, Sunday.


Todo-promote na si Sen. Bong and the rest of the cast ng kanyang WMNPSMNM sa Cebu.

“Actually, umiikut-ikot din tayo sa mga invitation sa iba’t ibang provinces. Pero ang ipino-promote natin ngayon, tuluy-tuloy. Yesterday, we were in Cebu at napakainit ng pagtanggap sa ‘min sa Cebu,” lahad ni Sen. Bong. 


Dapat din daw ay may motorcade sila sa Metro Manila, kaya lang, natatakot sila dahil sa traffic. 


“Kung papayag ang Metro Manila Filmfest na makasama kami sa parade para makapag-promote kami ng Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,” sabi ni Sen. Bong. 


Sa Dec. 21, may dance challenge si Sen. Bong sa Facebook page niya na Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr.. ‘Yung kinita raw sa FB page niya na P3 million ay ipamimigay din niya sa kanyang mga followers/fans. 


Sobrang thankful si Sen. Bong sa mga blessings na natanggap niya, especially sa kanyang pamilya. 


Bukod sa pagkakaroon ng abogadong anak na si Inah Revilla-del Rosario, meron na rin siyang doktora ngayon. Pasado bilang doktor ang isa pang anak na babae ni Sen. Bong kay Congw. Lani Mercado na si Loudette. 


And recently, nadagdagan ang apo ni Sen. Bong. Straight from the airport sa Manila pagkagaling sa Cebu ay pumunta siya sa bagong panganak na anak niyang si Gianna.

Lalaki ang bagong apo ni Sen. Bong na kahawig daw niya at sinunod sa pangalan niya na Jose Mari. All in all, walo na ang apo nina Sen. Bong at Congw. Lani.   

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 14, 2024



Photo: Atong Ang at Sunshine Cruz - Viral, circulated


Trending sa socmed ang “kissing video” ni Sunshine Cruz kay Atong Ang sa isang sabungan event ng kilalang businessman. 


Makikita sa video na nakaupo si Atong sa harap ng medyo naka-elevate na lamesa sa isang side ng kinauupuan ni Sunshine.


Napaka-sexy ni Sunshine sa suot niyang pink sando na kita ang cleavage at middle strap sa likod, katerno ang hapit na kupas na maong. 


Pinalapit si Sunshine ng babaeng nasa likod niya papunta kay Atong sa kabilang lamesa.


Pagkalapit ni Sunshine kay Atong ay umakto na ang ex-wife ni Cesar Montano para halikan ang businessman. At buong-giliw namang hinalikan din ni Atong si Sunshine sa lips!


We wonder kung magde-deny pa si Sunshine sa relasyon niya kay Atong sa susunod na mainterbyu siya ng mga showbiz writers.


Photo: Sunshine Cruz / FB



First time naming narinig ang rumor linking Sunshine kay Atong noong presscon ng drama series na Unbreak My Heart (UMH) last year. 


So, kung bibilangin ay aabot na sa mahigit kumulang dalawang taon ang relasyon ni Sunshine kay Atong. 


Pero ang mga netizens, pilit na “pinagsasabong” sina Sunshine at Gretchen Barretto. 

Sey nila, “Gretchen out, Sunshine in!”


“Bye, Gretchen (laughing emoji).”


“Selos si Gretchen. Hahaha!”


Pero may nag-correct na hindi dyowa ni Atong si La Greta, “Hindi naman n’ya dyowa si Gretchen, mag-best friend lang sila noon pa. Si Sunshine ang dyowa n’ya.”


“Ngek! Never namang naging sila ni Gretchen, business partner lang. Loyal si Gretchen kay Tony Boy.”


Napansin din ng mga netizens at kinuwestiyon kung bakit daw si Sunshine pa ang lumapit para halikan si Atong.


“Babae ba ang dapat lumapit??”


“Siyempre, P1 million kada kiss, hindi pa ba s’ya lalapit?”


“Suwerte si Boss Atong kay Sunshine, kaya palagi panalo manok niya.”


Sey pa ng mga netizens, single si Sunshine kaya puwede siyang mamili ng dyodyowain.


“Pogi, artista lang po 'yun. Si Boss AA, bilyonaryo at famous sa industriya ng negosyo. Hehehe!”


“Pogi of course. At least, may hitsura si Atong.”

Ganern?



NAGBALIK na ang award-winning actress na si Hilda Koronel sa Pilipinas. Dumating siya noong Martes (December 10) sa bansa galing USA.


Actually, months ago pa naming alam ang pagbabalik ni Hilda sa Pilipinas. But we kept our promise sa manager ni Hilda na si Shirley Kuan na we will not tell or write about this until the right time comes. 


First agenda ni Hilda for her comeback ay pictorial para sa publicity photos na gagamitin sa movie na gagawin niya under IdeaFirst production titled Sisa.


Then, magkakaroon siya ng grand media welcome next week. Nakatakda ring mag-guest si Hilda sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


Konting rest lang at tatapusin ang holiday season, saka uumpisahan ni Hilda ang shooting for Sisa.


Last movie na ginawa ni Hilda ay ang The Mistress (TM) kasama sina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, at ang yumaong aktor na si Ronaldo Valdez.


Incidentally, parehong mina-manage ni Shirley Kuan sina Hilda at Bea.


For sure, happy ang mga fans ni Hilda, kabilang na kami, sa pagbabalik-showbiz ng isa sa mga pinakamaganda na, pinakamahuhusay pang artista sa entertainment industry.

Welcome back, Ms. Hilda!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page