top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | August 29, 2025



Chavit at Yen

Photo: Yen at Chavit - IG



Binaha ng bashing si Yen Santos sa pa-teaser ng interbyu niya sa pulitiko at businessman na si Luis “Chavit” Singson para sa YouTube (YT) channel ng aktres.


Teaser pa lang ay mapamuksa na ang mga reaksiyon ng mga netizens sa comment section ukol sa tunay na relasyon nina Yen at Chavit. May matapang pang comment ang isang netizen na nagsabing malaking rebelasyon ito tungkol sa dalawang controversial celebrities.


Sa teaser, sinabihan ni Yen si Chavit na kumpirmahin ang matagal nang tsika na meron na silang anak.


Sabi ni Yen kay Chavit sa video, “Lagi tayong nai-issue. Meron pa nga raw tayong anak, ‘di ba? Malaki na raw ‘yung anak natin, si Yan-Yan. So, anak ba natin ‘yun?”

Sagot ni Chavit kay Yen, “Ewan ko sa ‘yo.”


Sa comment section, may netizen na nagkumpirma na totoo ang tsika na may anak sina Yen at Chavit. Sinundan pa ito ng iba pang mga netizens.


“Meron kayong anak, ‘di ba? Ipinagpatayo ka pa nga ng bahay. Best friend ko ang pinsan mo kaya alam na alam ko ang kuwento mo. Though mabait ka na anak at mabait din si Chavit sa ‘yo.”


“True, Hahaha!”


“Hahahaha! Naku, tagal ko na ring alam ‘yan.”


“Ewan n’ya raw sa ‘yo. Hahaha! Ayaw magsinungaling ni Manong Chavit…”

“Ba’t ikinakahiya kung may anak kayo?”


Pinalagan din ng mga netizens ang sinabi ni Yen na family friend nila si Chavit.

“If he’s a good friend of your parents or a family friend, hindi ka ganyan ka-comfortable makausap, with touch pa. You should have at least a wall kasi nga, he’s your parents’ good friend.”


“Family friend daw, eh, hindi ka naman mayaman bago ka nag-PBB (Pinoy Big Brother). Paano kayo magtatagpo?”


“Very friendly talaga itong si Yen. Kay Paolo ‘Going to Baguio as a friend,’ ngayon naman kay Manong, ‘family friend.’”


Inakusahan din si Yen na desperate move ang pag-interbyu niya kay Chavit, “Desperate move. Self-respect ay wala sa vocabulary n’ya.”


“Kumapit na kay Chavit ulit para mag-trending kasi ‘di umubra ‘yung pag-sorry tungkol sa kanila ni Paolo.”


“Pagkatapos ng ginawa mo kay LJ, sa tingin mo, may maniniwala pa sa ‘yo?”

Request pa ng isang netizen, sa susunod daw ay si Bacolod’s lone district Cong. Albee Benitez naman ang kanyang interbyuhin. Idinawit din kasi si Yen Santos sa isyu ng hiwalayan ni Cong. Albee at ng kanyang misis na si Nikki Lopez.



NAG-SHARE si Cannes Best Director Brillante Mendoza ng kanyang saloobin ukol sa malalang korupsiyon sa ating bansa sa kanyang Facebook (FB) page kahapon.

Ayon kay Direk Brillante, madalas niyang iniisip kung bakit napakalalim ng pakiramdam ng korupsiyon sa karanasan ng mga tao.


Tanong tuloy ni Direk Brillante kung tayo ba ay ipinanganak na may ganitong hilig sa katiwalian o ito ba ay isang bagay na pinalaki ng mga pangyayari, isang kapintasan na nag-uugat sa kapaligiran kung saan ang kapangyarihan, pangangailangan at tukso ay nagbabanggaan.


Ang katiwalian daw ba ay isang kahinaan lamang ng pagkatao, o ito ba ay isang hindi maiiwasang pagsubok sa sangkatauhan na kakaunti lamang ang may kayang dalhin sa kanilang kunsensiya?


Post ni Direk Brillante, “I am troubled by how easily some individuals commit acts of corruption without apparent remorse. Could it be that they no longer see their actions as wrong?


“Perhaps they justify their choices by believing they are working for a greater good, that their transgressions somehow benefit others, and that this belief absolves them of guilt. But does rationalizing corruption truly excuse it, or does it only numb the conscience until morality becomes a matter of perspective?”


Ang kanyang mga tanong ay humantong sa mas malalim. Paano kung tayo ay ilagay sa kanilang eksaktong sitwasyon? Kung dinadala natin ang parehong mga pasanin, haharapin ang parehong mga tukso, at taglay ang parehong kapangyarihan, talagang hindi ba tayo magiging immune sa parehong mga kompromiso?


Madali raw hatulan ang katiwalian mula sa malayo, ngunit mas mahirap kilalanin ang kahinaan ng ating sariling moral compass.


“We all know that corruption is corrosive. It weakens institutions, erodes trust, and destroys communities. It is something that must never be tolerated.

“Yet to truly confront it, we cannot simply point fingers at those in power. We must also examine where it begins. 


“Corruption does not emerge in isolation; it grows from human desires, fears, and justifications. It reflects not only broken systems but the complexities of the human heart,” diin niya.


Bakit daw napakaraming pinagkatiwalaan ng mga awtoridad, ang mismong mga taong dapat naglilingkod ang naging pinakakilalang mga nagkasala?


Ang sagot ay hindi raw simple pero ang pagtatanong ay mahalaga. Sapagkat kung hindi natin nauunawaan ang mga ugat ng katiwalian, nanganganib tayong ipagpatuloy ito, na hahayaan itong umunlad hindi lamang sa mga bulwagan ng kapangyarihan, kundi sa mga tahimik na sulok ng ating sariling buhay.


Konklusyon ni Direk Brillante, ang pagharap sa katiwalian, kung gayon ay hindi lamang tungkol sa pagreporma sa mga institusyon, tungkol din daw ito sa pagharap sa ating sarili.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 28, 2025



Rica Peralejo - IG

Photo: Rica Peralejo - IG



Balik-showbiz si Rica Peralejo after more than a decade. 

Ipinost ni Rica ang pictures niya mula sa pagpunta until during the script reading ng latest movie niya na Manila’s Finest (MF) na isa sa mga official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this coming December.


Caption ni Rica: “All I can say is that I am just as surprised as all of you (laughing emoji). But I guess if it’s for you, it’s for you. My prayer is that everything will be like riding a bike — once you know, you’ll always know (hand heart emoji). Love and blessings to us @mquestventures! (film strip emoji).”


Every picture na ipinost ni Rica ay meron siyang say. Una na ang picture nila ni Piolo Pascual na magkasama at inamin niya na ang aktor ang isa sa mga malaking dahilan ng pagtanggap niya sa proyekto.


Sey ni Rica, “A familiar face. And a big part of why I said yes.”

Matagal nang hindi nagkasama sina Rica at Piolo sa showbiz. Ibinulgar din niya sa isa sa kanyang mga rebelasyon sa social media na nagkaroon sila ng relasyon dati. And now, pareho pa sila ng faith in God.


Bukod kay Piolo, ipinost din ni Rica ang picture nila ng isa pa sa cast members ng MF at 2023 MMFF Best Actor na si Cedric Juan.


“It’s been years since I read a movie script. Yet it didn’t feel strange,” caption ni Rica.

Tsika pa ng aktres, natuwa rin daw ang pamilya niya especially her mom na 80 years old na pala. Parang kailan lang nu’ng madalas naming makausap ang ina ni Rica na kung tawagin namin dati ay si Mommy Alice.


Nakita namin kung paano ang pag-e-effort ni Mommy Alice kay Rica during her teenage years sa showbiz.


“My mother turned 80 this year and I told her she has another gift from me. Being my #1 fan and believer, she was deliriously happy to know I am again appearing on the big screen,” sabi ni Rica.


And now, curious kami kung ang gagamitin ni Rica Peralejo ay ang dati niyang screen name or magiging Rica Peralejo-Bonifacio na. 

She’s married na kasi kay Joseph “Joe” Bonifacio na isang pastor of Every Nation Church.



MATAGUMPAY at maningning na idinaos ang 37th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television na ginanap nitong Linggo, Agosto 24, 2025 sa VS Hotel sa Quezon City.


Handog ng Bingo Plus, pinarangalan at kinilala ng PMPC Star Awards, Inc. ang mga natatanging bituin at iba’t ibang programa ng telebisyon na ipinalabas noong 2023, na naipagpaliban ng grupo dahil sa pandemya.


Pahayag ni Joshua Garcia nang tanggapin ang parangal, “Maraming-maraming salamat, una sa Panginoon, and to my family and friends, sa ABS-CBN, sa GMA, sa Star Magic, and of course sa nagtiwala sa akin at nagbigay sa akin ng role na ‘to, kay Sir Deo Endrinal.


“Hindi ko ito matatanggap kung hindi dahil sa mga co-actors ko, so thank you kina Jodi (Sta. Maria), Gabbi (Garcia)... of course, sa aming director at writers. Ang award na ito ay para sa buong team ng Unbreak My Heart.”


Pinasalamatan naman ni Rhian ang GMA-7, mga kasamahan sa Royal Blood (RB) at mga mahal sa buhay.


“I would like to dedicate this to my home network, GMA-7, to whom I have dedicated 19 years of my life, and I will continue to dedicate every good thing that comes to me. Thank you so much, GMA, for the trust in me.


“I also want to thank my boyfriend (Sam Verzosa) who always encourages me and makes me believe that I’m great and that I can do things,” sabi ni Rhian.


Nagbigay-pugay ang PMPC sa apat na haligi ng Philippine Television sa paghahandog ng Ading Fernando Lifetime Achievement Awards.


Iginawad ito sa 92-year-old veteran actress na si Caridad Sanchez (tinanggap ng anak nitong si Cathy Sanchez-Babao, presented by Sylvia Sanchez), legendary host Ariel Ureta (presented by Boots Anson-Roa), dance icon Geleen Eugenio (presented by Maribeth Bichara) at TV executive Malou Choa-Fagar (presented by Joey Marquez).


Nagbalik-tanaw na tinanggap ni Angelique Lazo ang kanyang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award (presented by Jill Velasco).

Ang German Moreno Power Tandem Award ay iginawad sa popular love teams na sina Barbie Forteza at David Licauco para sa Maria Clara at Ibarra at Maging Sino Ka Man at kina Francine Diaz at Seth Fedelin para sa Dirty Linen.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 25, 2025



Korina Sanchez-Roxas - IG

Photo: Korina Sanchez-Roxas - IG



Tuloy ang iringan sa pagitan ni Pasig Mayor Vico Sotto at ni Korina Sanchez dahil sa interbyu ng newscaster sa mag-asawang Sarah at Curlee Discaya. 


Si Sarah ay tumakbo bilang mayor ng Pasig noong nakaraang eleksiyon.

Well, may mensahe si Korina kay Mayor Vico bilang sagot sa comment ng isang netizen sa Instagram (IG) post niya kahapon.


Nag-post si Korina sa IG ng larawan habang iniinterbyu niya ang isang lalaking nagbebenta ng kakanin na nakapatong sa kanyang ulo sa Taguig City.


Caption niya: “Meet Mark of Taguig. Naglalako s’ya ng kakanin araw-araw, nakabalanse sa ulo habang nagbibisikleta. Ulila sa ama, maysakit ang nanay. Kailangan n’yang kumita kaya tumigil sa pag-aaral. Paano n’ya ito kinakaya? Buhay na bayani. Ang Balansyadong Tindero, watch his story on Rated Korina, Sunday, 6 PM on A2Z and TV5!”


Pinuri ng netizen si Korina sa kanyang interbyu, “‘Yan ang legit na masipag at inspiring ibalita unlike ‘yung bilyonaryong contractors na kumuha ng pera ng bayan.”


Hindi pinalampas ni Korina ang comment at nag-reply, “When we interviewed the contractor, no one, not even Mayor Vico, knew about it. If he did, why didn’t he say anything?”

Post pa ng ibang netizens, “‘Yan! Ganyan dapat! Mga inspiring ang ipini-feature. Hindi ‘yung mga walang kuwentang iniinterbyu.”


Pero may nagtanong kung magkano raw ang ibinayad ng kampo ni Sarah sa network, “Ma’am, you said your first post money went to network with receipt… so how much is this you are saying? Can you disclose?”


Sagot ni Korina, “I have no knowledge of that. Basta ako, walang tinanggap.”

Dagdag pa niya, “Btw (by the way), I did not post that nor did I write it.”

So, there.



INAAKUSAHAN pa rin si Arci Muñoz ng ilang online trolls, pati na ng iba sa entertainment industry, na ‘lakwatsera’ siya. 


Pero bakit nga ba panay ang labas niya at punta sa iba’t ibang bansa?

Ang buong akala nila ay ‘trip-trip lang,’ pero ngayon, inihahayag ng NDM Studios ang Arci’s Mundo (AM), isang travel at lifestyle series na magbibigay-linaw kung bakit panay ang biyahe ng aktres.


Inspired ng mga kilalang travel shows, nagsimula ang ideya habang nasa Vietnam si Arci kasama si Direk Nijel de Mesa para sa birthday ng line producer na si Ms. Jan Christine ng NDM Studios.


Sa isang kaswal na usapan, ipinahayag ni Arci ang paghanga niya kay Anthony Bourdain at kung paano siya na-inspire nito. Gusto raw niyang gumawa ng sariling version ng travel and food show pero kasama ang kanyang kalog na mommy, si Yolly Muñoz.


“Gusto kong gumawa ng sarili kong version nu’ng travel and food show, pero ito, kasama ang ina ko na pinakamahalaga sa akin… na aking mundo! Doon pumasok ang ideya,” sabi ni Arci. 


“Agad naisip ni Direk Nijel na gawin na namin. Sabi n’ya, ang title dapat Arci’s Mundo… kasi Mama ko ang mundo ko, tapos katunog pa ng Muñoz. At sabi pa ni Direk, may sarili akong mundo madalas,” tawang sabi ni Arci.


Dahil dito, naging flagship travel and lifestyle series ng NDM Originals ang AM

Ang unang limang episodes ay kinunan sa Vietnam, Cambodia, Malaysia, Indonesia at Japan.


Ang editing ay pinagtulungan ng creative team nina Julia Chua at Therese Padua, sa pamamahala ni Direk Nijel.


“Sobrang nakakatawa kung paano ako napapatawa ng nakakatawang pag-aaway nina Arci at Mommy Yolly tungkol sa mga pinakasimpleng bagay,” sabi ni Direk Nijel. 

Aniya pa, “Pero nakakatuwang makita kung paano nila agad natatapos ang mga argumento at nagkakaayos. Kakaiba ang dynamic nila bilang mag-ina.”


Inaasahan ng production na makapaghahatid sila ng kakaibang palabas tungkol sa paglalakbay, hindi lang sa mga lugar na matutuklasan, kundi pati na rin sa tapat na samahan ng ina at anak, na siyang tunay na kahulugan ng paglalakbay para kay Arci.


Patunay ito na nananatiling kilala ang NDM Studios bilang production house na gumagawa ng makabuluhang programa para sa mas malawak na audience.

Ang Arci’s Mundo ay bahagi ng kanilang travel at lifestyle content dahil nais nilang makasama ang mas nakararami sa kanilang mga biyahe at matutuklasan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page