top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 3, 2025



Photo: Sunshine at Atong - Instagram, Facebook, Circulated


Magkasamang nag-celebrate ng New Year ang latest celebrity couple na pinagpiyestahan sa lahat ng media platforms na sina Atong Ang at Sunshine Cruz. 


May tsika na dinala ng high-profile businessman na si Atong si Sunshine sa kanyang exclusive villa sa isang sikat na hotel, at doon sinalubong ang 2025.  


Pero kasama rin daw ni Sunshine ang kanyang mga anak na babae sa ex-husband na si Cesar Montano. Plus, ang kaibigan ni Sunshine na si Ruffa Gutierrez at anak nitong si Lorin.  


Sa isang video na lumabas sa social media (socmed), makikita si Sunshine kasama si Atong habang naglalakad sa hotel kasama ang mga anak ng dating sexy star. Makikita rin sa video si Sunshine kasama si Ruffa na umiinom ng champagne. 


At habang nagsi-sip ng champagne ang magkaibigan, tinanong ni Ruffa si Sunshine kung she’s happy today.  


Ngiting-ngiti naman na sinagot ni Sunshine ang tanong ni Ruffa ng “Of course.”  

And then, nag-follow-up question pa si Ruffa kay Sunshine kung bakit siya happy.  


“Secret,” pagkatamis-tamis na sagot ni Sunshine.  


Samantala, viral din ang video ng lumang interview kay Marjorie Barretto ni Karen Davila. Sa naturang interbyu ay ini-reveal ni Marjorie na naging girlfriend pala ni Atong ang pamangkin niya na si Nicole for two years. Si Nicole ay anak ng brother nina Marjorie at Gretchen Barretto na si JayJay.  


Tsika pa ni Marjorie, inagaw daw ni La Greta si Atong Ang kay Nicole.  

Naku, ha?  



NAGBABALIK sa Pilipinas ang Star In A Million (SIAM) finalist na si Garth Garcia para sa kanyang nalalapit na birthday show na gaganapin sa Aromata Bar and Restaurant sa Quezon City ngayong Sabado, Enero 4.  


Dumating si Garth sa Manila nitong Martes mula Japan, kung saan siya nagdiwang ng Pasko. 


Sa isang pocket presscon noong tanghali ng Martes sa Doon Thai and Asian Fusion Restaurant, ibinahagi niya ang mga detalye ng kanyang birthday show. Pagmamay-ari ng concert producer na si Ana Puno ang nasabing venue. 


Pagkatapos ng show sa Pilipinas, babalik si Garth sa US kung saan may isa pa siyang birthday show na naka-schedule sa Enero 31. Ang mismong kaarawan niya ay sa Enero 18.  


“Biglaan lang ito. Nasa Japan na ako, limang oras lang ang layo, kaya naisip ko, pumunta na rin dito to celebrate my birthday. Parang reunion na rin with my family, friends, and supporters,” pahayag ni Garth.  


Kakantahin ni Garth sa kanyang show ang mga awit mula sa kanyang unang album, pati na ang ilang kanta mula sa kanyang US releases. Nakatapos na siya ng limang albums, kabilang ang dalawa sa ilalim ng Ivory Music dito sa Pilipinas at tatlo sa sarili niyang label sa US, ang Star Link Music.  


Kasalukuyang tumututok si Garth sa electronic dance music (EDM). Ayon sa kanya, nagsimula ito nang makilala niya ang Grammy-winning producer na si Miyamoto. 


“Nagustuhan nila ang ginawa naming mga kanta tulad ng remix ng Do You Miss Me?, original track na Always in My Head, na pumasok pa sa US charts,” aniya.  


Pagkatapos ng SIAM, sinubukan ni Garth ang pag-arte sa tulong ng yumaong direktor na si Maryo J. delos Reyes. Noong 2017, lumipat siya sa US kung saan nagtagumpay siya hindi lamang bilang artist kundi pati na rin sa negosyo. 


Sa US, nagmamay-ari si Garth ng medical clinic na tinatawag na ‘Doctors-On-The-Go’, na nagbibigay ng serbisyong medikal sa mga bahay ng pasyente. Natapos din niya ang kanyang master’s degree sa Business sa Harvard University.  


Bukod dito, patuloy siyang nagpo-produce ng concerts para sa mga sikat na Pinoy artists tulad nina Lani Misalucha, Jaya, at Piolo Pascual. “Mahilig lang talaga ako sa craft ko, at gusto ko ring makatulong sa pag-develop ng Pinoy talents,” dagdag niya. 


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 30, 2024



Photo: Janine, Belle, Ivana at BINI Aiah - Instagram


Ka-level na ni Andrea Brillantes ang international stars na sina Emilia Clarke, Marion Cotillard at Emma Watson na pawang nag-No. 1 sa Top 100 Most Beautiful Faces ng TC Candler.


Si Andrea ang nag-No. 1 sa taong ito at first time ng aktres na manguna sa Top 100 Most Beautiful Faces ng 2024. 


But this is the second time na Pinay ang nag-No. 1. Ang unang Pinay na nag-No. 1 sa Top 100 Most Beautiful Faces ay si Liza Soberano noong 2017.


Second time naman ni Andrea na makapasok sa listahan ng Top 100 Most Beautiful Faces. Last year ay pang-16 spot ang aktres.





Sa socmed (social media) ay nakunan ng pahayag si Andrea bilang No. 1 Most Beautiful Faces ng TC Candler.


Sey ni Andrea sa video message, “Napakalaking honor po, thank you so much sa TC Candler. This isn’t just about beauty, it is about confidence and uniqueness and embracing who you are. Sana ma-inspire kayo to celebrate your own kind of beauty.”


Ang TC Candler ay nagsasagawa ng Annual Independent Critics, 100 Most Beautiful and 100 Most Handsome Faces lists.


Bukod kay Andrea, pasok din sa Top 100 Most Beautiful Faces this year sina Janine Gutierrez, Belle Mariano, Ivana Alawi, at BINI Aiah.


Magandang buwena-mano sa pagpasok ng 2025 ang pagkaka-award kay Andrea bilang may pinakamagandang mukha. Senyales ito ng magandang career at dagsang proyekto na naka-line-up kay Andrea sa 2025.


We heard, ang daming movie offers kay Andrea na masusing pinag-aaralan ng kanyang manager na si Shirley Kuan.


Dagsa rin daw ang endorsement na lalabas kay Andrea next year. And of course, may sisimulan na siyang bagong serye sa ABS-CBN.



PAGKATAPOS ng mga taon ng indibiduwal na tagumpay, ang minamahal na SESSIONISTAS ng bansa—Ice Seguerra, Nyoy Volante, Sitti, Duncan Ramos, Princess Velasco, Kean Cipriano, at Juris—ay magsasama-sama para sa isang beses sa isang buhay na muling pagsasama-sama. 


Sa Pebrero 8, 2025, ang Love, Sessionistas: A Pre-Valentine Concert ay magpapatingkad sa The Theater at Solaire sa isang gabing puno ng musika, nostalgia, at taos-pusong sandali.


Ang Love, Sessionistas: A Pre-Valentine Concert ay isang love letter para sa mga tagahanga na sumuporta sa SESSIONISTAS mula nang magsimula sila sa ASAP's 2009 “Pwesto” segment. 


Sa paglipas ng mga taon, ang kahanga-hangang grupong ito ay nakakuha ng mga puso sa kanilang madamdamin na pag-awit, walang kaparis na chemistry, at personal na koneksiyon sa kanilang madla. 


Ngayon, bumalik sila para muling buhayin ang mahika, isagawa ang kanilang mga pinakamahusay na hit at walang hanggang OPM classic at nagbabahagi ng mga matatalik na kwento tungkol sa kanilang mga paglalakbay—sa entablado at sa labas.


Ang tatlong SESSIONISTAS ay higit pa sa isang grupo; sila ay isang pamilyang pinagbuklod ng musika, pagkakaibigan, at malalim na pagmamahal sa kanilang mga tagahanga. 


Ang Love, Sessionistas ay hindi lamang isang nostalgic na pagdiriwang kundi isang pagpupugay sa kanilang ibinahaging legacy at indibidwal na paglago.


Ayon kay Ice Seguerra, “More than the singing, it's the friendship na nabuo namin on and off stage. 


“Early 2009 na nagsimula ‘yung Sessionistas. What I like about being part of the group is that on and off stage we are having fun. We support each other, yun yung gusto ko,” sabi ni Juris.


Para kay Nyoy,  “We always inspire each other. There's this weird, like, entity that we become kapag magkakasama kami. You have to see it. When we perform, we become something else.” 


“Para kaming iba't ibang mutants na pinagsama-sama. Very humbling yung experience sa Sessionistas kasi alam ko kapag sumasalang ako kasama ko sila, hindi siya tungkol sa ‘kin, eh. It’s about the music, it’s about the message,” lahad ni Kean Cipriano.


Salaysay naman ni Sitti, “Mararamdaman mo yung pag-ibig tsaka yung suporta. It’s a once-in-a-musical-lifetime thing. I’m so thankful for all of the hours that we waited together rin sa dressing room. Home away from home.”


Tickets are now available for Love, Sessionistas: A Pre-Valentine Concert on February 8, 2025, at The Theatre at Solaire.


Brought to you by Fire and Ice Entertainment and produced by Fire and Ice LIVE, and sponsored by Katinko, JB Music, HG Studio, “Love, Sessionistas” promises to take audiences on a nostalgic and heartfelt journey through the universal themes of love, music, and connection. 


Tickets are available now for Love, Sessionistas: A Pre-Valentine Concert on February 8, 2025, at Ticketworld. Or go to https://bit.ly/LoveSessionistasConcert. Tickets are also available at Fire and Ice LIVE! 09177003262 or email us at tickets@fireandice.ph. For sponsorship opportunities, contact Fire and Ice LIVE. 09175420303.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 29, 2024



Photo: Anna Marin - FB circulated


Isiniwalat sa unang pagkakataon ng dating artista na si Anna Marin ang naging relasyon nila ng yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr. (SLN).


Sa isa na namang exclusive interview ni Julius Babao sa kanyang YouTube (YT) channel, nagpaunlak si Anna Marin sa sikat na news anchor at YouTube content creator.


Personal na pinuntahan ni Julius si Anna Marin sa bahay nito sa BF Homes, Parañaque.


Wala roon ang panganay na anak ni Anna kay Da King na si Ronian Poe nu’ng araw na ‘yun, may gig daw sa Boracay dahil isa nang kilalang DJ si Ronian.


Kuwento ni Anna, bata pa lang siya ay iniwan na sila ng kanyang ama. Single parent ang kanyang mommy, na maagang hiniwalayan ng kanyang ama.


Ipinasok siya sa isang convent ng mga madre ng kanyang ina para makapagtrabaho ito noon, ngunit inilabas siya nu’ng naging teenager na.


Sa edad na 17, nag-artista na siya at napabilang sa mga babaeng artista ng Crown Seven Productions na pag-aari ni Jesse Ejercito.


Sa pamamagitan ni Jesse, nakilala niya si Da King sa dating Bonanza Restaurant sa EDSA na tambayan ng mga artista. Agad siyang kinuha ni FPJ bilang misis nito sa pelikula nila ni Joseph Estrada, ang Tatak Ng Tondo (TNT) noong 1978.


Kahit wala raw siyang eksena sa pelikula, pinapadalhan pa rin siya ng call slip at nagre-report sa set ng TNT.


Sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan na tumagal ang shooting ni Anna sa TNT, nagkaroon sila ng relasyon ni Da King at siya ay nabuntis sa edad na 18.


Ini-reveal ni Anna na nag-suggest si FPJ na pumunta siya sa US at tumira sa bahay ng kapatid nito nang mabuntis siya, pero ‘di siya pumayag dahil gusto niya sana ay kasama ang kanyang ina roon, na hindi naman puwedeng mangyari.


Tutol na tutol daw ang ina ni Anna sa relasyon niya with FPJ.


Pumayag si FPJ na manatili si Anna sa Pilipinas habang ipinagbubuntis si Ronian. Nasa bahay lang daw si Anna the whole time na buntis siya hanggang makapanganak. 


May mga nakaalam daw na entertainment press sa panganganak niya pero walang naglakas-loob na isulat ito. Except sa blind item ng yumao ring famous talk show host na si Inday Badiday. 


Alam ni Anna na siya ang tinutukoy na nanganak na artista noong panahon na iyon.

Proud ding sinabi ni Anna na hindi naging “absentee” father si Da King sa kanilang anak na si Ronian.


“Hindi alam ng publiko pero actually, sa industry, alam nilang lahat. It was an open secret, eh.  Everybody in the industry knew,” lahad ni Anna.


Mahusay kasing makisama si Da King, hindi lang sa mga kapwa niya artista kundi pati sa entertainment press. At dahil sa pakikisama ni Da King, kahit may nalalaman sila, walang nagtangkang isulat ito.


“Kasi ‘pag may social events, nandu’n kami with the reporters. They’re there, but they will not write about it. And yeah, kahit noon pa, ‘pag may event, nakikita nila kami (ni FPJ), nobody writes about it because everybody loves him,” diin pa ni Anna.


Tumagal ang relasyon ni Anna kay FPJ at madalas ay sinasabi raw ni Da King na isa silang pamilya ng anak niyang si Ronian. Huwag daw i-consider na broken family sila but instead, isipin na they are loved at hindi raw naging absentee father si Da King kay Ronian.


Habang may relasyon si Anna kay FPJ, hindi naman daw sila sinugod o kinompronta ng legal wife ni Da King na si Susan Roces.


“Uh, hindi naman. Of course, may right talaga s’ya, siyempre, ‘di ba? And uh, in fact, ako naman, back then, I remember I had an open apology which I aired in 700 Club, yeah.


“Alam mo ‘yung, kasi nagkakaroon ng realization. Most of my time ay na kay Lord na. So, ‘di ba, ‘yung mga mali, itinatama na, ganyan. ‘Yung mga hindi dapat, hindi na ginagawa, ganu’n.


“Siyempre, ‘yung journey ko, ‘yung life ko with the Lord, ‘di ba, sinusunod ko na ‘yun,” pag-amin ni Anna.


Personal din daw nag-apologize si Anna kay Susan before tumakbong presidente si FPJ. 

And then, nagpakasal si Anna sa kanyang churchmate. Before her wedding, nagpadala na si Anna ng letter kay FPJ informing him about her wedding. But a day after her wedding, dumating daw sa bahay nila si FPJ, hindi alam na ikinasal na si Anna.


“Funny nga, eh. Nagdyo-joke sila, ‘Why? Are you going to stop the wedding?’ And then, my husband left the house to give us space to talk,” kuwento pa ni Anna.


Sad to say, namatay din ang mister ni Anna because of COVID sa US. Ngayon, single na ulit si Anna Marin at inaalagaan na lang ang isang apo kay Ronian Poe.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page