top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 6, 2025



Photo: Sofronio Pascual at Michael Buble - IG


Balik-Pilipinas na ang The Voice US (TVUS) Season 26 champion na si Sofronio Vasquez. 

Lumapag ang eroplanong sinakyan niya mula sa US noong Linggo ng umaga. Sa airport, sinalubong siya ng kanyang ina na si Aida Vasquez.


Sa panayam ni MJ Felipe ng TV Patrol (TVP), kita ang excitement ni Sofronio sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.


Pahayag ni Sofronio kay MJ, “Ah, nu’ng pa-landing pa lang, parang gusto ko nang tumalon, eh. Sobrang excited ako to see my mom and of course, to be in the Philippines. And uhm, to be with the people na talagang nagru-root for me. So, sobrang exciting na finally I get to be back, and I’m just excited kung ano ang mangyayari.”


Hindi na raw umabot si Sofronio na mag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon sa bansa dahil may mga commitments pa siya sa TVUS na kailangang tuparin, pati na ang initial conversation with a recording label. Pagkatapos ng lahat ng commitments niya rito, agad siyang babalik sa US at sasabak na sa mas marami pang trabaho roon.


Part kasi ng prize sa pagkapanalo niya ay ang recording contract under Republic Records and Universal Music Group.


“And hopefully, I got a call from Michael Bublé. So, gusto n’ya talaga na magkaroon ng collaboration.


“Technically, meron sanang collaboration last December. Kaso ‘di nahabol kasi he just released a song, a Christmas song. And he wanted to do a Filipino and an English collaboration.


“Sabi n’ya, if hindi mahabol—which hindi nga nahabol—that’s for next year. But definitely, meron talagang mangyayaring collaboration, even in shows,” esplika ni Sofronio.

Overwhelming naman daw para sa kanya ang buhay niya after manalo sa TVUS.


 “Life after winning? Overwhelming s’ya kasi, uh, sanay kasi ako na naglalakad na ako lang, and sometimes, I forget na may mga nakakakilala na pala sa ‘kin.


“So, one time, naka-jacket lang ako, parang nilapitan ako, ‘Are you the winner?’


“Oh, oo nga pala. Parang kailangan ko na ata mag-ayos. Kasi minsan, nakakalimutan na medyo public figure na. Hehehe!” kuwento niya.


Mula sa airport, mukhang dumiretso agad siya sa ABS-CBN. At doon ay naispatan siyang sumilip sa dressing room ng ASAP hosts na sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez at Gary Valenciano.


Viral sa X (dating Twitter) ang naturang pagbisita ni Sofronio sa ASAP hosts sa dressing room. Doon, pabirong ipinakilala ni Ogie si Sofronio kay Regine bilang anak niya.

Magkakaroon ng guestings si Sofronio sa iba’t ibang programa at live performances, kabilang ang pagbabalik niya sa stage ng It’s Showtime (IS) ngayong Lunes, Enero 6.


Pero bago ‘yan, una nang nabasa sa Facebook (FB) account ng manager ni Tony Labrusca na si Mario Colmenares ang first big show ni Sofronio na magaganap sa Cebu during the Sinulog festival.


Ito ang unang pagsabak ni Sofronio sa concert stage, hindi lang sa Pilipinas kundi around the world, bilang TVUS champion. 


Kaya naman ganoon na lang daw ang kaba at panginginig niya ngayon pa lang para sa concert niya sa Cebu. Excited daw kasi si Sofronio Vasquez na ipadama sa mga kababayan natin kung paano siya nanalo sa The Voice US. 


So, there.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 5, 2025



Photo: Alden at Kathryn sa Hello Love Again - IG


Tila naging tahimik ang birthday celebration ni Alden Richards last January 2. He just turned 33 last Thursday.


Pero may nagtsika sa X (dating Twitter) na spotted niya si Alden sa isang resto sa Makati and guess who ang kanyang “special date” on his birthday.


Post sa X ng netizen, “Kung alam n’yo lang kung sino ang kasama ni Alden sa Tsukiji resto. Hay naku!”


Sa una ay hindi agad nahulaan ng ibang mga netizens kung sino ang kasama ni Alden.

Until another netizen ang nagtsika na fave resto ni Kathryn Bernardo ang nabanggit na Japanese resto sa Makati.


Siyempre pa, kinilig agad ang KathDen fans sa naturang post.


“‘Di naman siguro nagkataon lang na nandu’n si A sa mismong birthday n’ya sa paboritong resto ni K,” comment ng isang netizen sa naka-post sa X.


Later we found out sa isang vlog sa YouTube (YT) na nasa San Francisco, USA na si Alden as of this writing.


Magkasamang umalis ng bansa sina Kathryn at Alden para sa promo ng blockbuster movie nila na Hello, Love, Again (HLA).


Kaya posible rin talaga na kasama ni Alden si Kathryn nu’ng birthday niya. Maaaring nataon ang flight nila papuntang US nu’ng kaarawan ni Alden or sa Amerika na nag-celebrate ng birthday si Alden with Kathryn.


May nabanggit din daw kasi si Kathryn in one of her interviews na she will make time for Alden’s birthday.


Let’s see kung si Alden Richards ang sagot sa pag-upo ni Kathryn sa ilalim ng mesa habang kumakain ng 12 grapes para matupad ang wish niya last New Year’s day.



GOING international ang beauty ng It’s Showtime (IS) host na si Anne Curtis. 

Pagpasok pa lang ng 2025 ay may pasabog na siya sa kanyang mga followers sa Instagram (IG).


Anne posted her photo as the cover ng Harper’s BAZAAR Singapore for January issue.

Naka-post din sa IG ng Harper Bazaar ang picture ni Anne sa cover ng kanilang magazine.


Sabi sa caption: “We are entering 2025 hot with our January cover star @annecurtissmith.

“The decorated Filipino-Australian actress lets her hair down, detailing what it was like growing up in the spotlight, how motherhood has changed her life and her upcoming project, It’s Okay To Not Be Okay.”


Blonde ang kulay ng short hair ni Anne sa cover, kaya lalong lumutang ang pagiging Australian niya.


Pahayag ni Anne sa kanyang BAZAAR cover, “It was weird at the beginning—I didn’t know how to start acting again because my life was all about nursery rhymes at that time. But once I got that ball rolling, it came back—just in time for the filming of It’s Okay To Not Be Okay.


“Thank you so much @harpersbazaarsg for having me as your January cover girl. What a great way to start the year. Another dream come true (heart emoji). Much love and light @kennieboy (editor-in-chief).”


Kabilang sa mga sumuporta at nag-post ng comment for Anne sa kanyang latest international pictorial ay sina Nadine Lustre at Heart Evangelista. 

Sey ni Heart, “Go, Anne!!!!” 


“LOVE,” comment naman ni Nadine Lustre.


Samantala, marami pa ring mga fans si Anne na umaasang muli siyang mapapanood sa IS nang mas madalas.


For sure, malapit na ‘yan.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 4, 2025



Photo: Jake Zyrus - IG


Kalat pala sa United States ang kalunus-lunos na sinapit ng international singer and transman na si Jake Zyrus nu’ng malasing siya sa isang bar. 


Isang kababayan natin ang nagkumpirma sa amin ng tsikang muntik nang ikamatay ni Jake ang labis na pag-inom sa US nang bigla siyang bumagsak sa kanyang kinauupuan sa bar. Agad naman daw may tumulong kay Jake na tumawag ng ambulance. 


Sa pag-aakalang patay na si Jake, inilagay na raw ang singer sa body bag. Pero, pagdating sa ospital ay na-recover daw si Jake.  


Naging alcoholic daw si Jake sa US at walang trabaho. Wala ring kumukuha sa kanya para mag-show doon.


At dahil jobless, nakikitira na lamang daw si Jake sa mag-asawang gay couple. Fan daw kasi ni Jake ‘yung isa sa couple. Pero, sa couch lang daw natutulog ang dating sikat na singer.


Nabalitaan namin na may bagong girlfriend si Jake. Last June ay inamin niya sa publiko ang relasyon niya sa Filipina-American singer-songwriter na si Cheesa Laureta na naka-based din sa Los Angeles, USA.


Sinilip namin ang Instagram (IG) at YouTube (YT) channel ni Cheesa, and we found out na isa rin siyang makeup artist at sister siya ng singer din na si Troy Laureta. Sumali rin si Cheesa sa The Voice USA noong 2012.


Magkasama sila ni Jake last Thanksgiving Day sa US based on her IG post.

Hopefully, with Cheesa around ay ‘di true ang tsikang alcoholic si Jake Zyrus.



Exciting ang magiging reunion concert ng mga nakilalang Sessionistas sa ASAP na sina Ice Seguerra, Nyoy Volante, Sitti, Duncan Ramos, Princess Velasco, Kean Cipriano at Juris sa Pebrero 8, 2025 sa The Theater at Solaire.


Ang Love, Sessionistas: A Pre-Valentine Concert ay isang love letter para sa mga tagahanga na sumuporta sa Sessionistas mula nang magsimula sila sa ASAP's 2009 Pwesto segment. 


Sa paglipas ng mga taon, ang kahanga-hangang grupong ito ay nakakuha ng mga puso sa kanilang madamdaming pag-awit, walang kaparis na chemistry, at personal na koneksiyon sa kanilang mga fans.


Ang tatlong Sessionistas ay higit pa sa isang grupo, sila ay isang pamilyang pinagbuklod ng musika, pagkakaibigan, at malalim na pagmamahal sa kanilang mga tagahanga. 


Ayon kay Ice, “More than the singing, it's the friendship na nabuo namin on and off stage.”

“Early 2009 na nagsimula ‘yung Sessionistas. What I like about being part of the group is that on and off stage, we are having fun. We support each other, ‘yun ‘yung gusto ko,” sabi ni Juris.


Para kay Nyoy, “We always inspire each other. There's this weird, like, entity that we become kapag magkakasama kami. You have to see it. When we perform, we become something

else.”


“Para kaming iba't ibang mutants na pinagsama-sama. Very humbling ‘yung experience sa Sessionistas kasi alam ko, ‘pag sumasalang ako, kasama ko sila, hindi s’ya tungkol sa ‘kin, eh. It’s about the music, it’s about the message,” lahad ni Kean Cipriano.


Sabi naman ni Sitti, “Mararamdaman mo ‘yung pag-ibig saka ‘yung suporta. It’s a once-in-a-musical-lifetime thing. I’m so thankful for all of the hours that we waited together din sa dressing room. Home away from home.”


Ang Love, Sessionistas: A Pre-Valentine Concert ay handog ng Fire and Ice Entertainment and produced by Fire and Ice LIVE.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page