top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 17, 2025



Photo: Angel Locson - FB



Naayos na ang problema ni Angel Locsin sa X (dating Twitter) pagkatapos maglabas ng official statement na na-hacked ang kanyang account.


Itinag ni Angel ang kanyang mister at businessman na si Neil Arce at para i-repost din ang kanyang announcement na na-recover na niya ang kanyang account sa X kahapon.


Na-confirm ng mga netizens na si Angel mismo ang nag-post sa X dahil tinawag pa ng aktres si Neil ng “Mahal.” 


Ito ang post ni Angel, “Mahal ko, paki-confirm @neil_arce.”


Sa kabila nito, may nagduda pa rin kung si Angel na talaga ang nag-post ng mensahe sa itaas.


Sey ng mga netizens, “‘Pag na-confirm ‘to ni Neil Arce, tsaka ako maniniwala.”

Pero agad din namang may lumabas sa X na ini-repost ang message ni Angel ng may verified account name ni Neil.


Post ni Neil, “Account recovered!”


Idinudugtong naman ang pag-recover ni Angel ng kanyang social media (socmed) account sa isang blind item na may babalik sa Kapuso na ‘di naispatan sa ABS-CBN Christmas ID for the last two years.


Swak daw ang description kay Angel kaya na-excite ang mga Kapuso fans.

True kaya?



NAITANONG namin kay Ice Seguerra kung paano nila inayos ng kanyang partner na si Liza Diño ang billing ng mga artists na tampok sa kanilang Fire & Ice latest production, ang Love, Sessionistas (LS) concert sa The Theater at Solaire on February 8, Saturday.


Kasali sa Sessionistas group sina Juris Fernandez, Sitti, Princess Velasco, Nyoy Volante, Kean Cipriano, Duncan Ramos and siyempre, si Ice.


“Actually, napag-usapan namin ‘yun, pantay-pantay. Nu’ng una, nagdi-discuss kami ni Liza. Kasi siyempre, there’s so many things that you have to consider.


“So, parang sabi ni Liza which is a good decision. ‘Love, talk to the group about them and let them decide kung ano ang mangyayari sa billing,’” paliwanag ni Ice.


Biro naman ni Nyoy, idinaan sa height ang billing nila kaya una si Ice.


Aniya, “Kidding aside, siguro, that’s one thing I love about the group. Siguro, kaya we are good together because walang ego. Kumbaga, we’re all confident sa mga sari-sarili naming talento. 


“Pero ‘pag magkakasama-sama kami, all ego go and left out of the door. Parang ang goal namin is to have fun, do good music and just be happy. It doesn’t matter, really.


“Ito ngang si Juris, nakakatawa. ‘Kahit sino na lang. Bahala na,’ parang aburidung-aburido nu’ng pinag-uusapan ang billing,” sabi ni Ice.


Nagpaalam din sila siyempre sa management ng bawat Sessionista na kasali sa concert. 

Ayon kay Ice, “Meron kaming GC, so, nandu’n kami, ‘yung artists, nandoon ‘yung mga managers nila.


“Ang maganda lang sa amin, the relationship sa amin is sobrang solid. We inform, kumbaga, pag-uusapan namin as a group, they will inform their managers, pero siyempre, nandu’n pa rin out of respect sa management. Pero sa usapan namin, ‘O, game ba tayo dito?’”


And then, tinanong din namin si Ice kung nagpaalam ba sila sa ASAP ng ABS-CBN.

“Actually, nagpaalam ako sa kanila. Siyempre, because you know, we have a small industry and as much as possible, we don’t want to burn bridges.


“Malaki ang respeto namin sa ABS-CBN especially sa ASAP because sila ang nagbuo sa ‘min, eh. And na-excite nga sila for us na parang, ‘Oh, my God! I’m so happy.’ And they’re very, very supportive,” lahad pa ni Ice.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 15, 2025



Photo: Kean Cipriano - Instagram


Kakaiba ang gagawing selebrasyon ni Kean Cipriano sa kanyang ika-20 taon sa entertainment industry this year. At magki-kick-off ang kanyang celebration as one of the artists sa pre-Valentine show titled Love, Sessionistas on February 8, Saturday, at

The Theatre in Solaire produced by Fire & Ice.


“Maganda nga itong Sessionistas concert namin kasi maganda s’yang take-off for the year. Yes, for my 20th.


“Definitely, meron akong nilulutong mga kanta. Nag-i-studio work ako, nagre-recording ako ngayon. Nagre-record ako ng mga kantang matagal ko nang nagawa.


“Kumbaga, nasa recording stage ako ngayon. It’s gonna be a busy year dahil marami akong naka-lineup na gagawin,” lahad ni Kean sa mediacon ng Love, Sessionistas.


Usually, ‘pag nag-a-anniversary ang isang artist, nagse-celebrate sila via a concert.

Para kay Kean, “Mahaba pa ang taon. Sa totoo lang, nakaplano na ang taon. Nag-usap na kami ng team ko about it. But, kaya sabi ko, sobra pang maaga ‘yung 2025 para tumalon ako agad doon.  


“Dahil sa dami ng plano, ang gusto ko sana, maging present at ma-enjoy ‘yung mga projects na ginagawa ko at the moment like itong Sessionistas.


“Etong time na ‘to, nakatutok ako sa kanya ngayon. Tapos, may next phase. May tour na ganito. Kumbaga, maraming-maraming inaayos. 


“Ako kasi, trato ko sa kanya (20th anniversary), isang buong taon s’ya. Parang isang buong taon ko s’yang isineselebreyt na 20th year ko, parang ganu’n. 


“And gusto ko s’yang maging celebration na pakiramdam ko talaga is ‘yung nagse-celebrate ako nang walang pressure, ng parang eto kasi, ito dapat ‘yung traditional na ginagawa. Gusto kong ma-enjoy ang taon. ‘Yun ang goal.”


Madiin ang pagkakasagot ni Kean ng “No” sa amin when asked for a possible reunion with his former band, ang Callalily. 


“No, no, no. Wala,” sabi ni Kean.


Mukhang hindi pa rin sila okay ng kanyang former bandmates sa Callalily.


“For me, it’s ano, okay na ‘yun. Maganda na ‘yung nagawa ng banda and I respect that. It’s been a great ride,” lahad ni Kean. 


Pero kasi, may gumagamit pa rin ng pangalan ng banda kahit wala na ang “Calla.”

“Ano naman?” sambit ni Kean. 


Aniya, “It’s uh, they can do their thing and my thing. So, ano lang, ako parang, and it’s my 20th year, so, naka-focus ako on love and respect. Kumbaga, ang gusto ko, tama ang pakiramdam ng lahat.”


Agree naman kami kay Kean pagdating sa bagay na ‘yan. Kesa nga magdala pa siya ng pressure o kabuwisitan sa sarili ‘pag nagka-reunion concert pa sila.

“Oo,” pagsang-ayon niya.  


Sey niya, “Walang point, eh. Walang point na mag-react ako, kaya sabi ko, kung ano ang ginagawa ng mga tao, I wish them well.”


Nag-react din si Kean sa isyu na nakarating sa amin na pinagbawalan niyang kantahin ng former bandmates niya sa Callalily ang hit song ng banda sa isang event na pareho silang performer.


“Sa ‘kin kasi, ang pinaka-take ko d’yan lalo sa banda, ganoon kaespesyal ang banda, eh, ‘di ba? Hindi naman ‘yan isang bagay na tataluhin mo isa-isa ‘pag hindi na magkakasama, ‘di ba?


“Naniniwala ako na lahat ng miyembro ng isang magical na something ay may karapatan para gawin ‘yung naging parte s’ya dati. Kahit sino’ng miyembro doon, walang problema doon. Dahil parte ‘yun ng magic,” esplika ni Kean.


Anyway, makakasama ni Kean sa reunion concert ng Sessionistas sina Ice Seguerra (na siya ring direktor ng concert), Juris, Sitti, Duncan Ramos, Princess Velasco at Nyoy Volante.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 14, 2025



Photo: Ice Seguerra at Jake Zyrus - Instagram


Nabanggit namin kay Ice Seguerra ang balita tungkol sa kapwa niya transman na si Jake Zyrus sa Amerika sa ginanap na mediacon ng Love, Sessionista concert na gaganapin sa The Theater at Solaire sa February 8.


Ayon sa aming source ay naging alcoholic and jobless daw si Jake sa US.

Reaksiyon ni Ice, “I hope, I really hope… well, ako kasi, I’ve been there. I’ve been in a very bad place.


“Siguro, ang sinuwerte ko lang, may mga tao na nasa paligid ko na talagang may malasakit at may pagmamahal. 


“So, ako, that’s my wish for him na he will find his wife na who will support him, love him and will show him love and acceptance. ‘Yun!


“Kasi, I think that’s very important for a person, ‘yung no matter who you are, no matter what you do, alam ko na okay lang mag-fall ka because alam mong may sasalo sa ‘yo. And I got so lucky. So, I hope he has that.”


Of course, ang wife na binabanggit ni Ice ay walang iba kundi si former FDCP Chair Liza Diño.


Agree si Ice sa ideya na bumalik ng Pilipinas si Jake, lalo pa’t maganda ang takbo ng concert scene sa entertainment industry.


Sey niya, “Yeah. Ako, I honestly wish that people would stop comparing us. Kasi, okay, we’re both trans, but hindi porke pareho kaming trans, pareho kami ng journey. 


“Iba-iba ang tao, iba-iba ang journey natin. Iba-iba ang pinagdaraanan ng tao. Iba ang pupuntahan natin. 


“I have my own journey, he has his own journey. So, I hope they respect his journey as well. 


“Stop comparing us because hindi nakakatulong ‘yun, eh. Hindi nakakatulong ‘yun ‘pag ikinukumpara ka. Kahit kanino pa ‘yan. Kahit sino pang artista ‘yan. Walang may gusto noon. 


“Kumbaga, tigilan na natin ‘yan. Let Jake be Jake, ‘di ba? Kung saan s’ya masaya, we’re just to support him.


“Actually, wala namang makakapagsabi na dapat ganito ka, dapat ganyan ka. Journey n’ya ‘to, eh. Wala naman siyang sinasaktan na tao. Bakit tayo nangingialam sa mga desisyon n’ya sa buhay?”


Binanggit din namin kay Ice na balitang may naging GF na si Jake sa US.

“Good,” ngiti ni Ice.


May pakiusap naman si Ice sa mga taong nagkukumpara sa kanila ni Jake.


“Ako, sasabihin ko ‘to. Malaki ang ipinagbago ng buhay ko dahil sa asawa ko. Malaking bagay ‘yung partner mo. Kasi ‘yung partner mo ang magsasabi sa ‘yo nang totoo. S’ya lang ang magbibigay sa ‘yo ng perspektibo na normally, ‘di maibigay ng iba.


“‘Yung ibang tao, hindi nila maibibigay sa ‘yo kasi gusto nila ‘yung approval mo lang ang makuha nila. ‘Yung partner mo, s’ya lang ang makakapagsabi sa ‘yo nang totoo,” lahad pa ni Ice.


Si Ice ang direktor ng pre-Valentine concert nila ng kanyang fellow Sessionistas na sina Juris, Sitti, Princess Velasco, Kean Cipriano, Duncan Ramos at Nyoy Volante.


Sa dami nila at kapwa malalaking artists din gaya ni Ice, tiniyak ng dating child star na may equal exposure ang bawat isa sa kanila sa Love, Sessionistas produced by Fire and Ice. 


At dahil kapwa niya magagaling ding artists ang ididirek niya, may kani-kanyang inputs din daw ang mga ito sa show, na welcome naman kay Ice Seguerra. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page