top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 23, 2025



Photo: Arnell Ignacio at Ai Ai Delas Alas - OWWA, FB, IG


Hinikayat ni OWWA Administrator Arnell Ignacio ang best friend niyang si Comedy Queen Ai Ai delas Alas na magtayo ng sarili niyang partylist.


Naikuwento kasi ni Arnell na nagkausap na sila ni Ai Ai the night before his mediacon para sa post-Valentine dinner concert niya titled Timeless… Music & Laughter (TM&L) sa Century Park Hotel on February 15, Saturday, 6 PM.


Kuwento ni Arnell, “Oo, tinawagan ko s’ya kagabi. ‘Hoy, ‘wag ka nang umiyak. Nakakahiya na!’ Hahaha!


“Kako, ‘Ano ka na nga, global consultant ka na nga ng mga kinakaliwa.’ Hahaha!

“Sabi ko, ‘Ang magagawa mo, magpa-workshop ka na. Magturo ka na kung paano hina-handle ng mga kinakaliwa.’ Hahaha!


“And kako, ‘Magtayo ka ng partylist mo, AI AI, Asawang Inaapi, Asawang Iniiwan.’


“Hindi, actually, mas seryoso ako ru’n sa, there’s so many women that will gravitate towards you. Kasi nga ang na-experience ni Ai Ai, susmaryosep! All colors of the rainbow, talagang alam n’yo na ‘yan. 


“Pero ang daming makikinig sa kanya. Sa dami ng pinagdaanan n’ya, nakatindig pa rin.

“Sabi ko sa kanya, ‘Aileen, ‘yan ang magpa-presscon ka. ‘Yan ang susunod mo na ano, master class.’”


Samantala, nagpasalamat naman si Arnell sa naisulat namin tungkol sa ‘di pa rin niya pagkakaroon ng pangalan sa Walk of Fame despite his achievements as an artist and now as a public servant.


“Sigurado ba tayo (wala doon ang name ko)? Mamaya, gumaganitu-ganito tayo,” pagwa-warning ni Arnell. 


Ano’ng reaksiyon niya na wala pa rin ang name niya sa Walk of Fame?

“Nagtataka ako,” sabay tawa ni Arnell.


Aniya pa, “Ngayong ipinaalala mo sa ‘kin, naalala ko. Hahaha!”


May panawagan ba siya?


“Ay, nakakahiya naman. Hayaan na lang natin doon sa isinulat mo na patanong. Nakakahiya naman na, ‘Hoy, dapat nandu’n ako.’


“Tsaka ano, ‘di na rin kasi ako masyadong nakikita kaya baka wala nang space,” tawa ulit ni Arnell.


Anyway, makaka-back-to-back ni Arnell sa TM&L ang The New Minstrels 5th Generation sa pangunguna nina Atty. Rene Puno, Alynna at Chad Borja. 


Other performers are Fumi, Bernie Batin, Leo Bruno, Janna Trias, and Christi ensuring a night filled with variety and entertainment.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 22, 2025



Photo: Ai Ai Delas Alas - IG


Natatawang ipinost ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa kanyang Facebook (FB) account ang mga nakarating na balita sa kanya tungkol sa kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan.  


Nag-post si Ai Ai ng picture na may paniking lumilipad papunta sa sementeryo sa kabilugan ng buwan, at sa naturang artcard ay nakasulat ang ganito: “No woman could love a cheater and not pay the price of it.”  


Caption ni Ai Ai sa kanyang post: “Hahaha! Ang balita nga naman kahit ako’y nananahimik bongga!! Take note, si mistress ay PILIPINA (clapping emoji).”


Ang tinutukoy na mistress na Pinay ni Ai Ai sa caption ay ang “babae” na maaaring ipinalit sa kanya ng mister niyang si Gerald Sibayan. 


Sa caption din ay ini-reveal ni Ai Ai ang mga nagtsika sa kanya kung saan spotted ang pagpi-PDA ng ex-hubby niya na tinawag na “cheater” at ng mistress noong March, 2024.  

“MARCH 2024... Gerry’s Grill si mistress nakahilig pa ‘yung ulo sa balikat ni Cheater (wow, sweet!),” karugtong ng caption ni Ai Ai sa kanyang FB post.  


May nakakita rin daw sa dalawa na lovey-dovey noong June, 2024.  


Sabi sa last part ng caption ni Ai Ai, “JUNE 2024... malapit sa Jollibee (malapit sa Fremont. Yes! Iba rin, malapit pa bahay namin, ah) holding hands si cheater and si mistress (wow, sweet ulit!). Lalakas ng loob, ah. Puro Filipino establishments at California (clapping emoji) IDOL!!! GOAT! (Greatest of All Time).”  


Marami naman ang nag-react sa post ni Ai Ai.


“Mas malala talaga mga kapwa Pinay din pala. Miss Ai, hindi ka nag-iisa, ramdam kita (sad emoji).” 


“Bawiin mo na ‘yung Green Card n’yang cheater na ‘yan!!!”  


“You deserve better, Miss Ai Ai (heart and praying emoji).” 


“I hope you have a prenup, ha.”  


Sa huling interview namin kay Ai Ai delas Alas sa isang event, sinabi niya na meron silang prenup ni Gerald Sibayan.  



NAPABILIB ng cast ng FPJ's Batang Quiapo (BQ) sa pangunguna ng bida at direktor ng aksiyon-serye na si Coco Martin ang mga tao sa Sinulog Grand Parade sa kanilang pagtatanghal sa Sinulog Kapamilya Karavan last Saturday, January 18.


Nagpasalamat si Coco sa mga tagasubaybay ng BQ sa Cebu kasabay ng pagwawakas ng selebrasyon nito para sa ikalawang taong anibersaryo at paglulunsad naman ng ikatlong (3) taon sa ere.


Sakto rin na nagbukas na ang panibagong yugto ng serye sa pagsisimula ng ikatlong taong laban ni Tanggol (Coco). 


Isang official poster ang inilunsad para rito at inaabangan na rin ang pag-anunsiyo ng mga bigating artista na papasok sa serye. 


Maangas si Coco sa bagong poster na tampok ang iba’t ibang buwis-buhay at makapigil-hiningang mga eksena ng karakter niyang si Tanggol. 


Dapat abangan sa bagong yugto ang mas pinatinding mga sagupaan at rebelasyon kasabay ng pagpasok ng mga bagong karakter na maaaring maging panibagong kalaban o kasangga ni Tanggol sa kanyang mga maaaksiyong laban. 


Huwag palampasin ang mga kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo, na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live. 


Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 21, 2025



Photo: Philip Salvador, Paolo Contis, Gabby Concepcion at Jomari Yllana - IG, FB


Tatamaan tiyak ang ilang artista sa isinusulong na batas na pag-penalize sa mga iresponsableng ama na ‘di nagbibigay ng suporta sa kanilang anak.


It’s a bill versus child support violators na pumasa sa House Committee on the Welfare of Children.


Ang hirap kaya para sa mga ina ang ganito, lalo pa’t ang mahal-mahal na ng mga pagkain, pang-enroll, damit at iba pang basic needs ng tao.


Sey ng netizen, “Sa mga buntisero d’yan, malapit na kayong makahon. Hahaha!”

“Parents or irresponsible fathers…”


“Any bill or law should always be fair and non-partisan. This proposed bill should also include irresponsible mothers.”


For sure, may pumasok na agad na names ng mga artistang kilala ng mga netizens na napabalitang hindi nagbigay ng sustento sa kanilang anak.


Isa sa mga nabanggit ng isang netizen na sa tingin niya ay irresponsible parent na taga-showbiz ay ang award-winning actor na si Phillip Salvador.


Pasok din siguro d’yan ang name ni Paolo Contis, na umaming ‘di siya nagbibigay ng sustento sa anak niya kay Lian Paz. 


Pero may itinatabi raw si Paolo para sa anak nila at plano raw niyang ibigay ang naipon niyang pera sa paglaki nito.


There was a time na naging malaking isyu rin kontra kay Jomari Yllana ang reklamo ng dati niyang kinakasama at ina ng anak ang child support.


What about Gabby Concepcion kay KC na anak niya kay Megastar Sharon Cuneta?


Kahit sabihin pang afford na afford ni Mega na buhayin nang solo ang kanyang panganay na anak, iba pa rin kung may suporta si Gabby kay KC Concepcion noon.

‘Di ba?


No to palimos daw… OSANG, PABOR SA GINAWA NG GUARD KAY SAMPAGUITA GIRL



Photo: Circulated / Rosanna Roces - IG


Usap-usapan pa rin sa social media ang insidente sa guard ng isang mall at estudyanteng nagtitinda ng sampaguita.


May mga artista at iba't ibang personalities na rin ang umeksena. Majority of them favored ‘yung nagtitinda ng sampaguita.


Pero iba naman ang punto de vista ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) star na si Rosanna Roces. 


Ipinahanap ni Osang, pet name ni Rosanna sa showbiz, sa kanyang Facebook (FB) page ang guwardiyang sinibak ng mall na pinagtatrabahuhan niya dahil sa insidente.


Post ni Osang, “Pahanap nu’ng Guard… tutulungan ko ‘yan. Magiging precedent ‘yan babastusin na lahat ng Guard na ginagawa lang ang trabaho nila. Du’n tayo sa Guard.. nagtatrabaho ng legal ‘yan, hindi nagpapanggap na guard lang. No to palimos at iba pang uri ng pangloloko!”


Maraming netizens ang sumang-ayon sa opinyon ni Osang. 


“20 years in service as guard, so ibig sabihin n’yan ‘di s’ya bad employee, pero nasibak at na-banned agad-agad sa lahat ng SM.. Nakakalungkot na ‘yung pinrotektahan mong company, eh, ang bilis kang bitawan (sad emoji).


“Breadwinner, may anak pero hiwalay sa pamilya. May mga anak at nanay na may sakit na sinusuportahan. Sana mas pagpalain ka pa, Sir (praying emoji).”


Speaking of BQ, viral din sa socmed ang mga breathtaking action scenes na mapapanood sa aksiyon-serye ni Coco Martin sa episodes this week.


Nagpatikim na nga ang serye sa mga pasabog na komprontasyon sa kuwento sa pamamagitan ng isang special plug na inilabas noong Linggo (Enero 19) kung saan nakakuha ito ng walong milyong views sa loob lamang ng 24 hours sa social media.


Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube (YT).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page