top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | September 23, 2025



Angel Locsin - FB

Photo: Angel Locsin / IG



Aktibong muli sa social media ang aktres na si Angel Locsin. 

Pagkatapos sa kanyang Instagram (IG), nakapag-post na rin si Angel sa kanyang X (dating Twitter) account kahapon.


Nawala pala ang dating account sa X ni Angel kaya hindi siya nakakapag-post doon.

Post ni Angel sa X, “Hello everyone, long time no chat. I just wanna say I have recovered my X account (totoo na ito, pramis). Thank you sa mga tumulong and @X for helping. I miss you all and ingat lagi.”


May ilang netizens ang nagduda kung tunay na si Angel na talaga ang nagpo-post sa X.

“‘Pag na-confirm ito ni Neil Arce, saka ako maniniwala,” sabi ng isang netizen.

Ini-repost ni Angel ang statement ng netizen sa kanyang X account, “Mahal ko, paki-confirm @neil_arce.”


Pagkatapos nito, nag-post na si Angel tungkol sa ipinaglalaban niya at ng iba pang celebrities tungkol sa malalang korupsiyon sa bansa.


Post pa ni Angel sa X, “Ang sa amin, galing sa hirap — ang sa inyo, galing sa mahihirap.”

Ang susunod na aabangan ng madlang pipol ay ang paglantad muli ni Angel Locsin sa publiko.



Pambato dapat ng ‘Pinas, umatras… 

AHTISA, UMAMING TAGASALO LANG SA LABAN SA MISS UNIVERSE 2025 SA THAILAND





NAGHAHANDA na ang Miss Universe-Philippines na si Maria Ahtisa Manalo para sa nalalapit na Miss Universe 2025 pageant na gaganapin sa Thailand sa

Nobyembre 21.


Noong Pebrero 13, 2025, muling na-appoint si Ahtisa bilang Miss Universe Philippines title holder para sa Quezon. Ito na ang ikalawang pagkakataon na irerepresenta niya ang bansa sa isang kilalang beauty pageant worldwide.




Sa isang interbyu, inamin ni Ahtisa na ang kanyang muling pagkakapili ay isang “last-minute decision” dahil sa naging withdrawal ng kanyang lokal na successor. 


Tulad ng kanyang naunang pagtatangka, si Ahtisa ay itinuturing na frontrunner para sa korona. Ang kanyang pagganap sa mga unang yugto ay nakitang mas pinabuti kumpara sa kanyang unang stint.


Samantala, right choice siya bilang endorser ng Pina Skin Care products, isang local Filipino beauty brand, kung saan co-endorsers niya ang kapwa beauty queen na si Yllana Marie Aduana at ang dalawang sikat na aktres na sina Bianca Umali at Julia Barretto.





Ipino-promote ni Ahtisa ang Pina Beauty Glow Lotion at iba pang produkto, at bahagi siya ng campaign na “More Than a Crown”.


Gamit na gamit daw talaga ni Ahtisa ang mga produkto ng Pina Beauty gaya ng Glow Lotion, at malamang ay bibitbitin niya ang brand kahit anuman ang mangyari.





MAGPAPANG-ABOT sa isang matinding salpukan ang mga karakter nina Andrea Brillantes at Maris Racal sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) na pinagbibidahan ni Coco Martin. 


Pasabog ang maaksiyong eksena ng dalawang aktres na mapapanood sa mga susunod na episodes kung saan mauuwi ito sa tutukan ng kutsilyo. 


Sa takbo ng kuwento ngayon, mapipilitan si Fatima (Andrea) na labanan ang pulis na si Ponggay (Maris) matapos siyang madamay sa operasyon sa pag-aresto kay Tanggol (Coco). 


Bago pa nito, una nang natakasan ni Tanggol ang mga awtoridad at dumiretso siya sa lugar ni Fatima upang pansamantalang magtago. Dehado ngayon si Tanggol dahil inaresto na ang kanyang pamilya at itotodo ng mga Guerrero ang paninira nila laban sa mga Montenegro.


Sa kabila ng pagbagsak ng pamilya Montenegro, sisimulan na ni Tanggol ang mas malaki niyang misyon upang iligtas ang papa niyang si Ramon (Christopher De Leon), na kasalukuyang nag-aagaw-buhay matapos barilin ni Rigor (John Estrada). 


Samantala, namaalam na sa FPJ’s BQ ang batikang aktres na si Chanda Romero pagkatapos siyang pagbabarilin ni Miguelito (Jake Cuenca).


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | September 22, 2025



Arjo Atayde

Photo: Angel Locsin / IG



Binasag na ni Angel Locsin ang kanyang pananahimik sa social media. Muling nagparamdam si Angel sa mga netizens sa kanyang story sa Instagram (IG) kahapon.

Tulad ng ibang celebrities, hindi rin nakatiis si Angel na maglabas ng kanyang hinaing sa malaking isyu ng korupsiyon na nabulgar sa anomalya sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


Idinaan ni Angel sa pag-post ng art card sa kanyang IG Story ang pagbabahagi niya ng kanyang stand sa current crisis sa bansa.


Pahayag ni Angel sa art card, “Today, I'm breaking my social media silence. To all Filipinos fighting corruption—may God give you more strength to keep going (praying emoji).

“Watching the hearings, I couldn’t help but remember the messages and news of people begging for help. Families with homes washed away, parents who lost their work, lives lost to floods and typhoons. Naiiyak ako sa galit kasi puwede palang hindi sila naghirap. Puwede palang walang nasaktan. Puwede palang walang namatay.


“Ang bigat. Nakakapanghina ‘yung ganitong kasamaan. Pero mas nakakapanghina kung mananahimik lang tayo. Kaya we keep speaking, we keep fighting. For truth. For justice. For change. No politics. Para sa tao.”


Bukod diyan, naglabas din si Angel ng picture niya suot ang black t-shirt na siya ring kulay ng t-shirt ng mga nag-rally sa Luneta kahapon.


Nakasulat sa black t-shirt ni Angel: “Stop flooding us with corruption.”

Hindi lang tayo sure kung iyon talaga ang hitsura ni Angel ngayon gaya ng nasa picture niya na naka-post. Maaari kasing gawa-gawa lang digitally ang hitsura niya.

Nonetheless, muling pinatunayan ni Angel na sobrang concerned talaga siya sa mga nangyayari sa bansa.



ISA si Direk GB Sampedro sa mga executive producers, along with Mr. Alex Rodriguez, ng Selda Tres (ST), isang action-drama mula sa Five 2 Seven Entertainment Production na isinulat ni Eric Ramos.


Ang ST ay isa sa limang pelikulang kasali sa full-length category sa 7th Sinag Maynila Independent Film Festival.


Powerhouse ang cast ng movie ni Direk GB na pinangungunahan ng veteran actor na si Cesar Montano, kasama sina Carla Abellana at JM de Guzman.


Kasama rin sa Selda Tres sina Arron Villaflor, Kier Legaspi, Victor Neri, Isay Alvarez, Perla Bautista, Jeffrey Tam, Tanjo Villoso at Johnny Revilla.

During the mediacon ng ST ay tinanong namin si Direk GB kung paano nila binuo ang pelikula.


Aniya, “Uh, nag-start kami noong 2023. Kausap ko ‘yung producer namin, si Sir Alex Rodriguez. He wanted to do something na pelikula na may aksiyon na may kabuluhan. So, doon nagsimula ‘yun. Then, gumawa kami ng story ni Eric Ramos.


“Minadali na nga namin ‘yun para masimulan agad ang pelikula. Tapos tuluy-tuloy na hanggang nag-casting na kami, at nabuo ang cast. Ang tawag nga nila, may powerhouse cast daw kami.


“So, sobrang thankful ako na mabigyan ako ng opportunity ng aming partner nga, si Sir Alex.


“Binigyang-laya n’ya ako na makapili ng mga artista at sinuportahan n’ya ako sa pagkuha ng mga artistang feeling namin na nababagay, kumbaga pasok sa tema, sa istorya.”


Ang Selda Tres ay unang mapapanood sa SM Fairview at Gateway sa Sept. 24. Sa Sept. 25 ay sa Robinsons Manila, Trinoma, Market Market at SM Mall of Asia.

Sa Sept. 26, sa Gateway C17, Robinsons Antipolo, SM Fairview at Gateway C18.

Sa Sept. 27, mapapanood ito sa Trinoma, SM Mall of Asia at SM Fairview.

Sa Sept. 28 magsisimula sa Market Market, Gateway C17, Robinsons Manila at Robinsons Antipolo.


Sa Sept. 29, sa SM Mall of Asia naman, at sa Sept. 30, sa Gateway C17, Robinsons Antipolo at Trinoma.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | September 14, 2025



Arjo Atayde

Photo: Robby Tarroza at Jinggot Estrada - FB



Sunud-sunod ang pasabog na post ng kontrobersiyal na si Robby Tarroza sa Facebook (FB) nu'ng Biyernes. Diretsahan niyang tinukoy sa kanyang unang post si Sen. Jinggoy Estrada.


Nanawagan si Robby na mag-resign na si Sen. Jinggoy bunsod ng pagkakadawit ng pangalan nito sa maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


Post ni Robby, “Jinggoy, mag-resign ka na! Kundi I will be forced to tell the country about your double life! You are one of the reasons kung bakit kami naghiwalay. I have ALL the receipts dear. Try me! Pareho lang kayo ng ex ko… BABOY!”


Mabilis na nag-viral ang post ni Robby at inulan ng mga malisyosong comments.

Sey ng mga netizens:

“Federation member?”


Reply ni Robby, “Leader behind closed doors in a basement.”


May nagsabi rin kay Robby na libelous ang kanyang post. Pero mukhang hindi siya natinag at lalo pang pinanindigan ang kanyang sinabi.


Sagot ni Robby, “I have receipts po! Pati si Joed mag-testigo kung paano sila nagka*****tan habang nangangampanya dati for FPJ.”


Sa sunod na post ni Robby, ini-reveal niya na may natatanggap na siya na death threats.

Sigaw ni Robby, “Eto na po mga death threats na! I do not care! I will continue to speak the

TRUTH! BAKLA AT SINUNGALING KA!”


May nagpayo naman kay Robby na mag-report sa pulis.


“I did. To the DOJ of the USA. Hahaha! My father is a retired Fed of the White House (can’t say exact position). So I think I'm good, bro. They are on high alert here. My entire family is. So let’s see them TRY! Thanks bro for the love tho. You are a real friend (heart emoji),” tugon ni Robby.


Nagpatuloy ang posts ni Robby sa FB kung saan sinabi niya na may natitira pang bakla sa gobyerno.


Aniya, “Hoy, Pilipinas, ‘di pa ako tapos! Marami pa natitirang bakla d’yan sa gobyerno! Keep me alive and I will reveal! Dami na kasing death threats!”


Four hours after this post, madidilim na pictures na ang kanyang ipinost. Series of photos ito na tila kuha mula sa loob ng isang eroplanong palipad sa himpapawid.


Sey niya, “My father had us flown out to a safer place. We are airlifted. My husband, cats & kittens, and two Chihuahuas (heart emoji). After reporting everything to Trump’s DOJ, I feel I’m untouchable now. Hahaha! Binibining Maharlika, you need to do the same dear. My father is a Fed. We have many protected options as US citizens, dear (loved emoji).”


At eto na ang magkasunod na posts niya after 1 hour:

“Dear, Baklitang Unggoy. I promise you bottomae you will never be a politician AGAIN! Dapat pala last election tinapatan kita, bayota ka! Why are the Filipino voters so stupid? Bayarin? Sige po punta kayo sa amin, we will pay you triple, ‘wag lang sila, please! Hayyy.


“This is all I can tell you, Junggoy Baboy, my family is not poor and never corrupt! In the USA my father is a Fed and very close to Donald Trump Jr. Try n’yo ako galawin, baboy ka, bottomessa. ‘Di naglilinis bago magpa****! You have the nerve to question others d’yan sa investigation sa Senate? K*pal to the highest level, kamukha kang pagong na tumi**** ng palaka! Animal ka (sa Bisaya) dirty pig! Kasalanan din ni Duterte bakit ka nakawala! Inday Sara Duterte, Sebastian ‘Baste’ Duterte, please explain to the Filipino people the injustice your father has done letting him loose! Hayyy! Tu***era ng taon!”


As of this writing, sa huli niyang post ay binanggit niya na libu-libo raw ang natanggap niyang friend requests sa FB.


Post pa ni Robby, “I have thousands of friend requests. So I decided to unfriend friends who are not proactive with my posts. I think it’s better to have proactive friends than deadbuds.

So if you get unfriended, it’s because you do not engage in any of my posts. I am at full capacity with 5k of friends now. Let’s make room for proactive Robby followers! TAMA, MGA BAKLA?!”


Dahil sa mga posts na ‘yan ni Robby, may nagsabi na trending na siya worldwide.

Samantala, marami naman ang naghihintay kung agad din bang magpapatawag ng presscon si Sen. Jinggoy para sagutin ang mga akusasyon ni Robby tulad ng ginawa niya nang akusahan siya ni DPWH Asst. District Engineer Brice Hernandez na nakinabang sa flood control projects.

‘Yun na!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page