top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 26, 2025



Photo: Sandro Muhlach - Instagram


Inilunsad sa konsiyerto ni Gerald Santos na may pamagat na Courage ang itinayo nilang advocacy group, ang Courage Movement na para sa mga biktima ng sexual harassment sa lahat ng larangan ng buhay. 


Pinangunahan ni Gerald ang paglulunsad ng Courage Movement bilang biktima rin ng sexual harassment sa showbiz.


Nagpadagdag pa sa emosyon ng audience sa launch ng Courage Movement during the concert ang surprise appearance ng dalawa pang celebrities na naging biktima ng sexual harassment na sina Sandro Muhlach at Enzo Almario, former member ng Sugarpop and claims na na-rape siya ng manager nila at the age of 12.


After the concert, nakausap namin si Sandro tungkol sa latest update ng kasong isinampa niya laban sa mga diumano’y nag-take advantage sa kanya sexually at sa paglulunsad ng Courage Movement.


“Very supportive,” diin ni Sandro sa partisipasyon niya sa Courage Movement. 

Aniya, “Kasi para naman ‘to sa lahat ng biktima. Hindi lang naman para sa ‘min ‘to. Para sa lahat ‘to.


“So, kung may mga gustong to speak for themselves sa mga nangyari sa kanila, nandito lang ang Courage Movement and PAVE (Promoting Awareness and Victors Empowerment) Philippines para sa kanila.”


Ongoing na raw ang case na isinampa nila kaya as much as he wanted to say a lot ay ‘di puwede because of court’s restriction.


Pero sinabi niya na wala raw nagri-reach out sa kanya para sa out-of-court settlement for the case.


“So, tuloy din ang laban. At saka never ako rin magpapa-settle ng kahit ano. So, lahat, dadaanin namin sa tamang proseso,” mariing sabi ni Sandro.


Ang isa sa mga good news na nalaman namin from Sandro ay ang pagtigil ng bullying sa kanya sa socmed (social media).


“Yes, nag-stop naman na. Pero ano, nag-start lang ‘yung bullying sa mga kamag-anak nila. So, ‘yun lang. Pero wala na. Tumigil na rin naman sila,” lahad ni Sandro.


Wala raw siyang balak idemanda pa ang mga nambu-bully sa kanya, sa ngayon.

“Basta ang focus ko, ‘yung mismong kaso ko lang. Wala na munang, ayoko munang mag-ano, sobrang nakakapagod. Nakaka-stress. I don’t even wanna talk about it,” pahayag ni Sandro.


Samantala, successful ang konsiyerto ni Gerald. Star-studded na maituturing with the likes of Erik Santos, Sheryn Regis and Aicelle Santos-Sambrano as his special guests.

Ini-launch din ni Gerald sa kanyang Courage concert ang kanyang bagong kanta, ang Hubad


Naging special din ang concert ni Gerald that night sa Skydome dahil sa presensiya ng kanyang US military girlfriend.


Tsika ni Gerald sa concert, kagagaling lang daw nila from Boracay for a vacation.

Again, our congratulations to Gerald and to his manager na si Rommel Ramilo na siya ring nagdirek ng concert.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 25, 2025



Photo: Rhian Ramos - IG


Umani ng batikos si Rhian Ramos sa pagpo-post ng mga larawan niya na naka-black underwear habang nagbe-bake ng kanyang business na cookies.  


Ipinost ni Rhian ang kanyang mga larawan sa Instagram (IG) at ikinuwento ang obsession niya sa cookies.  


Caption ni Rhian: “5 years ago, my obsession for the perfect chocolate chip cookie began. For the first time ever, I’ve decided to make them available to the public.”  


Naka-post din sa GMA Integrated News account sa X (dating Twitter) ang apat na larawan ni Rhian kung saan binash ng mga netizens ang aktres.  


Caption ng GMA IN: “SHE’S SERVING (cookie and fire emoji).” 


“Rhian Ramos just launched her new cookie business, ‘Bas Bakes,’ after perfecting her own recipe.  


“Rhian also reshared her trending photos from 2021, wherein she baked cookies dressed in a bikini bottom and scarf used as a top.”  


Na-cheap-an ang mga netizens sa ad campaign ni Rhian para sa kanyang bagong negosyo.  


“Kailangan naka-panty ‘pag gumagawa ng cookie, ganern ba? Dyusko po, Marimar!”  


“Yeah, serving KA-CHEAP-AN!”  


“That’s so cheap with a sick mentality. I think she and the team behind it should immediately seek proper counseling (praying emoji).”  


Nabigyan din ng double meaning ng mga netizens ang pagbenta ni Rhian ng kanyang cookies.  


“Asssoooowwss, ‘yung cookies parang ‘di naman fresh, parang ‘yung…”  


“Is she selling her body or cookies?”  


“Pabili ng cookie mo, Miss!”  


“Masarap panigurado ang cookie n’ya. Hmmm…”  


Ang iba naman ay nag-react sa hygiene ni Rhian habang nagluluto ng cookies niya.  


Sey nila, “Don’t see baking here, just posing. I’m not going to buy her cookies for food hygiene reasons if that’s how she bakes—hair down, accessories, etc.”  


“If you are a baker, 1st you should know the proper hygiene when you are in the kitchen and wearing proper dress. Put a hair net and not like we see in the photos. Paano kung may buhok na mapapunta sa food? What if hair on the private parts kaya? Especially kung for business pa pala ‘yung food mo.”  


Wonder kung ano naman ang reaksiyon ng boyfriend ni Rhian na si Sam Versoza na tumatakbo pa naman for a public position sa nalalapit na halalan sa comments ng mga netizens, especially this one: “Flat chest, flat butt. Ang lungkot siguro ng BF nito.”  


“Tapos, magtataka pa kayo bakit mataas teenage pregnancy dito sa bansa.”  


‘Yun na!



BLIND ITEM:


Kalat na ang modus ng isang Pinoy na nagke-claim na concert producer sa Amerika.  

Ang initials ng pangalan ng raketerong wannabe producer sa Amerika ay T.M.  


Markado na siya sa Filipino community sa Los Angeles, USA dahil sa ‘di pagbabayad ng utang sa mga kababayan natin doon.  


Ang modus kasi ni T.M. ay makikipag-close sa mga artista na nagso-show sa US. At ‘pag nasa Pilipinas naman si T.M., panay ang pa-picture niya sa mga local celebrities dito.  

Tapos, pagbalik ni T.M. sa US, may-I-claim to fame na agad siya na friend niya ang celebrity na kasama niya sa picture.  


Madalas din ay nag-a-apply siyang PA (production assistant) sa mga Pinoy artists na nagso-show sa US. Kaya naman ang mga Pinoy sa US, mabilis na napapabilib niya at madali niyang nauutangan ng pera.  


Wala namang masamang mangutang basta nagbabayad.  

Pero itong si T.M., ginawa nang bisyo ang pangungutang sa mga kababayan natin sa US.  


Galit na galit na ang mga nautangan ni T.M. sa kahihintay kung kailan siya magbabayad.


Ang siste, milyun-milyong piso ang utang ni T.M. sa mga Pinoy na inutangan niya.  


Kapag ‘di pa rin nagbayad si T.M., ‘di na kami magtataka kung biglang hulihin na lang siya ng mga awtoridad. 

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 24, 2025



Photo: Bong Revilla Jr. FB, IG


Nabuhay na naman ang dugo ng mga bashers ni Sen. Ramon “Bong” Revilla  Jr. sa pag-aapruba na gamitin ang pangalang ‘Bong Revilla’ sa kanyang pagtakbo sa May election.


Ayon sa abogado ni Sen. Bong na si Atty. George Garcia, inaprubahan daw ng Cavite Regional Trial Court Branch 19 ang paggamit as registered family name ng re-electionist senator sa pangalang Bong Revilla noong 2009.


“It is perfectly legal,” sabi pa ng lawyer ni Sen. Bong. 


Ipinag-react pa ng mga netizens ang rason na nabasa nila na lumabas sa X kahapon.

“So that he will be on top of the alphabetical list of senatorial candidates in the ballots,” ang dahilan kaya raw nagpalit ng apelyido si Sen. Bong.


Nasa number 11 na ang pangalan ni Sen. Bong sa listahan ng senatorial candidates ng Comelec.


Palag ng netizen, “Walang hiya ang Comelec. Ginawang apelyido ni Bong Revilla ang “Bong” para lang maiangat ang numero niya sa listahan ng mga kandidato sa balota upang madali itong makita ng mga botante. This must be questioned!”


“Ta** ina. 2009 pa lang naging opisyal na apelyido na pala ni Bong Revilla ang ‘BONG REVILLA’”


Aniya, “But the fact here is that this should not have been approved in the first place. It is clearly political and unfair to the electoral process, and to other candidates.


Pero may mga nagdepensa naman kay Sen. Bong, “Sir, korte po yata nag-decide nito, at hindi Comelec.


“To be fair, sumusunod lang ‘yung Comelec.”

“1998 pa legally na-change ang name ni Bong Revilla so bakit issue ito bigla? Mema lang.” 


Kinorek naman ng isang netizen ang 1998 to 2009.


Samantala, ayaw nang patulan ng kampo ni Sen. Bong ang pamba-bash sa kanya dahil halata naman daw naghahanap lang ng butas ang iba lalo’t palapit na ang eleksiyon.

Jose Mari Bautista ang totoong pangalan ni Sen. Bong kaya kung ito ang kanyang gagamitin, mas malapit sana ang numero niya sa balota.


Pero matagal na niyang ginagamit ang “Bong Revilla” as screen name at ito rin ang ginamit ng kanyang namayapang ama na si Sen. Ramon Revilla, Jr..


Nagpapasalamat na lang si Sen. Bong dahil ramdam niya ang suporta ng mga taong sumasalubong sa kanya sa lahat ng mga napupuntahan niya.


Masyado raw kasing prangka…

ARNELL, AMINADONG TALO ‘PAG KUMANDIDATO 


Nagtataka si OWWA Administrator Arnell Ignacio sa balitang tatakbo siya sa May elections this year. Marami kasi ang pumupuri sa trabaho niya sa government office for the past eight years.  


Sa ginanap na mediacon ng Timeless… Music & Laughter (TM&L) post-Valentine dinner concert sa Century Park Hotel last Wednesday, nagsalita na si Arnell tungkol sa nababalitang pagtakbo niya sa nalalapit na halalan.  


Pahayag ni Arnell, “Alam mo, ang daming nagtatanong sa ‘kin n’yan pero wala sa isip ko ‘yun. Akala lang nila na I’m really working so hard dahil meron akong ibang pakay. Eh, wala.  

“Eh, working hard is my nature. ‘Yun ang libangan ko. Saka ang position, ganyan kalaki ang responsibilidad. Destiny ‘yan. Kahit ano pa’ng gawin mo, magtitiwarik ka’t lahat, ibigay sa ‘yo lahat ng resources, ‘pag ‘di ibinigay sa ‘yo, hindi sa ‘yo.”  


Matagal na rin naman since huling nag-run si Arnell for a public position.  

“Flop naman ako,” seryosong biro ni Arnell. 


Sey niya, “Saka hindi, ‘yun naman, nahatak lang naman ako doon. Ang tagal-tagal na noon.”  


Na-traumatize ba siya sa huli niyang pagtakbo for public office?  

Sagot niya, “No, not at all. Masyado lang ano, ‘yung ugali ko lang kasi, masyado akong frank. Hahaha!”  


Nature na yata ni Arnell na ‘pag may nagyaya sa kanya, ang dali niyang hatakin gaya na lang sa back-to-back concert niya with The New Minstrels Fifth Generation.  


“Bigla na lang akong may tiket, ‘di ba? Hahaha! Eh, pero ano, eh, the best will all come out of arrangements like this. And ano ‘to, eh, palagay ko, this will be more of a reunion of very, very good friends.  


“Pero teka, dito ako ninenerbiyos—kasama ko ang The New Minstrels. Ang gagaling ng mga ‘to, ‘di ba? O, fifth generation ng The New Minstrels ang makakasama ko. Ang inabutan ko ata, first. Hahaha! Kaya ‘yung mga hinahanap ko, wala na,” saad ni Arnell.  


Ilan sa 5th generation ng The New Minstrels na makakasama ni Arnell sa TM&L sina Atty. Rene Puno, Alynna, at Chad Borja.  


Si Atty. Rene ay isang soulful crooner at si Alynna naman ang Sensual Siren of Songs.  

Si Chad needs no further introduction kasi sumikat talaga siya during his time through his classic song na rin na maituturing, ang Ikaw Lang


Ipapakilala naman sa TM&L ang mga komedyante na bumubuo sa ‘Kabaong Gang’ na sina Fumi, Bernie Batin, Leo Bruno, at Janna Trias, plus, a performance like no other from Ms. Christi Fider.  


Gaganapin ang Timeless… Music & Laughter sa Grand Ballroom ng Century Park Hotel sa Manila on February 15, Saturday. Dinner at 6 PM, this is produced by movie actress and producer Ms. Liz Alindogan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page