top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 1, 2025



Photo: Sanya at David - Instagram


Tila ginagawan ng isyu si Sanya Lopez sa hiwalayan ng kanyang kapatid na si Jak Roberto at ng ex-girlfriend nito na si Barbie Forteza.


Pero mukhang unbothered naman si Sanya sa kanila. Gaya na lang ng post ni Sanya sa X (dating Twitter) kahapon bilang sagot sa netizen na nag-post ng deleted comment ng Kapuso actress. 


Heto ang post sa X ng netizen para kay Sanya, “Bakit nag-delete ka after mo mag-reply @sanya_lopez sa comment na isaksak mo si @davidlicauco sa baga mo? Ano motive mo sa reply? paawa epek kay @davidlicauco para maging knight in shining armor na ipagtanggol ka sa bashers sa Instagram (IG) gaya ng ginawa kay Kisen @babyspecc wa (walang) epek.”


Kalakip ng post na ‘yan ang dalawang pictures mula sa IG account ni Sanya. 

Una, picture ni Sanya. At ‘yung isa ay ang comment-section ng IG post ni Sanya, kung saan sinasabi ng netizen na may idinelete raw ang kapatid ni Jak.


Karugtong na post pa ng netizen sa unang naka-post sa itaas, “ (....wa epek) Ba stories at posts mo na makonek sa HK posts at stories gaya ng sunset with you? sa interview mo sabi mo malalaman sa movie kung partners kayo ni @davidlicauco nahiya ka pang sabihin. 


“At dahil daming fans na ayaw na partners kayo, ‘wag na lang panoorin movie. wait na lang sa free access na mapapalabas ‘yan kesa gumastos para du’n malaman kung partners kayo, ‘di ba @sanya_lopez. Next time, ‘wag ka na mag-delete at tag mo pa si @davidlicauco para may silbi naman, feeling damsel in distress ka.” 


Ini-repost ni Sanya ang mga posts na ‘yan nu’ng basher niya sa X.

Caption ni Sanya, “Oh my dear. I’m not the one who deleted it. Sayang minsan lang ako sumagot dinilete pa n’ya HAHA (laughing emoji), pang-2nd ka. Sad nga, eh, wala s’yang face parang ikaw rin kapag nagco-comment. Next time, sana ‘yung may mukha n’yo talaga na. Para paniwalaan din ‘di ba. 


“Oh ito, ‘wag mong delete pinag-effortan kita now ah. ‘Di na ko sasagot kahit kanino next time. Gusto ko ‘yung iniisip mong talo ako. Para masaya ka, bhie.”


Natuwa naman ang mga followers ni Sanya sa ginawa niyang ‘pagpatol’ sa basher:


“Sabi sa inyo, eh. ‘Wag n’yong inaano ang tahimik at mabait, ‘yan tuloy but Yazzzz slayyyy bhiii HAHAHA go SANYAAAAA (laughing emoji).”


“Loveeet! (love it) Pang face2face ang banatan! That just showed na may chemistry kayong dalawa kasi super affected sila. Well.. Inggit lang ‘yan sila kasi hanggang comment lang s’ya, Hahaha!”


“Tama ‘yan, Danaya. Minsan talaga, need patulan hindi naman sila inaano (laughing emoji).”


Kabog!



Napanood na rin namin finally ang musical play version ng Subtext ng award-winning international director-producer-writer na si Direk Nijel de Mesa.


Muli ay napatunayan ni Direk Nijel ang husay niya sa pag-stage not only a theater play but also musical, ha?


Hindi naman kataka-taka dahil napaka-talented din ni Direk Nijel sa paglikha ng kanta.

Ginulat din kami ng mga aktor na kinuha ni Direk Nijel para sa musical play version ng Subtext. Pinabilib kami ng anim na aktor ni Direk Njiel na gumanap sa Subtext, the musical, na may tatlong bahagi.


Ang 6 performers ni Direk Nijel sa Subtext: The Musical (STM) ay sina Cherry Morena and Jiro Custodio; Ced Recalde and Shane Santos; at sina Karl Tiuseco and Gaye Angeles.

After the play ay nakausap namin sina Jiro at Cherry. First time nilang nagkasama sa isang proyekto at ang STM din ang kauna-unahang proyekto ni Cherry.


Ayon kay Cherry, “Ang masasabi ko lang, eh, it is very exciting and amazing feeling na nakasama kami. Thankful kami kay Direk Nijel de Mesa for giving us the chance to play the Subtext.”


First time rin daw nilang umarte sa isang play at musical.


“Although, before po, eh, nagpe-play na rin po ako. ‘Yun po ang naging training ground ko way back sa show ni Kuya Germs (German Moreno) sa Walang Tulugan.


“But this time, kakaiba po s’ya and I’m really very thankful kay Direk Nijel de Mesa sa pagtitiwala n’ya sa ‘kin,” pahayag ni Jiro.


Nakapag-train si Jiro ng voice lesson sa Star Magic (workshop) dati, pero hindi na nasundan.


Eto naman ang takeaway nina Jiro at Cherry sa kanilang roles sa STM.

“More understanding sa bawat isa. Kasi, katulad ng sabi sa play, ang smartphone noon, eh, mahirap maintindihan ang text.  


“So, siguro, kung meron kang hindi naiintindihan, mas dapat siguro itanong mo muna. Kailangan, magkaintindihan muna kayo kesa ia-assume agad na, ‘Baka ganito ang ibig n’yang sabihin?’ ‘Baka nagbibiro siya o hindi? ‘Yung mga pakaba-kaba na ‘yan, napag-uusapan iyon kahit na wala pang emoticons sa mga text nu’ng araw,” sabi nina Jiro at Cherry.


May chance pa kayo na mapanood ang STM bukas, February 1, at 8 PM sa Sikat Studios Main Hall at 305 Tomas Morato, Quezon City.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 31, 2025



Photo: Moira, Sam, Yeng, Erik at TJ - Instagram



Nabasa namin ang isang post sa X (dating Twitter) tungkol kay Moira Dela Torre na in-unfollow ng mga kasamahan niya sa talent management na Cornerstone.

Habang binabasa namin ang thread ng post, ang daming inire-reveal ng mga netizens tungkol kay Moira at sa kanyang former management.


Sabi sa post sa X, “Did Sam Milby, Yeng Constantino, Erik Santos, TJ Monterde, and others unfollow Moira Dela Torre?”


Oks lang din naman sa ibang mga netizens na i-unfollow nina Sam, Yeng, TJ at Erik si Moira dahil hindi rin naman daw pina-follow ng Tadhana singer ang apat na nabanggit.  

Sey ng mga netizens…“I think there’s a valid reason why they unfollowed her. Dekada na ‘yan sina Sam, Erik, at Yeng — never naman silang nagkaroon ng kaaway sa industry. So I think, may reason talaga ‘yan.”  


“Isang dekada na rin si Moira, ia-unfollow talaga nila kasi ‘yung traydor na RM ni M tsaka mapanirang former handler niyang Team Jason na suki ng spakol, eh, close ng mga ‘yan at nakaka-bond.”  


“Nope, they unfollowed her simply because close nila ‘yung mga handlers and road managers na naninira kay M sa company.”  


“Sus, kapag sila nag-unfollow, may something wrong sa tao or ‘may valid reason’ kuno. Pero for sure, ‘pag si Moira gumawa niyan, ‘attitude’ agad. HAHAHAHAHA! TIGILAN N’YO NGA PAGIGING SELECTIVE AT MISOGYNIST.”  


Pati si Asia’s Songbird Regine Velasquez ay nadawit sa isyu ni Moira at ng kanyang former co-talents sa CS.  


Sey ng isa, “Kaya ba nag-hang-out sa bahay ni Songbird recently? Char.”  

May nagtsika rin sa X na may kinalaman sa pag-unfollow nila kay Moira ang bago nitong boyfriend.  


Sabi ng netizen, “BFF niya si Sam, ‘di ba? Wait, ang problema ata, ‘yung bagong BF ni Moira. Bad influence raw, manipulative.”  


“Manager, producer, director, PA, all-in-one. Para sa kanya lahat mapunta ang (frugal emoji). ‘Kakahiya, groomsman pa sa kasal nila ni Jason at ex-BF ng best friend ni Moira. Kasama pa sa honeymoon nila noon (laughing emoji).”  


“Sino ba ‘yang bagong BF niya, pinagdidiskitahan n’yo (face with raised eyebrow emoji)?”  

May isyu rin ang mga netizens na may kinalaman daw sa pag-unfollow nina Sam et al (and others) at sa pag-alis ni Moira sa CS.  


“That happened when CS removed her dahil ‘attitude’ kuno s’ya when she just asked and demanded something for her career when they neglected her. At ‘yang mga artists na ‘yan, close sa bosses, two-faced na RM n’ya at cheater enabler niyang handler na maka-Jason (covering mouth emoji).”


“Nag-ask and demand lang si Moira sa CS about their plans for her career, tapos tinawag nang ‘attitude,’ kaya tinanggal." 


Pero may nagsasabi rin tungkol sa ugaling hindi raw maganda ni Moira.

“Kaya iniwan ng josawa (asawa), kasi maldita. ‘Wag kayong mahumaling sa boses n’yang mala-anghel, sa loob ang kulo.”  


“One word: TRAYDOR (laughing emoji). Watch how Moira and her fans will twist the narrative and say ‘hindi siya ang problematic’ when even her closest friends, some of the kindest people in the industry, unfriend her.”  


Hula ng isa, “Baka s’ya mismo ang nag-remove sa pag-follow sa kanya ng mga co-artists n’ya, kasi possible ‘yun.”  


Well, bukas ang aming pahina para sa paglilinaw ng mga taong sangkot na inaakusahan ng kung anu-ano ng mga netizens.



ANG ganda ng pasok ng 2025 kay Andrea Brillantes. Bukod sa pasok na siya sa Batang Quiapo, may mga bago at malalaking product endorsements din si Andrea this year.

And for sure, nakaplano na rin si Andrea ng gagawin niyang engrandeng travel abroad.  Every year, naglalaan talaga si Andrea ng panahon na makapag-travel nang solo.


Sey ni Andrea sa isang interbyu, “Mahirap, nakakapagod, at nakakatakot. But I do it scared. I do it alone and scared. And I have fun while being scared.


“Ang favorite discovery ko, ‘pag magso-solo travel kayo, guys, ‘wag ‘pag pa-winter, ‘wag autumn or fall or winter, mabigat ang bagahe ninyo. Mag-solo travel kayo, summer. 


“Bakit summer? Ang bitbit n’yo lang, sando, shorts. Magaan, manipis. Sunday dresses. ‘Pag meron kayong guy friends, ‘yun ang the best, pabuhatin ninyo sila. Baka may jowa ka, good for you. 


“Sa jowa mo pabuhatin ‘yung maleta mo. O kaya, ‘pag all girls kayo, magtulong-tulungan kayo. Magsalit-salitan na lang kayo.”


Well, talagang level-up na ang career ni Andrea sa telebisyon. Pagkatapos ng dalawang solo lead serye, heto’t baka siya pa ang gawing leading lady ni Coco Martin sa Batang Quiapo (BQ)


Kabilang sa mga papasok na artista sa aksiyon-serye sina Andrea, Albert Martinez, Jake Cuenca, Angel Aquino, Chanda Romero, Shamaine Buencamino, Juan Rodrigo, Dante Rivero, Michael De Mesa, at Celia Rodriguez, kasama sina Paolo Paraiso, Albie Casiño, Gillian Vicencio, Alhdrin John at Diana Opilac.


Anyway, huwag  palampasin ang maaaksiyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi, 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 30, 2025



Photo: Gladys Reyes at Christopher Roxas - Instagram



Hoping pa rin si Gladys Reyes na makasama sa isang proyekto ang mga kaibigan niyang sina Claudine Barretto at Angelu de Leon. Iyan ang isa sa mga rebelasyon ni Gladys sa ginanap na pa-get-together nila ng mister niyang si Christopher Roxas for the entertainment media sa That’s Diner last Tuesday.


Una naming narinig kay Gladys ang pangarap niya na makasama sina Claudine at Angelu sa double celebration ng wedding anniversary nila ni Christopher, at the same time, launch as a singer at birthday ng panganay nila na si Christophe Sommereux last year.


Parehong dumating sina Claudine and Angelu sa party last year. Pero nagkaroon ng intriga when Claudine said something about Angelu. After that, wala nang narinig na balita kung nagkaayos sila. 


“Hindi pa nagma-materialize,” pahayag ni Gladys. 


Aniya, “Pero alam mo in God’s perfect timing I believe, naniniwala ako talaga na maisasakatuparan ‘yan. Basta right time. S’yempre, schedule ng bawat isa. Importante na magharap-harap and ano, ‘di ba? Maging okay ang bawat isa.”


Maging si Gladys ay wala ring alam kung okay sina Claudine at Angelu. 

“Hindi ko alam kasi ‘di ko naman sila tinatanong about that. Pero actually ang nilalambing ko sa kanila, ‘Puwede ba kayo mag-guest sa vlog ko, together?’ 


“Sagot nila? Hindi, kasi ‘yung isa, busy pa sa kanyang political career. Tapos ‘yung isa naman nating kaibigan din s’yempre, uh, meron ding isang ibang pinagkakabisihan ngayon. 

“Pero alam mo, feeling ko lang, ha, ganu’n ako kalakas sa kanila na hindi nila ako matatanggihan. Feeling ko lang,” sabi ni Gladys. 


Punong-abala siyempre pa si Gladys mula sa paghahanda ng mga malalaking pa-loot bags hanggang sa mga pagkain sa That’s Diner na inihain nila ni Christopher

para sa mga friends nila from the entertainment media.


Ipinatikim sa amin ni Gladys ang specialty sa That’s Diner nila ni Christopher, iba’t ibang luto ng bulalo gaya ng Classic Bulalo Supreme at Bulalo Kare-Kare. Bukod sa dalawang ‘yan, may Bulalo Sizzling, Bulalo Pares at Bulalo Kansi. 


Ayon kay Gladys, “Itong mga bulalong ito sa That’s Diner, inire-represent nito ang pagsasama naming mag-asawa na very versatile. Minsan sizzling, minsan maasim din, ‘di ba? Pero mas marami ‘yung katamtaman ‘yung timpla.”


When asked kung ano’ng klaseng pagkain ang kanyang mister na si Christophe, sinabi ni Gladys na para itong Bulalong Sizzling.


“Kasi si Christopher, though medyo hindi na s’ya masyadong kumakain ng beef, pero ‘yun, meat eater si Christopher. Actually, ma-steak din s’ya. Pero ‘yung pagkain po dito na sinasabi n’yo po dito sa That’s Diner, ‘yun po,” ngiti ni Gladys.


Kuwento pa ni Gladys, “Isa sa specialty n’ya (Christopher) rito, ‘yung favorite ni Vice (Ganda) nu’ng nagpunta s’ya rito ay ‘yung dinakdakan. Ano ‘yan, favorite Ilocano dish, pero natuwa ako dahil pasado kay Vice. Sabi ni Vice, ‘Ang sarap ng dinakdakan n’yo. Hindi ako nainsulto bilang Ilokano.’ Pero s’ya, I’m glad na pasado sa kanya to think ang dami na n’ya siyempreng natikman na pagkain sa buong mundo.”


Well, katatapos lang ng celebration nila ni Christopher para sa kanilang 21st wedding anniversary at 32 years of togetherness last Jan. 23.


Ang dami na ng pinagdaanan nila ni Christopher at na-reach na raw nila ang level ng maturity ng kanilang relasyon.


“Ngayon, ‘yung maliit na bagay, ‘di na pinag-aawayan pa. Hindi na, pareho kaming nagkaroon ng adjustments. Nagkaroon ng maturity pagdating sa relasyon. At we choose our battles. ‘Yung puwedeng pagtalunan at pag-awayan, sige. Pero kung puwede namang palampasin, tama na, ‘di ba? Kasi hindi naman makakatulong. Tsaka sabi n’ya, at the end of the day, kung hindi naman ito ipagkakahiwalay, kasi napakaliit na bagay lang, sayang ang oras para pagtalunan at pag-awayan,” paliwanag ni Gladys.


Inamin ni Gladys na nagkaroon sila ng malaking pagtatalo ni Christopher nu’ng naging busy siya sa MTRCB at paggawa ng pelikula at teleserye. Maaaring natuluyan daw silang maghiwalay kung nagpabaya sila sa kanilang priority in life, which is their family.


Depensa ni Gladys, “Hindi nagloko si Christopher. Awa naman po ng Diyos, si Christopher, ‘yung disiplina n’ya pagdating doon, ‘di ba, na to stay faithful not just to me but to our family. Napakalakas ng self-control ng asawa ko. Sa totoo lang, sabi n’ya, hindi madali. Mahirap ‘yun. 


“May mga temptation na, ang asawa ko, ‘di ba, ang guwapo? At the same time, matalino rin. At saka ano, tapos family man. Makikita mo talaga ang pagmamahal n’ya sa pamilya. Minsan ang lakas maka-attract noon, eh, sa ibang babae. 


“Pero ang ipinagpapasalamat ko sa Diyos, ‘yung asawa ko ay… siguro ano rin ng Ama, ‘no, na hindi s’ya, ano ‘yung ginagawa n’ya para ‘di s’ya matukso. Kaya kailangan ang tulong ng asawa, ng babae doon sa part na ‘yun, para hindi ka matukso, para hindi ka ma-tempt, ‘ika nga. Kaya kung… not just ‘yung physical needs, kung anuman ‘yung pangangailangang emosyonal, uh, even mentally, ‘di ba?”


Turning 48 na si Gladys at wala na raw siyang plano na madagdagan pa ang mga anak nila ni Christopher. 


“Ay, ano ba?! Magpo-48 na ako, ‘no?  Hindi na. Pero may iba akong baby. Kasi may bago na akong vlog,” masayang balita ni Gladys. 


Paliwanag niya, “Oo, late bloomer ako (sa pagba-vlog), alam ko. Kasi po dati, ang tagal na, last-last year pa ata ‘yan, ‘di ko matuluy-tuloy. Kasi nga po unang-unang gumawa ako ng movie, may MMFF kami. May ginagawa akong Netflix film (not just one but two). Gusto ko kasi, when I do something, hands-on ako.”


Pinamagatan ni Gladys ang kanyang YouTube (YT) channel na Glad To Be With You (GTBWY) na hango sa isang children song.


May mga naka-upload na sa YouTube channel niya na GTBWY na mga interviews with her celebrity friends like the Diamond Star Maricel Soriano, Eugene Domingo, Carmi Martin atbp.. 


Hopefully, matupad ang dream ni Gladys na makasama niya sa kanyang GTBWY YT channel sina Angelu de Leon at Claudine Barretto.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page