top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 11, 2025



Photo: Ai Ai Delas Alas - IG


Ipinakita ni Ai Ai delas Alas sa short video na ipinost niya sa kanyang Facebook account kahapon ang iniwang pamana ng kanyang pumanaw na ina.


May dalawang ina si Ai Ai — ang kanyang adoptive mother na si Justa delas Alas at biological mom na si Gloria Hernandez. Pero ang tinukoy niya na “Inay” sa caption ay ang kanyang biological mother.  


Caption ni Ai Ai: “Ito ang minana kong bundok mula sa aking Inay... Dream kong magtayo ng malaking bahay kubo at katabi ay isang magandang simbahan (praying emoji) at tatawagin ko siyang Mountain of Glory (bilang ang pangalan ng biological nanay ko ay Gloria). #Godsgrace.” 


Nagulat ang mga netizens sa laki ng bulubunduking lupain na namana ni Ai Ai.

Anila, “Wow! Ang ganda d’yan, idol.” 


“Ang ganda, and lot of flowers paakyat—bougainvillea all colors sa side and all colors of roses (love emoji).”


“Sana all po, Ma’am Ai, may minana (praying and heart emoji).”  

Ang iba ay may suhestiyon kay Ai Ai kung ano ang magandang gawin sa bundok na namana niya.


“Wow! Super-ganda ng place, Ms. Ai. I-develop mo s’ya but keep the trees. Ganda ‘yan for soul-searching retreat.”


“Maganda kung may retreat house. For sure, marami kang matutulungan na maka-recover emotionally and spiritually. Pagpalain pa po kayo ng Diyos na Maykapal para maisakatuparan n’yo ang magandang goal po ninyo sa place!”


Inayunan naman ito ni Ai Ai at reply niya, “Geraldine Joan, oo. Parang ‘yun nga, maganda retreat house ‘pag Holy Week.”  


Naku, hindi na kami magugulat kung gawing kumbento ng mga madre ang namana ni Ai Ai. At ‘di rin kami magtataka kung si Ai Ai delas Alas mismo ang unang papasok sa kumbento para mag-madre.



NAGKAAYOS na ang live-in partner na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo. ‘Yan ay kung pagbabasehan ang pinakahuling post ni Philmar sa kanyang Facebook (FB) account.  


As of this writing, nag-post si Philmar ng video sa FB kung saan magkakasama sila nina Andi at mga anak nilang sina Lilo at Koa.  


Caption ni Philmar, “It all went way too far and should have been handled in private (praying emoji) Ok na kami, sana ok ra kami (heart emoji).”  


Natuwa ang mga netizens sa post ni Philmar.


“Philmar Alipayo, we are happy for you! Hugs to your family.”


“Best decision ever! They are keeping their family intact (red heart emoji).”


May isang kaibigan ni Philmar ang nag-comment sa FB post ng partner ni Andi.  

Sey ng friend ni Philmar, “Struggle is sometimes a path we must take, brother. Keep your family close whatever it takes. One call away ra me pirmi (kahit anong mangyari, one call away always).”


Reply ni Philmar sa kaibigan niya, “@Bornok Mangosong, love love, brother ko. Amping pud kamo permi sa imo fam (Love my brother, Ingatan mo lagi ang fam mo).”




 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 10, 2025



Photo: Vice Ganda at Jimmy Bondoc - IG Vice Ganda, Harapan 2025 ANC YT


Durog kay Unkabogable Vice Ganda si Jimmy Bondoc nu’ng mabanggit ang singer during the interview portion ng kalahok sa Tawag ng Tanghalan segment ng It’s Showtime (IS) ng ABS-CBN. Kasama ni Vice sa nabanggit na segment si Anne Curtis na isa rin sa mga hosts ng Kapamilya noontime show.


May kinalaman ito sa pag-call-out ni Vice kay Jimmy sa kumalat sa socmed na mga papuri ng singer sa ABS-CBN.


At the same time, inilabas din ng mga netizens ang kanilang “resibo” ng mga pahayag ni Jimmy kontra sa ABS-CBN nu’ng kasagsagan ng franchise issue ng Kapamilya Network sa Kongreso.


Say ni Vice sa ere, “Si Jimmy Bondoc, naaalala namin s’ya ‘yung gustong ipasara ang ABS, ‘yun ang naaalala namin sa kanya. ‘Yun ang naalala tuloy sa kanya ‘yung gusto n’yang maisara ang ABS.”


Ipinost ng mga netizens ang short video ng pag-callout niya kay Jimmy sa IS

Comment ng mga netizens:


“Amplastik (ang plastic), Jimmy Bondoc (laughing emoji).”

“Plangganang butas-butas. Hahahaha!”


“Si Meme lang talaga makakapagsabi n’yan (laughing emoji). Ano ka ngayon, Jimmy Bondoc?”


“Hahaha! Walang eme-eme, rekta agad.”


“Buti may resibo. As @robertmarion said in calling out Crismar and Russu, we will never forget.”


“Galing ni Meme, ‘noh! Updated.”

Well, si Vice Ganda pa ba?



TRAVEL galore ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Italy ang latest vlog ng mister ni Popstar Superstar sa kanyang YouTube channel.

From Dubai airport, sinimulan ni Matteo ang video before going to Venice. Six hours ang biyahe mula Dubai to Venice. 


Sa Venice, Italy nag-New Year sina Sarah at Matteo. At kahit hometown na ni Matteo ang Italy, first time raw niyang pumunta sa Venice during winter season.


Pahayag ni Matteo, “It’s our first time to go there during this winter season. I'm excited for Sarah and I to experience that.”


They had dinner during their first night sa Venice sa favorite restaurant ni Sarah, ang Evo Ristorante.


Kumain din ang mag-asawa sa L’Osteria di Santa Marina kung saan ang waiter na nag-serve sa kanila ay Pinoy na may dalawang pinsan na nagwo-work sa loob ng kitchen ng restaurant.


On their second day ay nanood sina Sarah at Matteo ng isang “intimate opera” na ginanap sa isang old house na maraming rooms.


And then, pumunta na sila sa Brunico na isang kaakit-akit na bayan na kilala sa kanilang snowy slopes. Dito ay na-witness nina Sarah at Matteo ang snowfall at mga winter activities.


For the first time ay sumubok sina Matteo and Sarah ng skiing lessons and sledding. 

Say ni Sarah, “Ang ganda, grabe! Oh, my gosh, sa movie ko lang ‘to nakikita!”


Siyempre, haping-happy ang Popsters sa napanood na winter adventure trip ni Sarah Geronimo with Matteo Guidicelli sa Italy.


“Finally a longer vid (video). Thanks, Matt for sharing your trips with our fave popstar Sarah G.”


“So happy na na-experience na ni Ms. Sarah ‘yung mga ganito. Makikita mo talaga na masaya s’ya ngayon. Ine-enjoy n’ya talaga.”


“This vlog is so therapeutic. Thanks for sharing your vacation with us, The Gs.”

So, there.





 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 9, 2025



Photo: Chiz Escudero - Instagram


Umamin na si Senador Francis “Chiz” Escudero sa tunay na dahilan ng pagkakasakit niya last year.


Sa Vision Casting 2025 ng Jesus is Lord Church Worldwide na ginanap sa SM Mall of Asia Arena (MOA) kahapon ay dumalo si Sen. Chiz bilang special guest.


During his speech, nagpasalamat si Sen. Chiz sa Panginoon dahil sa naranasan niyang kagalingan pagkatapos niyang magkaroon ng mild stroke. Doon daw niya na-realize na kailangan niya ang Diyos.


Matatandaan na nabalitang nagkaroon ng serious health condition si Sen. Chiz last year. Pero nilinaw ng misis ni Sen. Chiz, ang aktres na si Heart Evangelista, na hindi true ang lumabas sa socmed na isinugod sa ospital ang kanyang mister.


May isang vlogger daw ang nagkalat na isang male senator from Sorsogon ang naospital dahil siya’y na-stroke, inatake sa puso at nagka-aneurysm.


Agad na napagbuntungan ng mga netizens na si Sen. Chiz ang tinutukoy nu’ng vlogger.

Pero nu’ng umapir si Heart sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) noong July last year, inamin ng fashion icon na nagkaroon ng ‘episode’ si Sen. Chiz.


“He had an episode,” sambit ni Heart Evangelista kay Kuya Boy. 


Aniya pa, “It was a scary episode but it was a wake-up call for all of us that health is wealth. And now, he’s doing very well. Everything is (perfect).” 


So, there.


Fans, galing pa raw sa malalayo, na-sad

SHOW NI SARAH, NA-CANCEL


May malungkot na balita si Pop Superstar Sarah Geronimo sa kanyang mga fans na ipinost niya sa X (dating Twitter) recently.


Na-cancel kasi ang Enigma Music City Festival sa hindi malamang kadahilanan, na originally ay naka-schedule last Saturday, February 8, at the Bridgetowne Open Grounds in Pasig City.


Si Sarah ang major artist na kasali sa event.


Post ni Sarah, “Hello Popsters! 


“Kamusta kayo? I’m sad that Enigma Music City won’t be happening. Excited pa naman ako to share this night of music with all of you.


“I know many of you made plans, traveled, and went out of your way to be there, and for that, I’m grateful. 


“I can’t wait for the day we get to share the stage again, and I’m so excited to bring you new music. Until then, please take care, and I’ll see you soon!”


Natuwa naman ang Popsters sa kabila ng cancellation ng performance ng kanilang idolo. Ito’y dahil sa medyo matagal na pananahimik niya sa socmed (social media).


Hindi man nila nakikita si Sarah sa TV, ‘yung makabasa lang sila ng mensahe from Sarah

sa socmed means a lot to them:


“Been waiting for this. You didn’t disappoint me. Thank you, Sars. ‘Yung simpleng kumusta mo pa lang, eh, sapat na. We can’t wait to see you perform again! We love you!”


“Lahat meet mo na lang daw ‘yung mga nag-book ng flight from abroad at du’n sa malayong lugar ng Pilipinas, ‘yung pamasahe nila and effort ng pagpapaalam just to see you. Nakakalungkot, if puwede lang naman. Hehehe!”


May nag-wish naman na fans ni Sarah na sana ay makagawa siya ulit ng pelikula at album/solo concert. 


Sey ng ibang netizens: “Miss you, accla (Sarah). Gawa ka na ng movie, please?”


“Music pa po ata inuuna n’ya.”


‘Yun na!





 
 
RECOMMENDED
bottom of page