top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 13, 2025



Photo: Karla Estrada, Jam Ignacio at Jellie Aw - Instagram


Maga at duguan ang mukha ng DJ na si Jellie Aw sa mga pictures na ipinost niya sa kanyang Facebook (FB) at Instagram (IG) kahapon.


Si Jellie ay ang fiancée ng ex-boyfriend ni Karla Estrada na si Jam Ignacio.

Caption ni Jellie sa kanyang FB post: “HAPPY VALENTINES? Tan*** mo, Jam Ignacio. Mapapatay mo ako, wala akong ginawang masama para ganituhin moko halos mamatay ako sa ginawa mo. Ipapalukong (ipapakulong) kita!”


Sa IG Story naman naka-upload ang iba pang detalye pagkatapos ng pananakit diumano sa kanya ni Jam.


Kasama sa IG Story ni Jellie ang larawan ng kanyang duguang mukha at sinundan ng larawan ng emergency room sa isang ospital. 


Makikita sa piktyur ang babaeng papasok ng emergency room na nakasuot ng black sweatshirt and red striped pajamas. May short video rin na nakatayo sa labas ng parang admitting counter ng ospital ang naturang babae. Possibly, si Jellie ang naturang babae.


Nakalagay sa piktyur ng maga at duguang mukha ni Jellie sa kanyang IG story, “T__ina mo @jamignacio magkita tayo sa kulungan!”


Sa simula ng IG Story ni Jellie ay mapapanood sa short video na masaya pa silang magkasama ni Jam. 


Sumunod na naka-post ay ang piktyur ng gig ni Jellie sa isang bar noong Martes ng gabi. 

And then, ang maga at duguang mukha na ni Jellie ang makikita sa sumunod niyang IG Story.


May kinalaman kaya sa gig ni Jellie sa bar ang dahilan ng pananakit daw ni Jam sa kanya? 


Humingi naman ng panalangin ang nakababatang kapatid ni Jellie para sa kanya.

At isang kaibigan ni Jellie na si Jomari Renz Ballesteros (na may IG account name na @jmrbllstrs) ang nag-repost sa IG Story ng FB post ng fiancée ni Jam. 


Sey nu’ng Jomari, “Kapal ng mukha mo, ni hindi namin pahawakan or padampian ‘yan sa lahat ng gigs namin dati, tapos gaganunin mo lang, BAKLA KA BA! Mayabang ka kasi may baril ka! Alisin mo ‘yan, harapin mo kaming ANGELS SHU__INA MO PUNUNG-PUNO NA KO,

ANG TAGAL KONG NANAHIMIK. NGAYON, NAISIWALAT NA LAHAT NI MIMA@realjellieaw NA MAS MASAHOL KA PA SA HAYOP ka!”


May iba’t ibang reaksiyon din ang mga netizens sa nangyari kay Jellie:

“I’m sorry this happened to you. I hope you know that what happened does not define you, nor your worth.”


“Karma n’ya siguro ‘yan after mocking Karla Estrada and calling her “Mommy” sa IG. ‘Yan, nakarma agad.”


“Panay parinig pa rin nga kay Karla, tingnan mo story recent lang (laughing emoji).”


“True po, ‘di naman natin ikinakatuwa ‘yung ganyan pero once sumobra ka kasi ng salita sa kapwa mo, babalik at babalik ‘yan sa ‘yo (smiling emoji).”


“Get well soon po, Miss Aw.”


May comment din ang mga netizens na baka raw naka-drugs si Jam kaya nagawa niyang saktan diumano si Jellie.


Sey ng isang netizen, “Hala, baka naka-drugs. Ang lakas ng amats n’ya (crying emoji), binugbog ‘yung GF.”


At the same time, may mga netizens na nagwi-wish kay Jellie Aw to get well soon.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 12, 2025



Photo: Vico Sotto at Atasha Muhlach - Instagram


Nagulat si Pasig Mayor Vico Sotto sa tanong ng isang matandang babae tungkol sa anak ni Aga Muhlach, at nag-viral ang video clip na ito sa socmed kahapon.


Napanood namin sa X (dating Twitter) ang video sa TikTok kung saan kinakausap ni Vico ang matandang babae habang nasa loob ng sasakyan ang mayor ng Pasig City.


May sinasabi si Vico sa matandang babae nang biglang binanggit ng huli ang pangalang “Aga.”


Sabi ng matandang babae kay Mayor Vico, “Nasaan si Aga?”


Biglang napaisip si Mayor Vico sa tanong nu’ng matandang babae, kaya sinagot din n’ya ang tanong ng another question, “Sinong si Aga? Muhlach? Hindi ko kilala ‘yun,” 


Hindi pa rin tumigil ang matandang babae at sinundan pa niya ng isa pang tanong ang sagot sa kanya ni Mayor Vico.


“‘Yung anak na babae ni Aga, girlfriend mo ‘yun, eh,” sabi pa nu’ng matandang babae.


Ang tinutukoy nu’ng matandang babae na anak ni Aga na girlfriend daw ni Mayor Vico ay walang iba kundi si Atasha Muhlach. 


Si Atasha ay kasama ng tatay ni Mayor Vico na si Vic Sotto sa isang afternoon show bilang isa sa mga hosts.



NAGSANIB-PUWERSA ang FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) at ang REMS Entertainment para sa kauna-unahang FAMAS Short Film Festival.


Kahapon ay inilunsad ang FAMAS Short Filmfest na ihahatid sa publiko ng REMS Entertainment sa pangunguna ng festival director nito na si Gabby Ramos at FAMAS President Francia Conrado.


Ayon kay Direk Gabby, “Actually, this is a hybrid film festival. So, we are gathering the entire nation to submit their short film. Ang difference ng short film festival na ito, magkakaroon na ng chance ang lahat ng actor, actress, cinematographer, editor. Kasi magkakaroon s’ya ng separate award (like) Best Cinematography, Best Editing, Best Sound Design, Best Actor, Best Director and Best Picture. At mahahawakan nila ‘yung Best Short Film na ‘to.”

Ipinaalam nina Francia at Direk Gabby na wala silang specific theme para sa mga short films na gustong i-submit.


“(For) this year, the selection committee will focus on creativity. Of course, the narrative of the short. Kung ano’ng mensahe ang kanyang ibinibigay. And, dito rin makikita ‘yung expertise ng the entire group, papa’no sila makapag-create ng isang short film.


“‘Yung FAMAS award this time na short film ay maibibigay sa pinakamahusay na short film na papasok sa iba’t ibang set ng selection committee down to nomination, down to the final winner,” paliwanag ni Direk Gabby. 


Ipo-post naman daw sa socmed (social media) ang criteria for judging.

Nabuo ang collaboration ng FAMAS at Rems Entertainment para sa FAMAS Short Film Festival nu’ng makausap ni Francia si Direk Gabby during the 70th FAMAS Nominees Night. Doon ay nailabas ni Ms. Francia ang kanyang saloobin na tila naso-shortchange ang short films sa mga bigayan ng awards on film.


Nasa 100 na raw ang natanggap nila na entries and they’re expecting na mas dadami pa after their announcement yesterday. 

Tiniyak pa ni Direk Gabby na magkakaroon ng scheduled screening ang lahat ng finalists. 


“May VS Cinema (located on the 8th floor of the Victoria Sports Tower in Quezon City) po tayo kung saan puwedeng ipalabas ang mga finalists. Pero may mga kinakausap na rin kami,” sabi ni Direk Gabby.


Director Gabby Ramos, the festival director of the 1st FAMAS Short Film Festival 2025, beams with honor and excitement for his new endeavor, himself a past winner of Best Short Film in FAMAS 2024 for Huling Sayaw Ni Erlinda (HSNE).


The short film festival has five categories — short film, student film, regional film, advocacy film, and documentary. The film must be under 20 minutes (including credits), and must be in the original language, with English subtitles. 


Entry submissions are presently open, with the deadline set for March 25, 2025. 


The official picks will be announced in the first week of April 2025, with cinema showing scheduled from May 3 to 9, 2025. The awards night will take place on May 10.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 11, 2025



Photo: Ai Ai Delas Alas - IG


Ipinakita ni Ai Ai delas Alas sa short video na ipinost niya sa kanyang Facebook account kahapon ang iniwang pamana ng kanyang pumanaw na ina.


May dalawang ina si Ai Ai — ang kanyang adoptive mother na si Justa delas Alas at biological mom na si Gloria Hernandez. Pero ang tinukoy niya na “Inay” sa caption ay ang kanyang biological mother.  


Caption ni Ai Ai: “Ito ang minana kong bundok mula sa aking Inay... Dream kong magtayo ng malaking bahay kubo at katabi ay isang magandang simbahan (praying emoji) at tatawagin ko siyang Mountain of Glory (bilang ang pangalan ng biological nanay ko ay Gloria). #Godsgrace.” 


Nagulat ang mga netizens sa laki ng bulubunduking lupain na namana ni Ai Ai.

Anila, “Wow! Ang ganda d’yan, idol.” 


“Ang ganda, and lot of flowers paakyat—bougainvillea all colors sa side and all colors of roses (love emoji).”


“Sana all po, Ma’am Ai, may minana (praying and heart emoji).”  

Ang iba ay may suhestiyon kay Ai Ai kung ano ang magandang gawin sa bundok na namana niya.


“Wow! Super-ganda ng place, Ms. Ai. I-develop mo s’ya but keep the trees. Ganda ‘yan for soul-searching retreat.”


“Maganda kung may retreat house. For sure, marami kang matutulungan na maka-recover emotionally and spiritually. Pagpalain pa po kayo ng Diyos na Maykapal para maisakatuparan n’yo ang magandang goal po ninyo sa place!”


Inayunan naman ito ni Ai Ai at reply niya, “Geraldine Joan, oo. Parang ‘yun nga, maganda retreat house ‘pag Holy Week.”  


Naku, hindi na kami magugulat kung gawing kumbento ng mga madre ang namana ni Ai Ai. At ‘di rin kami magtataka kung si Ai Ai delas Alas mismo ang unang papasok sa kumbento para mag-madre.



NAGKAAYOS na ang live-in partner na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo. ‘Yan ay kung pagbabasehan ang pinakahuling post ni Philmar sa kanyang Facebook (FB) account.  


As of this writing, nag-post si Philmar ng video sa FB kung saan magkakasama sila nina Andi at mga anak nilang sina Lilo at Koa.  


Caption ni Philmar, “It all went way too far and should have been handled in private (praying emoji) Ok na kami, sana ok ra kami (heart emoji).”  


Natuwa ang mga netizens sa post ni Philmar.


“Philmar Alipayo, we are happy for you! Hugs to your family.”


“Best decision ever! They are keeping their family intact (red heart emoji).”


May isang kaibigan ni Philmar ang nag-comment sa FB post ng partner ni Andi.  

Sey ng friend ni Philmar, “Struggle is sometimes a path we must take, brother. Keep your family close whatever it takes. One call away ra me pirmi (kahit anong mangyari, one call away always).”


Reply ni Philmar sa kaibigan niya, “@Bornok Mangosong, love love, brother ko. Amping pud kamo permi sa imo fam (Love my brother, Ingatan mo lagi ang fam mo).”




 
 
RECOMMENDED
bottom of page