top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 16, 2025



Photo: Kris Aquino IG


Nag-share si Kris Aquino sa Instagram (IG) kahapon ng naganap na simpleng selebrasyon ng kanyang kaarawan,


This is her first post pagkatapos manahimik sa socmed (social media) nu’ng bumalik siya ng Pilipinas. Her last IG post ay noong November of last year.  


Thru her IG post, nagpasalamat si Kris sa lahat ng nagbigay ng panahon para batiin siya on her birthday last February 14.  


Ipinost ni Kris ang larawan nila ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby, pati na ang mga Care Bears stuffed toys na regalo sa kanya ng mga ito, plus ang mga bulaklak na ipinadala ng mga kaibigan ni Kris.  


Sey ni Kris, “I want to thank all my friends for taking time to greet me last night (asalto) and my friends from OC, who flew in. But above all, I thank you for being with me, Kuya Josh, and Bimb during my journey towards recovery.”  


Nag-post din ng kanilang mga pagbati ang celebrity friends ni Kris sa comment section ng kanyang IG post.  


From Marian Rivera, “Happy birthday, Ninang (kiss and heart emoji).”  

“Happy, happy birthday and wishing you a healthy and happy year ahead (red heart emoji),” pagbati ni Bianca Gonzalez.  


“Happy birthday, Kris! (cake emoji) Happy Valentine’s too! (heart emoji),” mula naman kay Eric Quizon.  


Compared sa kanyang previous posts, tila nagkalaman na nang konti ang pisngi at mga braso ni Kris sa photos na ipinost niya sa IG with her children.  


Harinawang magtuluy-tuloy na ang pagbuti ng katawan ni Kris Aquino.



MATAGUMPAY na idinaos ang three-day Barako Fest 2025 sa Lipa City, Batangas, kung saan punong-abala ang Mentorque producer na si Bryan Diamante.  


Ang three-day event ay co-presented ng Construction Workers Solidarity (CWS) Talino at Puso at 107 Angkas Sangga Partylist na si Mr. George Royeca ang first nominee.  


Meron ding partners, platinum sponsors, gold sponsors, at silver sponsors mula sa private sector.  


Kaya naman lalong bumilib sa galing ni Bryan ang nagbabalik na gobernador ng Batangas at ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto.  


At the same time, naniniwala si Ate Vi na may kaakibat na teamwork kaya mahusay na nairaos ang Barako Fest this year.  


Talumpati ni Ate Vi during the mediacon ng Barako Fest 2025, “Teamwork, that is the magic word, teamwork. Kahit anong galing mo, Bryan, ‘pag ‘di ka nasamahan ng iba na magagaling din, ‘di tayo magiging matagumpay.  


“We will continue to work as a team, and we will continue to work as a family here in the province of Batangas.  


“Barako Fest, this is our third year. We’re very proud of this Barako Fest, kasi ito ho ngayon ang inilalatag namin dito sa Lipa kasama na po ang iba’t ibang bayan ng ating lalawigan.  


“Marami ho kaming puwedeng ipagmalaki sa Barako Fest. Lahat po ng mga kaya naming ipagmalaki sa Batangas ay lalabas at lalabas habang naggo-grow, habang tumatagal pa ang aming Barako Fest.  


“Ngayon po ay naka-focus tayo dito sa Lipa. There’ll come a time, iikot na natin ito sa buong lalawigan ng Batangas…  


“Ang Barako Fest po ay pinag-isipan para ito ho ay mabigyan ng pagkakataon ‘yung masasabi nating micro and at the same time, ‘yung talagang pinakamalaki na po nating mga entrepreneurs.”  


Sa Angkeys To Win, limang motorsiklo ang ipinamigay sa Barako Fest. May tatlong pa-kotse — brand new Toyota Vios — sa Last To Take Hands Off Challenge. At nandiyan ang inspired sa Squid Game na Barako Game: Battle for P1 million.  


Noong last day, February 15, nag-perform sina Vice Ganda, Joshua Garcia, TJ Monterde, KZ Tandingan, Alex Gonzaga, Jessy Mendiola, JC Santos, Jerome Ponce, Hev Abi, Ron Angeles, Good Boyz, Eleven11, Eclipse, at Mike Swift. 

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 15, 2025



Photo: Vilma Santos-Recto - IG


Successful ang unang araw ng Barako Fest 2025 na dinaluhan namin sa Lipa City, Batangas nu’ng Huwebes, Feb. 13.  


Ang Barako Fest 2025 is a three-day festivities ng mga Batangueño na sinimulan nila two years ago.  


Kasabay ng Barako Fest 2025 ang inaugural ng bagong bypass road sa Lipa City, Batangas. And at the same time, pormal na paghahayag na rin ng kandidatura ng dating Batangas governor at Lipa City mayor na si Vilma Santos, gayundin ang unang pagsabak sa pulitika ng kanyang mga anak na sina Luis Manzano na tatakbo for vice-governor ng Batangas at Ryan Christian bilang representative sa District 6.  


Bago ang selebrasyon ng unang gabi ng Barako Fest 2025, nagkaroon ng media conference ang mag-iinang Vilma, Luis at Ryan kasama ang iba pang tumatakbong congressman ng Batangas at ang Angkas Partylist nominee na si George Royeca.  


Dito na nagkaroon ng chance ang media na makunan ng opisyal na pahayag ang mag-iina sa ibinibintang na “political dynasty” na itatayo sa lalawigan ng Batangas ng pamilya ng Star for All Seasons.


Komento ni Ate Vi, “With all honesty, we don’t want to entertain that. We are here to serve, and people will judge us. That’s all.”  


Napakalinaw naman ng explanation ni Luis on his thoughts about political dynasty.  


“We submit ourselves to the electoral process and basta ang hatid namin ay paglilingkod na gusto naming ibigay sa mga Batangueño. Kung saan mapunta ang pangarap namin sa paglilingkod, kung saan gusto naming ilagay ang puso namin, nakasalalay sa botante ‘yun,” diin ni Luis.  


And of course, may sey din si Ryan tungkol diyan.  


Aniya, “Well, I think my brother said it perfectly naman. Yeah, we’re simply trying a hat in the ring. We’re here to be of service to the people, and ultimately, the choice will always be theirs.”  


Natanong din si Luis kung ano sa palagay niya ang pinakamahirap na bahagi ng pagiging public servant.  


Paliwanag niya, “Siguro the hardest part is, sa public service kasi, napag-usapan namin, alam naman natin na ‘di madali ‘yung general, na marami kang makakahalubilo. Marami kang makakausap.  


“Pero ang pinakamahirap siguro is finding the balance para sa lahat ng gustong (gawin), kasi there are certain (people) na may hinihingi. Hindi ko pa narinig, may ilang sektor na ang humihingi ng assistance para sa kanilang proyekto.  


“Para sa ‘kin, ang pinakamahirap is marami kang gustong gawin para sa mga Batangueño, to be perfectly honest, s’yempre, limitado ka rin sa budget mo.  


“So, pinakamahirap ay susubukan mong i-satisfy lahat ng mga distrito, lahat ng mga barangay. Pero ang pinakamaganda is alam ko kapag magkakasama kami, hindi ako mag-isa na magseserbisyo sa mga Batangueño.”  


‘Yun na!



SA nasabing event ay nakilala namin ang bagong P-pop girl group na Eleven11 na mina-manage ng Mentorque Productions ni Bryan Diamante a.k.a. Bryan Dy.

Isa ang Eleven11 sa mga performers sa Barako Fest last Thursday and on Saturday (Feb 15).  


Ang name ng six girls ng Eleven11 ay sina Swaggy, Ivy, Barbie, EJ, Audrey, at Jade.  

Si Swaggy ay sumali sa BPop Idol na pa-contest sa dating noontime show na Tahanang Pinakamasaya (TP). 


Tinanong namin sila kung ano ang kaibahan nila sa ibang girl groups.  

Sabi ni Ivy, “Our difference po from other girl groups is we are embracing each other’s authenticity. So, may kani-kanya po kaming strength, which is a good thing. Others are good in singing, others are so good in dancing, others are so good in rapping. So, I think this is what makes us unique as a group.”  


Dagdag ni EJ, “And even our styling ay very different from other groups.”  

Gusto raw nilang maka-collab si Sarah Geronimo, ayon kay Audrey, na kung hindi kami nagkakamali, isa sa grupo ay back-up dancer ni Sarah sa kanyang mga concerts.  


Anyway, maganda ang paliwanag kung bakit Eleven11 ang name ng group. Pero may paliwanag din ang mga girls kung bakit ‘yun ang napiling name nila. 


“Lahat po ng girls dito, eto po ‘yung ultimate dream namin, that’s why Eleven11, kasi this is us. Our dreams, naging totoo po,” esplika ni Ivy.  


Most of them, kundi man lahat, ay members ng sikat na SB19 ang crush, like Stell. Kaya wish din nila siyempre na maka-collab ang SB19.  


Abangan ang Eleven11 ngayong 2025.  


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 14, 2025



Photo: Ara Mina - Instagram


All-out support si Ara Mina sa bagong “baby” nila ng kanyang mister na si Dave Almarinez. Ang baby na tinutukoy namin ay ang PeekUp, the newest and very first Pinoy-owned ride-hailing app.  


Hindi lang partners-in-life sina Ara at Dave kundi pati sa business din.  

Ayon kay Ara, “I’m the ambassador of PeekUp. I’m a believer of PeekUp. Uh, isa ako sa nag-push talaga na ituloy itong PeekUp. Uh, kasi sabi ko, kaya nating lumaban. I believe na kaya ng Pilipino na magkaroon ng ating sarili nating ride-hailing app.”


Unlike other married couples na pumasok as business partners na asiwa sa isa’t isa kapag working together, mas komportable raw si Ara na mag-work sa business kasama ang kanyang mister na si Dave.  


“Kasi, I let him decide at ang maganda naman kay Dave, he’s open for suggestions. He asked me and then, sinasabi ko sa kanya ang opinyon ko. But at the end of the day, siya pa rin ang magde-decide, ‘yung last say. Pero kumbaga, ako ‘yung isa sa pusher. Pusher na ako. Pusher ng PeekUp,” pahayag ni Ara nang makausap namin after ng ribbon-cutting ceremony ng bagong office ng PeekUp sa BGC, Taguig City.  


Si Ara raw ang ‘heart’ o puso ng PeekUp dahil siya ang nag-encourage kay Dave na ituloy ang bago nilang business.  


Bukod sa business nila ni Dave, producer din si Ara, “Yes, I am also a producer. I have my own production company. ‘Yung last concert ko, I produced it and I co-prod (production) also. Pero hindi pa naman sobrang daming projects.


“I produced one film long time ago, title is Ate with Cristine Reyes. So, parang binalikan ko lang s’ya. So, wala pa ako sa movies. Hopefully, mabalikan ko ulit ‘yun. Uh, one at a time muna,” sabi ni Ara.  


At the same time, nag-aartista pa si Ara, ha! 


“Honestly, ngayon nga, may mga kumukuha pa sa ‘kin na mag-guest. Okey, sabi ko, puwede pa naman. Kasi may campaign period, eh. Sa May, I cannot appear on TV na during the campaign period.


“Sige, tapusin lang natin ‘yung kampanya then we’ll get you. So, thankful naman ako that they’re still there kahit nagka-campaign ako, kahit nasa politics ako. They still want to get me,” lahad ni Ara.  


Sa dami ng ginagawa ni Ara, bukod pa sa pagiging misis at ina, alam niya kung ano ang kanyang priority this year.  


“Well, itong PeekUp, bahala na ang asawa ko dito. Basta nandito lang ako sa tabi niya,” sagot ni Ara.  


Nagsasalita pa si Ara habang iniinterbyu namin siya nang biglang lumapit si Dave at inabutan siya ng tatlong blue-stemmed flowers sabay bati ng “Happy Valentine’s Day” sa kanyang misis.  


Pagpapatuloy ni Ara, “He knows naman na ang focus ko now is my campaign. But s’yempre, umuuwi pa rin ako sa bahay. Nagkikita pa rin naman kami. ‘Yun nga lang, natutulog na lang kami, nag-uusap. Tapos, maaga kami gigising. 


“But, uh, natatapos naman ang campaign and we’re hoping na ma-achieve namin ang gusto

naming ma-achieve para marami pa kaming matulungan. 


“Uhm, siguro ito na ‘yung purpose ko in life, ‘yung calling ko. Ano naman, eh, time management lang naman. Basta may time sa pamilya, may time para sa constituents, may time para sa business.


“Yes, minsan kulang ang 7 days. Pero if you love what you’re doing, you can manage it properly.”


Since binati na siya ni Dave, we asked Ara kung ano ang plano nila ngayong Valentine’s Day.  


“Naku, alam mo, ‘di pa namin napag-uusapan. Busy-busy sa PeekUp and then, meron din kasi akong… mamimigay ako ng bulaklak sa aking mga constituents sa Pasig. So, maybe sa gabi kung saan kami mapadpad dahil maraming reservation ‘yan, for sure,” tsika ni Ara.  

Baka i-surprise siya ni Dave sa mismong araw ng Valentine’s Day?  


“Ewan ko. Mahilig ‘yan mang-surprise sa ‘min, eh. Kasi ako, ‘di ako makapag-surprise kasi mas matanong siya sa akin. Ako, ‘di ako matanong sa kanya kaya nasu-surprise ako. Kaya madali akong i-surprise. Ako, ‘di ko siya madaling i-surprise kasi mabubuko n’ya ako agad.

Saka ‘di ko kayang, ano, sabihin ko nandito ako, lumalaki butas ng ilong ko,” natatawang sambit ni Ara.  


Naku, posible kaya na may mabuo nang baby sina Ara at Dave after ng Valentine’s Day?  


Sabi ni Dave, “Narinig ko na ‘yung plano niya. Kailangan gawin na lang. Gawin na lang para mangyari na,” habang tawa nang tawa si Ara.  


Singit naman ni Ara, “Hindi na pinaplano ‘yun. Kung mangyari ‘yun, mangyari na lang.” 

So, puwedeng mabuntis si Ara this year?  


“Puwede. Oo, puwede ‘yun,” mabilis na sagot ni Dave. 


Sey naman ni Ara, “Puwede naman.” 


Anyway, inilunsad ang bagong PeekUp Executive Rides sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport.


Idinisenyo para sa ‘kaginhawahan, kagandahan, at kadalian’, ang mga pasahero ay makakapag-book ng premium rides sa PeekUp’s BMW X5 & X—diretso mula sa airport hanggang sa iyong tahanan o alinman sa iyong lokasyon sa loob ng Metro Manila.  


Itaas ang iyong karanasan sa paglalakbay sa Executive Rides ng PeekUp at maging isa sa mga unang makaranas ng “all-Pinoy ride-hailing service!”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page