top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 21, 2025



Photo: Paulo at Kim Chiu - My Love Will Make You Disappear


Naiyak si Kim Chiu sa grand mediacon ng first-ever movie nila ni Paulo Avelino, ang My Love Will Make You Disappear (MLWMYD) pagkatapos ipakita ang iba’t ibang poster ng movie na gagamitin sa bawat bansa para sa international screening ng latest movie ng Star Cinema.


“Nakakaiyak,” sabi ni Kim. 


“Parang sobrang laki ng movie and sobrang thank you sa Star Cinema for giving us this story. And, sa pagpapalabas sa international release na iba-iba ‘yung poster, ‘yung effort ng lahat, nakaka-overwhelm,” ani Kim sa paos na boses habang nagsasalita and at the same time ay naiiyak. 


Para kay Kim, puwede naman daw na isang poster na lang ang gawin para sa movie nila ni Paulo.


“Pero iba-iba bawat bansa. (At) ‘Yung nakasulat pa, ‘di ko naintindihan kaya siguro naiyak ako. Pero, thank you. At, thank you rin sa ‘yo (Paulo), nangyari ‘to,” sabay tapik ni Kim sa balikat ni Paulo at napangiti.


Iba rin ang naramdaman ni Paulo nu’ng makita ang iba’t ibang latag na design sa poster ng MLWMYD.


Ayon kay Paulo, “Uh, honestly, very excited din. Medyo gulat din. Uh, hindi ko in-expect na ganoon karaming bansa ilalabas ang pelikula namin. Pero I’m very happy and very proud. Very happy for Star Cinema and everyone who worked on the film.


“Uh, actually, sa ‘kin kasi, ‘pag nakakaisip ako ng pelikulang ginagawa ko, hindi ko naaalala ang performance ko or ‘yung ganda ng cinematography. Ang naaalala ko lagi, ang lahat ng tao na nagtatrabaho sa likod ng pelikula. And kung maging successful itong pelikula — sana, maging successful itong pelikula — of course, ito ay para sa lahat ng tao na nagtrabaho sa likod ng kamera at naglako nitong pelikula. So, para sa inyo ‘to.”


Naiibang kilig ang hatid ng MLWMYD, hindi lang sa KimPau fans. Kasi naman, trailer pa lang, parang tinotoo na nina Kim at Paulo ang mga nakakakilig na eksena nila sa movie.

“A lot of times,” pag-amin ni Paulo when asked kung totoo na ang kilig na naramdaman nila ni Kim sa isa’t isa.


Aniya pa, “I think because minsan kasi, kailangan as an actor, kailangang totoo ‘yung nararamdaman n’ya, ‘yung inilalabas niya na emosyon para ‘pag pinanood ng mga tao, maniwala sila sa gusto n’yang ipakita sa kanila.”


Based on Paulo’s track record sa kanyang naging leading ladies, parang pinakapaborito niya si Kim. May special reason malamang kung bakit si Kim ang pinili ni Paulo na makapareha sa kanyang latest movie.


“Maraming rason, eh,” pahayag ni Paulo. 


Aniya, “Hindi pa kami nakakapagpelikula together. Uh, tapos, rom-com din. Parang ‘di pa ako nakakagawa ng rom-com na pelikula with me starring in it. Saka si Kim, si Kim naman ‘yun, eh. Madali s’yang katrabaho and exciting din naman ‘yung concept. Tapos nalaman ko si Direk Chad (Vidanes) ulit. Tapos, istorya ni Prime, kaya na-excite rin akong gawin.”


Never nga raw in-expect ni Paulo na magiging close sila ni Kim.


“Actually, ‘di ko ine-expect na makakatrabaho ko si Kim. But I wanted to work with her. Ah, ‘yun, never ko talaga in-expect. Kasi parang after a while, naiba na rin ‘yung tahak ng mga gusto kong gawin. So, hindi ko alam na kay Kim pala ang bagsak ko,” kasunod ang malakas na sigawan ng KimPau sa loob ng Dolphy Theater kung saan ginanap ang mediacon ng MLWMYD.

Esplika naman ni Kim, “Uh, ‘di talaga. Kasi hindi ko alam kung paano siya kakausapin, eh. Parang ang layo niya talaga, eh. Ngayon may hampasan na, ganu’n. Kasi tatlong projects na rin naman ang pinagsamahan namin. And na-experience na rin namin ang iba’t ibang klase ng intensity ng pag-arte. Kailangang kilalanin mo rin ‘yung kaeksena mo, kaya nagiging close talaga kayo.”


Kasama rin sa MLWMYD sina Wilma Doesnt, Lovely Abella, Benj Manalo, Migs Almendras, Nico Antonio, at Martin Escudero.



BACK-TO-BACK episodes ang record-breaking online views ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ), matapos itong magtala ng 852,417 peak concurrent views o sabay-sabay na nanonood nang live sa Kapamilya Online Live sa YouTube nu’ng Pebrero 19.


Tinutukan sa naturang episode ang matagal nang inaabangang pambubuko at pagpapahiya kay David (McCoy De Leon), isa sa mga pinakapinanggigigilang kontrabida sa telebisyon. 


Sa harapan mismo ng pinaka-iniidolo niyang tatay na si Rigor (John Estrada), walang prenong ibinulgar ni Marites (Cherry Pie Picache) ang lahat ng panlolokong ginawa ni David bilang pekeng Tanggol (Coco Martin) upang maangkin ang buong kayamanan ng mga Montenegro.


Samantala, kinapitan din ng mga manonood ang salpukan nina Tanggol at David noong Pebrero 18 kung saan nagtala ang episode ng 818,949 peak concurrent views.


Nakatikim na rin si David ng karma niya nang maiwan itong bugbog-sarado kay Tanggol matapos nitong malaman na ninakaw ni David ang kanyang pagkatao.


Ang dami pang aabangan na maaaksiyong kaganapan sa mga susunod na episodes, at isa na rito ay ang tapatan ng mga mortal na magkaaway dahil susugod sina Ramon (Christopher De Leon) at Tanggol sa Quiapo para maghiganti sa mag-amang David at Rigor.


Nitong Pebrero 13, ipinagdiwang ng BQ ang ikalawang anibersaryo ng serye. Malapit na ring makilala ang mga bagong karakter sa serye na mapapanood gabi-gabi.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 20, 2025



Photo: Keanna Reeves - IG


Hindi pinalampas ni Keanna Reeves ang very successful comeback ni Arnell Ignacio sa concert scene via Timeless…Music & Laughter (TM&L) sa Century Park Hotel last Saturday, February 15.


Knows sa showbiz na close friends sina OWWA Administrator Arnell at Keanna.

After the concert, nakatsikahan namin si Keanna kasama ang Kapuso artist na si Scott Lomboy. Kinumusta namin kay Keanna ang isa pa niyang beshie sa showbiz na si BB Gandanghari na dating si Rustom Padilla.


Hindi pa raw sila nagkita ni BB since bumalik ng Pilipinas ang kapatid ni Sen. Robin Padilla. If ever magkita raw sila ni BB, umaatikabong tsikahan daw ang mangyayari.


Natanong din namin si Keanna sa nangyayari sa showbiz sa pagkakasangkot ng ilang female celebrities na na-scam sa beauty products company.


“Ay, ‘yung mga na-scam? Oo nga, ‘no. Sabi nila ‘yung mga nai-scam, matatalino. Tapos ako, binansagan ninyong b*bo. Pero never ko na-experience ma-scam kasi segurista ako, eh. Kasi mukha akong pera, eh. Ang tatalino ng mga taong ‘to, bakit nai-scam sila?” emote ni Keanna.


Another hot issue sa showbiz ngayon ay ang pandyodyombag ng ex ni Karla Estrada na si Jam Ignacio sa fiancee nitong si DJ Jellie Aw.


“Bago pa mangyari ‘yun, ako muna. Unahin ko muna dyombagin. Siguro ano, ‘di naman natin makokontrol ang temper natin, ‘di ba? Lalo na ‘pag selos. Hindi naman natin sila ma-judge kung bakit nila nagawa ‘yun. Ano lang siguro, suwerte-suwertehan lang, may taong nanakit at merong hindi. Hindi naman mananakit ‘yan ‘pag nanliligaw pa. Doon mo lang malalaman ‘yan ‘pag kayo na,” diin ni Keanna.


Una raw siyang naging biktima ng pananakit, kaya siya lumayas sa kanyang ex-husband.  


“Bugbog girl din ako. Ako ang pioneer d’yan kaya alam kong hindi biro ‘yan,” dagdag pa ni Keanna Reeves.


More pa? No more na! 

AKTOR-PULITIKO, DATI RAW CALLBOY SA ERMITA BAGO NAGING HOSTO SA JAPAN


BLIND ITEM:

PINAGPIYESTAHAN ang post sa X (dating Twitter) kahapon tungkol sa apat na  aktor na hindi na namin papangalanan dahil below the belt ang mga isyung ikinakabit sa kanila. 


Ayon sa post, “(Actor-politician na ex ng aktres-politician), mabaho ang hininga, talac (sabi) ng kaeksena! - (Tsinitong aktor) nagtatago sa Japan??? - At si actor-politician is an OG hosto! Japan-Japan sagot sa kahirapan! - (Magaling na aktor) napakasarap ng kili-kili!!!”


Kani-kanyang hanash ang mga netizens sa mga aktor na nabanggit sa comment section. Unahin na natin ang actor-politician.


Sey ng mga netizens: “At before pa naging hosto si ___, callboy ‘yan before d’yan sa Ermita.

“Una pa sa mga double na sinehan ng T___ nu’ng araw, parang Alta ng Cubao nu’ng 90s… ‘yung tumatabi sa mga beki at nag-aalok ng movie ni Brillante Mendoza (joking emoji).”


“Dedma du’n sa rest… focus ako sa kilikili ni ____ (magaling na aktor) at V line (lower torso). Hahaha!”


Then, ang tsinitong aktor naman ang binanatan, “______ IS CONSIDERED A FUGITIVE NOW. ‘KAKALOKA!”


Parang ‘di naman kami makapaniwala sa aktor-pulitiko na ex ng actress-politician dahil in fairness sa kanya, mukhang lagi naman siyang mabango. 

So, there.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 17, 2025



Photo: Keanna Reeves - IG


Type ni Keanna Reeves na ma-meet personally and much more makasama sa proyekto, if given a chance, si Kelvin Miranda.  


Gusto ni Keanna na makatrabaho ang mas batang aktor ngayon.  


“Like Jak (Roberto)? Oo nga, ‘no, single si Jak. Dati gusto ko si Jak din. Pero parang nagkaedad na rin,” tsika ni Keanna nu’ng makausap namin pagkatapos ng successful concert na Timeless… Music & Laughter (TM&L) last Saturday.  


Sino ang gusto niyang makapareha na mas batang aktor?  


Sagot ni Keanna, “Ang bago ngayon, si Kelvin Miranda, ‘di ba? Kasi ‘di ba may labakara s’ya na dala-dala? Hahaha! ‘Yun kasi ang nag-trending, ‘di ba?”  


Ang tinutukoy ni Keanna ay nu’ng may picture na lumabas si Kelvin kung saan bakat na bakat ang kanyang ‘harapan’.  


Sa ngayon, ayaw na ni Keanna na lumabas sa pelikula na nagpapaseksi.  

“Kasi ang mga tao ngayon, judgmental, eh.  


“Parang tapos ka na sa era na ‘yan, tapos makikita ka ng new generation, ganu’n ka pa rin.  


“Parang, ‘Idol ng nanay ko ‘to, ah.’ Parang ‘Crush ‘to ng tatay ko, ah.’ Parang ganu’n. Ang pangit! Parang respeto mo na lang sa sarili mo ‘yun,” diin ni Keanna.  


Samantala, hindi pa raw sila nagkikita ni BB Gandanghari. Tiyak daw na umaatikabong tsikahan ang magaganap ‘pag nagkita sila.  


“Ano'ng pag-uusapan namin? Kabaklaan! Hahaha! Mga kalalakihan. Ayaw naman namin ng boring na topic, ‘no? Gusto namin, masaya lang palagi,” sey ni Keanna Reeves.  

‘Yun na!



MAY mga bago na namang pasabog ang action serye ni Coco Martin na FPJ’s Batang Quiapo (BQ) sa bagong yugto para sa ikatlong taon nito.


Kamakailan lang ay inanunsiyo ang bagong cast members tulad nina Andrea Brillantes, Jake Cuenca, Angel Aquino, Albert Martinez, Chanda Romero, Celia Rodriguez, at marami pang iba.


Para kay Andrea, inamin niya sa isang interbyu na nape-pressure siya sa pagsalang sa isang bigating cast.


“I am feeling a bit pressured, pero I am more grateful than I am pressured. I will use that pressure as motivation to be better kasi iba ang experience dito sa BQ. Matagal ko nang inire-request na gusto kong mag-action.”


Very thankful naman si Jake na muling makatrabaho si Coco matapos nilang magsama sa ilang Kapamilya teleserye noon na tinangkilik ng mga manonood.


Habang proud din ang veteran actresses na sina Chanda at Celia na mapabilang sa napakahalagang serye at excited na rin sila na makaeksena si Coco. 


Mapapanood ang three-part special ng Tatak BQ: The FPJ’s Batang Quiapo 2nd Anniversary Special sa Facebook (FB) pages ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN at sa YouTube (YT) channel ng ABS-CBN Entertainment.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page