top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 25, 2025



Photo: Kris Aquino - IG


“Not yet fit to work,” ang deklarasyon ni Kris Aquino sa kanyang latest post sa Instagram (IG).


Nagbigay ng update si Kris tungkol sa kanyang health condition para sa kaalaman ng lahat, especially sa mga nag-e-expect na babalik na siya sa showbiz.


Pumutok kasi ang balitang okey na si Kris at niluluto na raw ang show na kanyang lalabasan, and that she’ll be hosting again on television.


Pero mukhang hindi ito matutuloy as of now, base na rin sa pagdedetalye ni Kris ng kanyang health condition on her latest IG post.


Sabi ni Kris sa kanyang IG post, “Dr. @rainiertanalgo (he’s my pain management doctor), and Dr. @hazeldavidmd. I haven’t posted anything because I didn’t want all those praying for me to feel sad & lose their faith.


“May I clarify? I'm not yet ‘fit to work’ because I’m very underweight 37 kilos/82 pounds. My deal with my team of doctors (Dr. Jombi, Dr. Jonnel, @drkatcee who is now mourning the loss of her father, and Dr. Rainier) is that my WBC doesn't fall below 5.5 for 4 straight weeks, my hemoglobin improves to at least a 9.5 (my anemia is both hereditary & nutritional); and my weight holds steady at 90 pounds/40.8 kilos.


“Previously I enumerated 1. Autoimmune Thyroiditis; 2. Chronic Spontaneous Urticaria; 3. EGPA: a rare, life-threatening form of Vasculitis; 4. Systemic Sclerosis; 5. Lupus/SLE; and 6. Rheumatoid Arthritis as my diagnosed autoimmune disease. Added to that list is 7. Fibromyalgia. I have been exhibiting confirmatory symptoms for 8. Polymyositis as well as 9. Mixed Connective Tissue Disease.


“Bimb said: Mama, you belong in X-Men because you’re a mutant. Those closest to me now joke - May nadagdag na naman ba sa autoimmune collection mo?’


“My ready reply is: CryBaby for now ang hino-hoard ko... kung kilala n’yo ko, songs I choose reveal feelings I prefer not to elaborate on.


“Having complicated autoimmune diseases and being allergic to all NSAIDs, steroids, pain relievers, as well as antibiotics and Immunoglobulin Therapy, many times the physical pain is overwhelming.”


‘Yun na!



PURING-PURI ng mga bida ng pelikulang The Caretakers (TC) na sina Iza Calzado at Dimples Romana ang isa’t isa.


Sa ginanap na mediacon ng TC ay natanong sina Iza at Dimples sa working relationship nila sa set ng latest movie nila under Regal Films and Rein Entertainment Productions na ipapalabas na sa Wednesday, February 26.


Pahayag ni Dimples, “Sabi siguro ni Lord, ‘Ay, pagtagpuin ko kayo ni Iza. Kasi wala kang time makipagkaibigan ngayon, ‘di ba?’


“So, ilagay ko ‘yung puwede mong maging kaibigan sa trabaho para masaya, oo. So, sabi ko,

‘Ay, ang ganda, Lord. Thank you, Lord, para sa regalo na makasama ko si Iza.’


“Kasi every time she would say and I always asked tips from you (Iza), ang ‘di n’ya alam I always watch her kahit na medyo tulog po ako. Kasi lagi po akong tulog sa set. Hahaha!

“I have been renewed as a mother because of her new energy. It’s really the effort of Iza that I admired the most because of common respect on set.


“Tama si Iza when she said na kailangan gagabayan mo ang artista kasi minsan hindi mo alam kung gusto ba niyang mag-shine ngayon. Or gusto ba n’yang magbigay?


“Ako naman marespeto ako sa ganu’n kasi lumaki ako sa mga beterana. Kaya alam ko magbigay. ‘Yan ang pinakamagaling ako, sa totoo lang, ang magbigay. 


“‘Yun ang gift ko kasi I don’t know anything else. I grew up in this business and when you grew up to be a support character, you always remind yourself to know your place. 


“This is where I am at. And being a support doesn’t mean you’re on the sideline. You hold up those who are supposed to shine at that moment. 


“And then, you wait for your moment to come. For me the biggest gift of this film is that Iza and I work as a team. Nobody wanted to outshine one another and that’s why and that’s what you can see on the film. Makikita mo, eh. 


“Kaya nu’ng tiningnan ko, ang ganda. Ang sarap magsayaw ‘pag ang kasayaw mo, hindi nananapak  ng paa.”


Kaya para kay Dimples, nadagdagan siya ng  bagong kaibigan or BFF sa showbiz sa katauhan ni Iza. 


Hindi naman lingid sa marami na super BFF ni Dimples sina Angel Locsin at Bea Alonzo.


Anyway, parehong naniniwala sina Iza at Dimples na may chance ang movie nila na kumita sa takilya after watching TC during the special red carpet screening of the said movie.


In fairness, maganda talaga ang The Caretakers kaya huwag palampasin sa sinehan.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 24, 2025



Photo: Robi Domingo - Instagram, Pilipinas Got Talent


Pinagbantaan si Robi Domingo ng basher niya sa socmed (social media) kahapon. It turned out na fan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang netizen na nag-post ng pagbabanta kay Robi.


Comment-post ng netizen, “@iamrobidomingo ay subukan mo lang na i-match si @donny at @bernardokath ready ready and solid supporters ni Belle Mariano na ibash ka mula ulo mo hanggang paa. ‘WAG MO I-TOLERATE ‘yung KALANDIAN ng peste mong kaibigan.”


Hindi pinalampas ni Robi ang pagbabanta sa kanya ng netizen.


Reply ni Robi, “Can I consider this as a threat? Can I take legal actions against this? I don’t tolerate this behavior.”


Nagmula ang pagbabantang ito kay Robi ng parang fan ng DonBelle sa tsikang may gagawing proyekto si Donny with Kathryn Bernardo.


Magkasama sina Kathryn at Donny bilang mga hurado sa nagbabalik na Pilipinas Got Talent (PGT) sa telebisyon.


At the same time, ipapareha naman daw ang kalabtim ni Donny na si Belle Mariano sa baguhang si Robbie Jaworski.


Sey ng mga netizens:


“Ang kitid talaga ng mga utak, sana ‘pag fans, be good examples, not bashers.”

“Minsan ‘yung ibang fans hindi lang showbiz at sports, eh, sumosobra rin. Feeling nila they own that person and can dictate their life. Yes, you support them pero we should know our limits.”


“Mga fans ng DonBelle nagkakalat. Bakit takot na takot sila?”

Idinenay naman ito ng ibang DonBelle fans.


“‘Di ‘yan fans ni Belle for sure, fan ‘yan ng iba na gustong siraan si Belle.”

“Nagpapanggap lang ‘yan na fan ni B or DonBelle. We real fans don’t tolerate such behavior.”

Sabeee?



BISING-BUSY ang napakaseksing si Ara Mina sa pangangampanya. Bukod kasi sa kanyang kandidatura sa Pasig City bilang councilor, tumutulong din siya sa kampanya ng kanyang mister bilang isa sa mga nominees ng Turismo Partylist.


Binansagang “Turismo Beauty” at ambassador si Ara Mina. At noong nakaraang weekend ay bumisita sa probinsiya ng Davao Oriental si Ara kasama ang Turismo Partylist nominees na sina Wanda Tulfo-Teo at Dave Almarinez.


Naging matagumpay at puno ng saya ang naturang homecoming sa probinsiya ni Teo. Ito ay dinaluhan ng kanyang mga kapwa-Davaoeño at supporters ng kanilang partido.


Naghandog ng isang concert sina Ara Mina at ilang artists sa matagumpay na homecoming.


Kasabay nito ay pinasyalan din nina Dave at Ara ang Mansalay, Oriental Mindoro. Warm welcome rin ang natanggap ng mga ito kaya naman ganadung-ganado ang kanilang grupo na mag-ikot pa sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas nitong mga susunod na araw.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 22, 2025



Photo: Romnick Sarmenta


Walang ibobotong kandidatong artista ngayong eleksiyon ang aktor na si Romnick Sarmenta. ‘Yan ang kanyang deklarasyon sa isang mahabang post niya sa kanyang socmed (social media) account recently.


Panimula ng post ni Romnick, “Oo. Artista ako. Ito ang aking kinamulatan... apat na gulang ako ng magsimula. 


“Hindi. Hindi ko ginamit ang kahit na sino... natutunan kong mahalin ang sining na nagpalaki, at sa isang banda’y tumulong sa paghubog ng aking pagkatao.


“Marami akong nakasama at nakasalamuha. Maraming taong nakilala at nakalapitan ng loob... ang mabubuting taong nagpaalala sa ‘kin na ‘di ko kailangan magpadala sa agos ng mga hiyaw at sa kasikatan. Mga taong nagmalasakit na lumaki ako ng tama.


“Mga taong nagbahagi ng kanilang pananaw sa maraming bagay. Mga taong hinahangaan ko at minamahal dahil sa kanilang paninindigan at prinsipyo... mga bagay na may halaga sa aking puso. Marami rin sa kanila ang nawala na. Ngunit ang mga aral ng kanilang gawa ay buhay.”


Dahil daw sa kanila kaya hindi naniniwala si Romnick na dapat tumakbo for public office ang mga sikat. 


“Hindi patas ang laban... lalo na’t pondo ang pangalan. Kilala sila, ‘di alam ang pangalan ng kalaban.


“Kilala sila... oo. Pero ‘di ito batayan ng kagalingan sa pagpapaunlad ng bayan,” esplika niya.


Pagpapatuloy pa ni Romnick, “Hindi rin ako mag-eendorso ng kahit na sino. Alam ko kung sino ang mga pinili ko. Wala, walang artista sa kanila.


“May mga artistang nanungkulan sa lokal na pamamahala. Isa lang ang gagawin kong ehemplo,” aniya, at iyon daw ay ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.


“Si Ms. Vilma Santos. Wala akong narinig o nabalitaang hindi maganda. Bagkus, lahat ng nasasakupan n’ya sa Batangas na nakausap ko’y masaya sa kanyang panunungkulan at serbisyo.


“Gugustuhin ko bang magsilbi si Ms. Vilma Santos-Recto sa Senado? Sa taas ng paggalang at paghanga ko sa kanya bilang tao...

“Hindi.


“Ayoko s’yang mapalibutan ng mga buwitre at lobo,” pagtatapos ni Romnick.

Marami ang pumuri kay Romnick sa kanyang paniniwala at desisyon. Sey ng mga netizens…


“Childhood crush is crushing this! On point!”


“In a world full of actors turned clown politicians, choose a Romnick.”


“Proud of you and been rooting for you since you were 4, little Peping. And now that you have come of age, I’m glad that you are not tarnished by the rotten system in the industry and I’m proud of your stand in politics. We’re on the same boat. Keep on expressing your thoughts!”


Kahapon ay may kasunod na post si Romnick sa X (dating Twitter). 


Sabi ni Romnick, “Ang pagmumura ay usal ng mga kulang ang kakayahang mangusap ng wasto. Ng kawalan ng paggalang at pagsino. Ng kawalan ng hiya sa sarili at kapuwa. Simbolo ng paniniwalang nakakaangat sila sa iba. Ng kayabangan, ng kababawan. At ang pinakamalupit... ng kakulangan.”


Sey dito ng mga netizens…“100 porsiyentong tama!”


“Very on point.”


“Aaminin ko, ito ang artista na ‘di ko hinangaan sa sining, subali’t malaki ang aking respeto at paghanga sa kanya bilang mamamayang may malasakit sa bayan (heart emoji).”


May nag-request naman kay Romnick na i-translate sa English ang kanyang post, “English please….”


Ni-reply-an ito ni Romnick ng, “In short.... Cursing is the resort of the feeble-minded.”

O, akala n’yo, aatrasan kayo ni Romnick Sarmenta sa inglisan, ha? Bongga!


‘Di pa raw dyowa, dating pa lang…

BAGONG BF NA CAGER NI ANDREA, PINALAGAN NG KAMPO NI KYLE


NAG-REACT ang mga fans nina Andrea Brillantes at Kyle Echarri sa socmed (social media) pagkatapos ma-link ang Kapamilya actress sa isang basketbolista.


Ayon sa aming source, nagagalit daw ang KylDrea sa balitang boyfriend na ni Andrea ang San Beda basketeer na si Samuel Fernandez.  


Hindi pa raw dyowa ni Andrea si Samuel, nagde-date-date pa lang daw ang dalawa.  


Tsika pa ng aming source, pati sa bagong manager ni Andrea na si Shirley Kuan ay ‘di rin nagkukuwento ang aktres regarding her love life. Baka raw natuto na si Andrea at gusto na lang i-keep privately ang tungkol sa kanyang love life.


Incidentally, nag-first taping day na si Andrea sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) last Friday. Sa isang random na barangay lang daw nag-shoot at hindi sa Quiapo.


Belong sa poor family si Andrea at gaganap bilang anak ni Michael de Mesa sa BQ. Habang ang bidang si Tanggol played by Coco Martin ay yayaman na.


Inihahanda na raw ang pagyaman ni Tanggol sa action serye at saka unti-unti nang pumapasok ang new cast ng BQ.


Ang isa pang “alaga” ni Shirley Kuan na si Albert Martinez ay papasok na rin sa BQ. Nakapag-taping na si Albert, pati na si Jake Cuenca.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page