ni Julie Bonifacio @Winner | Sep. 25, 2024
Mabilis na itinanggi ni Priscilla Meirelles na nagkabalikan na sila ng mister niyang si John Estrada. Spotted kasi sa isang car racing event sa Singapore ang ex-couple. May lumabas sa socmed (social media) na picture na magkasama sina John at Priscilla sa event, kaya nag-conclude agad ang mga netizens na nagkabalikan sila.
Ani ng isang netizen, “Magkasama po sila, nakita ko isang post n’ya sa FB (Facebook), kanina lang, kasama si John.”
Maayos na nag-reply si Priscilla sa comment na ito ng netizen, “Work lang po, thanks for understanding (heart emoji).”
After ng reply ni Priscilla ay may nag-comment na netizen, “She is single - not ready to get married, having fun traveling, too many men to choose from!”
May mga ipinost din si Priscilla na pictures nya habang nasa Singapore sa kanyang Instagram (IG).
Caption ni Priscilla, “F1 Singapore Race with my EW Villa Medica Famila Day 1 was a wrap. More to come! (race car and heart emoji).”
Isa sa mga pictures ni Priscilla na naka-post ay kasama niya ang mag-asawang Aubrey Miles and Troy Montero, pati na si John Estrada.
Marami rin ang nakapansin sa pagpayat at pagseksing muli ng katawan ni Priscilla Meirelles, kabilang na si Ruffa Gutierrez.
Ayan, balik-alindog na ang dating beauty queen.
IMPRESSIVE ang background ng baguhang singer na si Joshua Kim. Out na sa mga streaming platform ang kanyang first EP (Extended Play) titled Alone in Melbourne.
Korean ang ama ni Joshua at Fil-Chinese ang kanyang ina. Joshua Kyle Sun-Myung Chio Kim ang kumpletong pangalan niya.
Kuwento ni Joshua, “‘Yung grandfather ko, galing sa Seoul (South Korea). He came here para mag-aral. Then, he met my grandmother. So, I’m one-fourth Korean, ‘di talaga ako nakatira sa Korea.
“Actually, I was born near Chicago, in America. Kaya ano, they call me the United Nations sometimes. Ang dami ng bansa connected to me.”
Sa US siya ipinanganak dahil doon nagtatrabaho ang kanyang mga magulang bilang programmers.
After graduating Summa Cum Laude sa University of the Philippines ng kursong
Bachelor in Computer Science noong 2022, a few months lang ang lumipas ay agad na siyang nagpunta sa Australia to work sa isang start-up company.
“Minsan gumagawa kami ng search engine, AI (artificial intelligence) work. Sa Australia, Melbourne-based company,” lahad ni Joshua.
Pumupunta siya ng Australia once or twice a year lang.
Nagawa ni Joshua ang Alone in Melbourne nu’ng nagpunta siya sa Australia and for the first time ay nalayo sa kanyang pamilya nang ganoon katagal.
“So, ‘yun, uh, feel ko dati, gusto ko mag-abroad, foreign company, ganu’n. Pero pagdating ko d’yan, du’n ko na-realize na na-miss ko ang mga friends ko.
“Na-miss ko ang family ko. Sobrang clingy ko pala. Homesick, ‘yun. Eh, ‘di ba, ang daming OFWs na ganu’n din? Mga Filipinos, very close tayo pero kailangang pumunta sa ibang country para magtrabaho. Tapos ‘yun, feel ko, maraming makaka-relate.
“Kahit wala ka sa Melbourne, kahit nasa Abu Dhabi ka. May mga friends ako sa Singapore, sa New York.
“‘Yung sa akin, one month lang ako sa Melbourne. Alam ko may ibang tao na mas mahirap pa, mas mahirap ‘yung experience nila.”
Ang iba pang songs sa single ni Joshua Kim na Alone In Melbourne ay ang Tempo, Pockets, Breeze at ang Silence Footsteps.