top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 6, 2025



Photo: Direk Brillante Mendoza - FB


Bago umalis ang Cannes Best Director na si Brillante Mendoza patungong Japan para sa Cinema at Sea Okinawa Pan-Pacific International Festival last week, ipinapanood muna niya sa kanyang mga artista ang latest film project niyang Bansa (Motherland).


Dumating sa special screening ng Bansa ang bidang si Rocco Nacino kasama sina Kiko Matos, Richard Quan, Mon Confiado, Jes Mendoza at Joem Bascon.

First time ni Direk Brillante na idirek si Rocco kaya mahaba raw ang naging preparasyon nila bago ginawa ang Bansa.


“Nag-workshop kami. Pinapanood ko sa kanya ‘yung mga films ko, kung bakit ganito ang treatment ko, ganito ako magdirek. I always explain it to them.”

Nag-training pa raw sina Rocco na ang mga nagbabantay ay totoong SAF (Special Action Force) para makuha nila ang tamang kilos at pagsasalita ng grupo.


Balak ni Direk Brillante na ipapanood ang Bansa (Motherland) sa mga kapulisan.

“More than anyone else, para sa kanila ang pelikulang ito, para ma-inspired sila. Sila kasi talaga ang binibigyan ng papuri rito, eh, ‘di ba? Especially ngayon, ang gulu-gulo ng bansa natin, parang wala ka nang makitang maganda.”


Pinasok din daw ni Direk Brillante ang Bansa sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.


“Hindi s’ya napili,” pag-amin ni Direk Brillante. 


“Siyempre, alam naman natin ang requirement ng MMFF, ‘di ba? I mean, hindi naman sa pag-aano, sa palagay mo, kapag ipinasok namin ‘to, dudumugin na kami ng mga tao? I mean, let's be realistic, ‘di ba?


“Unang-una, ang lead ko rito, si Rocco Nacino. Eh, si Rocco, hindi pa s’ya talaga considered na leading box office actor like Piolo Pascual, Alden Richards.


“Actually, ano ‘yun, eh, suntok sa buwan ang ano namin doon. Sabi ko, ‘‘Wag na tayong umasa d’yan.’ And blessing in disguise na rin kasi ang laki ng expenses ‘pag kasama ka sa filmfest. Eh, nakita naman natin ang resulta ng filmfest, wala naman talagang kumitang pelikula.


“No, I mean, in reality, tatlo lang naman ang kumita, ‘di ba? The rest, wala. Kasi, ang mga tao, hindi naman nila alam ang production expenses. Eh, kaming producers, alam namin.


“Itong mga pelikulang ganito kasi, hindi naman naghahangad ng blockbuster kasi I’m just being realistic.


“Unang-una, alam ko ang audience ko. Alam ko ang manonood dito, kaya magpakatotoo ka na lang, ‘wag ka mag-ilusyon,” sabay tawa ni Direk Brillante.



Nag-trending agad sa social media ang mapangahas na karakter ni Andrea Brillantes sa bagong yugto ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ).


Ginawan na agad ng iba’t ibang version ang mga behind-the-scenes video na kuha kay Andrea ng mga bystanders sa set ng BQ habang kinukunan ang mga eksena niya.


Sobrang excited si Andrea sa kanyang career this year. Pagpasok pa lang ng 2025, may malaking teleserye agad siya at bonggang manager.


Ang mahusay at inirerespeto sa showbiz na si Shirley Kuan na ang bagong manager ni Andrea, na nu’ng una ay nagha-handle na rin ng product endorsements ng aktres. 


For the longest time, si Shirley ang manager ng veteran and award-winning actor na si Albert Martinez. Then, after umalis ni Bea Alonzo sa Star Magic ay personal niyang ipinahanap si Shirley para mag-manage sa kanya. Same thing with the award-winning and comebacking actress na si Hilda Koronel.


Pero kahit wala na sa Star Magic si Andrea, ang importante ay nananatili pa rin siya as one of Kapamilya’s prime artists.


Sa unang entrada pa lang niya sa BQ ay nakakuha ng tatlong milyong views sa loob lamang ng 24 oras ang mapusok na eksenang nakasuot siya ng sexy dress habang nakikipaghalikan sa karakter ni Jake Cuenca.


Singtindi ng aksiyon sa hit Kapamilya teleserye ang tapang ni Andrea sa desisyon niyang sumabak sa palaban na karakter. Malayung-malayo ito sa mga papel na ginampanan niya noon.


Wish ni Andrea ay magtagal siya sa BQ na napapanood gabi-gabi, 8 PM, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 5, 2025



Photo: Vice Ganda - FB


Nakalibot na ang Sexy Babe contestant ng It’s Showtime (IS) na si Heart Aquino sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Manila kahapon.


Inilibot si Heart ni Comelec Chairman George Garcia kasama ang iba pang opisyales ng ahensiya.


Ito’y matapos ngang mag-viral ang naging sagot ng contestant sa IS segment na wala siyang alam tungkol sa COMELEC nang matanong ng host na si Vice Ganda kung ano’ng masasabi niya tungkol sa ahensiya.


Iba-iba naman ang reaksiyon ng mga netizens sa pag-tour ng Comelec sa IS Sexy Babe contestant.



Sey ng isa, “This is absolutely ridiculous. Hindi ito ang solution sa educational crisis na meron tayo. Sana may ibang plans para ma-reinforce ang social awareness sa mga kabataan.”


Komento naman ng iba pa, “Dapat pagkatapos ng tour sa COMELEC, may pa-exam! Nang malaman natin kung may natutunan man lang, ‘noh?”


“Sumikat si Accla. LOL (laugh out loud).”


“‘Yung kailangan ka pa i-tour talaga because of ya stupidity, Huhuhu!”

Pinuri naman ng mga netizens ang ABS-CBN at It’s Showtime.


“At ‘yan ay nang dahil sa Showtime, kaya maganda talagang manood ng Showtime, hindi lang s’ya puro patawa, may mga aral at turo ka rin na makukuha.”


“Hahaha! iba talaga magpa-trend ang ABS-CBN, aminin n’yo na!”


“Thank you ABS-CBN, It’s Showtime!”


Samantala, naghayag ng kanyang pag-aalala ang IS host na si Vice Ganda sa educational crisis sa bansa ngayon.


Pahayag ni Vice sa live episode ng IS last Monday, “May educational crisis sa Pilipinas na dapat nating i-address. Gaano na kalaki ‘yung crisis na ito for now?


“Kaya magandang napag-uusapan natin. Alam mo, ‘yan ang napakagandang nangyari for me. Hindi man masyadong masaya, pero at least it started a conversation.”

So, true.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 4, 2025



Photo: Raquel Relucio Pempengco at Jake Zyrus - IG, FB


“Wala akong paki” ang pasaring ng ina ni Jake Zyrus (dating Charice Pempengco) na si Raquel Pempengco sa kanyang mga bashers pagkatapos sumabog ang mga rebelasyon ng kanyang anak sa socmed (social media).


Few hours before namin ginawa ang aming kolum na ito ay may Instagram (IG) Story si Raquel na ipinost kahapon.


Isang masaya, nakaayos at malusog na short video ang ipinost ni Raquel habang sumasayaw na tila nang-aasar sa kanyang mga bashers.


Sa video ay may nakasulat na, “I know the truth that’s why I’m happy.”

May mga mensahe pa si Mommy Raquel para sa kanyang mga bashers sa IG kahapon.

Post ni Mommy Raquel, “Sa lahat ng bashers ko, sige lang, magalit pa kayo, wala pa rin akong pake paki), block and delete lang.”


May inilagay din na caption si Mommy Raquel sa kanyang mainit-init pang IG post: “supermommyraqz ‘PAG AKO ANG NAGSALITA, TALAGANG TOTOO WALANG HALONG SHOWBIZ, KAYA WAG N’YO KО PILITIN. LALABAS ANG KATOTOHANAN SA LIKOD NG PUNO NG KASINUNGALINGAN…”


Dinagsa naman lalo ng bashing si Mommy Raquel sa kanyang mga ipinost mula sa mga netizens.


Sey nila: “Feel n’ya talaga sobrang ganda n’ya, nagmukha kang nagmamantika na baboy! Baboy ang mukha at katawan, baboy pa ang ugali! Sa impiyerno pa rin ang bagsak mo, hayop!!!”


“It's the bothered one who always says that they are unbothered.”


“OBVIOUS NAMAN NUMBER 1 PRIORITY MO IS PERA, HINDI ANAK MO.”


“You're a mother! You’re supposed to protect your child! Why on earth would you take your brother’s side over your own daughter? You deserve every negative thing that happened or ill happen to you. Shame on you.”


“You call yourself super mommy?... What a shame.”

“Supermommyraqz” kasi ang name ng IG account ng ina ni Jake Zyrus.



LUMIKHA ng ingay ang pagkaka-link ni Mark Herras sa singer na si Jojo Mendrez. Marami tuloy ang naghanap at nag-Google, especially ang new generation, kung sino si Jojo.


Unang pumutok ang name ni Jojo sa music industry sa paggawa ng remake ng mga sikat na kantang Tuyo Nang Damdamin ng Apo Hiking Society, Magkaibang Mundo ni Jireh Lim, at Handog ni Florante.


Nag-click ang mga remake na kantang ginawa niya. Hanggang sa nagmarka na ang pangalan niya sa entertainment industry after ng sold-out concert niya sa Newport Performing Arts Theater last 2018.


Sumunod na taon ay nagkaroon siya ng chance na makapag-audition para i-record ang remake ng kanta ng yumaong aktres na si Julie Vega, ang Somewhere In My Past (SIMP).


Sa 100 na nag-audition, isa si Jojo sa tatlong natira na lang na pumasa. At ‘yun na nga, hanggang siya na ang nakuha para i-record ang SIMP.


Pero nu’ng ire-release na ang remake ng awit na ginawa ni Jojo, dumating ang pandemic noong 2020. Kabilang si Jojo sa tinamaan ng COVID-19 virus at kasabay nito ang pagkawala ng kanyang ama, dahilan para itigil muna ni Jojo ang naantala niyang singing career.


After pandemic, agad na inasikaso at tinapos ni Jojo ang recording ng SIMP arranged by Marvin Querido.


Pagpasok ng 2025, ini-release ang kanta at nakakuha ng over 50 million collective views on social media at nanguna rin sa FM radio stations.


Naging maganda ang simula ng taon ni Jojo dahil bukod sa pag-hit ng remake niya ng Julie Vega song na SIMP, pumirma siya ng recording contract sa Star Music.


Unang inilabas ng Star Music ang original song niya na Nandito Lang Ako at kasunod nito ang iba pa niyang compositions and remakes. Isa na raw sa ire-remake ni Jojo na mapapasama sa album niya sa Star Music ay ang Tamis ng Unang Halik na kinanta ni Tina Paner.


Walang duda na 2025 ang taon ng tinaguriang “Revival King” na si Jojo Mendrez. Si Mark Herras kaya ang nagdala ng suwerte sa kanya?

Let’s see.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page