top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 16, 2025





Nagmamadaling nagpunta sa ospital si Cristine Reyes pagkatapos makatanggap ng sunud-sunod na mensahe tungkol sa maselang kondisyon ng kanyang ama.


Mula sa Baguio City ay agad na bumaba ng Manila si Cristine para dumiretso sa World Citi Medical Center sa Pasig City kung saan dinala ang kanyang ama.


Ibinahagi ni Cristine sa kanyang Facebook (FB) Story ang larawan ng kanyang ama na tinakpan ang mukha at may tubong nakapasok sa bibig habang naka-confine sa ospital.


Mensahe ni Cristine sa kanyang ipinost na story sa FB, “Mahal na mahal ka namin, Daddy.

“From Baguio to Manila. Nagising ako sa tawag at texts na nag-agaw-buhay si daddy. Tumakbo agad ako sa ospital para makita kondisyon n’ya. Lumalaban pa rin si daddy, walang imposible.”


Prior to this, sunud-sunod na ang post ni Cristine sa kanyang Instagram (IG) ng mga video na kuha noong binisita niya ang kanyang ama sa bahay nila.


Kagagaling lang din ni Cristine sa pangangampanya para kay Sen. Imee Marcos nu’ng bisitahin niya ang kanyang ama na nakaupo sa wheelchair sa loob ng bahay nila sa Pasig City.


“Dalaw-dalaw muna after magtrabaho. Labas-pasok na lately sa ospital si daddy, kaya kailangan na tutukan. Tagal na kaming naghahanap ng mauupahan dito sa Santolan. Kung may alam kayo let us know,” mensahe ni Cristine sa video na ipinost niya sa X (dating Twitter) last March 6.


Sa naturang video rin ipinakita ni Cristine ang findings ng ginawang lab test sa kanyang ama. Lumabas sa findings na isa sa mga sakit ng ama ni Cristine ay ang kanyang baga.


At sa isa pang hiwalay na post sa X ni Cristine ay picture naman nila ng kanyang ama kasama ang isa pang babae.


Mensahe ni Cristine sa picture, “My ‘tatay-tatayan’ is on bad shape and he needs sunlight.

Ayaw din nila akong umalis dito sa Santolan, kaya we need help kung may alam po kayo na bahay na puwedeng upahan dito lang sa Santolan, Pasig City.”


Samantala, ito ang sagot sa mga nagtatanong kung taga-Pasig City ba ang tumatakbo sa naturang lugar bilang konsehal na si Ara Mina.


May mga kumukuwestiyon kasi sa kandidatura ni Ara sa Pasig City bilang konsehal.


Ayon kay Ara, taga-Pasig ang kanyang ina na kung tawagin sa showbiz ay si Mommy Klenk. Nakabili raw ng bahay sa Pasig si Mommy Klenk noon. At pagmamalaki pa ni Ara, naging Miss Pasig pa ang kanyang ina noon.


Samantala, dasal ni Cristine Reyes ang agarang paggaling ng kanyang ‘tatay-tatayan’.



IBINAHAGI ni Sen. Robin Padilla ang isang tula ukol sa kanyang damdamin sa kasalukuyang kalagayan ni former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) sa kanyang Facebook (FB) post kahapon.


Few days ago ay nabalitang sumunod din si Sen. Robin kay Duterte sa Hague, The Netherlands kung saan nakakulong ang dating pangulo.


Kaya malamang sa Netherlands din na-compose ni Sen. Robin ang kanyang tula.

Sabi sa tula ni Sen. Robin: 


“Habang nangyayari lahat ng ito sa harapan ko, nakaramdam ng bigat at ginhawa ang aking pusong rebolusyonaryo. Tumulo ang luha ng hinagpis at tagumpay.


“Ang Supremo ng adhikaing tapang at malasakit, ang tatay ng disiplina Duterte. Binabasahan ng mga dayuhan sa dayuhang bansa ng mga paratang mula sa ating sariling lahi.


“Isang hinagpis para sa lahat ng mga may puso sa mga matatanda, sa mga nakakaalam at nagmamahal sa kasaysayan at sa mga nakakaintindi ng soberanya, kasarinlan at kalayaan.


“Isang pagkasadlak ang makita ang naging tatay ng Republika ng Pilipinas nakapiit at lilitisin ng ibang lahi sa batas na iginuhit ng iba’t ibang lahi.


“‘Wag n’yo isipin ang aking pagkasadlak at hinagpis ay dulot lamang ng kalagayan ni Mayor ngayon sa edad niyang 80 yrs old


“Mas malalim ang dulot na sugat ang muling masaksihan ang adhikaing Magdalo sa panahon ngayon.”


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 15, 2025





Naibsan nang konti kahit paano ang lungkot ni Angel Locsin sa pagpanaw ng kanyang ama na si Angelo Colmenares upon learning na may iniwan itong gift sa kanila ng kapatid niyang si Ella Colmenares.


Nadiskubre ni Ella na may nakita raw na green bones sa labi ng kanilang ama, ayon sa post sa socmed (social media) ng sister ni Angel.


Kuwento ni Ella sa kanyang socmed account na inilabas ng Inquirer.net, “In Chinese culture, green bones are considered the last gift from the deceased to their family and are viewed as a positive omen.


“The staff from Heritage Chapel arrived with Dad’s urn and something else. A transparent ziplock bag, filled with strange green fragments.


“‘Ma’am, Sir,’ one of them said gently, with a voice that almost sounded like awe, ‘We’ve seen many cremations… but your father had so many green bones. It’s very rare. We almost never see this in others.’


“Our eyes widened in surprise as we peered into the bag. There were so many — maybe fifty or more! Our relatives gathered around, murmuring to each other.


“‘It’s a good sign,’ one said, nodding. ‘Only good souls leave green bones. It means he was a good person, and now, he’s at peace.’


“Another added, ‘Some say it brings luck and protection to the family. In some cultures, families even share the green fragments to keep the good fortune close.’


“Suddenly, what felt like the darkest day became a little lighter. It felt like Dad was still speaking to us leaving a part of himself behind to watch over us. Everyone seemed amazed, as though Dad had left us a final message that he was at peace, and that he left us good luck.

“But me? As they spoke, my mind was racing. Quietly, I took out my phone and searched: ‘Why do bones turn green after cremation?’


“Science had an answer, as it always does. It was a chemical reaction — caused by metallic compounds or by antibiotic residues. There may be antibiotics that Dad had taken during those long days in the hospital, and maybe from the titanium in his ankle from that accident long ago. The high heat and the chemical make-up of his body — all of it combined to tint his bones green.


“Yet, even knowing science, I always believed that our Dad was a good person. I also couldn’t help but think of all Dad had endured just like his bones endured the high heat. All the pain, all the battles he fought that we never fully knew. Maybe the green bones were also a testament to his strength — to a life lived with discipline, love, and sacrifice.


“Just then, Angel stirred awake, her eyes puffy from crying. Someone told her about Dad’s green bones. Her face lit up, like the sun breaking through a storm.


“‘Really? Dad left us green bones?’ she whispered, her voice fragile but filled with wonder. Our brother smiled and nodded, ‘Yes. So many.’


“She was suddenly so happy and proud.


“For the first time since Dad left us, I saw Angel smile a small, gentle smile, but real. Like for that moment, her heart found a little piece of peace.


“I wanted to explain, to tell her about the science, but as I looked at her holding onto that fragile joy, I swallowed my words. I let her believe. I let her be happy.


“Because maybe, in a way, Dad did leave us a gift. Not just green bones, but a reminder of how much he loved us, how much of himself he gave to us while he lived.


“As they carefully placed the green fragments back into the urn, I realized that whether it was science or miracle, what truly mattered was what Dad had left behind in our hearts — lessons of hard work, quiet strength, and love that stayed with us. And for that, we were lucky.”


So, there.



ABANGERS ang mga kritiko ni former President Rodrigo Roa-Duterte sa initial hearing niya sa International Criminal Court (ICC) last Friday. Isa na d’yan si DJ Chacha na very vocal sa kanyang mga political views. 


Post ni DJ Chacha sa X, “Finally Friday! Pero mukhang sa first ICC pre trial mapupuyat mamaya at hindi sa Netflix movie.”


Interested din ang mga followers ni DJ Chacha at karamihan sa kanila ang nagtanong sa comment section ng detalye ng telecast para sa initial hearing ni FPRRD sa ICC. 


Sey nila, “Abangers na lang po ako rito sa X (dating Twitter) kung ano ganap sa pre trial.”

“Hahaha! Teleserye shot entirely in The Hague…”


“Korek po. Nu’ng March 11, sobrang puyat sa pagtutok sa live ng pag-arrest kay FPRRD.”

‘Yun na!

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 14, 2025





Pati si Vhong Navarro ay nabiktima na rin ng pamba-bash sa social media pagkatapos ng mga kapwa niya hosts sa It’s Showtime (IS) na sina Vice Ganda at Kim Chiu.


Binatikos ng mga netizens si Vhong dahil naman sa binasa niyang spiel sa IS na akala ng mga ito ay patutsada sa hinuling dating pangulo na si Rodrigo Roa Duterte.


Ipinost ni Vhong sa X (dating Twitter) ang spiels niya na nakasulat sa script.


“Vhong: What’s up, what’s up, madlang people! Parang may iba sa ngiti n’yo ngayon! Parang ngiting may inspirasyon! ‘Yung ngiting may dahilan ka para bumangon. Ganyan nga, ganyan nga! Sa kabila ng gulo at ingay, sana mahanap ninyo ang inyong dahilan ng paghinga... at ang inyong pahinga! I say…dasurv! (deserve).”


Binigyan ito ng ibang interpretasyon ng mga kritiko ni Vhong at ng IS, kaya naman dinepensahan ng TV host ang sarili sa pamamagitan ng post niya sa X kahapon.


Caption ni Vhong, “Ako po ay nagtatrabaho lang at binasa ko lang ang spiels ko. Wala po akong masamang intensiyon. Love and peace!”


Inayunan ng ibang mga netizens ang sinabi ni Vhong.


“Lagi namang ganyan spiels n’yo sa Showtime. Bakit sila triggered? (laughing emoji).”


“‘Di ba lagi namang ganyan spiels sa mga noontime show? Uplifting and lively dapat ang spiels. Bakit binibigyan n’yo ng kahulugan?”


“Magsitigil nga ang nagbibigay ng kahulugan. Simpleng pagbati, pinapalaki n’yo.”


May mga threats na rin daw na ibinabato sa mga hosts ng IS.


Sey ng netizen, “Grabe ‘yung bashing sa inyo lalo na kay Kim, may death threats pa! ‘Pag ‘yan pinagbabaril na naman ‘yung kotse, kasalanan n’yo ‘yan, @itsShowtimeNa kung anu-anong threats binibitawan nila, sasabuyan ng tubig, ipapa-rape, papatayin sa mall shows!”

Hala! ‘Kalokah!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page